LOGINNanginginig ang kamay ko habang pinipundot ang doorbell ng 50th floor ng Castillo Tower. Limang taon ko itong pinaghandaan at limang taon ko rin itong tinakbuhan. Pero ngayon wala na akong choice dahil kailangang kailangan ng anak ko. Para kay Yumi walang hindi ko kanyang gawin.
Ding dong... Bumukas ang salamin na p***o at bumungad sa akin ang receptionist na naka pulido ang make up at uniform. "Good morning, Ma'am. May appointment po ba kayo?" magalang niyang tanong sa akin. "Yes, Mia Reyes. 9:00AM interview for Personal Assistant position," sagot ko. Pinilit kong ngumiti ay maging matatag ang boses kahit na gusto ko nang tumakbo palabas ng building ng sandaling iyon. Tiningnan niya ang tablet niya ng mga oras na iyon. "Ah, yes. Please wait here. Tatawagan ko lang po si Sir." Habang naghihintay ay umupo ako sa mamahaling sofa sa lobby. Ang lamig ng aircon tumatagos hanggang buto at nakadadagdag pa sa panginginig ng aking mga kamay hindi dahil sa malamig kundi dahil sa kaba. Ethan Castillo. Ang pangalang pilit kong binubura sa isip ko sa loob ng limang taon. Ang pangalan na binubulong ko tuwing umiiyak si Yumi at nagtatanung kung nasaan ang daddy niya. Hindi pwedeng siya. Saan mang kompanya, huwag lang sa kanya. Pero anong magagawa ko? Tanging Castillo Group lang ang tumanggap sa resume ko na may limang taong gap. Tanging sila lang ang nag offer ng sahod na sapat para sa gamot ni Yumi. Nang sandaling iyon ay hindi ko na alam ang gagawin ko ng biglang mag ring ang phone ng receptionist. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Ma'am, pwede na po kayong umakyat sa 50th floor. Si Sir Ethan po mismo ang mag iinterview sa inyo." "Oh my god, Siya mismo ang mag iinterview sa akin. Anong gagawin ko? Hindi niya ako puwedeng makilala hindi pa ako handa at hindi pa puwedeng malaman niya ang tungkol kay Yumi." Naninigas kung sambit sa aking sarili. Dahan dahan akong sumakay sa elevator. Bawat palapag na tumataas, parang unti unti akong hinihila pababa ng puso ko. Thump. Thump. Thump Bumukas ang elevator at nandoon na siya. Nakatayo sa tapat ng mahabang conference table. Naka itim na suit. Matangkad, malapad ang balikat. Yung panga na dati kong hinahalikan tuwing umaga, ngayon mas matalim at mas matigas. Mas guwapo, mas mayaman at mas malamig ang mga mata. Pero siya parin si Ethan Castillo ang taong sumira ng aking pagkatao. Nag angat siya ng tingin mula sa resume ko na hawak niya. At sa isang segundo, nagtama ang mga mata namin. Nakita ko ang pag urong ng kanyang mga mata ng sandaling iyon. Yung bahagyang pag igting ng mga panga niya pati na ang paghawak niya ng mahigpit sa folder na halos ika punit nito. Limang taon. Hindi ko alam kung tuluyan na nga ba siyang nakalimut o nagkukunwaring walang maalala. Pero sa nakikita kong pagkilos niya ay ramdam kong alam niya at kilala niya ako. "Miss Reyes," malamig niyang bati. Walang emosyon parang hindi kami nagmahalan dati. Parang hindi niya ako iniwan sa ere nung buntis ako. "Good morning, Sir Castillo," sagot ko at pinilit na ngumiti. "Salamat po sa pag imbita niyo sa akin for interview." dagdag ko pa. Umupo siya at itinuro ang bakanteng upuan sa harap niya. "Umupo ka." Sumunod ako ng mga sandaling iyon at ang layo ng pagitan namin sa mesa ay sapat upang maramdaman ko ang init niya. Yung pamilyar na pabango niya yung Acqua di Gio na dati kong binibili para sa kanya. Paborito niya iyong gamitin. Nang maka upo ako sa kanyang harapan ay tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Tapus muli niyang ibinaling sa aking resume ang kanyang mga mata. "Mia Reyes. 