LOGIN"Sometimes, the people we love the most become the ones who hurt us the deepest. But when one chapter ends in heartbreak, fate quietly begins writing another."
May mga taong ipinaglalaban ang pag-ibig. May mga taong isinusugal ang lahat para sa taong mahal nila. At mayroon ding mga taong, sa kabila ng lahat ng sakripisyo at pagtitiis iiwan pa ring luhaan. Isa na roon si Althea Villanueva. "Good morning, Althea!" "Good morning." ganting bati niya sa kanyang kasamahan sa trabaho habang itinutulak ang housekeeping cart sa pasilyo ng isang five-star hotel sa Singapore. Alas-singko pa lamang ng umaga ngunit nagsisimula na ang isa na namang mahabang araw. Isa-isang nilinis ni Althea ang mga mamahaling suite. Nagpalit ng bedsheet. Nag-vacuum ng carpet. Naglinis ng banyo. Nagpunas ng salamin. Paulit-ulit. Araw-araw. Sa loob ng anim na taon. Hindi madali ang maging hotel cleaner sa ibang bansa. May mga gabing umiiyak siya sa pagod. May mga araw na nilalagnat siya ngunit kailangan pa ring pumasok. May mga pagkakataong minamaliit siya ng ilang bisita. Pero tiniis niya ang lahat. Hindi dahil gusto niya. Kundi dahil may pangarap siyang gustong tuparin. Kasama ang kasintahan niyang si Damian Reyes. Ang lalaking minahal niya mula pa noong kolehiyo. Nang kapusin ito sa matrikula, si Althea ang unang nagkusang magtrabaho sa ibang bansa. Bawat buwan, nagpapadala siya dito para masuportahan ang pag-aaral ni Damian. Habang maingat niyang iniipon ang iba. Hindi para sa luho. Kundi para sa kinabukasan nilang dalawa. Para sa maliit na bahay. Para sa simpleng kasal. Para sa pamilyang matagal na nilang pinapangarap. Kahit ang engagement ring na nakatago sa kanyang maleta ay bunga ng ilang taong pagtitipid. Hindi siya bumili ng mamahaling bag. Hindi siya nagbakasyon. Hindi siya gumastos sa kung anu-anong bagay. Lahat ng iyon ay isinantabi niya. Dahil naniniwala siyang balang araw, magiging sulit ang bawat pagsasakripisyo niya. Dahil sa wakas... Gagraduate na si Damian. Makalipas ang ilang araw... Marahang lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Althea sa paliparan. Nang tuluyang huminto ang eroplano at makalabas siya ng doon, sandali siyang napatigil. Mahigpit niyang niyakap ang sarili habang malalim na nilalanghap ang hangin ng Pilipinas. Isang munting ngiti ang namutawi sa kanyang mga labi. Ilang taon din ang lumipas bago siya muling nakabalik sa bansang kanyang kinalakhan. Maraming alaala ang unti-unting nagbalik sa kanyang isipan mga masasayang sandali, mga pangarap, at mayroon din masasakit na pilit niyang kinalimutan Ngayon, bumalik siya na mas matatag, mas handa, at determinadong harapin ang lahat ng naghihintay sa kanya. Hindi ipinaalam ni Althea kay Damian ang kanyang pag-uwi. Gusto niya itong sorpresahin. Ilang beses niya iyong inisip habang nasa eroplano pa lamang. Paulit-ulit niyang inilarawan sa kanyang isipan ang magiging tagpo sa muli nilang pagkikita. Pagkatapos ng graduation, yayakapin niya ang lalaking pinakamamahal. Mahigpit... na para bang binabawi ang lahat ng panahong magkalayo sila. Sasabihin niyang natupad na rin ang kanyang pangarap at handa na silang sabay na tahakin ang panibagong yugto ng kanilang buhay Bitbit ang pananabik at saya sa kanyang dibdib, nagtungo siya sa unibersidad kung saan idinaraos ang graduation ni Damian Pagdating niya roon, bumungad sa kanya ang masiglang paligid. Naroon ang masasayang tawanan, mahihigpit na yakapan, at walang humpay na pagbati. May mga estudyanteng may hawak na mga bulaklak at diploma, habang ang kanilang mga magulang ay hindi maitago ang pagmamalaki sa kanilang mga mukha May mga