Home / Romance / FATED / Chapter Three

Share

Chapter Three

Author: Miss Che
last update publish date: 2026-02-14 12:24:38

Magno! Anong gagawin natin, hindi pa rin natin nahanap si Alexa, baka napaano na ang batang yun, hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may masamang nangyari sa kanya.” Puno nang pag-alala ang boses ni Lisa.

“Nag-iisip ako Lisa, ginigipit na ako nang matanda, bakit ba kasi tayo pinahihirapan ng babaeng yun, walang utang na loob! Matapos nating kupkupin, bihisan at pag-aralin ay lalayasan lang pala tayo,” galit na saad naman ni Magno.

“Siguro natakot siya, nang matuklasang gagawin mo siyang pambayad utang. Hindi din naman kasi tama na gawin natin sa kanya ‘yun.”

“At alin ang tama Lisa? Ang makulong ako at maiwan kang maghihirap? Ilang taon din natin siyang inalagaan, siguro naman hindi masama kung pakinabangan natin siya. At isa pa hindi naman siya maghihirap, mayaman naman ang mapapangasawa niya. Kung tutuusin ma s’werte nga siya at natipuhan siya ng matanda.”

“Pero hindi naman ganun kadali ang lahat Magno, may sarili rin siyang buhay at desisyon, hindi natin siya p'wedeng pangunahan.”

“Tumigil ka na Lisa, huwag mo nang ipagtanggol ang babaeng yun! Malilint*kan tagala siya sa akin pag nahanap ko siya.”

Walang nagawa si Lisa kundi ang tumahimik. Dalangin niya na sana, na kung nasaan man si Alexa ay ligtas ito at nasa mabuting mga kamay.

Samantala sa bahay ni Lucas ay tinanghali ng gising si Alexa, dala siguro ng kaba at sobrang pagod ay nakatulog siya nang mahimbing. Matapos maligpit ang pinaghigaan ay lumabas na siya ng kwarto.

Tahimik ang buong kabayahan, hudyat na wala na si Lucas sa bahay, dahil ayon pa dito ay maaga itong aalis. Dahil sa naramdamang pagkalam ng sikmura ay pinakialaman na ni Alexa ang laman ng refrigerator ni Lucas. Matapos makapag-almusal ay sinimulan na niyang linisin ang buong bahay.

Nasa kalagitnaan siya nang paglilinis ng tumunog ang telepeno na nakapatong sa isang side table malapit sa bintana. Dali-dali niyang dinampot iyon dahil naisip niyang baka si Lucas ang tumatawag.

“Hello? Bakit ang tagal mong sumagot?” mataray na wika ng nasa kabilang linya.

“Pasensya na po, may ginagawa po kasi ako. Bakit ano po ang kailangan niyo?”

“Sekretarya ako ni sir Lucas, inutusan niya akong tawagan ka, naiwan niya ang isang brown envelope na may laman na mga papeles, sa ibabaw ng kama niya. Dalhin mo daw dito sa kompanya, at dalian mo, ayaw ni Sir Lucas na pinaghihintay siya.”

Matapos maibigay nito ang address ng kompanya, ay pinutol na nito ang tawag. Agad naman siyang pumasok sa kwarto ni Lucas upang kunin ang brown envelope na sinasabi nito. Dali-dali siyang nagbihis at umalis na nang bahay.

Sumakay siya ng taxi at sinabi niya sa driver ang lugar na kanyang pupuntahan. Nagulat pa siya ng huminto ang sinasakyan niya sa isang five story building.

“Miss pwede ka nang bumaba nandito na tayo.” wika ng driver sa kanya.

“D-dito na po ba yun manong?” nag-aalangan niyang tanong.

“Oo miss, ayan o, basahin mo ang nakasulat sa building M&L CORP.,” saad ng driver sa kanya.

“Ay oo, eto na nga yun, maraming salamat manong,” wika niya rito habang inaabot ang bayad niya.

Pagbaba niya nang taxi ay inilibot muna niya ang tingin sa paligid.

“Ang laki ng building! Ano kaya ang trabaho ni Lucas? Mayroon pa siyang mataray na sekretarya, siguro mataas ang posisyon niya sa kompanyang ito,”kausap niya sa sarili.

