Mag-log inAlthea POV
Hindi ko na muling nilingon pa ang lalaking mahimbing na natutulog sa malambot at magarbong kama. Mahigpit kong niyakap ang sarili ko habang nanginginig ang mga kamay kong dahan-dahang pinihit ang doorknob ng hotel suite. Isang hakbang. Dalawa. Tatlo. Hanggang sa tuluyan akong makalabas ng silid. Kasabay ng mahinang pagsara ng pinto ay ang tahimik kong panalangin. Huwag na sana kaming magkita pang muli nito Hindi ko alam kung sino ang lalaking naiwan sa loob. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa kwartong iyon. Ang alam ko lang... gusto kong kalimutan ang lahat ng nangyari sa amin ng nagdaang gabi. Mabilis akong pumasok sa elevator. Nang magsara ang pinto, saka lamang ako nanghina. Unti-unti akong napasandal sa dingding habang pinipigilang bumagsak ang mga luha. Damian... Parang kahapon lang nang pangarapin naming sabay kaming bubuo ng pamilya. Pero kahapon din pala ang araw na tuluyang mawawasak ang lahat. Napapikit ako. Bumalik sa isip ko ang graduation. Ang buntis niyang nobya. Ang malamig niyang mga salita. "Hindi kita pinilit." "Matagal na kitang gustong hiwalayan." Pakiramdam ko parang muling dinurog ang puso ko. Huminga ako nang malalim. "Hindi na..." bulong ko sa sarili. "Tama na, Althea. Paulit-ulit kong sinabi iyon sa sarili ko. Paglabas ko ng hotel, agad akong sumakay ng taxi. "Miss, saan tayo?" tanong ng driver. Napakurap ako at tila saka lamang bumalik sa kasalukuyan ang sarili ko. Ilang segundo akong hindi nakasagot. "Sa... Rose Inn Hotel po," mahina kong tugon. Iyon ang mumurahing hotel na pinag-check-in-an ko kahapon bago ako nagtungo sa graduation ni Damian. Tumango ang driver at pinaandar ang sasakyan. Tahimik ang naging biyahe. Habang nakatanaw ako sa bintana, isa-isang dumaraan ang mga gusali at taong abala sa kani-kanilang buhay. Ito ang Pilipinas. Ang bansang matagal kong pinangarap na balikan. Pero bakit pakiramdam ko ay mas gusto ko pang bumalik sa ibang bansa kaysa harapin ang katotohanang naghihintay dito Ilang minuto ang lumipas ay huminto ang taxi sa tapat ng mumurahing hotel. Mabilis naman ako kumuha ng pera sa bag kong dala pagkatapos iniabot ko iyon sa driver. "Salamat po," mahina kong sabi bago bumaba ng sasakyan. Saglit akong napatigil sa harap ng hotel. Kagabi, puno ako ng pananabik nang iwan ko ang lugar na iyon. Ngayon, bumalik akong hindi na alam kung saan magsisimulang buuin ang pusong sugatan at mga pangarap na hindi na kailanman matutupad Makalipas ang ilang sandali tahimik akong naglakad papasok, bitbit ang bigat ng aking nararamdaman. Pagkapasok ko sa aking silid, isinandal ko ang likod ko sa pinto. Doon hinayaang kong bumuhos ang lahat ng luha na pilit kong pinipigilan. Anim na taon ng pagtitiis, pangungulila, pag-iipon para sa kinabukasan naming dalawa. Ngunit sa loob lang ng isang araw nawala lang ang lahat ng iyon. "Hindi ba ako naging sapat?" bulong ko sa sarili. "Wala ba akong ginawang tama?" Ngunit tanging katahimikan lamang ang naging sagot sa mga tanong ko. Makalipas ang ilang minuto, marahan kong pinahid ang mga luha sa aking pisngi. At pagkatapos tumayo na ako at nagtungo sa banyo pagkapasok ko doon agad ko binuksan ang shower. Saka hinayaan kong tangayin ng malamig na tubig ang natitirang sakit na kumakapit pa sa puso ko. "Tapos na, Althea," mahina kong bulong sa sarili. "Kailangan mo nang mag-move on at kalimutan ang masakit na nangyari kahapon." Pagkatapos kong maligo, kumuha ako ng malinis na tuwalya at marahang pinunasan ang basa kong buhok at katawan Nang matuyo ako, nagsuot ako ng simpleng puting t-shirt at maong na pantalon bago ko sinimulang ayusin ang aking mga gamit sa maleta. Napahinto ako nang makita muli ang maliit na velvet box. Ang engagement ring na matagal kong pinag-ipunan. Milyon-milyong beses kong inisip ang araw na isusuot ko iyon sa lalaking pinakamamahal ko. Ngayon... Isa na lamang itong paalala ng isang pangarap na hindi na kailanman