LOGINANG PAGTATAGPO
Magkahalong lungkot at takot ang nadarama ni Alexa habang bitbit ang maleta habang tumatawid sa madilim na kalsada. Nalulungkot siyang lisanin ang lugar na kanyang kinalakihan, ngunit natatakot naman siyang manatili para maikasal sa kung sinong tao na hindi niya kilala. “Ayyyyyy!” bigla siyang napasigaw nang muntik na siyang mahagip nang dumaan na sasakyan. Biglang huminto ang sasakyan at pumanaog ang sakay nito. “What the h*ck! Okay ka lang ba?” tanong ng lalaki na bumaba galing sa sasakyan. Dahil sa sinag nang headlight ng sasakyan, naaninag niyang gwapo ito, hindi naman ito mukhang barumbado. Kaya naisipan niyang magsinungaling para makasakay sa sasakyan nito at makaalis sa lugar na iyon. “Aray! Ang sakit ng balakang ko,” nagpaika-ika pa siyang dinampot ang maleta niya, na nabitawan niya kanina sa sobrang gulat. “I'm sorry, nagmamadali kasi ako, hindi kita napansin, bakit ka ba kasi biglang sumulpot?” turan nito sa kanya. “Aray! Nabalian yata ako, pwede bang tulungan mo muna ako? Nahihilo ako,” at para maging makatotohanan ang akting niya, ay umarte siyang nawalan nang malay. Ramdam niya ang pagkataranta sa boses nito, nang dali-dali siyang buhatin nito at isinakay sa sasakyan. “D*mn!” Napasuntok pa ito sa manibela habang nagmamaneho. “Pag minalas ka naman oh, ano ba ang gagawin ko sa'yo? Wala pa namang malapit na ospital dito. Bahala na,” dinig niyang kausap nito sa sarili. “Sana sa malayo mo ako dalhin, at nang makatakas na ako sa lugar na ito,” tanging dalangin niya sa kanyang isip. Ilang saglit lang naramdaman niya ang paghinto ng sasakyan. Pumanaog ang lalaki, sumilip siya, nasa isang gasoline station sila. Nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan, may nakita siyang comfort room, kaya maingat niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at bumaba. “Mabuti at gising kana? Masyado mo akong pinag-alala, wala pa namang malapit na ospital dito para matingnan ka.” turan nang lalaki nang mapansin siya. “Ayoko ko sa ospital, kailangan ko lang ipahinga ito, bugbog lang ito, ang kailangan ko ay pumunta don, at naiihi na ako.” Inginuso niya ang direksiyon ng comfort room. “Kaya mo bang pumunta dun?” tanong nito sa kanya. “Pwede bang alalayan mo ako?” Umarte pa rin siyang may masakit sa kanya. Hindi naman ito nag-protesta at inalalayan nga siya. Nagulat pa siya nang paglabas niya ng C.R. ay nakaabang pa rin ito sa kanya. Inalalayan siya nito ulit hanggang makabalik na sila sa loob ng sasakyan. “Sigurado ka bang okay ka lang, at hindi na kita kailangang dalhin sa hospital?” basag nito sa pananahimik niya. “Ayoko sa hospital, feeling ko mas lalo akong magkakasakit dun, pwede bang pagpahingahin mo muna ako sa bahay mo?” patay malisyang tanong niya rito. “Bakit? Saan ba ang punta mo?” Gabing-gabi na ah,” takang tanong nito sa kanya. “Maghahanap sana ako nang trabaho, kaso hindi ko kabisado ang lugar, na scam kasi ako , yung nag-hire sa akin ng trabaho ay hindi ako sinipot. Naghintay ako sa terminal ng bus dahil doon ang usapan naming magkita, ngunit inabot na ako ng gabi, hindi pa siya dumating,” pagsisinungaling niya rito. Dalangin niyang sana, maniwala ito sa naimbento niyang kwento. Hindi naman siya sinungaling, hinihingi lang talaga nang pagkakataon. Naantig naman ang puso ni Lucas sa narinig, kawawa naman pala ito, naisip