yakapang puno ng pananabik. May mga bulaklak na sumisimbolo ng tagumpay. May mga luhang dumadaloy hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa katuparan ng mga pangarap. Sa gitna ng napakaraming tao, awtomatikong hinanap ng mga mata ni Althea ang nag-iisang taong dahilan ng kanyang pag-uwi Ang lalaking ilang taon niyang inasam na muling mayakap. Ngunit ang masaya niyang ngiti ay tila unti-unting naglaho nang makita niya ang taong matagal niyang pinanabikan Si Damian. Nakatoga. Nakangiti. Ngunit... May ibang babaeng nakayakap dito. Napahinto si Althea. Lalo siyang nanlamig nang mapansin ang nakaumbok na tiyan ng babae. Parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo niya. Hindi pa man siya nakakalapit ay narinig na niya ang boses ng ina ni Damian. "Mag-ingat ka, hija. Apo namin ang dinadala mo." Parang binuhusan ng malamig na tubig si Althea. Unti-unting nahulog sa kanyang kamay ang bouquet na dala niya. At doon napalingon si Damian sa direksiyon niya. At imbes na saya ang makita niya sa mukha ng lalaki... Inis pa ang bumungad. "Althea?" "Damian..." nanginginig niyang tawag sa pangalan ng kasintahan. "Love," tanong ng buntis na babae. "Sino siya?" Tahimik si Damian. Ilang segundo ang lumipas bago ito nagsalita. "Love, siya si Althea..."Ex ko." Parang may sumabog sa loob ng dibdib ni Althea ng marinig niya iyon. "Ex?" Damian.." Hindi na niya natapos ang sasabihin. Humawak si Damian sa balikat ng buntis. "Umalis kana Althea mahal ko si Michelle." At magkakaanak na kami." "Anim na taon konh sinuportahan ang pag-aaral mo." "Ikaw ang dahilan kung bakit ako nag-abroad." "Ikaw ang dahilan kung bakit—" "Hindi kita pinilit." Galit nitong sagot sa kanya. "At saka... matagal na kitang gustong hiwalayan." Parang pinilas-pilas ang puso ni Althea. Hindi na niya narinig ang mga sumunod na salita nito. Tahimik siyang tumalikod. At naglakad palayo. Kasama ang lahat ng pangarap na tuluyan nang nawasak. Pagsapit ng gabi... Natagpuan ni Althea ang sarili sa isang bar. Hindi siya umiinom. Ngunit ngayong gabi... Pakiramdam niya, wala na siyang dahilan para pigilan ang sarili "One more," paos niyang sabi habang itinutulak ang walang lamang baso sa bartender. Muling napuno ang baso. Muli niya iyong inubos sa isang lagok. Isa pa. At isa pa. Hanggang sa hindi na niya mabilang kung ilang baso na ang naubos niya. Kasabay ng bawat lagok ay ang bawat alaalang pilit niyang gustong lunurin. Anim na taon... Anim na taon ng pagod at pagsasakripisyo. Anim na taon ng pagtitiis sa pangungulila. Anim na taon ng walang sawang pagtatrabaho at pag-aaral para sa kinabukasan nilang dalawa. Anim na taon ng paniniwalang may naghihintay sa kanyang pag-ibig. Ngunit sa isang iglap... Parang walang halaga ang lahat. Napahagulgol siya habang mahigpit na hawak ang baso. "Bakit...?" halos pabulong niyang tanong sa sarili. "Bakit gano'n kadaling burahin ang anim na taon? Kulang pa ba ang pagmamahal ko?" Pumikit siya, ngunit mas malinaw niyang nakita ang tagpong pilit niyang gustong kalimutan ang mga ngiti ni Damian para sa ibang babae Napatawa siya. Isang mapait at basag na tawa. "Ako pala ang tanga..." "Ako ang naniwalang may babalikan pa." Mahina niyang ipinatong ang noo sa mesa habang patuloy na pumapatak ang kanyang mga luha. "Alam mo ba kung ilang gabi kitang ipinagdasal?" "Alam mo ba kung ilang beses kong pinili ang pangarap natin kaysa sa sarili kong kaligayahan?" "Ni minsan... hindi ako naghanap ng iba." "Ikaw lang." "Ikaw lang ang minahal ko sa loob ng anim na taon." Humugot siya ng malalim na hininga, ngunit lalo lamang sumikip ang kanyang dibdib. "Ang sakit