Home / Romance / FATED / Chapter Four

Share

Chapter Four

Author: Miss Che
last update publish date: 2026-02-14 12:27:52

Habang naghihintay sa opisina ni Lucas, ay hindi niya maisawasang maalala ni Alexa ang tiya at tiyo niya.

“Kumusta na kaya sila? Hanggang ngayon ba ay hinahanap pa rin nila ako? Pasensya na po kayo tiya, tiyo, kung nagawa kong tumakas. Hayaan ninyo balang araw babalik din ako, at umaasa akong sa pagbalik ko ay hindi na kayo galit sa akin dahil sa ginawa ko. Mag-iipon po ako, para kahit papano ay makatulong ako para makabayad sa pagkakautang ninyo. Sa ngayon mananatili muna ako sa poder ni Lucas, wala mang kasiguraduhan kung ano ang kahihinatnan nang paglayas ko, ngunit ramdam kung mabuting tao siya at sa ngayon ay ligtas ako sa piling niya.” Kausap ni Alexa sa sarili.

“Ang lalim yata ng iniisip mo?” Napapitlag pa siya nang marinig ang boses ni Lucas, hindi niya napansin na nakapasok na pala ito sa opisina nito.

“Hindi naman, may naalala lang ako,” tipid na sagot niya rito.

“Salamat nga pala sa paghatid mo nang mga papeles, buti na lang at nandun ka sa bahay, kung hindi ay nasayang pa ang oras ko para balikan yun. Mabuti at maaasahan ka pala,” aniya ni Lucas sa kanya.

“Wala ‘yon,” sagot naman niya dito.

Kampante na itong nakaupo sa isang swivel chair, may binubuklat ito na folder na nakapatong sa ibabaw ng mesa nito. Doon niya lang napansin ang isang nameplate na may naukit na salitang CEO.

“I-ikaw ang CEO sa malaking kompanya na ‘ito?” nauutal niyang wika rito.

“Yup the one and only,” wika nito sa kanya at sabay na nag-angat nang tingin.

“Ibig sabihin, ikaw ang big boss dito?”naibulalas pa niya.

Hindi niya lubos maisip na ang ang yaman pala nito. Ni wala nga itong kahit isang katulong sa bahay. At isa pa sa pagkakaintindi niya, ay kadalasan mga matatanda na ang big boss ng isang kompanya, yung mga nakakalbo na at malalaki ang tiyan. Hindi katulad nito na sa tantiya niya, ay nasa thirties pa lang, may malagong buhok, matikas ang pangangatawan at idagdag pang magandang lalaki din ito.

“Oo, bakit? Parang hindi ka yata makapaniwala,” nakangiti at naiiling ito sa kanya.

“Parang ganun na nga,” tipid niyang sagot.

Kumunot ang noo nito dahil sa sagot niya.

Itiniklop nito ang binabasa at mariing tumingin sa kanya. Tila binabasa ang laman ng isip niya.

“Ano ba ang iniisip mo? Ano ba ang tingin mo sa akin?” tanong pa nito sa kanya.

“Ano kasi, iba kasi yung tumatakbo sa isip ko na hitsura nang isang big boss. Iyon bang mga nakikita ko sa pelikula, iyong mga matandang malalaki ang tiyan at nakakalbo na,” nakayukong saad niya rito.

Humagalpak ito nang tawa dahil sa sinabi niya. Tsakto namang pumasok ang sekretarya nitong si Maricel.

“What's going on here? Ang saya niyo yata sir Lucas?”

“Wala naman naaliw lang ako dito kay Lexie, kung ano-anu ang pumapasok sa isip, at pinagsasabi.”

Mapanuring tiningnan siya ni Maricel, hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Hindi niya alam kung bakit parang maiinit ang dugo nito sa kanya, wala naman siyang ginagawa.

“Maricel, may mga meetings pa ba ako today?”

“Sa ngayon sir Lucas, wala na, pero mamayang gabi may dinner meeting po kayo sa isang investor natin, kay Mr Cruz,” sagot ng sekretarya nito.

“Good, may oras pa akong magpahinga. Lexie tayo na, sa bahay na lang ako mag la-lunch,” baling nito sa kanya.

“Pero sir Lucas nakapag pa-reserved na po ako para sa lunch ninyo,” angal ng sekretarya nito.

