LOGINSa hospital ng St. Luke's- ER
"Hala, umabot na sa 40°c ang lagnat ni Yumi ma'am." sigaw ni Yaya habang buhat buhat niya ito at nagmamadaling ipasok sa ER. Nanginginig ako sa takot. "Doc! tulungan niyo po ang anak ko!" sigaw ko ng makasalubong namin ang doctor. Mabilis naman itong kumilos kasama ang kanyang mga nurses at pinapasok sa ER. IV, Oxygen. Lahat iyon ay sabay sabay. Nakikita ko ang sobrang paghihirap ng anak ko. At kapag nakikita ko ito ay hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. Sobra akong nag aalala para sa kanya. "Mama...tubig.." mahina niyang bulong. "Heto anak," pinainom ko siya gamit ang kutsara. "Gagaling na si Yumi ha? Nandito na ang mommy." bilin ko sa kanya. Tumango tango naman si Yumi. "Mommy, nasaan po si Daddy?" tanong niya ulit. Tanong na pilit kung iniiwasan sa tuwing magkasama kami. Isang tanong na sumisira sa akin araw araw. Umupo ako sa kanyang tabi at kinuha ang kanyang kamay. "Wala pa siya anak, pangako pag gumaling ka na pupuntahan natin ang daddy mo." pag papalusot ko upang hindi na siya muling magtanong. Beep Beep Beep Yung manitor, yung IV at yung amoy ng hospital. Lahat ay nakakasakal at nakakahilo. Pakiramdam ko ang bigat bigat ng dibdib. Limang taon. Limang taon kung kinaya mag isa pero bakit ngayon pakiramdam ko hindi ko na kaya gusto ko may kasama ako. Gusto ko kasama ko si Ethan sa lahat ng nangyayaring ito. Habang pinapatulog ko si Yumi biglang bumukas ang p***o at pumasok si Ethan. Naka itim parin siya ng suit. Gulo ang kanyang buhok at pagod na pagod na para bang tumakbo lang siya para makarating ng hospital. Naagaw naman ang aking pansin ng dala niyang paper bag. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya ng may pagtataka. Hindi siya umimik at dumeretso lamang siya kay Yumi habang titig na titig ito sa kanya. Para bang matagal na silang magkakilala. Nakita ko yung pag igting ng panga niya. Yung pag lunok niya at yung pagkapit niya ng mahigpit sa paper bag na hawak niya hanggang sa mamutla ang kanyang mga knuckles. "She's my daughter," bulong niya. Umiling iling ako. "Hindi, ano bang pinagsasabi mo---" "Don't lie to me, Mia. I know everything about her." Galit niyang sabi. Lumapit siya sa bed at dahan dahan niyang hinawakan ang maliliit na kamay ni Yumi. Habang hawak niya ito ay nagising ito at unti unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. "Daddy?" mahinang bulong ni Yumi. Nagulat ako ng biglang magsalita si Yumi. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko maging si Ethan ay nabigla din at hindi din agad nakapag salita. Tumingin si Yumi sa akin at muling ibinaling kay Ethan ang kanyang tingin na para bang naguguluhan ito. "Ikaw po ba ang daddy ko?" tanong ni Yumi. Lumuhod si Ethan sa tabi ng bed upang magpantay sila ni Yumi. "Yes, Sweetheart. "Ako ang daddy mo anak." Boses na matagal ko ng gustong marinig mula sa kanya. Napapikit na lamang ako. Tapos na ang pagtatago ng katotohanan. Alam na niya ang lahat ng tungkol sa amin ng anak niya. Hindi ko alam kung paano pero wala na akong magagawa kundi tanggapin ang katotohanan na alam na ni Ethan. "Daddy..." umiyak si Yumi at yumakap ito sa kanya. "Masakit po ang ulo ko." paglalambing nito. Hinaplos ni Ethan ang buhok ni Yumi. "Shhh..wag nang umiyak gagaling na yan nandito na ang daddy." bulong