INICIAR SESIÓNMonday, 7:55 AM
Nanginginig ang kamay ko habang itinatapat ko ang I'd ko sa scanner ng Castillo Tower. Beep. "Welcome, Ms. Mia Reyes. Personal Assistant to CEO," sabi ng boses sa machine. Personal Assistant? Sa kanya? Kay Ethan Castillo. Hindi parin ako makapaniwala dahil isang interview lang walang tanong about experience at walang background check tanggap agad. Hindi ko alam kung bakit pero isa lang ang nasisiguro ko. Gusto niya akong pagbayarin. Nang makapasok ako sa kompanya, agad akong dumeretso sa elevator. Nag iisa lang ako at bawat palapag na tumataas, mas humihigpit ang aking dibdib. Makalipas ang ilang minuto ay narating ko ang 50th floor kung saan ang opisina ng aking boss. Bumukas agad ang p***o at sinalubong ako ng malamig na aircon at ng amoy ng kape na ikinalanghap ko. "Good morning, Miss Reyes," bati ng secretary na nakita ko nong friday. "Ako nga pala si Ms. Carla. Ako ang mag oorient sa inyo." dagdag pa niya. Ngumiti naman ako at pilit na pinapakalma ang sarili upang hindi makahalata na kinakabahan ako. "Good morning po. salamat po." bati ko. Dinala niya ako sa malaking mesa sa labas ng double doorna may nakasulat na ETHAN CASTILLO - CEO. " Ito na yun, Yung mesa ko katabi mismo ng opisina niya." sa isip isip ko. "Ang trabaho mo simple lang naman," paliwanag ni Ms. Carla. "Schedule, meetings, coffee, files. Pero si Sir Ethan may pagka masungit kaya mag iingat ka at pagbutihin ang trabaho. Pero fair naman siya basta on time ka ta walang mali okay kayo." pagpapaliwanag niya. Tumango tango naman ako, "Noted po." Sa nerbiyos ko ay diko napigilang magulat sa tunog ng intercom na nakalagay sa ibabaw ng mesa ko. Click. "Mia, my office. Now!" Dali dali akong nag ayos at nagtungo sa loob ng opisina ni Sir Ethan. "Ang boses na iyon, yung boses na dati kong iniidlipan, ngayon ay parang yelo." "Good luck," nakangiting bulong ni Ms. Carla. Hindi ko na ito pinansin pa at nagmamadaling nagtungo sa office ni Sir Ethan. Knock knock. "Come in." sabi ng nasa loob. Pagbukas ko, nakita ko siyang nakaupo sa likod ng mamahaling mesa. Naka itim na suit ulit. Walang kurbaga ngayon at baka bukas ang unang dalawang butones ng kanyang damit. Ni hindi man lang siya tumingin sa akin at sa laptop lamang nakatuon ang kanyang pansin. "Close the door," utos niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag isip ng kung ano at pamulahan ng pisngi ng ma realize ko kung ano ang iniisip ko. "Good morning, Sir," nauutal kong bati. Doon lang siya tumingin sa akin. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Yung suot kong black blazer at slacks. Yung ayos ng buhok ko na naka ponytail ay tiningnan din niya. "You're late," deretsahang sabi niya. Napatingin naman agad ako sa aking wrist watch at 7:58 pa lang naman. Hindi ko na namalayan na naka taas pala ang isa kung kilay at nakatingin parin siya sa akin. "What?" tanong niya. "Ah, eh, Sir. 7:58 pa lang naman po." pagpapalusot ko. "Meeting starts at 8:00. May PA should be here 30 minutes early. To prepare coffee. To check the schedule and to be ready." sunod sunod niyang sabi habang naka halukipkip ito. Napayuko na lamang ako ng sandaling iyon. "Pasensya na po. Hindi na po mauulit Sir." "Now you know." Tumayo siya at lumapit sa coffee machine sa gilid ng office niya. Black, no