matutupad. Hindi ko na iyon binuksan. Diretso ko itong isinilid sa ilalim ng aking maleta. Matapos mag-check out sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa terminal ng bus pauwi sa probinsyang matagal ko ring hindi napuntahan Habang unti-unting lumalayo ang bus sa lungsod, napatanaw ako sa bintana. Nagbalik sa isip ko ang bahay na kinalakhan ko. Ang munting kubo namin ng lola ko at ang bakuran na puno ng mga halaman, at higit sa lahat ang pinakamamahal Lola Remy Siya ang nagpalaki sa akin matapos pumanaw ang aking mga magulang. Ngunit bago pa man ako tuluyang makauwi mula sa Singapore, nauna na rin siyang namaalam. Hindi ko man lang siya nayakap sa huling pagkakataon. Isang mainit na luha ang muling pumatak sa aking pisngi. "Lola..." mahina kong bulong. "Pauwi na po ako." "Kaso... hindi na tulad ng inaasahan natin." Ilang oras ang lumipas bago ako tuluyang makarating sa aming probinsya. Hindi agad ako dumiretso sa bahay. Sa halip, una kong tinungo ang sementeryo kong saan nakalibing ang lola ko. Paglapit ko sa puntod niya dahan-dahan kong inilapag ang dala kong puting mga bulakla saka lumuhod doon. Ilang sandali pa tuluyan nang bumigay ang matagal kong pinipigilang emosyon. "Lola..." nabigo po ako." "Ayaw ko sanang umiyak pagharap sayo..." "Pero hindi ko na po kaya." Tahimik kong ipinatong ang aking noo sa malamig niyang lapida at doon hinayaan ko ang sarili kong umiyak muli Ilang oras pa akong nanatili roon hanggang sa hindi ko namalayang unti-unti nang lumalamig ang simoy ng hangin at nagsimula narin lumubog ang araw. "Babalik po ako, Lola," mahina kong bulong. "Sana... gabayan n'yo pa rin po ako." Matapos kong mag-alay ng dasal, tahimik akong naglakad palabas ng sementeryo. Pagdating sa kalsada, agad akong pinara ang isang tricycle. Bahagyang nanlaki ang mga mata ng driver ng makita ako. "Ikaw ba 'yan, Althea?" gulat nitong tanong. Napangiti ako nang bahagya. "Opo, Mang Luis ako po ito." "Naku! Ang laki na ng ipinagbago mo. Ilang taon ka ring hindi nakauwi rito. Kumusta ka na? Kumusta ang trabaho mo sa Singapore?" Pilit akong ngumiti kahit mabigat ang nararamdaman ko. "Okay lang naman po," maikli kong sagot. Tumango ang matanda na at hindi na nag-usisa pa siguro dahil napansin nito ang lungkot sa aking mukha. Tahimik ang naging biyahe. Habang binabaybay namin ang makitid na kalsada, isa-isang bumalik sa akin ang mga alaala ng aking kabataan. Makalipas ang ilang minuto, huminto ang tricycle sa tapat ng aming munting kubo. Pagkababa ko, agad akong napansin ng ilan naming kapitbahay. "Naku! Si Althea!" masayang sigaw ng isa. "Umuwi na pala ang apo ni Aling Remy!" dagdag naman ng isa pa. Isa-isang lumapit ang mga ito upang kumustahin ako. "Kumusta ka na, hija? Ang tagal mong nawala," nakangiting bati ni Aling Rosa, ang matalik na kaibigan ng aking lola. Lumapit siya at mahigpit akong niyakap. "Buti at nakauwi ka rin. Siguradong masaya ang lola mo ngayon." Muli na namang sumikip ang dibdib ko sa pagbanggit niya sa Lola ko. "Salamat po, Aling Rosa," mahina kong tugon. "Namiss ko rin po kayong lahat." Ngumiti siya at marahang hinaplos ang aking balikat. "Kung may kailangan ka, huwag kang mahihiyang lumapit sa amin. Hindi ka nag-iisa rito." Tumango ako at nagpasalamat muli bago dahan-dahang lumakad papunta sa lumang gate na kahoy ng bahay na minsang napuno ng pagmamahal at masasayang alaala. Ilang segundo akong nakatitig doon bago dahan-dahang itinulak iyon. Kasabay ng mahinang paglangitngit ng bisagra ay ang pagbalik ng napakaraming alaala. Tahimik ang buong bakuran. Wala na ang matandang laging nakaupo sa duyan habang naghihintay sa tawag ko tuwing Linggo. Wala na ang boses na masayang sumasalubong sa tuwing umuuwi ako. Ang naroon na lamang ay ang katahimikan. Kinuha ko ang ekstrang susi na itinago noon ni Lola sa ilalim ng lumang paso. Hindi pa rin pala iyon nagagalaw. Pagkabukas ko ng pinto, sinalubong ako ng pamilyar na amoy ng lumang