Matapos magpakawala ng isang buntong hininga ay humakbang na siya papasok ng building.

“Good morning miss!” bati sa kanya ng gwardiya na nakaabang sa pinto.

“Good morning din po, pwede bang magtanong? Saan po ba dito ang opisina ni Lucas?” tanong niya rito.

“Ah ,si sir Lucas ba kamo? Nasa 5th floor ang opisina niya, bakit miss, may appointment ba kayo kay sir Lucas?”

“Wala naman, ihahatid ko lang tong papeles na naiwan niya sa bahay, nagmamadali siya siguro kanina kaya nakalimutan niyang dalhin ito,” sagot niya rito.

“Magkasama kayo sa bahay ni Sir Lucas?” manghang tanong nito.

“Opo, bakit may problema ba?”

“Naku! Wala naman, pasensya na at naabala ko pa kayo, sige na Ma'am baka hinihintay na kayo ni Sir Lucas,” biglang nataranta ang boses nito.

Inihatid pa siya nito sa pinto ng elevator at magalang na nagpaalam sa kanya.

“Anong nangyari dun, bakit nag-iba ang timpla ng pakikitungo sa akin,” iiling-iling na bulong niya sa sarili.

Pagbukas ng pinto ng elevator, ay nagpalinga-linga siya sa paligid. Hinahanap ng mata niya kung saan ang posibleng opisina ni Lucas.

Namataan niya ang isang seksing babae na lumabas sa isa sa pinaka-malaking kwarto na nandun, balang niyang magtanong rito kaya nilapitan niya ito.

“Ahm miss, pwedeng magtanong? Saan ba dito ang opisina ni Lucas?”

Pinasadan muna siya nito nang tingin mula ulo hanggang paa, at nang makita nito ang dala niyang brown envelope ay bigla itong nagtaray sa kanya.

“Bakit ang tagal mo? Ang lapit lang naman ng bahay ni sir Lucas dito, inabot kapa ng trente minutos. Ibigay mo sa akin yan at kanina pa yan hinihintay ni sir Lucas.”

Matapos niyang maibigay ang brown envelope dito ay walang kaabog-abog na tinalikuran siya nito.

“Ang suplada, hindi naman maganda, naging seksi lang kung umusta ay parang sino na,” naiinis na turan niya.

Sumunod siya rito at pumasok din sa pintong pinasukan nito. Nagulat pa siya ng pagpasok niya ay natuon sa kanya ang pansin ng mga taong nandoon, hinuha niya ay nasa kalagitnaan ng meeting ang mga taong nasa loob ng pintong pinasukan niya.

Dahil sa hiya ay pinihit niya ang siradura ng pinto upang lumabas ng silid, ngunit napahinto siya nang may pamilyar na boses na nagsalita mula sa mga taong nandoon.

“Sabay na tayong umuwi mamaya, hintayin mo na lang ako, malapit na kaming matapos, doon ka na sa opisina ko maghintay,” pigil nito sa kanya.

“Maricel, ihatid mo muna si Lexie sa opisina ko,” dagdag pa nito.

Lumapit sa kanya ang mataray na seksing babae kanina, napagtanto niya ito pala si Maricel na tinutukoy ni Lucas.

“And Maricel, bigyan mo na rin ng meryenda si Lexie habang hinihintay ako,” pahabol pa nito.

“Abay, ang bait pala ni Lucas,” nakaramdam ng tuwa ang puso niya sa sinabi nito. Taliwas sa sekretarya nitong umaangat ang kilay pagkarinig ng utos ni Lucas.

ITUTULOY!!!!

A/N: Pasensiya na Po, at ngayon lang nakapag-update muli✌️✌️✌️

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • FATED   CHAPTER 20

    “Do you want some pain killer Sir Lucas?” agad na wika ng sekretarya ni Lucas kaya napabaling si Lexie dito. Kunting-kunti na lang talaga at mapipiktusan na niya ito. Acting so concern at efficient pero siya lang ang nakakaalam na may hidden agenda ito. Alam niyang may gusto ito kay Lucas na tahasang inamin nito sa kanya noon. Ngayong alam niya na may pagtingin ito sa asawa niya, hindi niya hahayaang makipaglandian ito kay Lucas habang nakatingin siya. “No need, ako na ang bahala sa asawa ko,” idiin pa niya ang salitang asawa sa huli, marking her territory, gusto niyang ipahiwatig dito na sa kanya si Lucas at siya lang ang may katapatang alagaan ito. “Lucas honey, maybe you are just too tired, hayaan mo, pagdating natin sa bahay bibigyan kita ng bonggang masahe, a total massage, mula ulo hanggang paa, di ba gustong-gusto mo yun?” malambing na wika niya sa asawa at hinaplos pa ang braso nito. Gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi Lucas sa turan ng asawa. “I can't wait to get

