Masuk
ANG PAGLALAYAS
“Magno, hindi mo pwedeng gawin ‘to! Naalimpungatan si Alexa sa lakas ng boses na narinig niya. Dinig niyang nagtatalo na naman ang tiyo at tiya niya. “Wala na akong ibang choice Lisa, si Alexa lang ang huling baraha ko. Siya ang hininging kapalit ng matanda kapalit ng malaking halagang naipatalo ko sa sugal.” Dumagundong ang dibdib niya nang marinig ang pangalan niya. Pupungas-pungas siyang bumangon at lumapit sa pinto upang makinig sa pinag-uusapan ng dalawa. “Pero Magno, hindi p'wede! Bata pa siya, at nag-aaral pa, marami pa siyang pangarap sa buhay. At isa pa pamangkin mo siya, kaya mo bang ipamigay siya kapalit ng pagkakautang mo?” dinig niyang tutol ng tiya Lisa niya. Mula nang iwan siya nang nanay niya sa mga ito noong sampong taong gulang siya, ang tiyo Magno at tiya Lisa niya na ang nangalaga sa kanya. Anak kasi siya ng nanay niya sa pagkadalaga, at hindi man lang niya kilala kung sino ang tunay niyang ama. “Hindi na siya bata Lisa, dise otso anyos na siya, at isa pa magiging maganda ang buhay niya, ubod nang yaman ang matanda, siguradong magbubuhay prinsesa siya pag nagkataon. Mabuti nga at nagustuhan siya ng matanda para sa apo nito, kung hindi baka sa kulungan ako babagsak.” Dahil sa narinig ay nanindig ang balahibo niya. Napahulikpkip siya at laylay ang mga balikat na naupo sa gilid ng kanyang kama. “Bukas na bukas din, dalhin ko siya sa mansion ng matanda. At huwag na huwag mo akong pigilan, dahil malilintik*n ka sa akin,” maawtoridad na saad ng tiyo Magno niya. “Pero Magno—-” “Tumahimik ka na! Ayaw ko nang marinig ang pagtutol mo, wala ka nang magagawa, buo na ang pasya ko. Isa pa maaambunan din tayo nang grasya pag naikasal na si Alexa sa apo ng matanda.” Noon pa man boses ng tiyo Magno niya ang laging nasusunod sa pamamahay nila. “Hindi maari, ayaw pa niyang mag-asawa, lalo pa at hindi naman niya kilala ang taong papakasalan niya. May nabuong pasya sa isip niya. Lalayas siya, tatakasan niya ang tiyo Magno niya.” Dali-dali siyang kumuha ng maleta at naglagay ng mga damit, pati na rin ang mga personal na gamit niya. Pinagdugtong-dugtong niya ang mga kumot at ikinabit sa bintana. Doon siya dadaan para makatakas. Napahinto siya sa ginagawa nang makarinig ng mga yabag papalapit sa pinto, dala ang maleta ay nagtago siya sa ilalim ng kama. Narinig niya ang pagbukas ng pinto at pagpasok ng tiyo Magno niya. “Nalintik*n na! Galit na sigaw ng tiyo Magno niya nang makitang walang tao sa loob ng kwarto niya. Lalo pa at nakita nito ang buhol-buhol na kumot na nakalaylay pababa ng bintana. “ Lisa! Halika ka nga rito! Tinakasan tayo ni Alexa, narinig yata ang pagtatalo natin kanina.” “Bakit ka sumisigaw? Anong nangyari? balisang tanong ng tiya niya. “Lumayas si Alexa! Tingnan mo, dito siya dumaan sa bintana. Lint*k na batang yun, bibigyan pa ako nang sakit ng ulo. Halika, at baka hindi pa nakalayo yun. Buwis*t! Mananagot ako sa matanda nito.” Malalaki ang mga hakbang na lumabas ang mga ito sa kwarto niya. Nang marinig niya na pag-alis ng sasakyan, saka pa lamang siya lumabas sa ilalim ng kama. “Diyos ko, tulungan niyo po ako,” piping dalangin niya, habang binabagtas ang madilim na daan. Hindi niya alam kung saan siya tutungo, ang gusto niya lang ay makaalis sa lugar na iyon. SAMANTALA, hindi makapaniwala si Lucas sa sinabi ng Lolo Marcus niya. Gusto nitong pakasalan niya ang babaeng napipisil nito para sa kanya, kapalit ng mamanahin niya. “Lolo naman! That is so unfair! Ayoko na kung sino-sinong babae lang na napulot niyo ang mapapangasawa ko.” “Lucas, maniwala ka sa akin, siya ang babaeng nababagay sa'yo. Kaysa naman doon sa mga babaeng nakakarelasyon mo, na sa tingin ko ay hindi mga matino. Puro kaartihan lang ang alam. Ayokong mapunta sa wala ang mga pinaghirapan ko.” “Lo, alam niyo namang hindi ganoon kadali ang gusto niyo. At isa pa, bakit naman kayo nagmamadali, balang araw mag-aasawa rin ako. Masyado pa akong busy sa pagpatakbo ng business natin.” “Kailan pa, pag hindi na ako humihinga? Nakung bata ka, gusto ko bago ako mawala sa mundo ay makita