niya sabay halik sa noo nito. Ang halik na iyon na limang taon nang inaasam ko para sa anak ko. Ang masayang ngiti na matagal kunang gustong makita sa mga labi ng anak ko ngayon nakikita ko na. Hindi ko alam kung ano ang maramdaman ko nang makitang masayang masaya siya na nasa harap niya ang matagal na niyang gustong makita. Nakatayo lamang ako sa gilid ng bed ni Yumi habang pinagmamasdan silang mag ama nang lumingon sa akin si Ethan. Puno ng galit ang kanyang mga mata habang nakatingin ito sa akin nang bigla itong mag salita. "Sa labas tayo mag usap. Ngayon din." Sampong minuto ang nakalipas at sa Hospital Garden kami nagtungo. Habang naglalakad hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko nang bigla niya akong sinampal. Hindi ganoon kalakas pero sapat para maramdaman ko ang sakit. "Bakit hindi mo sinabi?!" sigaw niya. "Limang taon, Mia! Limang taon kong hindi alam na may anak ako!" sunod sunod niyang tanong. "Sampalin mo ko kung gusto mo!" sigaw ko pabalik sa kanya habang umaagos ang mga luha mula sa aking mga mata. Pero wala kang karapatang magalit at manakit! Ikaw yung umalis! Ikaw yung nangako nang forever tapos ano kinabukasan wala kana!" sigaw ko ng sunod sunod. Pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko sa galit. Hindi dahil sinaktan niya ako kundi dahil ang isiping iniisip niyang ako ang nagloko at inilihim ang lahat tungkol kay Yumi. "Pero nagpadala ako ng sulat! Tumawag ako sayo!" sigaw niya. "Wala akong natanggap na tawag mula sayo! dahil ang totoo nagsisinungaling ka. Wala ka naman talagang ginawa para makausap ako. Para makamusta ang kalagayan ko. Pagkatapos ngayon bigla kang magpapakaama sa anak ko." sunod sunod kung sumbat. Bumuhos ang malalakas na ulan at basang basa kaming dalawa. Nakasandal lamang siya sa pader at hindi iniintindi ang malalakas na buhos ng ulan. "Ilang taon na siya?" tanong niya. "Limang taon, limang taon na siya ngayon." galit na sagot ko. "Ano ang kanyang pangalan?" muli niyang tanong. "Yumi Reyes Castillo." maikling sagot ko. Tumawa siya sa narinig niya. "Castillo? inilagay mo parin talaga ang apelyedo ko?" "Anak natin siya Ethan, at karapatan niya iyon." sumbat ko. Lumingon siya sa akin basang basa yung mukha niya at hindi ko alam kung luha iyon o mula sa ulan. "May sakit ba siya? Ano ang sakit niya?" sunod sunod na muli niyang tanong. "Trangkaso, pero lumala iyon kasi mahina ang immune system niya simula nung ipanganak ko siya. Anim na buwan at premature siya at kinailangan niyang mag undergo sa incubator para makompleto ang buwan niya, Ethan." sagot ko. Napayuko siya ng malaman niya ang lahat ng iyon. Hindi ko alam kung ano ang naramdaman niya pero nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot at pagkaawa niya. "Oo, Ethan, Sobrang hirap nang pinagdaanan ni Yumi. At Sobrang hirap nang mag isa nong mga sandaling iyon. Mag isa akong nanganak. Mag isa akong nagpalaki at mag isa akong umutang para sa hospital bill niya nung na ICU siya ng dalawang buwan." panunumbat ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Para bang hindi siya sumigaw kanina at para bang isang hayop na biglang umamo ang kanyang mukha ng marinig ang lahat ng sinabi ko. "I'm sorry," bulong niya. "I'm so sorry Mia." "Umiling ako." Huli na iyan, Ethan. Huli na ang lahat." pagtutul