LOGIN[Cold & Painful Night]
NANGINGINIG ang mga kamay ni Celine. Gusto na niyang sumabog sa galit. Pinipigilan lang niya ang emosyon dahil ayaw niyang mag-alala ang mga magulang lalo na't iyon ang araw ng kanyang pag-alis. "Anak?" Ipinasok ni Celine ang hawak na cellphone sa bag nang tumingin sa tumawag na ama na nakatayo sa bukana ng kanyang silid. "Tay." "Nandito na ang tricycle na maghahatid sa iyo sa terminal." "Sige po, tay. Lalabas na ako." Pinakalma muna niya ang sarili bago sumunod sa ama. Naisakay na sa tricycle ang kanyang mga gamit. At naghihintay na rin sa tabi niyon ang kanyang pamilya. ''Sigurado ka ba talagang hindi ka na magpapahatid?'' ''Hindi na po, Nay. Mas lalo lang akong malulungkot.'' ''Ate, bakit kasi kailangan mo pang umalis? Okay naman tayo rito.'' Sabado iyon kaya walang pasok si Jeff. Namilit sana ito na maghatid, pero tumanggi siya. Baka magbago pa ang isip niya. ''Hindi ka na ba magdo-doktor?'' ''Kung 'yon lang naman ang dahilan kaya ka aalis, ibang kurso na lang ang kukunin ko. 'Yong mura ang tuition. Aray!'' daing nito nang makatanggap ng hampas sa braso mula sa kapatid. ''Seryoso ako.'' ''Seryusuhin mo ang pag-aaral! At huwag ka munang mag-asawa!'' ''Hindi ako mag-aasawa. Ikaw ang panganay kaya ikaw ang dapat na mauna.'' Gusto sanang bawiin ni Celine ang sinabi. Hindi kasi niya alam kung hahangarin pa ba niya na bumuo ng sariling pamilya. Ayaw niyang maranasan ni Jeff ang mamuhay nang mag-isa dahil lang sa kanya. ''Huwag niyo nga muna iyang pag-usapan,'' singit ni Andoy. ''Hindi kami nagmamadali ng nanay niyo na magkaroon ng mga manugang at apo.'' ''Tay, paano po kung isang cute na cute at bibong apo ang ibigay ko? Tatanggihan niyo ba? Aray!'' daing ulit ni Jeff matapos pitikin ng ama ang noo nito. ''Kakasabi lang ng ate mo na atupagin mo ang pag-aaral.'' ''Sige na, sige na!'' pagtataboy ni Marina. ''Naghihintay na ang tricycle. Anak, tumawag ka kung nasaan ka na. Para hindi kami masyadong mag-alala.'' ''Opo, nay.'' Yumakap si Celine sa mga magulang at kapatid. Malungkot siya. Parang nadoble ang sakit na kanyang nararamdaman sa panloloko sa kanya ni Alvin. Ito kasi ang unang pagkakataon na mahihiwalay siya sa pamilya. ''Sige na at mukhang uulan pa.'' Matapos ang huling paalaman ay sumakay na si Celine sa tricycle. Hindi na siya lumingon kahit naririnig niya ang mga pahabol na bilin ng ama't ina. Napaiyak siya. Pero tinuyo rin agad niya ang mga luha. Siya ang nagdesisyon na umalis kaya kailangan niyang tiisin ang lahat. Dahil kung hindi siya lalayo, baka mangyari ang sinabi ni Marie. Baka maisipan pa niya na lumuhod sa harap ni Alvin at pumayag na maging dalawa sila sa buhay nito. Hindi niya hahayaan na mangyari iyon. Hindi niya hahayaan na bumaba ang tingin nito sa kanya. ''Neng, dadaan muna tayo sa gasolinahan.'' ''Okay lang po.'' Nawala sa isip ni Celine na ang nag-iisang gasolinahan sa lugar nila ay katapat lang ng bahay nina Alvin. Gusto sana niyang iiwas ang tingin doon. Pero hindi niya nakontrol ang sarili. Nahatak ang atensiyon niya dahil sa tawanan ng mga tao na umaabot hanggang labas. ''Manong, sandali lang po.'' Tumango lang ang driver. Bumaba siya sa tricycle at tumawid sa kabilang kalsada. Hindi siya pumasok sa bakuran. Wala na siyang karapatan doon kahit siya pa ang nagpagawa ng gate roon. Natanaw niya sa loob ang isang masayang okasyon na dapat siya ang naroon. Halos dalawang linggo lang ang lumipas nang mag-graduate si Alvin, pero nag-propose na ito sa babaing ipinalit sa kanya. Habang sila na walong taon ay hindi man lang siya nakaranas na mabigyan ng singsing. ''Celine?'' Napalingon siya. ''Pumunta ka talaga rito? Ang lakas din naman