kong may pamilya kana, at nang mapanatag naman ang kaluluwa ko sa kabilang mundo.” “Lolo naman kung makapagsalita kayo parang may taning na ang buhay niyo. Sa nakikita ko malakas pa kayo sa kalabaw. Mahaba pa ang buhay niyo.” “Lokong bata to! Ah basta buo na ang desisyon ko, bukas makikilala mo na ang mapapangasawa mo.” “Lolo, babalik na ako ng Maynila, tapos na ang bakasyon ko. In fact, nasa sasakyan na ang mga gamit ko, aalis na ako mamaya. Hindi pwede—- Hindi na nito natuloy ang sasabihin nang biglang tumunog ang cellphone nito. “Ano? Ay hanapin mo? Hindi pwedeng mawala siya, mananagot ka sa akin pag di mo siya mahanap.” galit na wika ng Lolo niya, sa kausap nito sa kabilang linya. “Lo, what happened? takang tanong niya. “Yung magiging asawa mo lumayas sa kanila, nalaman yatang pinagpaplanuhan siya nang tiyo niya. Sana makita nila, siya pa naman ang gusto ko para sa'yo.” “ Lo, matanong ko lang, gaano niyo ba kakilala ang babaeng yan, at siya ang napipisil niyo para sa akin? “ “Ay, napakbait na bata yon, magalang, at maalalahanin. Scholar siya sa paaralan natin. Hindi niya alam na ako ang may-ari nang paaralan. Minsang napadaan ako dun, biglang sumama ang pakiramdam ko. Hindi man lang siyang nag-alangan na alalayan ako. Binilhan pa ako nang meryende, ang akala niya ordinaryong matanda lang ako. Mula noon, sinubaybayan ko siya, at nakita ko kung gaano kabuti ang puso niya. Sa tuwing magkikita kami, magiliw siya sa akin. Kaya gusto ko siyang maging apo, at isa lang ang paraang alam ko.” “Ang ipakasal siya sa akin?” dugtong niya sa sasabihin nito. “Ganoon na nga! Hay, sana mahanap na siya, nang sa ganun magkita na kayo.” Napabuntong hininga pa ito. Batid niya ang pagka dismaya sa boses nito. “Sa tingin ko Lo, siguro hindi pa ito ang tamang panahon para magkita kami. Babalik na lang ako dito pag nahanap na siya. May maagang meeting pa ako bukas, babalik muna ako ng Maynila” Nagpaalam na siya rito, kahit pa alam niyang ayaw pa siya nitong pakawalan. “Siguraduhin mong babalik ka! Kung hindi ay wala kang mamanahin sa akin,” pahabol pa nitong wika sa kanya. —---Hindi mapakali si Alexa nang araw na iyon. Kinakabahan siyang di niya mawari. Natatakot siyang baka mapaano si Lucas sa kamay ng tiyo Magno niya, at sa pinagkakautangan nito.“Sir Lucas, huwag na lang kaya tayong tumuloy, kinakabahan kasi ako. Hindi natin kilala ang taong pinagkakautangan ni tiyo Magno, baka kasi mapahamak ka pa.”“Ano ba ang ikinatatakot mo, I hate people na mahilig manlamang ng kapwa. In your case, hindi makatarungan na gawin kang pambayad utang. Dapat lang malagay sa tamang kalalagyan ang mga taong ganid.”“Pero sir Lucas, sa laki ng halagang, ibabayad mo sa taong iyon, ako naman ang magkakautang sa inyo. Alam niyo namang hindi ko kayang magbayad sa'yo ng ganoong kalaking halaga.“Huwag mo munang isipin yan sa ngayon, hindi pa naman kita sinisingil, ang importante ay makalaya ka sa kamay ng walang kwenta mong tiyuhin.Ngunit hindi pa rin mapanatag ang loob ni Alexa, makakalaya nga siya sa tiyuhin niya, baon naman siya sa utang kay Lucas. Saan siya kukuha ng sampong
Namilog ang mga mata ni Alexa sa sinabi ni Lucas. Hindi niya lubos maisip na nagawa nitong magpanggap na kasintahan niya para lang ipagtanggol siya.“Totoo ba ang sinasabi ng kumag na ‘to Alexa? B-boyfriend mo siya? “matigas na sambit ni Magno na nanlilisik ang mga mata.Napalunok si Alexa at napatingin ng diritso kay Lucas, seryoso ang mukha nito at bahagya itong tumango, senyales na nagpapahiwatig na sakyan niya na lang ang sinabi nito.“Po, O-opo,” nauutal na wika niya.“Kaya hindi ko hahayaan kung ano man ang binabalak mo na gawin kay Lexie. Hindi makaturangan na gawin mo siyang pambayad utang,” matalim ang mga tingin na sambit ni Lucas sa Tiyuhin niyang si Magno.Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit ganun na lang ka sidhi na gusto niyang protektahan si Lexie. Basta ang alam niya lang ay biglang nagpuyos sa galit ang dibdib niya nang malaman niyang gawing pambayad utang si Lexie sa isang matandang hukluban. Bigla siyang kinilabutan na hindi niya mawari.“Wala ka t
