LOGINAlthea's POV
Three months. Tatlong buwan na ang lumipas mula nang magising ako sa isang hotel suite kasama ang isang estranghero. Tatlong buwan ko ring pilit kinalimutan ang gabing iyon. Pero ngayon... Pakiramdam ko'y bumalik ang lahat ng sakit na pilit kong ibinaon sa limot. Mahigpit kong hawak ang maliit na pregnancy test habang nakaupo sa malamig na sahig ng banyo. Dalawang pulang guhit. Positibo. Unti-unting lumabo ang paningin ko dahil sa mga luhang patuloy na pumapatak. "Paano..." mahinang bulong ko. "Paano ito nangyari?" Alam ko ang sagot. Ayaw ko lang tanggapin. Napayakap ako sa sarili habang hindi mapigilan ang pag-iyak. Kadarating ko lang mula sa pinakamalaking kabiguan ng buhay ko. Iniwan ako ng lalaking minahal ko sa loob ng anim na taon. Ngayon naman... Magiging ina ako. Mag-isa. Wala akong mapagsabihan. Wala na si Lola. Wala rin akong ibang kamag-anak na maaasahan. Muli kong tiningnan ang pregnancy test. Hindi na ito mawawala. Hindi ito panaginip. Isa itong katotohanan na kailangan kong harapin. Kinabukasan, nagpunta ako sa pinakamalapit na health center. Nanginginig ang mga kamay ko habang hinihintay ang resulta ng aking pagsusuri. Makalipas ang ilang minuto, ngumiti ang doktor. "Congratulations, Miss Villanueva." "Buntis nga po kayo." Parang tumigil ang mundo ko. Ngunit hindi pa roon natapos ang sorpresa. "May irerekomenda akong ultrasound para matingnan natin ang baby." Tahimik akong tumango. Hindi ko alam kung paano ako nakapasok sa ultrasound room. Habang nakahiga ako sa maliit na kama, pinahiran ng gel ang tiyan ko. Ilang segundo ang lumipas bago nagsalita ang doktor. Napangiti siya. "Interesting..." Kinabahan ako. "Doc... may problema po ba?" Umiling siya. "Wala." "Actually..." "Doble ang blessing mo." Napakunot-noo ako. "H-Ho?" Ibinaling niya sa akin ang monitor. "Congratulations." "Twins." Parang tumigil ang paghinga ko. "Kambal...?" "Opo." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Isang anak pa nga lang ay hindi ko na alam kung paano bubuhayin. Dalawa pa kaya? Paglabas ko ng klinika, para akong nawalan ng direksiyon. Mahigpit kong hawak ang ultrasound result. Unti-unting bumuhos ang ulan. Ngunit hindi ako gumalaw. "Tulungan Mo po ako..." mahina kong dasal. "Hindi ko po alam kung paano." Pag-uwi ko sa bahay, binuksan ko ang maliit na alkansyang ilang taon kong pinag-ipunan. Isa-isang binilang ang perang natitira. Hindi iyon sapat. Hindi para sa dalawang sanggol. Mula noon, nagsimula akong maghanap ng kahit anong pagkakakitaan. Naglaba. Naglinis ng bahay. Namalantsa ng damit. Nagbantay ng tindahan. Kung anumang marangal na trabaho ang dumating, tinanggap ko. Hindi ko na inisip ang pagod. Bawat pisong kinikita ko ay para sa mga anak ko. Habang lumalaki ang tiyan ko, lalo ring humirap ang paghahanap ng trabaho. Kapag nakikita ng mga employer na buntis ako, magalang nila akong tinatanggihan. "Pasensya na." "Kailangan namin ng kayang mag-overtime." Paulit-ulit kong naririnig ang mga salitang iyon. Unti-unti ring nauubos ang ipon ko. Dumating ang araw na kinailangan kong ibenta ang cellphone kong pinaghirapan kong bilhin sa Singapore. Kasunod nito ang maliit kong laptop. Pagkatapos... Ang ilan ko pang mga alahas kasama na ang engagement ring na binili ko Masakit. Pero wala akong pagpipilian. Mas mahalaga ang mga batang nasa sinapupunan ko. Pagsapit ng ikapito at siyam na buwan ng pagbubuntis ko halos hindi na ako makalakad nang maayos. Madalas sumakit ang tiyan at Balakang ko at mabilis din akong mapagod. Ngunit kailangan ko pa ring kumayod Kaya nagtinda-tinda ako ng mga kakanin sa harapan ng bahay ko Isang gabi, habang hinuhugasan ko ang mga gamit sa pagtitinda bigla kong naramdaman ang pagsakit ng tiyan ko "Aray..." Ilang sandali pa nagsunod-sunod na ang paghilab niyon Sakto naman na pinuntahan ako ng kapitbahay kong si Aling Rosa mabilis niya akong inalalayan. "Naku, iho! Mukhang