Share

Fields of Pleasure 15

QUARTER to seven na ng gabi nang mapagpasiyahan namin ni Maia na magligpit na. Tatlo lamang ang bumili, nabibilang lang din sa daliri ang mga naging customer namin ni Maia. Hindi na rin masama sa maghapon na pagbabantay. Sa halaga ba naman ng mga items nila rito ay tiyak makakabawi na rin sila.

"Tamang tama lang pala ang pagdating namin." Biglang salita ng isa sa mga lalaking pumasok sa boutique.

Akmang magsasalita na sana ako upang sabihin na magsasara na kami ng makita ko na ang isa sa mga lalaking pumasok sa botique ay si kuya Fred. Ang lapad ng mga ngiti nito sa labi. Nilingon ko si Maia na nakatayo sa aking likuran. Mahahalata na kinikilig ito.

"Goodevening, Sabrina. Goodevening, mahal."

Isang tango lamang ang naging tugon ko kay kuya Fred na nagniningning ang mga mata habang nakatitig kay Maia.

Ganito rin ang mga tinginan sa akin ni Roger noon. And speaking of Roger, nandito rin siya ngayon sa botique. Seryoso itong nakatayo sa hilera ng mga lingeries. kinatatayuan.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status