Share

Chapter 5

Author: EL Nopre
last update publish date: 2026-05-27 00:27:31

[The Man In His Ferrari]

LALONG hinigpitan ni Celine ang pagkakahawak sa bintana ng sasakyan nang tumahimik ang nakasakay roon. Madilim sa loob kaya hindi niya maaninag ang mukha nito. Kahit na maawtoridad ang boses nito, baka sakaling may puso itong maamo na makakaramdam ng awa sa kanya.

''Arnold, ano pang ginagawa mo? Get in!''

''Yes, sir!''

Hindi niya inalis ang mga kamay sa bintana kahit isinasara na iyon. Napapikit siya. Nakahanda na siyang maipit at muling masaktan. Pero tumigil ang pag-angat niyon.

''Hindi ka ba bibitiw, ha?''

''Sir, nakikiusap po ako. Magbabayad po ako.''

''Huh? Do you know how expensive this car is? This is Ferrari. The high-end one.''

''Hindi ko naman po bibilhin. Makikisakay lang ako.''

''It's the same thing!''

''Gagawin ko po lahat nang gusto niyo. Basta ilayo niyo lang po ako sa lugar na ito.''

''If your life is in danger, huwag mo akong idamay. Let go!''

''Please?''

Sinabayan ng taimtim na panalangin ni Celine ang muling pananahimik ng kausap. Hindi man solusyon ang kanyang paglayo, pero iyon lang ang naiisip niyang paraan upang maibsan kahit kaunti ang sakit na nararamdaman ng kanyang kalooban.

''Kapag nagtagal pa ako rito, baka lalo lang masira ang buhay ko nang dahil sa kanya.''

''Get in!''

''Sir- ''

''Sasakay ka ba o hindi?''

Lumapit si Arnold sa may bintana. ''Sino po sa amin, Sir?''

''Gusto mong ikaw ang maiwan?''

Binalingan nito si Celine. ''Sumakay ka na. Ako nang maglalagay sa likod ng maleta mo.''

''Salamat po.''

Hinintay muna ni Celine na mahawakan ng driver ang maleta niya bago niya patakbong tinungo ang kabilang direksyon na pinto.

''Hey!''

Napatigil si Celine na akto na sanang papasok sa sasakyan.

''At bakit tatabi ka sa akin? Nakisakay ka na nga at nang-abala, you still want more privileges?"

Hindi naintindihan ni Celine ang nais ipahiwatig ng kausap sa sinabi nito. Pero inisip na lang niya na baka ayaw nito nang may katabi o dahil siguro basa ang damit niya dahil sa ulan na tumila na rin.

''Take the front seat.''

''Opo, sir.''

Sinulyapan muna ni Celine ang driver. Papasok na ito kaya binilisan niya ang pagtungo sa passenger's seat. Kailangan niyang makasiguro na hindi siya iiwan ng dalawa.

''Maglagay ka ng seatbelt.''

Tumalima siya sa utos ng driver. At saka lang siya nakahinga ng maluwang nang umusad na ang sasakyan.

''Nilalamig ka ba?''

Tumango siya.

''Naiinitan ako!''

Napahinto ang kamay ni Arnold sa ere na akto na sanang hihinaan ang aircon nang marinig ang tinig ng amo.

''And this is my car,'' madiin pang dagdag ni Noel sa naunang sinabi.

''Okay lang po ako, Manong.''

''Kuya Arnold na lang.''

''Salamat po, Kuya Arnold.''

''Is this your car?''

Bahagyang napapitlag si Celine nang maulinigan ang pagsipa ng lalaki sa likuran ng upuan ng driver.

''Magpasalamat ka sa kanya,'' utos ni Arnold sa dalaga.

''Maraming salamat po, sir.''

Nang lumingon si Celine, tumigil ang kanyang pagkurap. Gusto sana niyang aninagin ulit ang mukha ng lalaki. Pero madilim pa rin sa puwesto nito kahit sa anggulo niyang iyon kaysa kanina sa labas ng bintana.

''What are you looking at? I hate people when they look at me.''

''Sorry po, sir.''

''Bilisan mo, Arnold. Marami nang oras ang sinayang mo.''

''Opo, sir.''

Parehong natuon ang tingin nina Arnold at Celine sa nagliwanag na cellphone na nakaipit sa holder niyon. Rumihestro roon ang isang pangalan.

''Sir, tumatawag po si Ma'am Delia.''

''Sasagutin mo ba?''

''Hindi po.''

''Alam mo pala, bakit sinasabi mo pa?''

