LOGIN[Rise and Fall]
HINDI alam ni Celine kung papaano siyang nakasakay ng jeep. Kung hindi dahil sa kalabit ng katabi niya na nagpapaabot ng pamasahe ay baka nakalagpas na siya sa kanyang bababaan. Nakapa niyang tuyo na ang kanyang mga luha. Pero ramdam niya sa mga mata ang tila pamamaga niyon. Ibig sabihin ay matagal-tagal din siyang umiyak. "Manong, tabi na lang po.'' Nang huminto ang jeep at bumaba si Celine ay bahagya uli siyang nawala sa sarili. Natuliro siya kung alin ba sa tatlong kalye na nasa unahan niya ang pauwi sa kanilang bahay. Parang sa mga oras na iyon ay hindi gumagana ang kanyang utak. "Anong ginagawa mo?'' Napalingon si Celine. ''Bakit nakatayo ka lang diyan?'' ''M-Marie,'' nautal siya sa pagbigkas sa pangalan ng kaibigan. She felt guilty for not trusting her. Kahit ilang beses siya nitong kinausap, mas pinanindigan niya ang akala niya'y matatag na pagmamahalan nila ni Alvin. "Alam mo na ngayon? Siguro naman nauntog ka na?'' "Masakit.'' "Natural. Sinong hindi masasaktan sa katangahan mo?'' Muling nangilid sa luha ang mga mata ni Celine. Yumakap siya sa kaibigan at humagulhol sa balikat nito. Inalo naman siya nito ng marahang haplos sa kanyang likuran. "Kalimutan mo na siya. Hindi niya deserve ang tulad mo.'' "Bakit ako? Bakit ako pa ang kailangang maloko nang ganito? Wala naman akong ibang ginawa kundi ang mahalin siya.'' "Nasobrahan ka lang nang pagmamahal sa kanya.'' Inihiwalay nito sa yakap ang kaibigan, ''Kaya sa susunod na magmahal ka ulit ay huwag mong ibigay nang todong-todo. Kailangan mong magtira rin sa sarili mo.'' "Parang hindi ko na ulit kayang magmahal. Ibinigay ko na sa kanya ang lahat. Hindi ko alam kung paano at saan ulit ako magsisimula.'' "Hindi mo pa naman ibinigay sa kanya ang katawan mo, ah?'' Pinunasan ni Celine ng palad ang basang mga pisngi. ''Pero ibinigay ko na sa kanya nang buong-buo ang puso ko.'' "Ang importante, v*rgin kang nakipaghiwalay sa kanya! Hindi mo ba kilala 'yong babaing ipinalit niya sa iyo? Single mom siya. Dalawa na ang anak.'' "Ha?'' "At marami nang lalaki ang dumaan sa buhay niya. Sa tingin mo, magtatagal siya kay Alvin? Goodluck sa kanya!'' Napahugot nang malalim na buntong-hininga si Celine. ''Nakita kong masaya sila.'' "Ngayon lang 'yon. May tao silang sinaktan at tinapakan. Sa tingin mo magiging masaya sila habangbuhay?'' Hindi nakaimik si Celine. "Mabuti nang maaga pa lang ay nakita mo na ang tunay niyang kulay. Paano kung kasal na kayo? Baka maging impiyerno lang ang buhay mo sa kanya.'' "Mahal ko siya.'' "So, ano? Patatawarin mo siya? Luluhod ka sa harap niya at papayag kang maging dalawa kayo sa buhay niya? Aba, ibang level na ang katangahan mo niyan!'' "Gusto kong mag-isip.'' "Anong mag-isip? Wala kang ibang pag-iisipan kundi kung paano mo siya kakalimutan!'' "Hindi madaling gawin iyon. Walong taon kaming naging magkasintahan. Nasanay na ang mundo ko na umiikot sa kanya.'' "Haist! Sige, puntahan mo siya. Lalo kang magpakatanga.'' "Marie...'' Napabuntong-hininga na lang si Celine habang hatid-tanaw ang paglayo ng kaibigan. Naiintindihan niya ito. Alam niyang nagmamalasakit lang ito sa kanya. Pero mahirap kalimutan si Alvin. He is her first love. "Ate!'' Napatingin si Celine sa paglapit ng tumatakbong bunsong kapatid. ''Jeff.'' "Ate, pauwi ka na po ba?'' "Oo. Tapos na ba ang klase niyo?'' Tumango lang si Jeff. "Sabay na tayong umuwi.'' Kumapit siya sa katorse anyos na kapatid at magkaabay na silang naglakad. Sa unang pagkakataon, naramdaman niya ang koneksiyon ng kanyang pamilya na matagal ding naging pangalawa sa buhay niya mula nang mahalin niya si Alvin. "Jeff?'' "Hmm?'' "Anong pangarap mo sa buhay?'' "Uhm, gusto kong maging doktor.'' "Kapag naging