LOGIN[His Icy Heart]
''MADAM! Madam!'' Mula sa pagkakatutok ng atensiyon ng tinawag na matanda sa hawak na cellphone ay natuon ang tingin nito sa katulong na hindi na kumatok pa at tuluy-tuloy nang pumasok ng silid. ''Ano ba 'yang ingay mo?'' ''Madam...'' ''Huminga ka muna nang malalim.'' ''Wala na pong oras.'' ''Sa paghinga?'' ''Dumating na si Sir Noel!'' Mabilis na inilalim sa unan ni Doña Betina ang hawak na cellhone at inayos ang posisyon sa higaan. ''Ang salamin mo, Madam.'' Tinanggal ni Doña Betina ang tinukoy ng katulong na sa pagkataranta ay nakalimutan na nitong alisin. ''Papatayin ko po ba ang ilaw?'' ''Sshhh!'' Inabutan ni Noel ang katulong na inaayos ang kumot sa kanyang abuwela. Pero halata niya rito ang pagkatuliro dahil hindi nito malaman kung paanong iiwas ng tingin sa kanya. "H-Hello, sir." "Hinihingal ka. Mukhang galing ka sa pagtakbo." Namula ang mukha ng katulong. Sinulyapan muna nito ang nagtutulug-tulugan na matandang amo bago lumabas ng silid. "Lola." Mula sa patagilid na higa at pagkakapikit ni Doña Betina ay kunwaring pupungas-pungas itong dumilat. "Apo, nandito ka na pala?'' Bumangon ito. ''Kanina ka pa ba?" ''Lola, alam mo po ba ang stress na ibinigay mo sa akin maghapon? Kahit sa gitna ng mga meeting ko ay hindi ka tumigil sa kakatawag. Pinatay ko na nga ang cellphone ko, pero halos lahat naman ng mga empleyado ko sa kompanya ay binubulabog mo.'' ''Tapos ka na ba?'' ''What?'' ''Ang haba ng sinabi mo, pero hindi mo man lang muna ako kinumusta.'' ''Sa nakikita ko, mukha namang maayos ang lagay niyo.'' ''Akala mo lang 'yon! Pero sa kailailaliman ng mga buto ko, marami na akong sakit na nararamdaman!" ''Just because you're growing old.'' ''Dahil stress ako sa iyo!'' ''Masyado na akong malayo para ma-stress ka sa akin. And do you know how far this place from Manila?'' ''Malapit lang ang Pangasinan.'' ''You made me drive four hours. Just to see your tantrums.'' ''Tantrums?'' Binato nito nang dinampot na unan ang binata. ''Pupunta ka lang ba rito sa akin kung naghihingalo na ako o nasa loob na ng kabaong?'' ''You will never know if I came when you're dead.'' Sinalo ni Noel ang isa pang unan na ibinato ng abuwela. ''Lola, I told you that I'm at the middle of a very important business deal. Busy ako kaya ayoko nang istorbo.'' ''So, istorbo na ako sa iyo ngayon? At hindi na rin ako importante. Gan'on ba?'' ''Hindi lang naman ako ang apo mo. Bakit ako na lang lagi ang pinapansin mo?'' ''Dahil ikaw ang pinakapaborito ko.'' ''You just pity me.'' ''Bakit kita kaaawaan? You're the man with everything.'' ''You know I lack of one thing.'' Napipilan ang matanda. ''Forget it. I brought ginseng. Make yourself healthy kaysa atupagin mo ang kaka-stalk ng buhay ko.'' ''Noel, matanda ka na...'' ''Says who? Can't you see?'' Ibinuka niya ang mga braso at iniliyad pa ang matipunong dibdib. ''I'm still at my prime.'' ''At nakakapanghinayang.'' ''Why?'' "Dahil walang babae ang nakikinabang niyan.'' ''Lola.'' ''Noel, thirty-five ka na. Hindi mo man ako mabigyan ng apo, mas maganda pa rin na mayroon kang makasama hanggang sa pagtanda mo.'' ''I thought you understand. Walang babae ang magse-settle sa isang lalaking walang kakayahan na magkaanak. Hindi ba't iyon ang rason ni Daniella kaya iniwan ako? She wanted to be a mother.'' Hindi ulit nakapagsalita si Doña Betina. ''If you'll call me again para lang pilitin ako na maghanap ng nobya o mapapangasawa, I won't see you ever again.'' ''Noel...'' Napatigil ang binata sa paghakbang. Hindi na siya lumingon pa mula sa kanyang pagkakatalikod sa abuwela. ''Naniniwala ako na may darating pang babae sa buhay mo na matatanggap ka.'' Napangisi na naiiling si Noel. Since he had his spine surgery dahil sa naging severe injury niya sa paglalaro ng basketball during his college days, sinabi na sa kanya ng doktor na wala na siyang kakayahan na magkaroon pa ng