“Cancel it,”

Tumayo na ito at nagpatiuna nang lumabas ng pinto, parang buntot naman siyang sumunod dito.

Pagdating ng bahay ay agad naman niyang tinungo ang kusina para magluto, habang si Lucas naman ay tumuloy sa kwarto nito.

“Ang bango naman niyan?”

Dinig niyang sambit nito mula sa likuran niya, habang siya naman ay abala sa pagsandok ng niluluto niya. Ang lapit na pala nito sa kanya nang paglingon niya ay muntik nang tumapon sa damit nito ang hawak niya.

“Whoa! Careful,” buti na lang at nahawakan nito ang kamay niya, kung hindi ay baka tumilapon na dito ang hawak niyang ulam.

Ngunit ng dumampi ang kamay nito sa kamay niya, ay naghatid ito ng kakaibang sensasyon sa kanya. Para may init na nananalaytay papunta sa buo niyang katawan. Bagay na hindi niya maiintindihan kung bakit ganun ang naramdaman niya.

Dali-dali niyang inilapag ang hawak niya nang sisidlan na may lamang ulam at bumalik sa lababo upang maghugas ng kamay at maghilamos na rin.

“Napaano ka? Napaso ka ba?” sinundan siya nito at sinipat ang kamay niya.

Lalo yatang nag-init ang pakiramdam niya sa ginawa nito.

“Sir Lucas pwede ba umupo kana dun, ok lang ako,” pagtataboy niya rito. Ewan nga ba niya, at parang kinakabahan siya sa sobrang lapit nito sa kanya.

“Next time gumamit ka kasi ng gloves, anung akala mo sa kamay mo heatproof? Bilisin mo na diyan at sabayan mo akong kumain,” iiling-iling pa itong lumakad pabalik sa mesa.

Pagkatapos niyang maghugas ng kamay at maghilamos ay umupo na rin siya sa katapat nito.

“Mukhang masarap itong niluto mo ah, hmmm, amoy pa lang nakakabusog na. Puro prito lang kasi ang alam ko, nakakakain lang ako nang masarap na lutong bahay pag nasa bahay ako ng Lolo ko.

Sumubo na ito at nilantakan ang niluto niyang chicken adobo, napangiti siya nang makitang nasasarapan ito habang kumakain.

“Sir Lucas masarap ba?”

“Masarap,” nag thumbs up pa ito sa kanya.

Napangiti siya sa sinabi nito, lalo pa at panay ang subo nito at magana ito sa pagkain. Kaya, nag-umpisa na rin siyang kumain, hanggang sa matapos na sila. Pagkatapos niyang mailigpit at mahugasan ang mga pinggan ay nilinis muna niya ang kusina bago pumunta sa sala.

Naabutan niya si Lucas na nakaharap sa laptop nito, nang mapansing papalapit siya, ay sinenyasan siya nitong maupo sa sofa. Sumunod naman siya, ngunit naglaan siya ng malaking espasyo sa pagitan nila.

“Hindi pa pala natin napag-usapan ang tungkol sa sahod mo, sa nakikita ko maayos ka namang magtrabaho, malinis at masarap ka pang magluto. Bibigyan kita ng 20 thousand a month bilang sahod mo.

“Ano! Twenty thousand? Sigurado po ba kayo?” halos hindi makapaniwala sa laki ng halagang binanggit nito.

“Bakit? Kulang ba? Kung sa bagay mukhang maaasahan at mapagkakaitwalaan ka naman, 30 thousand, okay na ‘yun sayo?” parang balewala lang sa sabi nito.

“Mama Mia! Ang laki!”