ko. "Hindi, Hindi pa huli ang lahat Mia," mariin niyang hinawakan ang kamay ko. "Hindi ko na kayo iiwan muli pangako," dagdag pa niya. Tumawa ako ng mapait "Pangako?" Yung pangako mo limang taon na ang nakalipas pero di mo nagawa." "This time promise. Tutuparin ko ang pinangako ko basta bigyan mo lang ako ng pagkakataong makabawi sa inyo." Hinalikan niya ang noo ko at parang gustong maniwala ulit ng puso ko. "Umuwi na tayo," sabi niya. "Dadalhin ko kayo sa bahay ko at ipapagamot natin ang anak natin sa mga pinakamagagaling na doctor." dagdag pa niya. "Ayoko ng awa mo." pagmamatigas ko. Tumingin siya sa akin. Ang mga mata niya ay tíla mas lalong nagdilim, sumasabay sa unti unting paghina ng buhos ng ulan. Lumayo siya ng bahagya sa akin at inayos ang butones ng kaniyang suit. "Hindi ito awa." Tinitigan niya ako. "Pananagutan, dahil pamilya ko kayo." pagtatama niya sa sinabi ko. Nang matapos ang aming pag uusap ay bumalik na kami sa loob. Tulog na si Yumi at naka IV parin ito. Tiningnan ni Ethan yung chart ni Yumi. Tiningnan din niya ang reseta pagkatapos ay agad na tinawagan niya ang kaniyang private doctor. "Admit her to the VIP room, Now. And call Dr. Lim. I want him here in 30 minutes." utos niya. "Yes, Sir Castillo." sagot ng nurse. Lumipas ang ilang sandali at nakalipat na si Yumi sa VIP room. Mas tahimik at mas malawak kompara sa pinanggalingan niya. Umupo si Ethan sa tabi niya at hindi na ito umalis pa. Samantala, umupo naman Ako sa kabilang side ng kanyang bed upang bantayan siya. "Daddy?" bulong ni Yumi habang tulog ito at hinawakan ang mga daliri ni Ethan. "Wag ka nang umalis daddy." bulong ni Yumi habang natutulog ito. Hinawakan din ito ni Ethan at hindi na binitawan. "Don't worry baby, Daddy is here." bulong ni Ethan. Tumingin si Ethan sa akin. "Thank you," bulong niya. "Thank you sa pag alaga sa anak natin." dagdag pa niya. "Trabaho ko iyon bilang isang ina." sagot ko "Na trabaho ko rin bilang isang Ama," sagot niya. "Starting now," dagdag pa niya. Kinabukasan, paggising ko napansin kong may dala nang breakfast si Ethan na para sa akin at para kay Yumi. At mas naagaw ang pansin ko ng makita ko ang isang contract paper na nakalapag sa mesa. Hindi ito kontrata para sa trabaho kundi kontrata para sa kasal. "Marriage Contract to protect our daughter." sabi niya Napatingin ako sa kanya. "Six months lang," sabi niya. "Para kay Yumi at para narin hindi siya masira pag nalaman ng pamilya ko." dagdag pa niya. Pero ng sabihin niya iyon ay napansin kong may lungkot sa mga mata niya. Parang hindi siya sang ayon sa nilalaman ng kontratang binigay niya.Sa hospital ng St. Luke's- ER"Hala, umabot na sa 40°c ang lagnat ni Yumi ma'am." sigaw ni Yaya habang buhat buhat niya ito at nagmamadaling ipasok sa ER.Nanginginig ako sa takot. "Doc! tulungan niyo po ang anak ko!" sigaw ko ng makasalubong namin ang doctor. Mabilis naman itong kumilos kasama ang kanyang mga nurses at pinapasok sa ER. IV, Oxygen. Lahat iyon ay sabay sabay.Nakikita ko ang sobrang paghihirap ng anak ko. At kapag nakikita ko ito ay hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. Sobra akong nag aalala para sa kanya. "Mama...tubig.." mahina niyang bulong."Heto anak," pinainom ko siya gamit ang kutsara. "Gagaling na si Yumi ha? Nandito na ang mommy." bilin ko sa kanya.Tumango tango naman si Yumi."Mommy, nasaan po si Daddy?" tanong niya ulit. Tanong na pilit kung iniiwasan sa tuwing magkasama kami. Isang tanong na sumisira sa akin araw araw.Umupo ako sa kanyang tabi at kinuha ang kanyang kamay. "Wala pa siya anak, pangako pag gumaling ka na pupuntahan natin ang daddy mo." pa