anak. Nawalan na siya nang gana sa mga babae mula nang araw na iyon. But when Daniella came to his life, sinubukan niya. Pero sa huli, iniwan pa rin siya dahil sa kanyang kakulangan bilang lalaki. Kaya ipinangako niya sa sarili na hindi na ulit siya papasok sa isang relasyon. He never dated nor touch a woman. It will just add salt to his wound. And ego. "Kung sakaling dumating ang babaing iyon sa buhay mo, huwag mo siyang itutulak palayo. Subukan mo ulit. Hindi masamang sumubok ulit.'' ''Wala ka sa isang sitcom, Lola. Your joke isn't funny.'' ''Aalis ka na ba agad? Kakarating mo pa lang.'' ''I have business to attend. Important business,'' pagdidiin niya. ''At least, hug me. Miss na miss na kita, apo.'' ''I have no time for your sentiment. Don't call me again if it's not an emergency.'' Tuluyan nang lumabas ng silid si Noel. Ipinatawag niya lahat nang katulong. Ibinilin niya sa mga ito ang pagpapakain ng mga masusustansiyang pagkain sa kanyang abuwela. He instructed them also kung paano ihanda ang ginseng. At regular dapat nilang tawagan ang personal doktor to check and monitor her health. ''Keep me updated sa mga nangyayari rito. Just send me a DETAILED message. Ayoko nang mahaba. At ayokong may tatawag sa akin kapag hindi importante. Maliwanag?'' ''Yes, sir!'' sabay-sabay na tugon ng mga katulong. Lumabas na ng bahay si Noel at dumiretso na sa sasakyan na binuksan na ang pinto ng naghihintay niyang driver. ''Sir, tumawag ang Lola niyo.'' ''What?'' ''Mag-ingat daw tayo sa pag-uwi. At salamat daw po sa ginseng.'' ''Drive.'' ''May pahabol pa po siya. I love you raw po.'' ''Magmaneho ka na nga lang!'' ''Yes, sir.'' Nang umusad ang sasakyan ay napasulyap si Noel sa direksyon ng silid ng kanyang abuwela. Nakatanaw ito sa bintana. ''Bilisan mo ang pagpapatakbo. Kailangang makabalik ako ng Manila bago mag-alas otso.'' Napatingin naman ang driver sa orasan sa screen display ng sasakyan. Alas singko na. ''Sir, hindi po kakayanin ng tatlong oras ang biyahe.'' ''Hindi mo talaga kakayanin kung babagalan mo.'' ''Mukhang uulan pa nga yata.'' ''Bakit ang dami mong sinasabi? Mag-focus ka riyan sa pagmamaneho.'' ''Yes, sir.'' Ilang sandali pa ay tuluyan nang bumuhos ang ulan. Pero hindi naman iyon lumakas. Wala ring gaanong motorista sa daan kaya maluwang ang kalsada. ''Oh!'' ''Darn!'' pagmumura ni Noel nang biglang magpreno ang driver. ''What do you think you're doing, huh?'' "Sir, mukhang may nahagip ako.'' ''What?'' Iniatras ng driver ang sasakyan. Nag-overtake ito kanina patungong right lane. At hindi nito napansin na may taong naglalakad sa gilid ng kalsada. Bumaba ito matapos kunin ang payong. ''Saan ka pupunta?'' ''Sandali lang po, sir. Titingnan ko lang.'' Naikuyom ni Noel ang isang kamao habang ang kabilang kamay ay hinatak ang necktie at niluwangan iyon. He's been stress out since the latest project of his company. Binuksan niya ang bintana ng kotse. Gusto niyang sumagap ng sariwang hangin para pakalmahin ang sarili. Humihina na rin naman ang ulan. ''Arnold, bakit ang tagal mo riyan?'' ''Sandali lang po, Sir Noel.'' ''At talagang paghihintayin mo pa ako?'' asik niya. ''Pumasok ka na rito! Kapag hindi ako nakarating sa tamang oras sa Manila, sisisantehin ko sa trabaho ang pamilya mo hanggang sa ikatlong henerasyon!'' Napapitlag si Noel nang may humawak sa braso niya na nakasampay sa labas ng bintana. Agad niya iyong hinatak. ''Sir...'' Napatitig siya sa babaing nakayukod sa labas ng nakabukas na bintana. ''Puwede po ba akong makisabay sainyo papuntang Maynila?'' ''Hindi ito carpool. This is an expensive Ferrari." ''Please?'' ''Arnold, nasaan ka na? Get in!'' ''ARAY!'' ''Miss, okay ka lang?'' pag-aalala ni Arnold. ''Nabalian yata ako ng buto.'' ''Sabi mo kanina okay ka lang.'' ''Kanina 'yon. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit.'' ''Hey, woman!'' singit ni Noel. ''Are you trying to scam us? Nagmamadali kami. So, leave.'' Napahilot sa batok ang binata nang sa halip na sumunod sa utos niya ang babae ay mahigpit itong kumapit sa frame ng bintana. ''Matatagalan kayo kung tatawag ako ng pulis.'' ''Arnold.'' ''Yes, sir.'' ''Pay her.'' ''Hindi ko kailangan ng pera. Ang gusto ko lang ay makalayo agad sa lugar na ito. Sir, please. Ilayo mo ako sa lugar na ito.'' Muling napatitig si Noel sa babae na ilang pulgada lang ang layo sa kanya. He promised to himself that he won't ever get involve to any woman's life. But this one, she seems like an exemption.[One Happy Family]"DADDY!"Napatda si Celine sa narinig na pagtawag ni Noah. At itinulos siya sa kinatatayuan nang makita si Noel sa harap ng isang restaurant.Ang una niyang ginawa ay hindi ang pagkaway, pagbati at pagngiti rito. Sa halip, hinanap niya sa paligid kung may kasama ito o ka-date na babae.Well, wala nang ibang pumasok sa isip niya kundi iyon dahil bihis na bihis ito. At bigla siyang nakaramdam ng selos. Pero agad niya ring sinaway ang sarili. Binitiwan na lang niya ang pagkakahawak sa kamay ng anak at saka hinayaan na lapitan nito si Noel.Habang nakamasid siya sa dalawa na masayang magkayakap ay halo-halo ang kanyang emosyon. Masaya siya. Malungkot. Umaasa. Dismayado. May galit dahil pinapaalala ng tagpong iyon ang nangyari sa kanilang nakaraan.Pero wala siyang nakakapang pagsisisi. She had Noah. Hindi man niya masabi sa mag-ama ang katotohanan, kuntento na siya na makitang magkasama at magkasundo ang mga ito. It relieves her, somehow.At kahit mayroon mang kontrata
[The Choice He Made]BAGO pa man nakapagplano sina Doña Betina at Andrea upang magkaroon ng buo na pamilya si Noah, nakaisip na ng isang hakbang si Noel. Kailangang mapalapit muna siya sa ina nito.After their last meet-up, he made his decision. And it is his choice. Hindi na mahalaga sa kanya ang sasabihin ng iba o magiging kumento ng mga kaibigan, kakilala at lalo na ng mga kamag-anak niya.All he was thinking is to not let go of the woman that he once shared the bed with, the woman that taught him to wait and be patient, the woman that gives him hope and now giving him something that he cannot have-- a son."Sir?"Mula sa pagtanaw sa labas ay napatingala si Noel sa waiter na lumapit sa kinauupuan niyang mesa na malapit sa glass wall ng kinaroroonan niyang restaurant. Matatanaw niya roon ang abalang kalsada at ilang shops sa paligid."Would you like me to serve you a wine first?""No, no!" pagtanggi niya. "Ayokong makita ako ng anak ko na umiinom."Hindi pa man legal at opisyal na n
[TOTGA]DANIELLA Laviroza is Doña Betina's favourite person since she was cared and loved by his favourite grandson, Noel. They were in a very long relationship. Two decades to be exact. Akala nga ng lahat ay silang dalawa na talaga ang magkakatuluyan hanggang sa huli.Well, almost.Even after Noel got a serious spine injury, Daniella remained at his side, night and day. Walang nagbago sa relasyon nila. At labis iyong ipinagpapasalamat ni Doña Betina. Because having such a devoted woman is rare in this world.The two lovers planned for their wedding. They have their engagement, too. Nagkasundo na ang kani-kanilang pamilya. But when her grandson's old injury was triggered due to another minor accident, nalaman nila na wala na itong kakayahan na magkaroon ng anak.Only a long-term therapy from a renowned rehabilitation hospital overseas or maybe a miracle can make him fully recover. Pero ayaw ni Noel ang naunang suhestiyon ng karamihan sa mga doktor na kanilang nalapitan. He said that i