doktor ka na ba at nagkasakit ako, gagamutin mo ba ako?'' "Oo naman po, ate. Kapatid kita. Kaya nga ako magdo-doktor para kapag nagkasakit kayo, magagamot ko kayo.'' Napakagat sa ibabang labi si Celine upang pigilan ang nagbabanta na namang pagpatak ng mga luha. Hindi niya nakita dati ang pangarap ng kanyang kapatid dahil nakatuon ang tingin niya sa pangarap ng ibang tao. "Hayaan mo. Pag-iipunan ko iyan. Sisiguraduhin ko na magiging doktor ka.'' "Mag-aaral akong mabuti, ate.'' Tumango at ngumiti lang siya sa kapatid. Nang makarating sila sa bahay, nadatnan niyang naghahanda na nang hapunan ang ina nila habang nakahiga ang kanilang ama sa mahabang upuang-kahoy at nanonood ng balita. Nagmano sila. "Anak, wala na tayong bigas para bukas. May ekstra ka ba riyan? Hindi pa kasi nababayaran ang tatay mo sa mga mais na naani niya.'' "Opo, nay.'' "Salamat.'' "Magbibihis lang po ako. Tutulungan ko kayo rito.'' "Magpahinga ka na lang. Mukhang pagod na pagod ka. Tingnan mo 'yang mga mata mo. Parang kagagaling mo lang sa pag-iyak. Maglagay ka ng kutsara riyan. Ganoon ang nakikita ko sa mga napapanood ko na drama. Sige na. Tatawagin na lang kita kapag kakain na.'' "Nay, magpapahinga rin po muna ako." "Tumulong ka rito!" "Pagod din ako," wika ni Jeff. "Hindi halata sa mata mo." "Nay!" inis na sambit ni Jeff. Pumasok na sa kanyang silid si Celine. At doon ay muli siyang napaiyak. Pero sa pagkakataong iyon, hindi para kay Alvin ang mga luha niya kundi sa kanyang pamilya. Gumugol siya ng pera at panahon sa maling tao. At magsisi man siya, huli na. Ang magagawa na lang siguro niya ay bumawi sa mga ito. Bago natapos ang gabing iyon, nakapagdesisyon na siya. Kinausap niya ang kanyang mga magulang at sinabi sa mga ito na luluwas siya ng Maynila. "Maganda naman ang trabaho mo rito, ah?'' "Tay, mas malaki po ang oportunidad sa Maynila. Kailangan ko pong mag-ipon para sa pangarap ni Jeff na mag-doktor.'' "Magtutulungan tayo.'' "Nay, matanda na po kayo. Gusto kong tumigil na rin kayo sa pagtatrabaho ni Tatay. Kaya ko naman po. Kilala niyo ako. Madiskarte ako, masipag at matalino.'' "Umamin ka nga. May problema ba kayo ni Alvin?'' Ayaw niyang magsinungaling sa mga magulang kaya sinabi niya sa mga ito ang totoo. "Ano? Pagkatapos ng ginawa mo sa kanya?'' "Tay- '' "Papatayin ko ang lalaking 'yon!'' "Tay!'' "Tumigil ka riyan, Andoy. Gusto mong maging isang kriminal nang dahil lang sa walang kuwentang tao na iyon? Mabuti na ang nangyari. Ibig sabihin, may iba pang lalaki ang nakalaan para sa anak natin. Hindi katulad niya na wala na ngang utang na loob, panget pa nang ugali.'' "Boto ka sa kanya noon, 'di ba?" "Noon 'yon!" Kalmado namang bumalik sa inalisan na upuan ang ama ni Celine. Sinaid muna nito ang tubig sa baso na inabot ng anak bago ito muling nagsalita, ''Huwag lang talaga siyang tatapak dito sa teritoryo ko dahil babalatan ko siya nang buhay!'' "Gawin mo iyan sa mga mais.'' Nagpalipat-lipat ang tingin ni Celine sa kanyang ama at ina. Hindi niya gaanong napapansin noon kung gaano sila kaalaga at kamahal ng mga ito na kahit ang katangahan niya kay Alvin ay kinonsinte ng mga ito dahil iyon ang makakapagpasaya sa kanya. "Sige na. Matulog ka na.'' Nang makapasok siya ng silid ay gumawa na siya ng resignation letter. At ipinasa niya agad iyon kinabukasan. Maraming tanong sa kanya ang mga naging superior niya, pero nakapagdesisyon na siya. May kaunti pang natitira sa ipon niya na plano sana niyang ibili ng desktop at motor bilang regalo sa graduation ni Alvin. Ang kalahati niyon ay itatabi niya para sa mga gastusin kapag nag-apply siya sa Maynila. At iiwan niya ang iba sa pamilya. Idadagdag niya rin ang makukuha niyang final wages sa inalisan niyang kompanya. Nakaayos na ang lahat. Nakaimpake na siya. Nakabili na ng bus ticket. Nakahanda na siyang harapin ang bagong buhay. Pero isang larawan na ipinadala sa kanya ang muling nagpatigil sa kanyang mundo.