24 years old. May limang taong employment gap," basbas niya. "Anong ginawa mo sa loob ng limang taong hindi ka nagtrabaho?" dagdag pa niya. Napalunok ako ng itanung niya sa akin ito. Hindi ko alam kong totoo bang hindi niya alam na nabuntis ako bago niya ako iniwan o sadyang nagkukunwaring walang alam. "Nag alaga po ng....family member," pagpapalusot ko. Half-truth. "Family member?" Itinaas niya ang kanyang kaliwang kilay. "Anong klaseng family member ang aabutin ng limang taong pag aalaga?"nagtatanang tanong niya. "Wala po bang karapatan ang isang tao na magpahinga, Sir?" matapang kong sagot. Hindi ko siya hahayaang aapi apihin ulit ako gaya ng dati. Kung noon ay hinayaan ko siyang gawin ang kanyang gusto iba na ngayon. Hindi na ako ang Mia Reyes na mahina dahil sa pagmamagal sa kanya. Ngumisi siya pero walang saya, yung ngisi na alam mo sa sarili mo na napipilitan lang siya. "May karapatan, pero sa kompanya ko gusto ko ng mga taong diretso magsalita." seryoso niyang sabi. Tumayo siya at lumapit sa floor-to- ceiling window. Nakatayo siya doon at nakatalikod sa akin. Habang ang sikat ng araw ay tumatama sa kanyang likuran. "Alam mo ba kung bakit kita pinatawag for interview Mia?"tanong niya nang hindi lumilingon. Sandali akong natigilan at napaisip bago ako sumagot. "Hindi po." "Dahil sa pangalan mo." Lumingon siya at deritso sa mga mata ko ang tingin niya. "Reyes? common na apelyedo pero àng iyong mga mata ay malayong malayo." naguguluhang sambit niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko ng magtanong siya. Hindi ako maaaring umamin. Hindi pa ito ang tamang panahon upang malaman niya ang katotohanan. Ayaw kung masira ang lahat ng plano ko. "Ano pong ibig niyong sabihin Sir?" naguguluhan kung tanong. Lumapit siya sa akin. Humarap sa mesa at ang lapit ng agwat namin sapat para maamoy ko ulit ang pabangong ginamit niya. "Limang taon na ang nakalipas, may iniwan akong babae, bulong niya. "Pinangakuan ko siya ng panghabambuhay na pagsasama tapos isang umaga, bigla na lamang siyang naglaho. Walang paalam,walang paliwanag. Hindi ko alam kung anong dahilan." pagpapaliwanag niya. Napapikit ako nang maalala ang lahat ng nakaraan. Pakiramdam ko'y unti unting pinupunit ang puso ko. Masakit parin pala kahit na matagal na. "At ngayon, bumalik siya," dugtong niya. "Nakaayos may dalang resume. Nag aapply sa kompanya ko. Tumayo ako bigla. "Sir kung inaakala niyo na ako ang babaeng tinutukoy niyo ay nagkakamali kayo." natataranta kong sabi. "Talaga?" Hinawakan niya ang aking baba ng walang pag aalinlangan. Marahan pero may diin. Napilitan akong tumingin sa mga mata niya. "Kase ang babaeng iyon ay may nunal dito sa may batok." paninigurado niya ng bigla niya akong hawakan sa buhok at iginilid niya ng kanyang daliri ang buhok ko. Nang maramdaman kung masagi ng kanyang daliri ang nunal ko ay napasinghap ako. "At ang babaeng iyon," pagpapatuloy niya, mas bumaba ang boses. "Ay iniwan akong dala dala ang isang sikreto." Natigilan ako ng sandaling iyon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Natatakot ako na baka malaman niya ang totoo tungkol kay Yumi. Ayaw kung ilayo niya sa akin ang anak ko dahil siya nalang ang meron ako. Tok. Tok. Tok. Biglang bumukas ang p***o ng opisina at pumasok ang kanyang secretary na may dalang mga dukomento. "Sir, may meeting po kayo in 5 minutes with the board." saad niya. Kaagad naman akong binitawin ni Sir Ethan at bumalik sa kanyang upuan na para bang walang nangyari. "Interview is over." sabi niya. "You're hired, Miss Reyes. Starting Monday 8:00am sharp. As my Personal Assistant." dagdag pa niya. Napalaki ang mata ko. "Pero Sir, hindi pa---." "May problema ka?" malamig niyang putol sa sasabihin ko. Umiling iling na lamang ako. "Wala po." "Good." kinuha niya ang ballpen at pumirma sa papel. "Welcome to Castillo Group." Kinuha ko yung contract at nanginginig parin ang kamay ko dahil sa nangyari kanina. Sa takot na baka malaman niya ang matagal ko ng itinatagong lihim. Lumabas ako ng opisina na hindi parin makapaniwala na hired na ako. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ang pagkakatanggap sà akin sa trabaho dahil sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa kompanyang ito. Paglabas ko ng office pumasok agad ako sa elevator ay saka pa lang ako nakahinga ng maluwag. "Boss ko ang ex ko at ang hindi niya alam ay may anak kaming limang taong gulang at kamukhang kamukha niya." sabi ko sa sarili ko. Habang nasa loob ng elevator ay inilabas ko ang aking phone upang tingnan kong may nagtext. Pag bukas ko ay text agad ni Yaya ang nakita ko. "Ma'am, naghahanap na po si Yumi sa inyo. Pati po ang kanyang daddy ay pilit na hinahanap