[Good & Bad]"SALING!"Isang medyo may katandaan nang katulong ang lumapit at tumugon sa pagtawag ni Doña Betina na nasa living room, "May kailangan kayo?""I'm in pain.""Ha?" Naalarma ito. "Tatawag ba ako ng doktor?""No, no." Hinilot ni Doña Betina ang ulo na nakapatong mula sa kinasasandalan niya na backrest ng mahabang sofa. "I've been like this since that child came.""Si Noah ba?"Napaupo siya nang tuwid at pinukol ng matalim na tingin si Saling. "I told you to call him Alfonso. Mas lalong gumagaan ang pakiramdam ko sa pangalan na iyon.""Pero hindi pa naman natin alam kung tinanggap na siya ni Sir Noel.""He will."''Paano naman kayo nakakasiguro? Kilala natin na malayo ang loob niya sa mga bata dahil iyon ang bagay na hindi siya kailanman magkakaroon.""Itikom mo nga iyang bibig mo.""Sinasabi ko lang ang totoo. At alam na rin naman ng lahat ang tungkol doon."Sinenyasan ni Doña Betina si Saling na maupo sa kanyang tabi. Malapit sila nito sa isa't isa dahil sa lahat nang mga
[One Rule]''SO, where do we start the conversation?''''It will only start and end with my son. Nothing more, nothing less."''Right, right." Tumango-tango si Noel. "As I have proposed, I will legally adopt him and let him use my name.''''Alfonso is a widely-used name," pangangatwiran ni Celine.''The Crisologo.''Sandali siyang napipilan nang salubungin niya ang malalim na tingin sa kanya ni Noel na tila ba sinusuri ang pagkatao niya. Nakalarawan din sa mukha nito ang pagiging seryoso. Hindi katulad kanina habang kumakain sila na nakikita niya ang other side nito.''He will inherit my surname," dagdag pang saad ng binata.Palihim na pinagdikit ni Celine sa ilalim ng mesa ang mga nagpapawis na palad at saka taimtim na nagdasal. Noah is entitled for it as he carries the true bloodline of a Crisologo. She just need to hide it. At aaminin niya na dahil iyon sa pansarili niyang kapakanan. Well, not fully. It was because of a mother's love. Ayaw lang niya na mawala sa kanya ang kustodiya
[Full-course Date]MALAWAK naman ang living area sa loob ng silid, pero hindi nila iyon inukupa. Sa halip ay naupo sila sa harap nang hindi kalakihan na round table. Saka lang nalaman ni Celine ang dahilan. Um-order pa pala ng pagkain si Noel.Akala niya mag-uusap lang silang dalawa. Puwede na sana sa kanila ang alak na ilang beses nang sinalinan ni Noel ang sarili nitong wineglass. 'Yon namang kanya ay nangangalahati niya pa lang ang laman."Our stomach needs to be full para maayos na gumana ang mga utak natin.""Isa lang naman ang magiging topic natin.""But it's not simple. Nakataya roon ang buhay, kaligayahan at kinabukasan ni Noah."Tama naman si Noel. But he sounds and acted like everything will depend on the nourishment of the foods they'll be eaten para maging maayos ang kalalabasan ng kanilang usapan.Sinundan na lang ng tingin ni Celine ang pagpasok ng mga waiter. Unang inilapag ng mga ito ang appetizer. It's a small and light bites upang ganahan daw sila sa pagkain.Nakisab
[Rise and Fall]HINDI alam ni Celine kung papaano siyang nakasakay ng jeep. Kung hindi dahil sa kalabit ng katabi niya na nagpapaabot ng pamasahe ay baka nakalagpas na siya sa kanyang bababaan.Nakapa niyang tuyo na ang kanyang mga luha. Pero ramdam niya sa mga mata ang tila pamamaga niyon. Ibig sa
[Betrayal]''HANGGANG kailan ka magtatanga-tangahan, ha? Matagal ka nang niloloko ni Alvin!''Napapikit si Celine habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niya ang mga sinabi ng kaibigan.Ilang beses na ring nakarating sa kanya ang akusasyong iyon ni Marie, pero mas pinipili niya na paniwalaan
[Cry Of Noah]NAPAHINTO sa paghakbang si Andrea nang bumungad sa pagbukas nito ng pinto si Noel."Saan na naman ang punta mo?""Uhm, magpapahangin lang ako sa labas.""Dalawa na ang aircon dito, naiinitan ka pa rin? Gusto mo bang lumipat sa mas malaking silid na may malaking aircon? 'Yong tipong li
[Cold & Painful Night]NANGINGINIG ang mga kamay ni Celine. Gusto na niyang sumabog sa galit. Pinipigilan lang niya ang emosyon dahil ayaw niyang mag-alala ang mga magulang lalo na't iyon ang araw ng kanyang pag-alis."Anak?"Ipinasok ni Celine ang hawak na cellphone sa bag nang tumingin sa tumawag