  • FATED   Chapter 19

    Palabas na si Lucas ng kompanya ng pahabol siyang tawagin ni Maricel.“Anong nangyari sa'yo, why you are such in a hurry? At bakit puno ng pawis iyang mukha mo?” kunot noong tanong ni Lucas sa sekretarya na hingal na hingal habang humahakbang palapit sa kanya.Huminga muna ito ng malalim bago sumagot. She's been faking it, mukhang pawisan at pagod para maantig ang puso ni Lucas. Ang totoo binasa niya lang ng tubig ang buong mukha at iilang parte ng nakalugay niyang buhok para mag mukha itong pawis.“Pasensya ka na Sir Lucas, may sira yata ang kotse ko at ayaw mag-start. Sinubukan kung kalikutin pero wala eh, ayaw pa ring umandar. Baka naman pwedeng makisabay sa inyo at on the way naman yung apartment ko?”Walang anlinlanlangan na sumagot agad si Lucas.“Sure, pero kailangan ko munang sunduin si Lexie sa University before I can drop you home, do you mind?”Sa bait ni Lucas sigurado siyang hindi siya kaya nitong tanggihan. Nakaplano na ang mga kilos niya para mapalapit kay Lexie at

  • FATED   CHAPTER 18

    Hindi maintindihan ni Alexa ang sarili, pakiramdam niya parang may mga nagliliparang paru-paro sa sikmura niya, para siyang naiihi na natatae na hindi niya mawari.“What's wrong? Mukhang hindi ka yata mapakali? Aren't you excited dahil papasok ka na sa isang University?” puna ni Lucas sa kanya, kasalukuyang nakahinto ang sasakyan ni Lucas sa harap ng isang prestigious University.“ Syempre excited, kaya lang medyo kinakabahan ako. Alam mo na, wala akong kakilala sa bagong school na ‘to, sa bagong mundo na papasukin ko, kaya medyo kabado lang.”Minsan, nagpaalam siya kay Lucas kung pwedeng bumalik siya sa pag-aaral, pumayag naman ito agad. At sa tulong nito nakapasok siya sa isang prestigious university sa syudad. Iba naman talaga kung mayaman at maraming koneksyon, lahat nagagawan ng paraan kahit sa maikling panahon.At ngayon, parang nanuyo ang lalamunan niya habang nakatanaw sa malaking gusali sa harapan niya. Unang araw niya sa school at nag-insist si Lucas na ihatid siya.“Don't

  • FATED   CHAPTER 17

    Tila parang panaginip lang lahat, ang gusto lang naman ni Alexa noon ay makatakas sa kamay ng sugarol niyang tiyuhin at huwag makasal sa taong hindi niya mahal, pero heto siya ngayon nakangiti habang nagpiprito ng itlog para sa asawa niya, sinong mag-aakala na ang lalaking tinakbuhan niya ay siya rin pala ang magpapatibok ng puso niya. “Ay kabayo!” napaigtad siya ng biglang may matipunong mga braso ang yumakap sa kanya mula sa likuran. “Hmmm ang bango naman,” mahinang anas nito sa tenga niya na nagdulot ng kakaibang sensasyon sa kanya. Nagpakawala siya ng isang buntong hininga at kunwaring sumimangot ng humarap sa asawa. “Ano ba Lucas, tigilan mo nga ako, kita mong nagluluto ako eh, pwede bang umupo ka muna doon at tatapusin ko lang itong ginagawa ko,” wika niya at ininguso ang bakanteng silya. Ngunit umiling lang si Lucas at lalong hinigpitan ang yakap sa kanya habang masuyong inamoy-amoy ang leeg niya. Never in her wildest dream that she would end up marrying Lucas. Noon