[A Full-Course Proposal]NAKATINGIN si Noel sa kamay ni Celine na nakaangat na sa ere. She is hesitating, and he understands. But he knows she would love to grab his hand. He can sense it because he has already given hints about what’s going to happen tonight. He is confident that his efforts will yield positive results.''Ayaw mo ba na malaman ang kabuuan nang mangyayari ngayong gabi?''"You're not just making fun of me, right?""I won't ever do that. Your feelings and emotions are important to me."Napataas ng isang kilay si Celine. Noel is flirting with those sweet-coated words. Pero mukhang tapat naman ito sa mga sinasabi nito. Idinadaan lang talaga nito sa pagpapa-cute na siyempre effective sa kanya. Hindi lang niya ipapahalata. "So, basically, it's like a full-course meal that we had before.""Coming here with you is just the appetizer. Serving the soup is entering this place up to this point."Bumaba ulit ang tingin ni Celine sa kinatatayuan."And walking through that aisle is
[A Dream Come True]NANG huminto ang sasakyan sa tapat ng isang restaurant ay hindi muna lumabas si Celine. Nakasanayan na niya o sadya lang talaga na sinanay siya ni Noel na ipinagbubukas siya ng pinto at inaalalayan sa pagbaba.Sinundan niya ng tingin ang pag-ikot ng binata mula sa driver's seat patungo sa direksyon niya. And with his manly features, lihim siyang napangiti. Sinasabi niya lagi sa sarili na napakasuwerte niya. Because this man always treats her like a queen.After tonight, there will be a different story for them. A new one, a new page, a new beginning. Sana lang, hindi man ito maging bestseller, it would end the way she always wanted.She is not really dreaming of a luxurious life. Bonus na lang na mayaman si Noel. But even if he goes bankrupt, she will remain by his side. IF. Yes, if they are really meant to be.Buo naman ang tiwala niya sa tadhana. Like how she used to believe when she was young. Ito ang kikilos para sa kanila. She just need to wait hanggang matapo
[Special Night]MULA sa pagkakaupo sa paanan ng higaan ay napatayo si Celine. Bumalik siya sa harapan ng malaking salamin sa loob ng silid at sinipat ang sarili. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang ginawa iyon.She's practicing and trying to control herself so that her 'kilig' and excitement does not show on her face, but it seems like every part of her body betrays her.Hindi nga ulit niya napigilan na magpakawala ng impit na hiyaw na may kasamang pag-alumpihit ng katawan nang maalala na naman na sa araw na iyon ay magkikita sila ni Noel. She even spent five hours to get herself ready.''Darn!'' pagmumura niya. ''Paano kung ayaw niya sa mga babaing easy-to-get, ha? Please, Celine. Behave. Just be yourself.'' Inis siyang napapadyak ng paa. ''But this is how I am kapag kinikilig ako."Napabuntong-hininga siya at tinitigan ulit ang sariling repleksiyon sa salamin. And suddenly, she's seeing her old self. Noong panahong una siyang nagmahal. Nang saktan at lokohin siya ni Al