bahay. Tahimik kong iginala ang aking paningin sa loob habang dahan-dahan akong humakbang Pagkapasok ko agad akong nagpalit ng komportableng damit at itinali ang mahaba kong buhok bago nagsimulang maglinis. Kinuha ko ang walis at isa-isang inalis ang makapal na alikabok sa sahig. Pinunasan ko ang mga mesa at bintana, inayos ang mga kasangkapan, at maingat na nilinis ang bawat sulok ng bahay. Isa-isa ko ring pinunasan ang mga lumang larawan naming magkasama ni Lola. Hindi ko napigilang mapangiti habang tinitingnan ang mga ito, ngunit agad ding napalitan ng lungkot ang aking mukha nang maalalang hindi ko na siya muli pang makikita. Matapos iyon, nagpalit ako ng kurtina, naglinis ng kusina, at inayos ang maliit na altar na lagi niyang inaalagaan. Hindi ko namalayang unti-unti nang dumilim ang paligid. Nang matapos ako sa paglilinis, gabi na pala. Napaupo ako sa lumang sofa at napabuntong-hininga. Ramdam na ramdam ko ang pagod sa buong kong katawan maging ang kumakalam kong sikmura. "Hindi pa pala ako nakakakain," mahina kong bulong sa sarili ko. Balak ko sanang lumabas upang bumili ng makakain sa karinderyang malapit sa amin nang bigla kong marinig ang sunod-sunod na katok sa pinto. Tok... tok... tok... Napakunot-noo ako. "Sino kaya 'yon?" bulong ko bago dahan-dahang lumapit sa pinto at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang nakangiting si Aling Rosa. May hawak siyang isang lalagyan ng pagkain at isang pitsel ng malamig na tubig. "Naisip kong baka wala ka pang naihahandang pagkain, kaya ipinagluto na kita." Saglit akong natigilan. Hindi ko inaasahang may mag-aalala pa sa akin sa kabila ng mahabang panahon kong pagkawala sa lugar na iyon. "Maraming salamat po, Aling Rosa," sabi ko habang pilit na ngumingiti. "Naku, huwag ka nang mahiya," tugon niya. "Kaibigan ako ng lola mo. At habang nandito ka, hindi kita hahayaang magutom." Kinabukasan, maaga akong nagising. para humanap ng trabaho. Hindi kasi maaaring ubusin ko lamang ang naipon kong pera. Bitbit ang aking resume, nagpunta ako sa bayan. Isa-isa akong nag-apply sa mga tindahan, opisina, at hotel. Ngunit iisa lamang ang natanggap kong sagot. "We'll call you." "We're not hiring." Sa pagtatapos ng araw, wala akong nakuhang trabaho. Napabuntong-hininga ako habang naglalakad pauwi. "Okay lang," bulong ko sa sarili ko. "May bukas pa naman." Mabilis lumipas ang mga araw ng hindi ko namamalayan patuloy akong naghanap ng mapapasukan pero tila naging mailap sa akin ang pagkakataon. unti-unting nabawasan ang perang ilang taon kong pinag-ipunan. Isang umaga, habang naghahanda ako ng almusal, bigla akong nakaramdam ng matinding pagkahilo. Kaya agad akong napakapit sa lababo. Kasunod noon ay ang biglang pangangasim ng sikmura ko at pagsusuka. Hindi ko iyon pinansin. Ang tanging naisip ko baka pagod lang ako. Ngunit kinabukasan... Ganoon na naman ang nangyari. At nagsunod-sunod na Doon naisip ko na hindi na iyon normal. Habang iniisip ko kong ano ang sanhi ng nararamdaman ko Bigla kong naalala ang gabing pilit ko ng ibinaon sa limot. Ang bar. Ang alak. At ang magarbong hotel suite. Mabilis akong napailing. "Hindi puwede mangyari ito.." Ngunit habang binibilang ko ang mga araw sa kalendaryo ng cellphone ko, unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko. Nanlalamig ang buo kong katawan nang mapagtantong nahuhuli na ang buwanang dalaw ko. "Hindi..." mahina kong bulong habang mabilis na ipinilig ang aking ulo. Ngunit kahit pilit kong itinatanggi, lalo lamang akong nilamon ng kaba. Agad akong lumabas ng bahay at halos patakbong tinungo ang pinakamalapit na botika. Kalahating oras ang lumipas bago ako nakauwi. Pagkapasok pa lamang sa bahay, agad akong dumiretso sa banyo. habang nanginginig ang mga kamay kong binuksan ang maliit na kahon. Ilang ulit ko munang binasa ang nakasulat na instructions upang matiyak na tama ang bawat hakbang na aking gagawin. Nang matapos ko ang pagsusuri, maingat