sugar and hot." utos niya. "Inuutusan niya akong gumawa ng kape?ah...hehe ou nga pala PA niya ako." natatarantang isip isip ko. Mabilis naman akong nagtungo sa machine coffee upang gumawa ng kape at nanginginig ang kamay ko dahilan upang matapon ng konti. Nang iabot ko sa kaniya ay agad naman niya itong kinuha at sumimsim ng kaunti. Hindi parin ako umaalis mula sa pagkakatayo sa kanyang harapan ngunit wala naman itong imik. "Schedule today, "What's on it?" Binuksan ko yung tablet na binigay sa akin ni Ms. Carla. "9:00 AM board meeting. 11:00 AM call with Singapore. 2:00 PM Site visit sa BGC and 5:00 PM dinner with Ms. Valencia. Napatigil siya sa pagsimsim sa kanyang kape ng marinig ang huli kung sinabi. "Cancel the dinner." saad nito bago muling sumimsim sa kanyang kape. "Pero Sir, si Ms. Valencia po---". "I said cancel it." putol niya sa aking sinasabi. "Reschedule to next week." dagdag pa niya. "Yes Sir." sagot ko at agad ko namang ginawa ang kanyang ipinag uutos. Tumayo siyang muli sa bintana at same pose nung friday. Nakatalikod ito sa akin at nakapamulsa ang kanyang dalawang kamay nang bigla siyang magtanong. "Mia," tawag niya. Hindi Ms. Reyes kundi Mia. Tinawag niya ako sa first name ko. "Yes, Sir? agad ko namang sagot. "Bakit ka bumalik?" Naguguluhan ako nang sandaling iyon. Sandali akong napaisip bago ako sumagot. "Para po magtrabaho Sir, Hindi po bat sabi mo start ako ng Monday kaya po ako bumalik." sagot ko. "My God, Mia." Lumingon siya sa akin na may matalim na mata halatang galit ito sa isinagot ko sa tanong niya. "Limang taon, Mia. Limang taon kang nawala pagkatapos bigla kang susulpot dito sa kompanya ko. Sa tabi ko. Why?" galit niyang tanong. Hindi ko alam kung ano ang dapat kung maramdaman nang itanong niya sa akin ang mga ito. Pakiramdam ko ay ako ang dahilan ng pagkakahiwalay naming dalawa. " Wala po akong ibang choice," mahinang sagot ko. "kailangan ko po ng trabaho." dagdag ko pa. "Trabaho?" Ngumiti siya pero pilit na ngiti. "Oh baka naman gusto mo lang talaga ng pera ko?" paninigurado niya. Nang marinig ko ang mga salitang iyon mula sa kanya ay unti unting pumatak ang aking luha ng hindi ko napapansin pero agad ko din itong pinunas dahil ayaw kong makita niyang nasasaktan ako sa mga sinasabi niya. Hindi na ako ang Mia na dating madali lang niyang paluhain at saktan. "Hindi po--" sabi ko ng bigla niyang putulin ang gusto kong sabihin. "Enough." Itinaas niya ang kanyang kamay. "Board meeting in 10 minutes. Be in the conference room. Bring the file I sent you friday." sunod sunod niyang sabi. "Pero Sir, Wala pa po kayong---" pag aangal ko. "Find them." sagot niya at umalis siya at iniwan akong mag isa sa office niya habang nakatayo at tulala. 9:15 AM- Conference Room. 15 executive at lahat ay nakatingin sa akin habang nagseserve ako ng tubig at nag seset up ng projector at sa unahan, nakaupo si Sir Ethan. Cold and professional parang hindi kami nagkausap kanina. "As I was saying," pag uumpisa niya. "Q3 projections are up by 20%." dagdag pa niya. Tumango naman ang lahat. Habang nagpapatuloy ang meeting biglang tumunog ang phone ko na nasa bulsa ko. Nag vibrate ito nang paulit ulit. Bawal ang cellphone during meeting pero nang masilip ko kung sino ang nagtext ay agad kong kinuha ito. "Yaya: Ma'am, nilalagnat