sa akin." Napapikit ako ng mabasa ang text na iyon ni Yaya. "Ethan....paano kung malaman mo?" bulong ko sa aking sarili.Sa hospital ng St. Luke's- ER"Hala, umabot na sa 40°c ang lagnat ni Yumi ma'am." sigaw ni Yaya habang buhat buhat niya ito at nagmamadaling ipasok sa ER.Nanginginig ako sa takot. "Doc! tulungan niyo po ang anak ko!" sigaw ko ng makasalubong namin ang doctor. Mabilis naman itong kumilos kasama ang kanyang mga nurses at pinapasok sa ER. IV, Oxygen. Lahat iyon ay sabay sabay.Nakikita ko ang sobrang paghihirap ng anak ko. At kapag nakikita ko ito ay hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. Sobra akong nag aalala para sa kanya. "Mama...tubig.." mahina niyang bulong."Heto anak," pinainom ko siya gamit ang kutsara. "Gagaling na si Yumi ha? Nandito na ang mommy." bilin ko sa kanya.Tumango tango naman si Yumi."Mommy, nasaan po si Daddy?" tanong niya ulit. Tanong na pilit kung iniiwasan sa tuwing magkasama kami. Isang tanong na sumisira sa akin araw araw.Umupo ako sa kanyang tabi at kinuha ang kanyang kamay. "Wala pa siya anak, pangako pag gumaling ka na pupuntahan natin ang daddy mo." pa
Monday, 7:55 AM Nanginginig ang kamay ko habang itinatapat ko ang I'd ko sa scanner ng Castillo Tower. Beep. "Welcome, Ms. Mia Reyes. Personal Assistant to CEO," sabi ng boses sa machine. Personal Assistant? Sa kanya? Kay Ethan Castillo. Hindi parin ako makapaniwala dahil isang interview lang walang tanong about experience at walang background check tanggap agad. Hindi ko alam kung bakit pero isa lang ang nasisiguro ko. Gusto niya akong pagbayarin.Nang makapasok ako sa kompanya, agad akong dumeretso sa elevator. Nag iisa lang ako at bawat palapag na tumataas, mas humihigpit ang aking dibdib. Makalipas ang ilang minuto ay narating ko ang 50th floor kung saan ang opisina ng aking boss. Bumukas agad ang pinto at sinalubong ako ng malamig na aircon at ng amoy ng kape na ikinalanghap ko."Good morning, Miss Reyes," bati ng secretary na nakita ko nong friday. "Ako nga pala si Ms. Carla. Ako ang mag oorient sa inyo." dagdag pa niya.Ngumiti naman ako at pilit na pinapakalma ang sarili
Nanginginig ang kamay ko habang pinipundot ang doorbell ng 50th floor ng Castillo Tower. Limang taon ko itong pinaghandaan at limang taon ko rin itong tinakbuhan. Pero ngayon wala na akong choice dahil kailangang kailangan ng anak ko. Para kay Yumi walang hindi ko kanyang gawin.Ding dong...Bumukas ang salamin na pinto at bumungad sa akin ang receptionist na naka pulido ang make up at uniform."Good morning, Ma'am. May appointment po ba kayo?" magalang niyang tanong sa akin."Yes, Mia Reyes. 9:00AM interview for Personal Assistant position," sagot ko. Pinilit kong ngumiti ay maging matatag ang boses kahit na gusto ko nang tumakbo palabas ng building ng sandaling iyon. Tiningnan niya ang tablet niya ng mga oras na iyon."Ah, yes. Please wait here. Tatawagan ko lang po si Sir."Habang naghihintay ay umupo ako sa mamahaling sofa sa lobby. Ang lamig ng aircon tumatagos hanggang buto at nakadadagdag pa sa panginginig ng aking mga kamay hindi dahil sa malamig kundi dahil sa kaba.Ethan Cas
Limang taon na ang nakalipas mula nung gabi na iniwan ako ni Ethan Castillo na luhaan at wasak. Limang taon na rin mula nang malaman kong buntis ako. Mag isa, walang pera at walang pamilyang masasandalan.Pinili kung tumakas at pinili kung buuin ang sarili ko para sa anak namin. Limang taon na siya ngayon. Matangkad, mataba at kamukhang kamukha ng ama na hindi niya nakilala.Ang buong akala ko ay tapos na ang kabanata namin ni Ethan. Ang buong akala ko hindi na muling mag tatagpo ang mga landas namin ngunit nagkamali ako. Sa isang iglap, bumalik siya. Hindi na yung Ethan na minahal ko dati o yung estudyanteng nangangarap lang. Ngayon siya na si Ethan Castillo. CEO ng CASTILLO GROUP. Billionaire, malamig, walang puso at ang pinakamasaklap? siya ang magiging boss ko.Nag apply ako sa kompanya niya dahil wala na akong ibang choice. May sakit si Yumi at kailangang kailangan namin ng pera para sa pagpapagamot niya at tanging Castillo Group lang ang tumanggap sa isang single mom na may lima