  • FATED   CHAPTER 16

    Parang mabibingi si Alexa sa lakas ng kalabog ng kanyang dibdib, habang maingat siyang inihihiga sa kama ni Lucas. Namumungay ang mga mata nito na puno ng pagnanasa. Napalunok siya ng humagod ang mga kamay nito sa makinis niyang hita.“Lucas,” impit na daing niya habang nakapikit ang mga mata, nagsimula ng uminit ang pakiramdam niya. Para bang ang bawat haplos nito ay nagdudulot ng kakaibang init sa buong sistema niya.Maya-maya lang ay naramdaman na lang niya ang mga labi nito sa mga labi niya, kusang gumalaw ang mga labi niya upang salubungin ang mga halik nito. Mainit, mapusok, mapaghanap at puno ng pagnanasa. Di mapigilan ni Alexa ang mapaungol, nadadarang na siya sa init na dala ng mga halik at haplos ni Lucas. Hanggang sa tuluyang kumawala ang emosyon na matagal na niyang kinikimkim, buong puso siyang nagpaubaya kay Lucas hanggang sa sabay nilang narating ang rurok ng kaligayahan. Kapwa sila hingal at habol ang hininga matapos ang isang maiinit na pagniniig.Kinabukasan, hindi m

  • FATED   CHAPTER 15

    Halos hindi makapaniwala ang mga empleyado ni Lucas sa narinig, lalong-lalo na ang personal secretary nito na si Maricel. Ang buong akala ng mga ito ay isa lang siyang hamak na katulong kaya isang malaking pasabog sa mga ito nang sabihin ni Lucas na asawa siya nito.“Lucas, bakit mo naman sinabi sa kanila na asawa mo ako? “ tanong niya kay Lucas matapos niyang makapagbihis.“Bakit naman hindi? Talaga namang asawa kita. Dapat lang na malaman nila ng sa ganun respetuhin ka nila gaya ng pagrespeto nila sa akin. Bakit ayaw mo bang malaman nila na asawa kita?” “H-hindi naman sa ganon. Ikaw lang naman ang inaalala ko. Baka kasi masira ang reputasyon mo dahil sa isang hamak na katulong lamang ang pinakasalan mo.”“The h*ll I care, sa sasabihin ng iba. Hindi ko kailangan ang approval nila.Huwag mong maliitin ang sarili mo Alexa, ikaw ang napiling babae ni Lolo Marcus para sa akin at isa lang ang ibig sabihin no’n,espesyal ka at iyon lang ang mahalaga at hindi ang opinyon ng iba.”Lihim na

  • FATED   CHAPTER 10

    “Ano! halos sabay na bigkas ni Alexa at Lucas. “Tiyo Magno, ano po ang ibig ninyong sabihin? Si Lolo Marcus ba ang tinutukoy niyo na matandang pinagkakautangan ninyo?” gulat na tanong ni Alexa. “Siya nga Alexa, ang taong tinakasan mo. Pero akalain mo ba naman, tumakas ka pa gayong nobyo mo naman

  • FATED   CHAPTER 6

    Nang gabing iyon, ay nawala ang antok ni Alexa, dama niya pa rin ang lakas ng dagundong na kanyang dibbib. Pilit niya mang ipikit ang mga mata, ay mukha ni Lucas ang nakikita niya.“Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ba ako nagkakaganito?” tanong niya sa sarili habang tinapik tapik pa niya ang da

  • FATED   CHAPTER 12

    Hindi mapalagay si Alexa nang gabing iyon. Unang gabi nila bilang mag-asawa ni Lucas. Wala pa ito sa kwarto nila pero kinakabahan na siya. Hindi naman pwedeng hindi sila magkasama sa iisang kwarto dahil mabubuking ang pagpapanggap nila kung saka-sakali.Pumunta siya ng banyo, upang mag-shower, kani

  • FATED   CHAPTER SEVEN

    Nang araw na iyon ay napag-utusan si Alexa ni Lucas na mag-grocery. Paubos na kasi ang laman ng refrigerator nila. Inutusan din siya nitong bumili ng kung ano raw ang magustuhan niya. Ibang klase din si Lucas, ang galanteng amo. Dahil hindi naman niya kabisado ang lugar kaya nag-taxi na siya papun

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status