po si Yumi. 39.5 po ang kanyang temperature kailangan po niyang maidala sa hospital." Nang mabasa ko ang text ni Yaya ay hindi ako mapakali. Nanlalamig ang buo kong katawan at pakiramdam ko ay dinudurog ang aking puso. "Yumi, anak ko." sa isip isip ko. "Ms. Reyes," tawag ni Sir Ethan. "May problema ba?" tanong niya. Sa gulat ay bigla akong napaangat ng ulo at nabitawan ang phone ko na siyang ikinatingin ng lahat sa akin. "Wala po, Sir." nauutal kong sagot. "Then focus." Tumango ako pero yung pag aalala ko ay hindi maalis alis sa isip ko. Paano kung may masamang mangyari sa anak ko habang wala ako. Paano kung hinahanap niya ako. Pagkatapos ng meeting agad akong nagtungo sa loob ng comfort room hindi para gumamit nito kundi para umiyak. Gusto kung umiyak nang umiyak dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng perang pangpagamot sa anak ko. "Kailangan ko siyang tawagan. Kailangan ko ng pera para sa hospital pero paano? Paano ako hihingi sa kanya? sa isip isip ko nang biglang. Knock knock. Bumukas ang pintuan ng comfort room at si Sir Ethan ang nasa labas neto. Halata sa kanya ang pag aalala. "Anong ginagawa mo dito?" malamig niyang tanong. "Ah wala po, Sir," sinungaling ko at pinunasan agad ang mga basa kung mata. Nanatili siyang nakatingin sa akin at nakita niya ang mga namumula kung mata. Nakita din niya ang phone na hawak ko at bigla niya itong kinuha. Binasa niya ang text. Hindi agad siya nakapagsalita ng mabasa ito. "Site visit is cancelled," bigla niyang sabi. "Umuwi ka na." utos niya. "Pero, Sir, may---" "Umuwi ka na Mia or else." pagputol niya sa sasabihin ko. Napatingin ako sa kanya. Naguguluhan talaga ako dahil si Ethan Castillo ang CEO ng CASTILLO GROUP ay nagawang kanselahin ang trabaho para lang sa iba. "Thank you, Sir," bulong ko at kaagad na umalis upang makauwi. Pag dating ko ng hospital agad kong hinanap sina Yaya at Yumi. Nang makita ko sila ay agad akong lumapit at hinawakan ang anak ko. Maputla at mainit ang buo niyang katawan. "Mommy, nasaan si Daddy?" mahina niyang tanong. Napaluha ako nang hanapin sa akin ng anak ko ang kanyang ama. Hindi ko alam kung dapat ko na bang sabihin sa kanya ang lahat. Awang awa na ako sa anak ko dahil kahit na may sakit ito Ama parin niya ang hinahanap niya. Masyado pa siyang bata baka hindi pa niya maintindihan kung sasabihin ko sa kanya. "Anak, nandito na si Mommy. Wag ka nang umiyak okey." sabi ko habang yakap siya. Pero sa isip isip ko gulong gulo na ako. Paano kung malaman ni Ethan na may sakit ang anak niya? Tutulungan ba niya kami? O tatalikuran tulad ng dati?Sa hospital ng St. Luke's- ER"Hala, umabot na sa 40°c ang lagnat ni Yumi ma'am." sigaw ni Yaya habang buhat buhat niya ito at nagmamadaling ipasok sa ER.Nanginginig ako sa takot. "Doc! tulungan niyo po ang anak ko!" sigaw ko ng makasalubong namin ang doctor. Mabilis naman itong kumilos kasama ang kanyang mga nurses at pinapasok sa ER. IV, Oxygen. Lahat iyon ay sabay sabay.Nakikita ko ang sobrang paghihirap ng anak ko. At kapag nakikita ko ito ay hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. Sobra akong nag aalala para sa kanya. "Mama...tubig.." mahina niyang bulong."Heto anak," pinainom ko siya gamit ang kutsara. "Gagaling na si Yumi ha? Nandito na ang mommy." bilin ko sa kanya.Tumango tango naman si Yumi."Mommy, nasaan po si Daddy?" tanong niya ulit. Tanong na pilit kung iniiwasan sa tuwing magkasama kami. Isang tanong na sumisira sa akin araw araw.Umupo ako sa kanyang tabi at kinuha ang kanyang kamay. "Wala pa siya anak, pangako pag gumaling ka na pupuntahan natin ang daddy mo." pa