pala..." "Ang sakit palang umuwi na puno ng pangarap... tapos ang sasalubong sa'yo ay katotohanang wala ka nang babalikan." Napapikit siya habang tuluyan nang bumagsak ang huling pader na matagal niyang itinayo sa kanyang puso. "Kung alam ko lang na ganito ang kahihinatnan..." "Hindi na sana ako nangarap." "Hindi na sana kita minahal nang subra..." Sa kabilang dulo ng bar, isang lalaking nakasuot ng itim na suit ang tahimik na nakamasid sa kanya. Hindi alam ni Althea na ang estrangherong iyon ang isa sa pinakabatang bilyonaryo sa bansa. Hindi siya sanay makialam sa buhay ng iba. Ngunit may kung anong nagtulak sa kanya na pagmasdan ang babaeng umiiyak habang pilit nilulunod ang sarili nito sa alak Makalipas ang ilang minuto, pilit na tumayo si Althea. Ngunit sa unang hakbang pa lamang ay bigla nang umikot ang kanyang paningin. Nawalan siya ng balanse at tuluyang napapikit. Bago pa siya bumagsak sa malamig na sahig, may matitibay na bisig na agad na sumalo sa kanya. "Careful," mahinang saad ng isang lalaki. Dahan-dahang iminulat ni Althea ang kanyang mga mata. Sandaling nagtama ang kanilang mga tingin. Punô ng pagkalito ang mga mata ng babae, samantalang katahimikan lamang ang mababanaag sa mukha ng estranghero "Masama ba akong tao?" nanginginig ang tinig na tanong ni Althea habang patuloy na tumutulo ang kanyang mga luha. "Bakit... parang ang dali kong iwan?" Hindi nakasagot si Zevran. Hindi niya alam ang kwento ng babaeng nasa kanyang harapan, ngunit sapat na ang mga luha nito upang maunawaan niyang may mabigat itong pinagdaraanan Tahimik niya itong inalalayan. Nang mapansing halos hindi na makalakad si Althea dahil sa kalasingan, maingat niya itong inilabas ng bar. Ayaw niya itong iwan sa gitna ng malamig na gabi, lalo pa't wala itong kakayahang alagaan ang sarili sa mga oras na iyon. Sa gabing iyon... Pareho nilang hindi alam na ang simpleng pagtatagpo ng dalawang estranghero ang magiging simula ng isang kapalarang tuluyang mag-uugnay sa kanilang mga buhay Kinabukasan... Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Althea. Agad niyang naramdaman ang matinding pagkirot ng kanyang ulo at ang panunuyo ng kanyang lalamunan. Napangiwi siya habang pilit inaalala ang nangyari noong nakaraang gabi. Ngunit nang igala niya ang kanyang paningin, bigla siyang natigilan. Hindi pamilyar ang silid. Malawak ang hotel suite, elegante ang mga kasangkapan, at malinaw na hindi iyon ang lugar na inaasahan niyang pagmulatan Mabilis siyang napabangon. Ngunit tila tumigil ang kanyang paghinga nang mapansin ang isang lalaki na mahimbing na natutulog sa kabilang bahagi ng kama. Nanlaki ang kanyang mga mata. Pinilit niyang alalahanin ang lahat ng nangyari, ngunit puro pira-pirasong alaala lamang ang pumapasok sa kanyang isipan Ang bar... Ang alak... May taong sumalo sa kanya... Pagkatapos noon... Wala na. Takot. Pagkalito. Pagsisisi. Sunod-sunod na rumagasa ang mga damdaming iyon sa kanyang dibdib. Tahimik niyang pinulot ang kanyang bag na nakapatong sa mesa. Mula rito ay inilabas niya ang engagement ring na ilang oras na ang nakalipas ay simbolo pa ng kanyang mga pangarap. Mariin niya itong tinitigan bago dahan-dahang isinuksok pabalik sa loob ng bag. Wala na rin naman itong kahulugan. Hindi na siya lumingon pa. Tahimik siyang lumabas ng silid, dala ang pusong mas wasak kaysa noong gabing pumasok siya sa bar. Hindi niya alam ang pangalan ng lalaking iniwan niya. Hindi rin niya alam kung muli pa bang pagtatagpuin ng tadhana ang kanilang mga landas. Ang tangi niyang alam, kailangan na niyang kalimutan ang nangyari sa nagdaan gabing iyon at magpatuloy sa kanyang