niyang delikado rito ang pakalat-kalat sa daan. Maganda pa naman ito at batang-bata, mukhang teenager pa ito. Kung tutuusin wala naman siyang kasama sa bahay niya. Tutal naghahanap ito ng trabaho, pwede niya itong kuning tagapaglinis, o baka naman marunong din itong magluto. “Naghahanap ka kamo ng trabaho? Tagalinis at tagaluto, okay lang ba sa'yo?” tanong niya rito. Nakita niyang biglang lumiwanag ang mukha nito. “Oo naman po, sanay po ako sa mga gawaing bahay,” masiglang sagot nito sa kanya. Ewan ba niya, ngunit nakaramdam siya ng saya nang makitang parang napanatag ang mukha ng dalaga. “Ako nga pala si Lucas, ikaw, ano ang itatawag ko sa'yo?” tanong niya rito habang ang mga mata ay nakatutok sa daan. Malapit na silang makarating sa bahay niya ngunit hindi pa niya alam ang pangalan nito. “Lexie ang pangalan ko,” tipid nitong sagot. Nakitang niyang humikab ito, batid niyang inaantok na ito. “Mamaya kana matulog, malapit na tayo,” halos isang oras din ang bayahe nila, kaya ramdam niyang pagod na ito. Tumango lang ito sa kanya na parang bata. Ilang saglit lang ay narating na nila ang bahay niya. Ipinarada niya ang sasakyan, nang huminto ang sasakyan ay nauna na itong lumabas doon bitbit ang maleta nito. “Ang laki pala nang bahay mo? At ang ganda,” kita niya ang paghanga sa mukha nito habang pinagmamasdan ang bahay niya. “Halika, pumasok na tayo,” turan niya rito habang nagpatiuna na sa paghakbang at binuksan ang pinto. “Siguro tulog na ang mga kasama mo sa bahay, masyado namang tahimik,” sabi nito nang makapasok na sila. Mausisa pala at madaldal ang dalaga, nagpalinga-linga pa ito sa paligid na tila may hinahanap. “Maaga pa ang alis ko bukas, kaya ngayon pa lang e-tour na kita sa bahay at nang makabisado mo ang bawat sulok. Mag-isa lang ako rito, kaya habang wala ako, ikaw na ang bahala rito. Siguro naman maaasahan kita at hindi ka gagawa ng kalokohan,” diritsa niyang wika rito. Una niyang dinadala ito sa kusina, pagkatapos sa study room niya, ipinaalam din niya kung nasaan ang kwarto niya, at ang panghuli ay ang magiging silid nito. Tumango-tango lang ito, habang kinakausap niya, halatang antok at pagod na ito. “Sige na, magpahinga ka na, at pagod na rin ako,” wika niya rito, matapos niyang iikot ito sa loob ng bahay. “Maraming salamat po, tatanawin kong isang malaking utang na loob ang pagtulong niyo sa akin.” “Walang anuman man yon, basta pagbutihin mo ang trabaho mo,” nakangiting turan niya rito. Kahit na hindi pa niya ito lubos na kilala ay magaan ang loob niya rito. Mukha naman kasi itong mabait at inosente. Naalala niya tuloy ang Lolo Marcus niya at ang babaeng gusto nitong mapangasawa niya. Kung purihin ito nang Lolo niya ay parang Santa, nagawa namang maglayas. Napabuntong hininga na lang siya. “Nahanap na kaya nila ang babaeng yun?” Abangan!!!!“Do you want some pain killer Sir Lucas?” agad na wika ng sekretarya ni Lucas kaya napabaling si Lexie dito. Kunting-kunti na lang talaga at mapipiktusan na niya ito. Acting so concern at efficient pero siya lang ang nakakaalam na may hidden agenda ito. Alam niyang may gusto ito kay Lucas na tahasang inamin nito sa kanya noon. Ngayong alam niya na may pagtingin ito sa asawa niya, hindi niya hahayaang makipaglandian ito kay Lucas habang nakatingin siya. “No need, ako na ang bahala sa asawa ko,” idiin pa niya ang salitang asawa sa huli, marking her territory, gusto niyang ipahiwatig dito na sa kanya si Lucas at siya lang ang may katapatang alagaan ito. “Lucas honey, maybe you are just too tired, hayaan mo, pagdating natin sa bahay bibigyan kita ng bonggang masahe, a total massage, mula ulo hanggang paa, di ba gustong-gusto mo yun?” malambing na wika niya sa asawa at hinaplos pa ang braso nito. Gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi Lucas sa turan ng asawa. “I can't wait to get