kong ipinatong ang test kit sa gilid ng lababo. Tatlong minuto lamang ang hinihintay kong resulta, ngunit para sa akin ay tila tatlong oras ang bawat segundong lumilipas Mahigpit kong pinagkrus ang aking mga daliri at tahimik na nanalangin. "Panginoon... sana nagkakamali lang ako." Ngunit nang dahan-dahan kong tingnan ang test kit, tuluyan akong natigilan. Dail dalawang malinaw na pulang guhit ang nakita ko doon Para akong nawalan ng hangin habang nanlalambot ang mga tuhod na unti-unting napaupo sa malamig na sahig ng banyo. hawak ang pregnancy test "Buntis na hindi ko alam ang pangalan ng batang dinadala ko..." halos pabulong kong sambit, kasabay ng pagpatak ng luha sa mga mata ko. Isang gabing pilit kong gustong kalimutan... Ngunit ngayon, habang pinagmamasdan ko ang dalawang pulang guhit na iyon, napagtanto kong habambuhay na akong iuugnay sa gabing iyon.Nang gabing iyon... Habang nasa guest room kami ng mga anak ko... Hindi ko naiwasang mapaiyak. Tahimik na natutulog sina Kiel at Kian sa malaking kama, habang walang kamalay-malay sa mga salitang bumaon sa puso ko kanina. Pinilit kong pigilan ang mga luha ko. Dahil ayokong makita nila akong umiiyak. Ngunit kahit anong pilit ko... Mas lalo lamang bumibigat ang dibdib ko. Ilang sandali pa... Tatlong marahang katok ang narinig ko mula sa pinto. Mabilis kong pinunasan ang pisngi at huminga nang malalim bago ako bumangon para buksan ang pinto Pagkabukas ko noon agad bumungad sa akin ang gwapong mukha ng kasintahan ko. Na napakunot-noo ng makita ako "Have you been crying?" Mabilis akong umiling. "H-Hindi..." Ngunit hindi ko man lang natapos ang pagsisinungaling ko. Dahan-dahan niyang itinaas ang isang kamay at marahang hinaplos ang pisngi ko. "Come on Althea you don't have to hide it from me." napayuko ako. "Pasensya na..." Mahina kong sabi. "Hin
Althea's POV Hindi ko kailanman inisip na darating ang araw na magiging normal para sa akin ang presensya ni Zevran Altamirano. Dati... Isa lamang siyang pangalan na naririnig ko sa hotel. Ang CEO. Ang taong halos kinatatakutan ng lahat Ang lalaking laging seryoso, laging abala, at walang oras para sa kahit sino. Ngunit ngayon... Siya ang lalaking naghihintay sa labas ng hotel pagkatapos ng shift ko. Siya ang lalaking marunong makinig sa mga kwento ng kambal ko na halos walang katapusan at paulit-ulit. Siya ang lalaking nakaupo sa maliit naming sala na parang hindi siya isang taong sanay sa malalaki at mamahaling lugar. At higit sa lahat... Siya ang lalaking piniling manatili. Hindi ko alam kung kailan nagsimulang magbago ang lahat. Siguro noong gabing nasa rooftop kami ng ospital. Noong sinabi niyang hindi ko kailangang dalhin ang lahat mag-isa. O siguro noong una niyang hinawakan ang kamay ko hindi para tulungan ako bilang isang empleyado... Kundi b
Zevran's POV Tme has a strange way of changing people. Days became weeks. Weeks quietly turned into months. And before I realized it... That small apartment at Villa Esperanza had become as familiar to me as my own home. Every evening after work... Without even thinking about it... I found myself driving to the same place. Not because I had promised anyone. Not because I was expected to. But because my day somehow felt incomplete if I didn't see them. If I didn't hear Kian excitedly tell me about something he learned in school. If I didn't listen to Kiel proudly, explain another impossible invention he had imagined. And... If I didn't see Althea smile. It was strange. For years... My life revolved around meetings. Contracts. Business expansions. Numbers. Success. Everything had a schedule. Everything had a purpose. Yet somewhere along the way... My happiest moments became the ones that could never be written on a calendar. A simple