ng loob mo. Huwag mong sabihin na mag-iiskandalo ka tulad nang ginawa mo sa graduation?'' Napatiim-bagang siya nang makita si Sharon. Isa ito sa mga malalapit na kaibigan ni Alvin na hindi niya nakapalagayan ng loob dahil madalas niya noong pagbawalan ang nobyo na sumama sa gimik ng mga barkada nito. Ito rin ang nagpadala ng larawan sa kanya ng masayang engagement party na kasalukuyan na nagaganap. ''Pero ano bang pakiramdam?'' himig-panunudyo nito nang nakangisi. "Anong pakiramdam habang nakikita mo na masaya na at ikakasal na sa iba ang lalaking binakuran mo nang walong taon?" ''Nabunutan ako ng malaking tinik.'' ''Sinungaling. Sigurado ako na durog na durog ang puso mo ngayon.'' ''At mukhang tuwang-tuwa ka sa pasakit ng iba.'' ''Hindi lang kasi kita gusto.'' ''Ganoon din ang nararamdaman ko.'' ''Wala akong pakialam. Basta ang importante sa akin ngayon ay hindi sa iyo napunta si Alvin. Mas gusto ko si Alona.'' ''Mas wala akong pakialam doon.'' ''Pero bakit nandito ka?'' ''Dahil gusto ko lang imulat ang mga mata ko kung anong klase ng tao ang minahal ko. Para maging wais na ako sa susunod.'' ''May tatanggap pa kaya sa iyo? Alam naman ng lahat na nilaspag ka na ni Alvin. Kaya nga hindi mo siya mabitiwan, hindi ba?'' Mahina siyang natawa. ''Sinabi niya ba iyon? Kaya siguro hindi kami nagkatuluyan...'' Humakbang siya palapit kay Sharon, ''Dahil hindi ako tulad niyo ni Alona na ibinibilad ang katawan para lang makuha ang lalaking nagugustuhan niyo kahit pa makasakit kayo ng kapwa niyo babae.'' ''Hey- '' Maagap niyang hinawakan ang kamay ni Sharon na akto sanang paliliparin sa kanyang pisngi. ''Baka gusto mo na mag-iskandalo talaga rito? Puwede kitang pagbigyan. Pero kung mangyari iyon, baka hindi ko mapigil na ilabas ang baho mo.'' ''Anong sinasabi mo?'' sabay hatak nito ng sarili palayo kay Celine. ''Alam mo ang sinasabi ko...'' Itinuro niya ng tingin ang isa sa grupo ng mga lalaki na nag-iinuman, ''Matutuwa kaya ang kumare mong si Cynthia na ikinakama mo ang asawa niya?'' Nanlaki ang mga mata ni Sharon. ''Kaya bago ka manghusga ng kapwa mo, unahin mo munang tingnan ang sarili mo. Baka kung gaano kababa ang tingin mo sa iba, mas mabuti pa pala silang tao kaysa sa iyo.'' Hindi na nagsalita pa si Sharon. Mabilis na itong tumalikod. Saka lang lumayo si Celine at bumalik sa naghihintay na tricycle. Nang makarating siya sa bus terminal ay naupo muna siya sa waiting area. At siguro dahil sa paulit-ulit na pagsiksik sa isip niya ng mga senaryong nakita kanina sa engagement party ni Alvin, nawala na naman siya sa sarili. Namalayan na nga lang ni Celine na nasa gilid na siya ng hi-way. Naglalakad nang hatak-hatak ang maleta habang basang-basa ng ulan. Tumigil siya sa paghakbang nang matauhan dahil sa busina ng ilang dumadaan na mga sasakyan. Napatingala siya. Tulad ng makulimlim na kalangitan, ganoon ang kulay ng buhay niya ngayon. Pilit niyang kinukumbinse ang sarili na magiging maayos din siya. Makakalimot siya. Makakapagsimula. Pero ang totoo, hindi na niya maibabalik pa ang dating siya. Hindi na siya muling makakatayo. Pinaasa lang niya ang pamilya niya sa isang bagay na imposible. Dahil sa magkahalong lamig at sakit ng kalooban na kanyang nararamdaman ay bigla na lang siyang natumba sa pagdaan ng isang kotse. Napahagulhol siya. She used to be a jolly, optimistic and energetic person. Pero mula nang lokohin siya ni Alvin, mabilis na nabago hindi lang ang kanyang personalidad kundi ang buo niyang pagkatao. ''Miss, okay ka lang?'' Napatingala si Celine. Kahit nahahadlangan ng ulan ang malinaw niyang paningin ay naaninag niya pa rin sa harap ang isang matabang lalaki. Nasa mukha nito ang