manganganak ka na!" Pagkasabi niya noon agad siya nagtawag ng iba pa namin kapitbahay at agad nila akong isinugod sa pampublikong ospital Halos labinglimang oras akong nagtiis ng labor. Pakiramdam ko'y unti-unti nang nauubos ang natitira kong lakas. Bawat paghilab ay tila pinupunit ang buong katawan ko, at bawat sigaw ko ay kasabay ng pagdaloy ng mga luha sa aking mga pisngi Paulit-ulit kong tinatawag ang Lola ko. "Lola..." "Bigyan n'yo po ako ng lakas." Pakiramdam ko'y naroon siya sa tabi ko, hinahaplos ang buhok ko gaya ng ginagawa niya noong bata pa ako tuwing nilalagnat ako "Konti na lang, apo," parang naririnig ko ang malambing niyang tinig. "Huwag kang susuko." Napahagulhol ako. "Lola... natatakot po ako." "Mag-isa lang po ako." "Wala na kayong hahawak sa kamay ko." "Wala na akong ibang matatawag na pamilya." Sunod-sunod na naman ang paghilab. Napahigpit ang kapit ko sa kama habang napapikit sa tindi ng sakit. "Ma'am, huminga po kayo nang malalim!" sigaw ng doktor. "One more push!" Sinunod ko ang utos nila kahit halos wala na akong maibigay na lakas. Sa isip ko, iisa lang ang paulit-ulit kong panalangin. "Diyos ko... iligtas Ninyo po ang mga anak ko." "Kahit ako na lang ang mahirapan." "Kahit ako na lang ang masaktan." "Huwag lang po ang mga anak ko." Muling rumagasa ang matinding paghilab. Napasigaw ako habang ibinubuhos ang natitira kong lakas. Makalipas ang ilang sandali... Isang malakas na iyak ng sanggol ang umalingawngaw sa buong delivery room. "Congratulations!" "It's a healthy baby boy!" Hindi pa man ako nakakabawe nang lakas, muli akong nakaramdam ng matinding paghilab. Nagulat ang doktor. "One more push!" Napaluha ako habang ibinibigay ang natitira kong lakas. Ilang minuto pa... Isa na namang malakas na iyak ang narinig ko. "Another healthy baby boy!" Hindi ko napigilang mapaluha. Dalawa. May dalawa na akong dahilan para mabuhay. Ilang oras ang lumipas, magkatabing natutulog ang dalawang sanggol sa maliit na crib. Maingat kong hinaplos ang kanilang mumunting mga kamay. Napangiti ako sa gitna ng pagod. "Kiel..." Mahina kong bulong sa panganay. "Kian..." At sa bunso. "Simula ngayon..." "Kayo na ang buong mundo ko." Hindi ko man alam kung nasaan ang ama ninyo... Hindi ko man alam kung muli ko pa ba siyang makikita... Ipapangako ko... Hindi ko hahayaang maramdaman ninyo na kulang kayo sa pagmamahal. Kahit ako lang. Kahit ako lang ang maging sandalan ninyo. Hindi ko alam na ang pangakong iyon ang susubok sa akin sa mga susunod na taon. Hindi naging madali ang buhay matapos kong manganak. Pagkalabas ko pa lamang ng ospital, sinalubong na agad ako ng katotohanan. May mga bayarin akong kailangang bayaran. May dalawang sanggol na kailangang padedehin Bilhan ng diaper, bitamina, at iba pa At ako... Wala akong maayos na trabaho. Ang maliit na ipon na dinala ko mula sa Singapore ay naubos na sa pagbubuntis at panganganak ko Muli akong nagsimula. Sa umaga, naglalaba ako para sa mga kapitbahay. Sa hapon, nagtitinda ako ng mga kakanin sa palengke. Sa gabi, tinatahi ko ang mga sirang damit na ipinapagawa sa akin. Halos dalawang oras lang ang tulog ko bawat araw. Sa tuwing umiiyak si Kiel, gigising si Kian. Kapag napatulog ko naman si Kian, si Kiel naman ang magugutom. May mga gabing sabay silang nilalagnat habang wala akong perang pambili ng gamot. Tahimik na lamang akong umiiyak habang yakap ang dalawa. "Pasensya na, mga anak..." "Pero hindi susuko si Mommy." Dumating pa sa puntong nangutang ako sa Bombay Nang hindi ko agad nabayaran, napilitan akong isanla ang natitira ang bahay at lupa na pamana sa akin ng Lola ko Lumipas ang mga buwan. Unti-unting natutong gumapang sina Kiel at Kian. Ang una nilang ngiti... Ang una nilang tawa... Ang una nilang salitang, "Mama..." Lahat ng pagod ko ay tila nawawala sa isang iglap. Sila ang naging dahilan kung bakit patuloy akong bumabangon araw-araw. Hindi ko na hinanap pa ang lalaking