ITUTULOY!!!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • FATED   CHAPTER 20

    “Do you want some pain killer Sir Lucas?” agad na wika ng sekretarya ni Lucas kaya napabaling si Lexie dito. Kunting-kunti na lang talaga at mapipiktusan na niya ito. Acting so concern at efficient pero siya lang ang nakakaalam na may hidden agenda ito. Alam niyang may gusto ito kay Lucas na tahasang inamin nito sa kanya noon. Ngayong alam niya na may pagtingin ito sa asawa niya, hindi niya hahayaang makipaglandian ito kay Lucas habang nakatingin siya. “No need, ako na ang bahala sa asawa ko,” idiin pa niya ang salitang asawa sa huli, marking her territory, gusto niyang ipahiwatig dito na sa kanya si Lucas at siya lang ang may katapatang alagaan ito. “Lucas honey, maybe you are just too tired, hayaan mo, pagdating natin sa bahay bibigyan kita ng bonggang masahe, a total massage, mula ulo hanggang paa, di ba gustong-gusto mo yun?” malambing na wika niya sa asawa at hinaplos pa ang braso nito. Gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi Lucas sa turan ng asawa. “I can't wait to get

  • FATED   Chapter 19

    Palabas na si Lucas ng kompanya ng pahabol siyang tawagin ni Maricel.“Anong nangyari sa'yo, why you are such in a hurry? At bakit puno ng pawis iyang mukha mo?” kunot noong tanong ni Lucas sa sekretarya na hingal na hingal habang humahakbang palapit sa kanya.Huminga muna ito ng malalim bago sumagot. She's been faking it, mukhang pawisan at pagod para maantig ang puso ni Lucas. Ang totoo binasa niya lang ng tubig ang buong mukha at iilang parte ng nakalugay niyang buhok para mag mukha itong pawis.“Pasensya ka na Sir Lucas, may sira yata ang kotse ko at ayaw mag-start. Sinubukan kung kalikutin pero wala eh, ayaw pa ring umandar. Baka naman pwedeng makisabay sa inyo at on the way naman yung apartment ko?”Walang anlinlanlangan na sumagot agad si Lucas.“Sure, pero kailangan ko munang sunduin si Lexie sa University before I can drop you home, do you mind?”Sa bait ni Lucas sigurado siyang hindi siya kaya nitong tanggihan. Nakaplano na ang mga kilos niya para mapalapit kay Lexie at

  • FATED   CHAPTER 18

    Hindi maintindihan ni Alexa ang sarili, pakiramdam niya parang may mga nagliliparang paru-paro sa sikmura niya, para siyang naiihi na natatae na hindi niya mawari.“What's wrong? Mukhang hindi ka yata mapakali? Aren't you excited dahil papasok ka na sa isang University?” puna ni Lucas sa kanya, kasalukuyang nakahinto ang sasakyan ni Lucas sa harap ng isang prestigious University.“ Syempre excited, kaya lang medyo kinakabahan ako. Alam mo na, wala akong kakilala sa bagong school na ‘to, sa bagong mundo na papasukin ko, kaya medyo kabado lang.”Minsan, nagpaalam siya kay Lucas kung pwedeng bumalik siya sa pag-aaral, pumayag naman ito agad. At sa tulong nito nakapasok siya sa isang prestigious university sa syudad. Iba naman talaga kung mayaman at maraming koneksyon, lahat nagagawan ng paraan kahit sa maikling panahon.At ngayon, parang nanuyo ang lalamunan niya habang nakatanaw sa malaking gusali sa harapan niya. Unang araw niya sa school at nag-insist si Lucas na ihatid siya.“Don't

  • FATED   CHAPTER 17

    Tila parang panaginip lang lahat, ang gusto lang naman ni Alexa noon ay makatakas sa kamay ng sugarol niyang tiyuhin at huwag makasal sa taong hindi niya mahal, pero heto siya ngayon nakangiti habang nagpiprito ng itlog para sa asawa niya, sinong mag-aakala na ang lalaking tinakbuhan niya ay siya rin pala ang magpapatibok ng puso niya. “Ay kabayo!” napaigtad siya ng biglang may matipunong mga braso ang yumakap sa kanya mula sa likuran. “Hmmm ang bango naman,” mahinang anas nito sa tenga niya na nagdulot ng kakaibang sensasyon sa kanya. Nagpakawala siya ng isang buntong hininga at kunwaring sumimangot ng humarap sa asawa. “Ano ba Lucas, tigilan mo nga ako, kita mong nagluluto ako eh, pwede bang umupo ka muna doon at tatapusin ko lang itong ginagawa ko,” wika niya at ininguso ang bakanteng silya. Ngunit umiling lang si Lucas at lalong hinigpitan ang yakap sa kanya habang masuyong inamoy-amoy ang leeg niya. Never in her wildest dream that she would end up marrying Lucas. Noon