pag-aalala. ''Manong...'' ''Nahagip ba kita? Pasensiya na. Malakas kasi ang ulan at medyo madilim dito sa nilalakaran mo kaya hindi kita masyadong napansin.'' Tinulungan si Celine ng lalaki na makatayo. ''May masakit ba sa iyo?'' Umiling siya. ''Arnold, bakit ang tagal mo riyan?'' Napatingin si Celine sa direksiyon ng kotse na hindi niya napansin kanina na nakaparada na sa gilid ng kinaroroon niya. Isang malagom at maawtoridad na boses ang narinig niya sa nakabukas na bintana. At nakasampay rin doon ang kanan nitong braso. "Sandali lang po, Sir Noel.'' ''At talagang paghihintayin mo pa ako?'' asik nito. Binalingan ulit ng matabang lalaki si Celine. ''Miss, gusto mo bang idaan kita sa ospital?'' "Pumasok ka na rito! Kapag hindi ako nakarating nang tamang oras sa Manila, sisisantehin ko sa trabaho ang pamilya mo hanggang sa ikatlong henerasyon!'' "Miss, aalis na kami.'' ''Maynila?'' bigkas ni Celine. ''Sandali!'' Hinawakan niya sa braso ang tumalikod na lalaki. ''Sasama ako.'' ''Ha?'' "Papunta rin ako ng Maynila. Naiwan ako ng bus.'' "Naku, hindi ka puwedeng sumabay sa amin.'' Bahagya nitong inilapit ang sarili at bumulong, ''Hindi mo kilala ang sakay ko.'' Sa narinig ay tinungo ni Celine ang nakabukas na bintana ng sasakyan at hinawakan doon ang nakasampay na braso na agad ding hinatak ng nagmamay-ari niyon.[New Life And A Heartbeat]HINDI naging madali para kay Celine ang unang mga linggo niya sa Maynila. Nakahanap naman siya ng maliit at murang mauupahan. Nahirapan lang siya dahil sa pinansiyal.Sinubukan niya na ipa-close ang dalawa niyang bank account dahil sa pagkawala ng kanyang bag. Ang isa ay naging smooth ang proseso at nakuha agad niya ang laman na hindi kalakihan ang halaga. Pero ang ikalawa na pinaglagyan niya ng natirang ipon ay hinihingian siya ng police report kahit na kumpleto naman ang kanyang mga dokumento na magpapatunay na siya talaga ang may-ari.She can't risks her safety. Nabanggit ng driver ng kotse na pinagsakyan sa kanya noong araw na dukutin siya na hawak ng mga ito ang karamihan sa hepe ng pulisya. Baka malagay ulit sa panganib ang buhay niya. Ang trauma na idinulot niyon ay halos gabi-gabi pang dumadalaw sa kanyang panaginip na madalas nga ay nauuwi sa bangungot. May mga pagkakataon na pakiramdam niya ay may mga matang nagmamatyag sa kanya.Para mapanatag siy
[Forget-Me-Not]NAGISING si Celine na masakit ang buong katawan. Para siyang sumabak sa laban nang wala man lang proteksiyon. Napasapo siya sa ulo. Nang dumilat siya ay muli rin siyang napapikit dahil sa nakakasilaw na liwanag na sumalubong sa kanya.Matapos niyang mabalanse ang tingin, nabaling siya sa lalaki na nahihimbing sa kanyang tabi. Nanlalaki ang mga matang napabalikwas siya. Sisigaw na sana siya dahil sa pagkagulat nang mabilis niyang takpan ang bibig.Napalinga si Celine sa paligid ng malawak na silid. Hindi siya dapat lumikha ng komosyon o ingay. Baka maalerto ang iba pang mga nakatira roon. Kailangan malaman muna niya ang napasok na sitwasyon.Ibinalik niya ang tingin sa nahihimbing pa rin na lalaki. Hindi niya ito kilala. At wala rin siyang matandaan sa nangyari.Ang naalala niya lang ay kinidnap siya habang naghihintay siya ng bus. At nawalan na siya nang malay sa kotse na pinagsakyan sa kanya.''Siya ba ang kliyente na sinasabi no'ng lalaki?''Napasinghap si Celine at