naging ama nila. Hindi ko alam ang pangalan niya. Hindi ko alam kung saan siya matatagpuan. At kahit alam ko man... Wala na akong balak guluhin ang buhay niya. Sapat nang mayroon akong dalawang munting dahilan para ipagpatuloy ang buhay. Hanggang sa hindi ko namalayang lumipas ang limang taon. Lumaki sina Kiel at Kian bilang mababait, masisipag, at mapagmahal na bata. Ngunit kasabay ng paglaki nila ay ang pagdami rin ng aming gastusin. At muli, napilitan akong humanap ng mas maayos na trabaho. At doon napilitan na akong ipagbili ang bahay at lupa na tanging nag-iisang ala-alang iniwan sa akin ng Lola ko At napilitan kaming lumuwas ng maynila para doon maghanap ng trabaho. Hindi ko alam na ang trabahong aaplayan ko ang magiging simula ng pagbabalik ng lalaking pilit kong kinalimutan sa loob ng limang taon.Nang gabing iyon... Habang nasa guest room kami ng mga anak ko... Hindi ko naiwasang mapaiyak. Tahimik na natutulog sina Kiel at Kian sa malaking kama, habang walang kamalay-malay sa mga salitang bumaon sa puso ko kanina. Pinilit kong pigilan ang mga luha ko. Dahil ayokong makita nila akong umiiyak. Ngunit kahit anong pilit ko... Mas lalo lamang bumibigat ang dibdib ko. Ilang sandali pa... Tatlong marahang katok ang narinig ko mula sa pinto. Mabilis kong pinunasan ang pisngi at huminga nang malalim bago ako bumangon para buksan ang pinto Pagkabukas ko noon agad bumungad sa akin ang gwapong mukha ng kasintahan ko. Na napakunot-noo ng makita ako "Have you been crying?" Mabilis akong umiling. "H-Hindi..." Ngunit hindi ko man lang natapos ang pagsisinungaling ko. Dahan-dahan niyang itinaas ang isang kamay at marahang hinaplos ang pisngi ko. "Come on Althea you don't have to hide it from me." napayuko ako. "Pasensya na..." Mahina kong sabi. "Hin
Althea's POV Hindi ko kailanman inisip na darating ang araw na magiging normal para sa akin ang presensya ni Zevran Altamirano. Dati... Isa lamang siyang pangalan na naririnig ko sa hotel. Ang CEO. Ang taong halos kinatatakutan ng lahat Ang lalaking laging seryoso, laging abala, at walang oras para sa kahit sino. Ngunit ngayon... Siya ang lalaking naghihintay sa labas ng hotel pagkatapos ng shift ko. Siya ang lalaking marunong makinig sa mga kwento ng kambal ko na halos walang katapusan at paulit-ulit. Siya ang lalaking nakaupo sa maliit naming sala na parang hindi siya isang taong sanay sa malalaki at mamahaling lugar. At higit sa lahat... Siya ang lalaking piniling manatili. Hindi ko alam kung kailan nagsimulang magbago ang lahat. Siguro noong gabing nasa rooftop kami ng ospital. Noong sinabi niyang hindi ko kailangang dalhin ang lahat mag-isa. O siguro noong una niyang hinawakan ang kamay ko hindi para tulungan ako bilang isang empleyado... Kundi b
Zevran's POV Tme has a strange way of changing people. Days became weeks. Weeks quietly turned into months. And before I realized it... That small apartment at Villa Esperanza had become as familiar to me as my own home. Every evening after work... Without even thinking about it... I found myself driving to the same place. Not because I had promised anyone. Not because I was expected to. But because my day somehow felt incomplete if I didn't see them. If I didn't hear Kian excitedly tell me about something he learned in school. If I didn't listen to Kiel proudly, explain another impossible invention he had imagined. And... If I didn't see Althea smile. It was strange. For years... My life revolved around meetings. Contracts. Business expansions. Numbers. Success. Everything had a schedule. Everything had a purpose. Yet somewhere along the way... My happiest moments became the ones that could never be written on a calendar. A simple