buhay. "Makalipas ang tatlong buwan..." "Positive." Nanginginig ang kamay ni Althea habang nakatitig sa pregnancy test. Buntis siya. At hindi niya alam ang pangalan ng ama ng kanyang dinadala.Nang gabing iyon... Habang nasa guest room kami ng mga anak ko... Hindi ko naiwasang mapaiyak. Tahimik na natutulog sina Kiel at Kian sa malaking kama, habang walang kamalay-malay sa mga salitang bumaon sa puso ko kanina. Pinilit kong pigilan ang mga luha ko. Dahil ayokong makita nila akong umiiyak. Ngunit kahit anong pilit ko... Mas lalo lamang bumibigat ang dibdib ko. Ilang sandali pa... Tatlong marahang katok ang narinig ko mula sa pinto. Mabilis kong pinunasan ang pisngi at huminga nang malalim bago ako bumangon para buksan ang pinto Pagkabukas ko noon agad bumungad sa akin ang gwapong mukha ng kasintahan ko. Na napakunot-noo ng makita ako "Have you been crying?" Mabilis akong umiling. "H-Hindi..." Ngunit hindi ko man lang natapos ang pagsisinungaling ko. Dahan-dahan niyang itinaas ang isang kamay at marahang hinaplos ang pisngi ko. "Come on Althea you don't have to hide it from me." napayuko ako. "Pasensya na..." Mahina kong sabi. "Hin
Althea's POV Hindi ko kailanman inisip na darating ang araw na magiging normal para sa akin ang presensya ni Zevran Altamirano. Dati... Isa lamang siyang pangalan na naririnig ko sa hotel. Ang CEO. Ang taong halos kinatatakutan ng lahat Ang lalaking laging seryoso, laging abala, at walang oras para sa kahit sino. Ngunit ngayon... Siya ang lalaking naghihintay sa labas ng hotel pagkatapos ng shift ko. Siya ang lalaking marunong makinig sa mga kwento ng kambal ko na halos walang katapusan at paulit-ulit. Siya ang lalaking nakaupo sa maliit naming sala na parang hindi siya isang taong sanay sa malalaki at mamahaling lugar. At higit sa lahat... Siya ang lalaking piniling manatili. Hindi ko alam kung kailan nagsimulang magbago ang lahat. Siguro noong gabing nasa rooftop kami ng ospital. Noong sinabi niyang hindi ko kailangang dalhin ang lahat mag-isa. O siguro noong una niyang hinawakan ang kamay ko hindi para tulungan ako bilang isang empleyado... Kundi b
Zevran's POV Tme has a strange way of changing people. Days became weeks. Weeks quietly turned into months. And before I realized it... That small apartment at Villa Esperanza had become as familiar to me as my own home. Every evening after work... Without even thinking about it... I found myself driving to the same place. Not because I had promised anyone. Not because I was expected to. But because my day somehow felt incomplete if I didn't see them. If I didn't hear Kian excitedly tell me about something he learned in school. If I didn't listen to Kiel proudly, explain another impossible invention he had imagined. And... If I didn't see Althea smile. It was strange. For years... My life revolved around meetings. Contracts. Business expansions. Numbers. Success. Everything had a schedule. Everything had a purpose. Yet somewhere along the way... My happiest moments became the ones that could never be written on a calendar. A simple
Hindi agad siya sumagot Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin na parang may gusto siyang sabihin... Ngunit hindi niya alam kung paano iyon sisimulan Tahimik ang maliit naming sala. Tanging mahinang ugong lamang ng electric fan at ang banayad na paghinga ng kambal mula sa silid ang maririnig. Ilang segundo ang lumipas humakbang siyang palapit sa akin at marahan niyang inabot ang isa kong kamay. Bahagya akong napasinghap ng maramdaman ko ang mainit niyang palad. Napatingin ako sa magkahawak naming kamay. Pagkatapos... Unti-unti akong tumingala. At doon nagtagpo ang aming mga mata. Hindi ko mabasa ang nais ipahiwatig ng kanyang mga mata ngunit malinaw kong nakita doon ang pag-aalinlangan niya... At ang damdaming na tila matagal na niyang pilit itinatago. "Althea..." Mahina niyang tawag sa pangalan ko na halos pabulong. Napalunok ako. "Sir...?" Hindi siya agad nagsalita sa halip... Marahan niyang hinaplos ng hinlalaki ang likod ng kamay ko na para