Hindi agad siya sumagot Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin na parang may gusto siyang sabihin... Ngunit hindi niya alam kung paano iyon sisimulan Tahimik ang maliit naming sala. Tanging mahinang ugong lamang ng electric fan at ang banayad na paghinga ng kambal mula sa silid ang maririnig. Ilang segundo ang lumipas humakbang siyang palapit sa akin at marahan niyang inabot ang isa kong kamay. Bahagya akong napasinghap ng maramdaman ko ang mainit niyang palad. Napatingin ako sa magkahawak naming kamay. Pagkatapos... Unti-unti akong tumingala. At doon nagtagpo ang aming mga mata. Hindi ko mabasa ang nais ipahiwatig ng kanyang mga mata ngunit malinaw kong nakita doon ang pag-aalinlangan niya... At ang damdaming na tila matagal na niyang pilit itinatago. "Althea..." Mahina niyang tawag sa pangalan ko na halos pabulong. Napalunok ako. "Sir...?" Hindi siya agad nagsalita sa halip... Marahan niyang hinaplos ng hinlalaki ang likod ng kamay ko na para
Althea's POV Mabilis lumipas ang mga araw. At maging ang mga linggo. Parang kailan lamang... Nasa ospital ako, nakaupo sa labas ng emergency room habang nanginginig sa takot at hindi alam kung ano ang mangyayari sa anak ko. Parang kailan lamang... Pakiramdam ko ay mag-isa kong hinaharap ang pinakamalaking pagsubok sa buhay ko. Ngunit ngayon... Unti-unti nang bumalik sa dati ang lahat. Si Kiel ay tuluyan nang gumaling. Bumalik na ang sigla niya. Bumalik na rin ang pagiging makulit niya na madalas kong pagsabihan. "Mama, pwede na po ba akong tumakbo?" Napatingin ako sa kanya habang nakakunot-noo. "Sige anak, pero kailangan mo pa ring mag-ingat okay?." "Opo Mama. Napangiti ako habang pinagmamasdan sila. Ito ang bagay na lagi kong ipinagpapasalamat. Ang makita silang masaya. Ang makita silang ligtas. Ngunit may isa pang bagay na hindi ko inaasahan. At iyon ay... ang boss kong si Zevran. Noong una... Hindi ko alam kung paano ako magiging komp
I used to believe that every important relationship in life began with a reason. Business partnerships had contracts. Friendships were built through years of trust. Connections were created through mutual benefit. Everything had an explanation. Everything had a beginning that made sense. But with Althea and her children... I couldn't find one. There was no business agreement. No obligation. No reason for me to keep returning. Yet every morning... I found myself thinking about them. About whether Kiel was feeling better. About whether Kian was eating properly. About whether Althea had rested at all. And that bothered me. Because I wasn't someone who allowed distractions. Especially personal ones. But somehow... A family I barely knew had become the first thing I thought about when I woke up Three days after Kiel's hospitalization... I returned to the hospital. This time... I wasn't carrying documents. I wasn't meeting investors. I wasn't there as the CEO of Al
Gavin POV Hindi ko hilig alalahanin ang nakaraan. para sa akin walang silbi iyon Ang mga alaala ay parang lumang sugat kapag paulit-ulit mong hinawakan, lalo lang dumudugo. Kaya natutunan kong tumingin palagi sa susunod na problema, susunod na deal, susunod na meeting. Mas madaling kontrolin an
Elyse POV Hindi ako sanay sa mga lugar na kumikinang. Iyong tipong pati sahig ay kaya mong makita ang repleksyon mo. Iyong mga lobby na amoy mamahaling pabango at katahimikan. Iyong mga gusaling may mga taong nakangiti pero parang laging may tinatago. Kaya tuwing pumapasok ako sa De La Vega Found
Gavin POV Hindi ko alam kung kailan ko huling naramdaman na tahimik ang sarili ko. Tahimik, hindi dahil wala akong naririnig. Tahimik, hindi dahil wala akong iniisip. Kundi iyong uri ng katahimikan na hindi mo na kailangang ipaliwanag sa kahit sino kung sino ka talaga sa likod ng pangalan mo. Sa
⚠️ DISCLAIMER This story is a work of fiction. All names, characters, places, institutions, and events mentioned in this story are purely products of imagination. Any resemblance or similarity to real persons, living or deceased public officials, politicians, personalities, organizations, or actua