Monday, 7:55 AM Nanginginig ang kamay ko habang itinatapat ko ang I'd ko sa scanner ng Castillo Tower. Beep. "Welcome, Ms. Mia Reyes. Personal Assistant to CEO," sabi ng boses sa machine. Personal Assistant? Sa kanya? Kay Ethan Castillo. Hindi parin ako makapaniwala dahil isang interview lang walang tanong about experience at walang background check tanggap agad. Hindi ko alam kung bakit pero isa lang ang nasisiguro ko. Gusto niya akong pagbayarin.Nang makapasok ako sa kompanya, agad akong dumeretso sa elevator. Nag iisa lang ako at bawat palapag na tumataas, mas humihigpit ang aking dibdib. Makalipas ang ilang minuto ay narating ko ang 50th floor kung saan ang opisina ng aking boss. Bumukas agad ang pinto at sinalubong ako ng malamig na aircon at ng amoy ng kape na ikinalanghap ko."Good morning, Miss Reyes," bati ng secretary na nakita ko nong friday. "Ako nga pala si Ms. Carla. Ako ang mag oorient sa inyo." dagdag pa niya.Ngumiti naman ako at pilit na pinapakalma ang sarili
Nanginginig ang kamay ko habang pinipundot ang doorbell ng 50th floor ng Castillo Tower. Limang taon ko itong pinaghandaan at limang taon ko rin itong tinakbuhan. Pero ngayon wala na akong choice dahil kailangang kailangan ng anak ko. Para kay Yumi walang hindi ko kanyang gawin.Ding dong...Bumukas ang salamin na pinto at bumungad sa akin ang receptionist na naka pulido ang make up at uniform."Good morning, Ma'am. May appointment po ba kayo?" magalang niyang tanong sa akin."Yes, Mia Reyes. 9:00AM interview for Personal Assistant position," sagot ko. Pinilit kong ngumiti ay maging matatag ang boses kahit na gusto ko nang tumakbo palabas ng building ng sandaling iyon. Tiningnan niya ang tablet niya ng mga oras na iyon."Ah, yes. Please wait here. Tatawagan ko lang po si Sir."Habang naghihintay ay umupo ako sa mamahaling sofa sa lobby. Ang lamig ng aircon tumatagos hanggang buto at nakadadagdag pa sa panginginig ng aking mga kamay hindi dahil sa malamig kundi dahil sa kaba.Ethan Cas
Limang taon na ang nakalipas mula nung gabi na iniwan ako ni Ethan Castillo na luhaan at wasak. Limang taon na rin mula nang malaman kong buntis ako. Mag isa, walang pera at walang pamilyang masasandalan.Pinili kung tumakas at pinili kung buuin ang sarili ko para sa anak namin. Limang taon na siya ngayon. Matangkad, mataba at kamukhang kamukha ng ama na hindi niya nakilala.Ang buong akala ko ay tapos na ang kabanata namin ni Ethan. Ang buong akala ko hindi na muling mag tatagpo ang mga landas namin ngunit nagkamali ako. Sa isang iglap, bumalik siya. Hindi na yung Ethan na minahal ko dati o yung estudyanteng nangangarap lang. Ngayon siya na si Ethan Castillo. CEO ng CASTILLO GROUP. Billionaire, malamig, walang puso at ang pinakamasaklap? siya ang magiging boss ko.Nag apply ako sa kompanya niya dahil wala na akong ibang choice. May sakit si Yumi at kailangang kailangan namin ng pera para sa pagpapagamot niya at tanging Castillo Group lang ang tumanggap sa isang single mom na may lima