Palabas na si Lucas ng kompanya ng pahabol siyang tawagin ni Maricel.“Anong nangyari sa'yo, why you are such in a hurry? At bakit puno ng pawis iyang mukha mo?” kunot noong tanong ni Lucas sa sekretarya na hingal na hingal habang humahakbang palapit sa kanya.Huminga muna ito ng malalim bago sumagot. She's been faking it, mukhang pawisan at pagod para maantig ang puso ni Lucas. Ang totoo binasa niya lang ng tubig ang buong mukha at iilang parte ng nakalugay niyang buhok para mag mukha itong pawis.“Pasensya ka na Sir Lucas, may sira yata ang kotse ko at ayaw mag-start. Sinubukan kung kalikutin pero wala eh, ayaw pa ring umandar. Baka naman pwedeng makisabay sa inyo at on the way naman yung apartment ko?”Walang anlinlanlangan na sumagot agad si Lucas.“Sure, pero kailangan ko munang sunduin si Lexie sa University before I can drop you home, do you mind?”Sa bait ni Lucas sigurado siyang hindi siya kaya nitong tanggihan. Nakaplano na ang mga kilos niya para mapalapit kay Lexie at
Hindi maintindihan ni Alexa ang sarili, pakiramdam niya parang may mga nagliliparang paru-paro sa sikmura niya, para siyang naiihi na natatae na hindi niya mawari.“What's wrong? Mukhang hindi ka yata mapakali? Aren't you excited dahil papasok ka na sa isang University?” puna ni Lucas sa kanya, kasalukuyang nakahinto ang sasakyan ni Lucas sa harap ng isang prestigious University.“ Syempre excited, kaya lang medyo kinakabahan ako. Alam mo na, wala akong kakilala sa bagong school na ‘to, sa bagong mundo na papasukin ko, kaya medyo kabado lang.”Minsan, nagpaalam siya kay Lucas kung pwedeng bumalik siya sa pag-aaral, pumayag naman ito agad. At sa tulong nito nakapasok siya sa isang prestigious university sa syudad. Iba naman talaga kung mayaman at maraming koneksyon, lahat nagagawan ng paraan kahit sa maikling panahon.At ngayon, parang nanuyo ang lalamunan niya habang nakatanaw sa malaking gusali sa harapan niya. Unang araw niya sa school at nag-insist si Lucas na ihatid siya.“Don't
Tila parang panaginip lang lahat, ang gusto lang naman ni Alexa noon ay makatakas sa kamay ng sugarol niyang tiyuhin at huwag makasal sa taong hindi niya mahal, pero heto siya ngayon nakangiti habang nagpiprito ng itlog para sa asawa niya, sinong mag-aakala na ang lalaking tinakbuhan niya ay siya rin pala ang magpapatibok ng puso niya. “Ay kabayo!” napaigtad siya ng biglang may matipunong mga braso ang yumakap sa kanya mula sa likuran. “Hmmm ang bango naman,” mahinang anas nito sa tenga niya na nagdulot ng kakaibang sensasyon sa kanya. Nagpakawala siya ng isang buntong hininga at kunwaring sumimangot ng humarap sa asawa. “Ano ba Lucas, tigilan mo nga ako, kita mong nagluluto ako eh, pwede bang umupo ka muna doon at tatapusin ko lang itong ginagawa ko,” wika niya at ininguso ang bakanteng silya. Ngunit umiling lang si Lucas at lalong hinigpitan ang yakap sa kanya habang masuyong inamoy-amoy ang leeg niya. Never in her wildest dream that she would end up marrying Lucas. Noon