[Withered Flower]HINDI man maikilos ni Celine ang bawat bahagi ng kanyang katawan maging ang pagbukas ng talukap ng mga mata niya, nanatili namang gising ang diwa at pandinig niya.Mula sa kotse na pinagsakyan sa kanila ay naulinigan niya ang mga usapan. Naramdaman din niya ang paglabas saka pagbuhat sa kanya. Sumakay sila sa elevator at ipinasok sa isang silid.Inihiga siya ng mga nagdala sa kanya sa malambot na kama. Pero nang iniwan na siya roon nang mag-isa matapos ang ilang sandaling katahimikan sa paligid ay pinilit niya na igalaw ang katawan hanggang bumagsak siya sa sahig.Nakakaramdam pa rin siya ng hilo. Umiikot ang kanyang paningin. Nanghihina. At higit sa lahat, umiinit ang buo niyang pakiramdam.Hindi niya alam kung anong klaseng gamot ang pinalanghap sa kanya kanina, pero 'yong pangalawa na pinausok ng driver mula sa sasakyan nito ay matindi ang epekto sa katawan niya dahil nanunuot sa bawat himaymay ng kalamnan niya ang tila kakaibang kuryente na bumubuhay sa isang mas
[Super Tonic]HINDI pa rin nawawala ang pagkahilo ni Noel kahit nakatulog na siya sa biyahe. Nang magising siya ay nakahinto na sila sa driveway ng kanyang villa.Sinulyapan muna niya si Celine na nahihimbing pa rin sa tabi niya. Saka siya bumaba nang sapo ang ulo.''Sir, kumusta po ang pakiramdam niyo?''''I still feel dizzy. But I can handle this. No worries. Bumalik ka na lang agad ng Manila. Imbestigahan mo ang nangyari. Hindi basta-basta makakakilos si Mariano nang mag-isa lang. Alamin mo ang mga taong tumulong sa kanya.''''Yes, sir. Pa'no siya?'' tukoy nito kay Celine.''Dalhin mo siya sa kuwarto ko.'' Napansin na naman niya ang kakaibang tingin ni Duke. ''Sa ibang kuwarto ako matutulog. You know there are ten rooms inside, right?"''Yes, sir.''Nang makapasok ng bahay si Noel ay dumiretso siya sa ref. Puno ito ng laman. Madalas kasing nagpapadala roon ng mga tauhan ang kanyang lola para maglinis at mag-grocery. Alam nito na ang lugar na iyon ang pinupuntahan niya kapag gusto n
[Fated Encounter]AS he fondly caressing the arms wrapped around him, he then made a slow turn. He even felt like he did it in a very romantic and dramatic way. Siguro dahil pinanatili niyang nakayakap sa kanya ang babae. The warmth of her touch gives him the chill of both joy and desire.Sa mga oras na iyon ay gusto nga niya itong angkinin. In his eyes, she's stunning. Her beauty mesmerised him. She break the barrier na iniligay niya noong nangako siya na wala nang babaing hahatak sa kanyang atensiyon.This one. Yes, this one. He felt a connection with her. And it's strong enough to make him weak.''Kiss me.''Napakunot ng noo si Noel. Hindi dahil sa pagtulis ng mapupulang labi ng babaing kaharap kundi sa pamilyaridad na naaaninag niya sa mukha nito. His vision may be foggy, pero tila naiukit na niya sa isip ang hitsura nito when they had that very brief absurd encounter. Or is it because of the dr*gs."Sige na, please?"Ilang beses na pumikit-dumilat si Noel. He is trying to clear h
[Achilles Heel]''IS this how you handle matters at hand?''''Bakit? Natatakot ka ba, Mr. Crisologo?''Napangisi si Noel. Mula sa pagkakaupo, in-ekis niya ang mga hita. At saka isinandal ang likod sa backrest. Ang isa niyang braso ay nakapatong sa armrest habang ang mga daliri niya roon ay marahang itinatapik ng baba-taas na tila may ritmo ang paggalaw. ''You know very well that I'm the kind of man na walang kinatatakutan. Have you forgotten, Mr. Benetez?''Then fight fairly.''He sneered to the person sitting infront of him. Isa ito sa mga business rival niya na laging nagiging hadlang sa lahat nang proyekto ng kanyang kompanya. He's supposed to meet the client, pero inunahan siya nito. At talagang itinaon pa nito ang pagpunta niya sa abuwela sa Pangasinan na tila may inatasan itong sumubaybay sa bawat kilos niya.''The audicity of you to say about being fair. I don't know who helped you to change the time of our meeting. But let me tell you this, AGAIN.'' Nilagyan niya ng diin ang h







