INICIAR SESIÓN
Limang taon na ang nakalipas mula nung gabi na iniwan ako ni Ethan Castillo na luhaan at wasak. Limang taon na rin mula nang malaman kong buntis ako. Mag isa, walang pera at walang pamilyang masasandalan.
Pinili kung tumakas at pinili kung buuin ang sarili ko para sa anak namin. Limang taon na siya ngayon. Matangkad, mataba at kamukhang kamukha ng ama na hindi niya nakilala. Ang buong akala ko ay tapos na ang kabanata namin ni Ethan. Ang buong akala ko hindi na muling mag tatagpo ang mga landas namin ngunit nagkamali ako. Sa isang iglap, bumalik siya. Hindi na yung Ethan na minahal ko dati o yung estudyanteng nangangarap lang. Ngayon siya na si Ethan Castillo. CEO ng CASTILLO GROUP. Billionaire, malamig, walang puso at ang pinakamasaklap? siya ang magiging boss ko. Nag apply ako sa kompanya niya dahil wala na akong ibang choice. May sakit si Yumi at kailangang kailangan namin ng pera para sa pagpapagamot niya at tanging Castillo Group lang ang tumanggap sa isang single mom na may limang taong gap sa resume. Sila lang din ang nag offer ng malaki laking sahod at alam kung malaking tulong ito sa amin lalo na kay Yumi. Hindi ko inakala na siya ang mismong mag iinterview sa akin. Hindi ko inakala na makikilala parin niya ako sa isang tingin. "Miss Reyes," malamig niyang bati. Parang hindi kami nagbahagi ng kama. Parang hindi niya ako hinalikan sa ilalim ng buwan at parang hindi niya ako pinangakuan ng forever. "Good morning, Sir Castillo," sagot ko. Pinipigil ang panginginig ng boses. Tanggap ako bilang isang Personal Assistant niya. Katabi ko mismo ang opisina niya. Araw araw ko siyang makikita at araw araw ko siyang paglilingkuran. "Kanino yang batang iyan?" tanong niya isang gabi habang nakatitig sa litrato. "Wala kang paki alam." sagot ko. Kahit na nangangatog ako sa takot na baka magtanong muli at malaman ang tungkol kay Yumi. Pero paano ko itatago ang sikreto na limang taon ko nang iniingatan? Paano ko itatago na ang anak niya ang rason kung bakit ako nabubuhay ngayon? Paano ko itatago na tuwing umiiyak si Yumi sa gabi at nagtatanong ng "Daddy" ako yung nasasaktan ng double. Akala ko kaya ko. Akala ko matibay na ako dahil sa mga pagsubok na naranasan ko. Nagkamali ako. Hanggang sa isang araw, magkakasakit si Yumi at wala na akong ibang matakbuhan kundi siya. "Magkano para itago mo ang bata?" malamig niyang tanong nang malamang niya ang totoo. Napaso ako. Limang taon na ang nakalipas, pero ganun parin siya. Iniisip parin na nabibili ang lahat ng pera. "Hindi pera ang kailangan ko, Ethan," sagot ko na may luha sa mga mata. "Ang kailangan ko ay ang tatay para sa anak ko. Ang kailangan ko ay ang hustisya para sa pusong sinira mo." Galit siya. Nasasaktan at nagsisisi. Pero huli na ba ang lahat? Kaya pa ba naming buuin ang pamilyang winasak namin limang taon na ang nakalipas? O manatili na lamang kaming dalawang taong nagmamahalan pero napipilitang maghiwalay dahil sa mga maling desisyon ng nakaraan?Sa hospital ng St. Luke's- ER"Hala, umabot na sa 40°c ang lagnat ni Yumi ma'am." sigaw ni Yaya habang buhat buhat niya ito at nagmamadaling ipasok sa ER.Nanginginig ako sa takot. "Doc! tulungan niyo po ang anak ko!" sigaw ko ng makasalubong namin ang doctor. Mabilis naman itong kumilos kasama ang kanyang mga nurses at pinapasok sa ER. IV, Oxygen. Lahat iyon ay sabay sabay.Nakikita ko ang sobrang paghihirap ng anak ko. At kapag nakikita ko ito ay hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. Sobra akong nag aalala para sa kanya. "Mama...tubig.." mahina niyang bulong."Heto anak," pinainom ko siya gamit ang kutsara. "Gagaling na si Yumi ha? Nandito na ang mommy." bilin ko sa kanya.Tumango tango naman si Yumi."Mommy, nasaan po si Daddy?" tanong niya ulit. Tanong na pilit kung iniiwasan sa tuwing magkasama kami. Isang tanong na sumisira sa akin araw araw.Umupo ako sa kanyang tabi at kinuha ang kanyang kamay. "Wala pa siya anak, pangako pag gumaling ka na pupuntahan natin ang daddy mo." pa
