LOGIN[New Life And A Heartbeat]HINDI naging madali para kay Celine ang unang mga linggo niya sa Maynila. Nakahanap naman siya ng maliit at murang mauupahan. Nahirapan lang siya dahil sa pinansiyal.Sinubukan niya na ipa-close ang dalawa niyang bank account dahil sa pagkawala ng kanyang bag. Ang isa ay naging smooth ang proseso at nakuha agad niya ang laman na hindi kalakihan ang halaga. Pero ang ikalawa na pinaglagyan niya ng natirang ipon ay hinihingian siya ng police report kahit na kumpleto naman ang kanyang mga dokumento na magpapatunay na siya talaga ang may-ari.She can't risks her safety. Nabanggit ng driver ng kotse na pinagsakyan sa kanya noong araw na dukutin siya na hawak ng mga ito ang karamihan sa hepe ng pulisya. Baka malagay ulit sa panganib ang buhay niya. Ang trauma na idinulot niyon ay halos gabi-gabi pang dumadalaw sa kanyang panaginip na madalas nga ay nauuwi sa bangungot. May mga pagkakataon na pakiramdam niya ay may mga matang nagmamatyag sa kanya.Para mapanatag siy
[Forget-Me-Not]NAGISING si Celine na masakit ang buong katawan. Para siyang sumabak sa laban nang wala man lang proteksiyon. Napasapo siya sa ulo. Nang dumilat siya ay muli rin siyang napapikit dahil sa nakakasilaw na liwanag na sumalubong sa kanya.Matapos niyang mabalanse ang tingin, nabaling siya sa lalaki na nahihimbing sa kanyang tabi. Nanlalaki ang mga matang napabalikwas siya. Sisigaw na sana siya dahil sa pagkagulat nang mabilis niyang takpan ang bibig.Napalinga si Celine sa paligid ng malawak na silid. Hindi siya dapat lumikha ng komosyon o ingay. Baka maalerto ang iba pang mga nakatira roon. Kailangan malaman muna niya ang napasok na sitwasyon.Ibinalik niya ang tingin sa nahihimbing pa rin na lalaki. Hindi niya ito kilala. At wala rin siyang matandaan sa nangyari.Ang naalala niya lang ay kinidnap siya habang naghihintay siya ng bus. At nawalan na siya nang malay sa kotse na pinagsakyan sa kanya.''Siya ba ang kliyente na sinasabi no'ng lalaki?''Napasinghap si Celine at
[Withered Flower]HINDI man maikilos ni Celine ang bawat bahagi ng kanyang katawan maging ang pagbukas ng talukap ng mga mata niya, nanatili namang gising ang diwa at pandinig niya.Mula sa kotse na pinagsakyan sa kanila ay naulinigan niya ang mga usapan. Naramdaman din niya ang paglabas saka pagbuhat sa kanya. Sumakay sila sa elevator at ipinasok sa isang silid.Inihiga siya ng mga nagdala sa kanya sa malambot na kama. Pero nang iniwan na siya roon nang mag-isa matapos ang ilang sandaling katahimikan sa paligid ay pinilit niya na igalaw ang katawan hanggang bumagsak siya sa sahig.Nakakaramdam pa rin siya ng hilo. Umiikot ang kanyang paningin. Nanghihina. At higit sa lahat, umiinit ang buo niyang pakiramdam.Hindi niya alam kung anong klaseng gamot ang pinalanghap sa kanya kanina, pero 'yong pangalawa na pinausok ng driver mula sa sasakyan nito ay matindi ang epekto sa katawan niya dahil nanunuot sa bawat himaymay ng kalamnan niya ang tila kakaibang kuryente na bumubuhay sa isang mas
[Super Tonic]HINDI pa rin nawawala ang pagkahilo ni Noel kahit nakatulog na siya sa biyahe. Nang magising siya ay nakahinto na sila sa driveway ng kanyang villa.Sinulyapan muna niya si Celine na nahihimbing pa rin sa tabi niya. Saka siya bumaba nang sapo ang ulo.''Sir, kumusta po ang pakiramdam niyo?''''I still feel dizzy. But I can handle this. No worries. Bumalik ka na lang agad ng Manila. Imbestigahan mo ang nangyari. Hindi basta-basta makakakilos si Mariano nang mag-isa lang. Alamin mo ang mga taong tumulong sa kanya.''''Yes, sir. Pa'no siya?'' tukoy nito kay Celine.''Dalhin mo siya sa kuwarto ko.'' Napansin na naman niya ang kakaibang tingin ni Duke. ''Sa ibang kuwarto ako matutulog. You know there are ten rooms inside, right?"''Yes, sir.''Nang makapasok ng bahay si Noel ay dumiretso siya sa ref. Puno ito ng laman. Madalas kasing nagpapadala roon ng mga tauhan ang kanyang lola para maglinis at mag-grocery. Alam nito na ang lugar na iyon ang pinupuntahan niya kapag gusto n
[Fated Encounter]AS he fondly caressing the arms wrapped around him, he then made a slow turn. He even felt like he did it in a very romantic and dramatic way. Siguro dahil pinanatili niyang nakayakap sa kanya ang babae. The warmth of her touch gives him the chill of both joy and desire.Sa mga oras na iyon ay gusto nga niya itong angkinin. In his eyes, she's stunning. Her beauty mesmerised him. She break the barrier na iniligay niya noong nangako siya na wala nang babaing hahatak sa kanyang atensiyon.This one. Yes, this one. He felt a connection with her. And it's strong enough to make him weak.''Kiss me.''Napakunot ng noo si Noel. Hindi dahil sa pagtulis ng mapupulang labi ng babaing kaharap kundi sa pamilyaridad na naaaninag niya sa mukha nito. His vision may be foggy, pero tila naiukit na niya sa isip ang hitsura nito when they had that very brief absurd encounter. Or is it because of the dr*gs."Sige na, please?"Ilang beses na pumikit-dumilat si Noel. He is trying to clear h
[Achilles Heel]''IS this how you handle matters at hand?''''Bakit? Natatakot ka ba, Mr. Crisologo?''Napangisi si Noel. Mula sa pagkakaupo, in-ekis niya ang mga hita. At saka isinandal ang likod sa backrest. Ang isa niyang braso ay nakapatong sa armrest habang ang mga daliri niya roon ay marahang itinatapik ng baba-taas na tila may ritmo ang paggalaw. ''You know very well that I'm the kind of man na walang kinatatakutan. Have you forgotten, Mr. Benetez?''Then fight fairly.''He sneered to the person sitting infront of him. Isa ito sa mga business rival niya na laging nagiging hadlang sa lahat nang proyekto ng kanyang kompanya. He's supposed to meet the client, pero inunahan siya nito. At talagang itinaon pa nito ang pagpunta niya sa abuwela sa Pangasinan na tila may inatasan itong sumubaybay sa bawat kilos niya.''The audicity of you to say about being fair. I don't know who helped you to change the time of our meeting. But let me tell you this, AGAIN.'' Nilagyan niya ng diin ang h