Monday, 7:55 AM Nanginginig ang kamay ko habang itinatapat ko ang I'd ko sa scanner ng Castillo Tower. Beep. "Welcome, Ms. Mia Reyes. Personal Assistant to CEO," sabi ng boses sa machine. Personal Assistant? Sa kanya? Kay Ethan Castillo. Hindi parin ako makapaniwala dahil isang interview lang walang tanong about experience at walang background check tanggap agad. Hindi ko alam kung bakit pero isa lang ang nasisiguro ko. Gusto niya akong pagbayarin.Nang makapasok ako sa kompanya, agad akong dumeretso sa elevator. Nag iisa lang ako at bawat palapag na tumataas, mas humihigpit ang aking dibdib. Makalipas ang ilang minuto ay narating ko ang 50th floor kung saan ang opisina ng aking boss. Bumukas agad ang pinto at sinalubong ako ng malamig na aircon at ng amoy ng kape na ikinalanghap ko."Good morning, Miss Reyes," bati ng secretary na nakita ko nong friday. "Ako nga pala si Ms. Carla. Ako ang mag oorient sa inyo." dagdag pa niya.Ngumiti naman ako at pilit na pinapakalma ang sarili
Nanginginig ang kamay ko habang pinipundot ang doorbell ng 50th floor ng Castillo Tower. Limang taon ko itong pinaghandaan at limang taon ko rin itong tinakbuhan. Pero ngayon wala na akong choice dahil kailangang kailangan ng anak ko. Para kay Yumi walang hindi ko kanyang gawin.Ding dong...Bumukas ang salamin na pinto at bumungad sa akin ang receptionist na naka pulido ang make up at uniform."Good morning, Ma'am. May appointment po ba kayo?" magalang niyang tanong sa akin."Yes, Mia Reyes. 9:00AM interview for Personal Assistant position," sagot ko. Pinilit kong ngumiti ay maging matatag ang boses kahit na gusto ko nang tumakbo palabas ng building ng sandaling iyon. Tiningnan niya ang tablet niya ng mga oras na iyon."Ah, yes. Please wait here. Tatawagan ko lang po si Sir."Habang naghihintay ay umupo ako sa mamahaling sofa sa lobby. Ang lamig ng aircon tumatagos hanggang buto at nakadadagdag pa sa panginginig ng aking mga kamay hindi dahil sa malamig kundi dahil sa kaba.Ethan Cas
Limang taon na ang nakalipas mula nung gabi na iniwan ako ni Ethan Castillo na luhaan at wasak. Limang taon na rin mula nang malaman kong buntis ako. Mag isa, walang pera at walang pamilyang masasandalan.Pinili kung tumakas at pinili kung buuin ang sarili ko para sa anak namin. Limang taon na siya ngayon. Matangkad, mataba at kamukhang kamukha ng ama na hindi niya nakilala.Ang buong akala ko ay tapos na ang kabanata namin ni Ethan. Ang buong akala ko hindi na muling mag tatagpo ang mga landas namin ngunit nagkamali ako. Sa isang iglap, bumalik siya. Hindi na yung Ethan na minahal ko dati o yung estudyanteng nangangarap lang. Ngayon siya na si Ethan Castillo. CEO ng CASTILLO GROUP. Billionaire, malamig, walang puso at ang pinakamasaklap? siya ang magiging boss ko.Nag apply ako sa kompanya niya dahil wala na akong ibang choice. May sakit si Yumi at kailangang kailangan namin ng pera para sa pagpapagamot niya at tanging Castillo Group lang ang tumanggap sa isang single mom na may lima