Hindi agad siya sumagot Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin na parang may gusto siyang sabihin... Ngunit hindi niya alam kung paano iyon sisimulan Tahimik ang maliit naming sala. Tanging mahinang ugong lamang ng electric fan at ang banayad na paghinga ng kambal mula sa silid ang maririnig. Ilang segundo ang lumipas humakbang siyang palapit sa akin at marahan niyang inabot ang isa kong kamay. Bahagya akong napasinghap ng maramdaman ko ang mainit niyang palad. Napatingin ako sa magkahawak naming kamay. Pagkatapos... Unti-unti akong tumingala. At doon nagtagpo ang aming mga mata. Hindi ko mabasa ang nais ipahiwatig ng kanyang mga mata ngunit malinaw kong nakita doon ang pag-aalinlangan niya... At ang damdaming na tila matagal na niyang pilit itinatago. "Althea..." Mahina niyang tawag sa pangalan ko na halos pabulong. Napalunok ako. "Sir...?" Hindi siya agad nagsalita sa halip... Marahan niyang hinaplos ng hinlalaki ang likod ng kamay ko na para
Althea's POV Mabilis lumipas ang mga araw. At maging ang mga linggo. Parang kailan lamang... Nasa ospital ako, nakaupo sa labas ng emergency room habang nanginginig sa takot at hindi alam kung ano ang mangyayari sa anak ko. Parang kailan lamang... Pakiramdam ko ay mag-isa kong hinaharap ang pinakamalaking pagsubok sa buhay ko. Ngunit ngayon... Unti-unti nang bumalik sa dati ang lahat. Si Kiel ay tuluyan nang gumaling. Bumalik na ang sigla niya. Bumalik na rin ang pagiging makulit niya na madalas kong pagsabihan. "Mama, pwede na po ba akong tumakbo?" Napatingin ako sa kanya habang nakakunot-noo. "Sige anak, pero kailangan mo pa ring mag-ingat okay?." "Opo Mama. Napangiti ako habang pinagmamasdan sila. Ito ang bagay na lagi kong ipinagpapasalamat. Ang makita silang masaya. Ang makita silang ligtas. Ngunit may isa pang bagay na hindi ko inaasahan. At iyon ay... ang boss kong si Zevran. Noong una... Hindi ko alam kung paano ako magiging komp
I used to believe that every important relationship in life began with a reason. Business partnerships had contracts. Friendships were built through years of trust. Connections were created through mutual benefit. Everything had an explanation. Everything had a beginning that made sense. But with Althea and her children... I couldn't find one. There was no business agreement. No obligation. No reason for me to keep returning. Yet every morning... I found myself thinking about them. About whether Kiel was feeling better. About whether Kian was eating properly. About whether Althea had rested at all. And that bothered me. Because I wasn't someone who allowed distractions. Especially personal ones. But somehow... A family I barely knew had become the first thing I thought about when I woke up Three days after Kiel's hospitalization... I returned to the hospital. This time... I wasn't carrying documents. I wasn't meeting investors. I wasn't there as the CEO of Al
Elyse POV May mga gabing kahit pagod ka na, tumatanggi pa ring manahimik ang isip mo. Isa iyon sa gabing iyon. Nakahiga ako sa manipis kong kama habang pinapakinggan ang ulan sa bubong ng apartment. Katabi ko ang maliit na electric fan na halos mas maingay pa kaysa malamig. Sa kabilang kwarto, m
Elyse POV Hindi ako sanay sa mga lugar na kumikinang. Iyong tipong pati sahig ay kaya mong makita ang repleksyon mo. Iyong mga lobby na amoy mamahaling pabango at katahimikan. Iyong mga gusaling may mga taong nakangiti pero parang laging may tinatago. Kaya tuwing pumapasok ako sa De La Vega Found
Helena POV May mga taong akala nila, ang pagiging malakas ay natural na katangian. Hindi. Pinipili iyon. Araw-araw. Kahit unti-unti kang kinakain ng pagod. Kahit paulit-ulit mong pinipilit na huwag bumigay kahit sa harap ng taong matagal nang hindi na sa iyo buo. Si Gavin. Ang asawa ko. Ang
⚠️ DISCLAIMER This story is a work of fiction. All names, characters, places, institutions, and events mentioned in this story are purely products of imagination. Any resemblance or similarity to real persons, living or deceased public officials, politicians, personalities, organizations, or actua