Monday, 7:55 AM Nanginginig ang kamay ko habang itinatapat ko ang I'd ko sa scanner ng Castillo Tower. Beep. "Welcome, Ms. Mia Reyes. Personal Assistant to CEO," sabi ng boses sa machine. Personal Assistant? Sa kanya? Kay Ethan Castillo. Hindi parin ako makapaniwala dahil isang interview lang walang tanong about experience at walang background check tanggap agad. Hindi ko alam kung bakit pero isa lang ang nasisiguro ko. Gusto niya akong pagbayarin.Nang makapasok ako sa kompanya, agad akong dumeretso sa elevator. Nag iisa lang ako at bawat palapag na tumataas, mas humihigpit ang aking dibdib. Makalipas ang ilang minuto ay narating ko ang 50th floor kung saan ang opisina ng aking boss. Bumukas agad ang pinto at sinalubong ako ng malamig na aircon at ng amoy ng kape na ikinalanghap ko."Good morning, Miss Reyes," bati ng secretary na nakita ko nong friday. "Ako nga pala si Ms. Carla. Ako ang mag oorient sa inyo." dagdag pa niya.Ngumiti naman ako at pilit na pinapakalma ang sarili
Nanginginig ang kamay ko habang pinipundot ang doorbell ng 50th floor ng Castillo Tower. Limang taon ko itong pinaghandaan at limang taon ko rin itong tinakbuhan. Pero ngayon wala na akong choice dahil kailangang kailangan ng anak ko. Para kay Yumi walang hindi ko kanyang gawin.Ding dong...Bumukas ang salamin na pinto at bumungad sa akin ang receptionist na naka pulido ang make up at uniform."Good morning, Ma'am. May appointment po ba kayo?" magalang niyang tanong sa akin."Yes, Mia Reyes. 9:00AM interview for Personal Assistant position," sagot ko. Pinilit kong ngumiti ay maging matatag ang boses kahit na gusto ko nang tumakbo palabas ng building ng sandaling iyon. Tiningnan niya ang tablet niya ng mga oras na iyon."Ah, yes. Please wait here. Tatawagan ko lang po si Sir."Habang naghihintay ay umupo ako sa mamahaling sofa sa lobby. Ang lamig ng aircon tumatagos hanggang buto at nakadadagdag pa sa panginginig ng aking mga kamay hindi dahil sa malamig kundi dahil sa kaba.Ethan Cas
Limang taon na ang nakalipas mula nung gabi na iniwan ako ni Ethan Castillo na luhaan at wasak. Limang taon na rin mula nang malaman kong buntis ako. Mag isa, walang pera at walang pamilyang masasandalan.Pinili kung tumakas at pinili kung buuin ang sarili ko para sa anak namin. Limang taon na siya ngayon. Matangkad, mataba at kamukhang kamukha ng ama na hindi niya nakilala.Ang buong akala ko ay tapos na ang kabanata namin ni Ethan. Ang buong akala ko hindi na muling mag tatagpo ang mga landas namin ngunit nagkamali ako. Sa isang iglap, bumalik siya. Hindi na yung Ethan na minahal ko dati o yung estudyanteng nangangarap lang. Ngayon siya na si Ethan Castillo. CEO ng CASTILLO GROUP. Billionaire, malamig, walang puso at ang pinakamasaklap? siya ang magiging boss ko.Nag apply ako sa kompanya niya dahil wala na akong ibang choice. May sakit si Yumi at kailangang kailangan namin ng pera para sa pagpapagamot niya at tanging Castillo Group lang ang tumanggap sa isang single mom na may lima