Nang araw na iyon ay napag-utusan si Alexa ni Lucas na mag-grocery. Paubos na kasi ang laman ng refrigerator nila. Inutusan din siya nitong bumili ng kung ano raw ang magustuhan niya. Ibang klase din si Lucas, ang galanteng amo. Dahil hindi naman niya kabisado ang lugar kaya nag-taxi na siya papunta sa grocery store. Ayaw niyang maligaw at baka kung saan-saan pa siya mapunta. Or worse baka matuntun pa siya ng tiyo Magno niya.Habang naglilibot sa grocery store at abala sa pagkuha ng mga nasa listahan niya, ay nalula siya sa presyo nang mga nakalagay doon.“Ba't ang mamahal naman nito? Iba talaga Pag mayaman walang pakundangan sa pag gastos,” naiiling na lang siya habang isa-isang inilagay sa cart niya ang mga pinamili.Matapos mabili ang lahat ng nasa listahan ay nag-ikot ikot pa siya. Naghanap siya nang kung anong pwedeng bilhin niya para sa sarili. Hanggang sa mapako ang paningin niya sa isang taong tinakasan niya, ang ito Magno niya.“Anong ginagawa ni tiyo Magno rito? Hanggang di
Nang gabing iyon, ay nawala ang antok ni Alexa, dama niya pa rin ang lakas ng dagundong na kanyang dibbib. Pilit niya mang ipikit ang mga mata, ay mukha ni Lucas ang nakikita niya.“Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ba ako nagkakaganito?” tanong niya sa sarili habang tinapik tapik pa niya ang dalawang pisngi.“Kainis naman o, anong oras na ba? At ayaw pa ako dalawin ng antok. Naku! Alas dos na ng madaling araw, mulat pa rin itong mga mata ko.” Bulalas niya nang mapatingin sa pambisig niyang relo.Nag-inhale, exhale siya at pilit ikinalma ang sarili. Ipinikit niya ang mga mata at nanalangin na sana ay makatulog na siya. Hanggang sa unti-unting namigat ang talukap ng kanyang mga mata at tuluyan na siyang nakatulog ng hindi niya namamalayan.Kinaumagahan ay naghihikab pa siya at nag-uunat habang papasok sa kusina. Naudlot ang pagpasok niya nang makita si Lucas na nauna na sa kanya sa loob at humihigop ng kape. Bagong ligo ito at ang bango tingnan. “God, nagka-crush na yata ako sa amo
Alas nuebe na nang gabi, ay wala pa rin si Lucas, inaatake na ang antok si Alexa ngunit hindi pa niya magawang matulog. Hinihintay pa niya ang pagdating ni Lucas. Nasa meeting ito kasama ang mga investor at ang sekretarya nitong si Maricel.“Ba’t ang tagal nila,” pagmamaktol pa niya.Umupo siya sa sofa, at dahil sa antok ay hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Naalimpungatan siya nang may maramdaman siyang ingay sa paligid. Iminulat niya ang mata, ayon sa pambisig niyang relo ay pasado alas onse na nang gabi. Pupungas-pungas siya na tumayo at tinungo ang pinto. Narinig niya ulit ang sunod-sunod na pagkatok na siyang nagpagising sa kanya.“Bakit ang tagal mo?” Naiinis na wika sa kanya ni Maricel, nakaalalay ito kay Lucas na halatang lasing, dahil namumungay na ang mga mata nito at namumula ang mga pisngi, hindi na rin ito makatayo ng diritso.“Bilisisan mo, tulungan mo ako, nangangalay na ang balikat ko. Hindi ko akalaing ang bigat pala ni sir Lucas pag lasing,” pag-apura nito
Habang naghihintay sa opisina ni Lucas, ay hindi niya maisawasang maalala ni Alexa ang tiya at tiyo niya.“Kumusta na kaya sila? Hanggang ngayon ba ay hinahanap pa rin nila ako? Pasensya na po kayo tiya, tiyo, kung nagawa kong tumakas. Hayaan ninyo balang araw babalik din ako, at umaasa akong sa pagbalik ko ay hindi na kayo galit sa akin dahil sa ginawa ko. Mag-iipon po ako, para kahit papano ay makatulong ako para makabayad sa pagkakautang ninyo. Sa ngayon mananatili muna ako sa poder ni Lucas, wala mang kasiguraduhan kung ano ang kahihinatnan nang paglayas ko, ngunit ramdam kung mabuting tao siya at sa ngayon ay ligtas ako sa piling niya.” Kausap ni Alexa sa sarili.“Ang lalim yata ng iniisip mo?” Napapitlag pa siya nang marinig ang boses ni Lucas, hindi niya napansin na nakapasok na pala ito sa opisina nito.“Hindi naman, may naalala lang ako,” tipid na sagot niya rito.“Salamat nga pala sa paghatid mo nang mga papeles, buti na lang at nandun ka sa bahay, kung hindi ay nasayang pa