  • FATED   CHAPTER 16

    Parang mabibingi si Alexa sa lakas ng kalabog ng kanyang dibdib, habang maingat siyang inihihiga sa kama ni Lucas. Namumungay ang mga mata nito na puno ng pagnanasa. Napalunok siya ng humagod ang mga kamay nito sa makinis niyang hita.“Lucas,” impit na daing niya habang nakapikit ang mga mata, nagsimula ng uminit ang pakiramdam niya. Para bang ang bawat haplos nito ay nagdudulot ng kakaibang init sa buong sistema niya.Maya-maya lang ay naramdaman na lang niya ang mga labi nito sa mga labi niya, kusang gumalaw ang mga labi niya upang salubungin ang mga halik nito. Mainit, mapusok, mapaghanap at puno ng pagnanasa. Di mapigilan ni Alexa ang mapaungol, nadadarang na siya sa init na dala ng mga halik at haplos ni Lucas. Hanggang sa tuluyang kumawala ang emosyon na matagal na niyang kinikimkim, buong puso siyang nagpaubaya kay Lucas hanggang sa sabay nilang narating ang rurok ng kaligayahan. Kapwa sila hingal at habol ang hininga matapos ang isang maiinit na pagniniig.Kinabukasan, hindi m

  • FATED   CHAPTER 15

    Halos hindi makapaniwala ang mga empleyado ni Lucas sa narinig, lalong-lalo na ang personal secretary nito na si Maricel. Ang buong akala ng mga ito ay isa lang siyang hamak na katulong kaya isang malaking pasabog sa mga ito nang sabihin ni Lucas na asawa siya nito.“Lucas, bakit mo naman sinabi sa kanila na asawa mo ako? “ tanong niya kay Lucas matapos niyang makapagbihis.“Bakit naman hindi? Talaga namang asawa kita. Dapat lang na malaman nila ng sa ganun respetuhin ka nila gaya ng pagrespeto nila sa akin. Bakit ayaw mo bang malaman nila na asawa kita?” “H-hindi naman sa ganon. Ikaw lang naman ang inaalala ko. Baka kasi masira ang reputasyon mo dahil sa isang hamak na katulong lamang ang pinakasalan mo.”“The h*ll I care, sa sasabihin ng iba. Hindi ko kailangan ang approval nila.Huwag mong maliitin ang sarili mo Alexa, ikaw ang napiling babae ni Lolo Marcus para sa akin at isa lang ang ibig sabihin no’n,espesyal ka at iyon lang ang mahalaga at hindi ang opinyon ng iba.”Lihim na

  • FATED   CHAPTER 6

    Nang gabing iyon, ay nawala ang antok ni Alexa, dama niya pa rin ang lakas ng dagundong na kanyang dibbib. Pilit niya mang ipikit ang mga mata, ay mukha ni Lucas ang nakikita niya.“Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ba ako nagkakaganito?” tanong niya sa sarili habang tinapik tapik pa niya ang da

  • FATED   CHAPTER 12

    Hindi mapalagay si Alexa nang gabing iyon. Unang gabi nila bilang mag-asawa ni Lucas. Wala pa ito sa kwarto nila pero kinakabahan na siya. Hindi naman pwedeng hindi sila magkasama sa iisang kwarto dahil mabubuking ang pagpapanggap nila kung saka-sakali.Pumunta siya ng banyo, upang mag-shower, kani

  • FATED   CHAPTER 10

    “Ano! halos sabay na bigkas ni Alexa at Lucas. “Tiyo Magno, ano po ang ibig ninyong sabihin? Si Lolo Marcus ba ang tinutukoy niyo na matandang pinagkakautangan ninyo?” gulat na tanong ni Alexa. “Siya nga Alexa, ang taong tinakasan mo. Pero akalain mo ba naman, tumakas ka pa gayong nobyo mo naman

  • FATED   CHAPTER SEVEN

    Nang araw na iyon ay napag-utusan si Alexa ni Lucas na mag-grocery. Paubos na kasi ang laman ng refrigerator nila. Inutusan din siya nitong bumili ng kung ano raw ang magustuhan niya. Ibang klase din si Lucas, ang galanteng amo. Dahil hindi naman niya kabisado ang lugar kaya nag-taxi na siya papun

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status