Parang mabibingi si Alexa sa lakas ng kalabog ng kanyang dibdib, habang maingat siyang inihihiga sa kama ni Lucas. Namumungay ang mga mata nito na puno ng pagnanasa. Napalunok siya ng humagod ang mga kamay nito sa makinis niyang hita.“Lucas,” impit na daing niya habang nakapikit ang mga mata, nagsimula ng uminit ang pakiramdam niya. Para bang ang bawat haplos nito ay nagdudulot ng kakaibang init sa buong sistema niya.Maya-maya lang ay naramdaman na lang niya ang mga labi nito sa mga labi niya, kusang gumalaw ang mga labi niya upang salubungin ang mga halik nito. Mainit, mapusok, mapaghanap at puno ng pagnanasa. Di mapigilan ni Alexa ang mapaungol, nadadarang na siya sa init na dala ng mga halik at haplos ni Lucas. Hanggang sa tuluyang kumawala ang emosyon na matagal na niyang kinikimkim, buong puso siyang nagpaubaya kay Lucas hanggang sa sabay nilang narating ang rurok ng kaligayahan. Kapwa sila hingal at habol ang hininga matapos ang isang maiinit na pagniniig.Kinabukasan, hindi m
Halos hindi makapaniwala ang mga empleyado ni Lucas sa narinig, lalong-lalo na ang personal secretary nito na si Maricel. Ang buong akala ng mga ito ay isa lang siyang hamak na katulong kaya isang malaking pasabog sa mga ito nang sabihin ni Lucas na asawa siya nito.“Lucas, bakit mo naman sinabi sa kanila na asawa mo ako? “ tanong niya kay Lucas matapos niyang makapagbihis.“Bakit naman hindi? Talaga namang asawa kita. Dapat lang na malaman nila ng sa ganun respetuhin ka nila gaya ng pagrespeto nila sa akin. Bakit ayaw mo bang malaman nila na asawa kita?” “H-hindi naman sa ganon. Ikaw lang naman ang inaalala ko. Baka kasi masira ang reputasyon mo dahil sa isang hamak na katulong lamang ang pinakasalan mo.”“The h*ll I care, sa sasabihin ng iba. Hindi ko kailangan ang approval nila.Huwag mong maliitin ang sarili mo Alexa, ikaw ang napiling babae ni Lolo Marcus para sa akin at isa lang ang ibig sabihin no’n,espesyal ka at iyon lang ang mahalaga at hindi ang opinyon ng iba.”Lihim na
Hindi mapalagay si Alexa nang gabing iyon. Unang gabi nila bilang mag-asawa ni Lucas. Wala pa ito sa kwarto nila pero kinakabahan na siya. Hindi naman pwedeng hindi sila magkasama sa iisang kwarto dahil mabubuking ang pagpapanggap nila kung saka-sakali.Pumunta siya ng banyo, upang mag-shower, kani
“Ano! halos sabay na bigkas ni Alexa at Lucas. “Tiyo Magno, ano po ang ibig ninyong sabihin? Si Lolo Marcus ba ang tinutukoy niyo na matandang pinagkakautangan ninyo?” gulat na tanong ni Alexa. “Siya nga Alexa, ang taong tinakasan mo. Pero akalain mo ba naman, tumakas ka pa gayong nobyo mo naman
Nang gabing iyon, ay nawala ang antok ni Alexa, dama niya pa rin ang lakas ng dagundong na kanyang dibbib. Pilit niya mang ipikit ang mga mata, ay mukha ni Lucas ang nakikita niya.“Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ba ako nagkakaganito?” tanong niya sa sarili habang tinapik tapik pa niya ang da
Nang araw na iyon ay napag-utusan si Alexa ni Lucas na mag-grocery. Paubos na kasi ang laman ng refrigerator nila. Inutusan din siya nitong bumili ng kung ano raw ang magustuhan niya. Ibang klase din si Lucas, ang galanteng amo. Dahil hindi naman niya kabisado ang lugar kaya nag-taxi na siya papun