[They Meet Again]NAGPAKAWALA muna si Doña Betina ng malalim na buntong-hininga bago siya lumayo mula sa pagkakasilipsa bintana. Nakabukas na ang gate kaya hinayaan na lang niyang makapasok nang bakuran si Dexter.Tumungo siya sa pinagpapatungan ng mga nakahilerang larawan. Isa sa mga naka-frame roon ang inangat niya at malungkot na tinitigan.''Don't resent me. Hinihingi lang ng pagkakataon. At para naman ito kay Noel. He's also your favorite person, right? Sana maintindihan ninyo.''Nasa larawan ang pinsan niya na pinakamalapit sa kanya. Matalik sila nito na magkaibigan. Si Aya. At kasama nito ang asawang si Dennis. Pareho na nasawi ang mga ito dahil sa car accident, pitong taon na ang nakakalipas."I know I have many choices. Pero kahit nakagawa siya ng mali ay isa siya sa pinagkakatiwalaan ko noon."Sandali munang natahimik si Doña Betina at napahugot uli ng mahabang buntong-hininga."Ngayon? Hindi ko alam. I am not really sure if he's still the same as the first time I met him. P
[Noah's Help]NAPATAYO si Doña Betina sa pagkakaupo sa mahabang sofa at napatingin sa direksiyon ng mga bintana."Mukhang dumating na sila," wika ni Dolfo.Naulinigan nga nila ang komosyon sa labas."May riot kaya?"Napapailing na lamang sina Dolfo at Doña Betina nang takbuhin ni Saling ang pagtungo sa bintana na para bang mas matutuwa pa ito kapag may mangyaring barilan sa labas. Sa edad nito na 71, malakas pa ito at handa pang makipagbakbakan. Nasanay na kasi ang katawan nito sa mahihirap at mabibigat na trabaho noong kabataan nito."Dapat walang are-areglo.""Gusto mo talagang may dumanak ng dugo, 'no?" asik ni Doña Betina."Boring ang ganyang eksena kung walang aksiyon."Tumanaw ang tatlo sa labas. Dumating ang ilang sundalo ni Major Bargais na nagpaatras sa mga armado na lalaki. Lahat nag-angat ng kanilang mga armas, pero walang isa mang nagpaputok. Dehado ang mga kaaway dahil kahit lisensiyado ang baril ng mga ito ay hindi kasama sa utos sa magpatumba ang mgq ito ng uniformed me
[Number 2356]NAPAHUGOT nang malalim na buntong-hininga si Liza nang matanaw na niya ang bahay nila. May ibinigay na assignment sa kanya si Chairwoman Crisologo. At kailangan niyang gawin iyon ngayon at baka bukas ay tanungin siya nito.Iisang bubong lang ang tinitirahan nila ng tiyahin. Ito na kumupkop at tumayong pangalawa niyang magulang mula nang siya ay maulila. Malaki ang tiwala nito sa kanya. At noon pa man ay gusto na niyang sundan ang mga yapak nito.Kaya nga ang kursong kinuha niya sa kolehiyo ay Bachelor's degree in Business Administration. Nag-aral siyang mabuti. Nagsikap. And every achievement she has made makes her aunt really proud. But today, she's a failure.Tama ang chairwoman nang sabihin nito na katulad siya ng tiyahin niya. At masaya siya kapag ikinukumpara siya rito. Dahil ito ang tinitingala niya na idolo.''Paano ko ba sasabihin sa kanya?''Huminto muna si Liza sa harap ng gym habang nag-iisip. Sumandal siya sa poste na malapit doon at nakatutok ang tingin sa m
[Fated Encounter]AS he fondly caressing the arms wrapped around him, he then made a slow turn. He even felt like he did it in a very romantic and dramatic way. Siguro dahil pinanatili niyang nakayakap sa kanya ang babae. The warmth of her touch gives him the chill of both joy and desire.Sa mga or
[Achilles Heel]''IS this how you handle matters at hand?''''Bakit? Natatakot ka ba, Mr. Crisologo?''Napangisi si Noel. Mula sa pagkakaupo, in-ekis niya ang mga hita. At saka isinandal ang likod sa backrest. Ang isa niyang braso ay nakapatong sa armrest habang ang mga daliri niya roon ay marahang
[Her Regrets]NAPASUNTOK sa hangin si Celine habang hatid-tanaw niya ang papalayong sasakyan. Mabuti na lang at bitbit niya ang kanyang handbag bago sumakay kanina. May ilang piraso rin siyang damit dito at personal na mga gamit. Pero lahat nang dokumento na gagamitin niya sa pag-aapply ng trabaho
[The Man In His Ferrari]LALONG hinigpitan ni Celine ang pagkakahawak sa bintana ng sasakyan nang tumahimik ang nakasakay roon. Madilim sa loob kaya hindi niya maaninag ang mukha nito. Kahit na maawtoridad ang boses nito, baka sakaling may puso itong maamo na makakaramdam ng awa sa kanya.''Arnold,