Althea's POV Mabilis lumipas ang mga araw. At maging ang mga linggo. Parang kailan lamang... Nasa ospital ako, nakaupo sa labas ng emergency room habang nanginginig sa takot at hindi alam kung ano ang mangyayari sa anak ko. Parang kailan lamang... Pakiramdam ko ay mag-isa kong hinaharap ang pinakamalaking pagsubok sa buhay ko. Ngunit ngayon... Unti-unti nang bumalik sa dati ang lahat. Si Kiel ay tuluyan nang gumaling. Bumalik na ang sigla niya. Bumalik na rin ang pagiging makulit niya na madalas kong pagsabihan. "Mama, pwede na po ba akong tumakbo?" Napatingin ako sa kanya habang nakakunot-noo. "Sige anak, pero kailangan mo pa ring mag-ingat okay?." "Opo Mama. Napangiti ako habang pinagmamasdan sila. Ito ang bagay na lagi kong ipinagpapasalamat. Ang makita silang masaya. Ang makita silang ligtas. Ngunit may isa pang bagay na hindi ko inaasahan. At iyon ay... ang boss kong si Zevran. Noong una... Hindi ko alam kung paano ako magiging komp
I used to believe that every important relationship in life began with a reason. Business partnerships had contracts. Friendships were built through years of trust. Connections were created through mutual benefit. Everything had an explanation. Everything had a beginning that made sense. But with Althea and her children... I couldn't find one. There was no business agreement. No obligation. No reason for me to keep returning. Yet every morning... I found myself thinking about them. About whether Kiel was feeling better. About whether Kian was eating properly. About whether Althea had rested at all. And that bothered me. Because I wasn't someone who allowed distractions. Especially personal ones. But somehow... A family I barely knew had become the first thing I thought about when I woke up Three days after Kiel's hospitalization... I returned to the hospital. This time... I wasn't carrying documents. I wasn't meeting investors. I wasn't there as the CEO of Al
Elyse POV May mga gabing kahit pagod ka na, tumatanggi pa ring manahimik ang isip mo. Isa iyon sa gabing iyon. Nakahiga ako sa manipis kong kama habang pinapakinggan ang ulan sa bubong ng apartment. Katabi ko ang maliit na electric fan na halos mas maingay pa kaysa malamig. Sa kabilang kwarto, m
Gavin POV Hindi ko hilig alalahanin ang nakaraan. para sa akin walang silbi iyon Ang mga alaala ay parang lumang sugat kapag paulit-ulit mong hinawakan, lalo lang dumudugo. Kaya natutunan kong tumingin palagi sa susunod na problema, susunod na deal, susunod na meeting. Mas madaling kontrolin an
Elyse POV Hindi ako sanay sa mga lugar na kumikinang. Iyong tipong pati sahig ay kaya mong makita ang repleksyon mo. Iyong mga lobby na amoy mamahaling pabango at katahimikan. Iyong mga gusaling may mga taong nakangiti pero parang laging may tinatago. Kaya tuwing pumapasok ako sa De La Vega Found
⚠️ DISCLAIMER This story is a work of fiction. All names, characters, places, institutions, and events mentioned in this story are purely products of imagination. Any resemblance or similarity to real persons, living or deceased public officials, politicians, personalities, organizations, or actua
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