Muling napapitlag si Celine nang maulinigan na naman ang pagsipa ng lalaki sa likuran ng upuan ng driver.

''Sorry po, sir.''

''Keep driving.''

''Yes, sir.''

Nagkatinginan sina Arnold at Celine. Humihingi ng pang-unawa ang una na marahan namang tinanguan ng dalaga.

''Magkakilala ba kayo?''

Mabilis na umiwas ng tingin ang dalawa na piping nagsesenyasan sa pamamagitan ng kanilang mata.

''Mag-focus ka sa pagmamaneho. At bilisan mo.''

''Yes, sir.''

Sandaling nabalot ng katahimikan ang paligid. Kaya pakiramdam ni Celine ay lalo tuloy siyang nilamig. Napayakap siya sa sarili.

''Ipunas mo muna ito...''

Natuon ang tingin niya sa inilahad ni Arnold.

''Malinis iyan. At bagong laba.''

''Hey!'' singit ni Noel. ''Is that the one I use to wipe my shoes.''

''Basa po kasi siya Sir kaya nilalamig siya. Baka magkasakit pa siya.''

''Do you have a dying wish?'' asik nito. ''Alam mong hindi ko ipinapagamit sa iba ang mga personal kong gamit. Even that cloth for cleaning my shoes.''

''Okay lang po ako, Kuya Arnold. Malakas ang resistensiya ko kaya hindi ako madaling magkasakit. Salamat po dahil mas may puso kayo kaysa sa iba riyan na mukhang napipilitan lang na tumulong sa iba.''

''Nagpaparinig ka ba?''

''Hindi po, sir.'' Sumulyap lang siya sa likuran. ''Marami po kasi akong kakilala na ganoong tao. Masuwerte po kayo na may tauhan kayong tulad ni Kuya Arnold. Kaya huwag niyo po sana siyang aabusuhin?''

''I don't need your lecture. Just get down the moment we reach the border of Manila. You hear that?''

''Bababa na lang po ako kung saan po ang punta niyo.''

''Bakit ikaw pa ang nagdedesisyon? Is this your car?''

''Pasensiya na po, sir...'' Nilingon niya ang lalaki. ''Pero hindi po kaya masyado na kayong rude?''

''What?''

Hindi niya pinansin ang pagkalabit sa kanya ni Arnold. Napuno na talaga siya sa masamang pag-uugali ng taong nasa likuran. ''Nakakayaman ba ang pagsasalita mo nang hindi maganda sa kapwa mo?''

''Wow! The audicity!''

Binalingan niya ang driver na makikita na sa mukha ang pag-aalala dahil sa pagsagot niya sa arogante nitong amo. ''Kuya Arnold, pakibaba na lang po ako sa oras na dumikit na ang unahang mga gulong ng mamahaling sasakyan na ito sa mismong border ng Manila.''

''Bakit hindi ka pa ngayon bumaba?'' asik ni Noel.

''Dahil iyon ang sinabi mo kanina.''

''Then, babaguhin ko. Ihinto mo ang sasakyan, Arnold. Pababain mo siya.''

''Oo, bababa na ako. Mas lalo kasi akong nilalamig sa pag-uugali mo na dinaig pa ang yelo na isang daang taon nang nasa ref.''

''There is no such fridge with that life's span!''

''Ikaw iyon!''

''Hey! Hindi mo ba ako kilala?''

''Tingnan ko nga ang mukha mo...'' Lumingon ulit siya, ''Baka sakali ngang kilala kita. Pero kahit ikaw pa ang presidente ng Pilipinas, mas gugustuhin ko na lang siguro na mag-migrate sa ibang bansa kaysa makasama ang katulad mo sa iisang teritoryo.''

''Huh! Hindi ka nga nakasakay ng bus, eroplano pa kaya?''

''Kaya kong lumipad dahil dati akong manananggal!''

Parehong napasubsob ang dalawa sa unahan nang biglang tapakan ni Arnold ang preno.

''Huwag mong sabihin na naniwala ka?'' wika niya sa driver habang sapo ang noo na tumama sa dashboard. ''Walang manananggal sa lahi namin.''

''Miss, bumaba ka na lang.'' Bahagya nitong inilapit ang mukha sa dalaga at bumulong, ''Hindi mo siya kilala kapag nagagalit. Baka matanggal pa ako sa trabaho kasama ng ikatlong henerasyon ng pamilya ko.''

''Pasensiya na po.''

''May mga jeep at tricycle nang dumaraan dito.''

''Sige. Bababa na ako.'' Lumingon siya. ''Salamat.''

Hindi umimik si Noel.

''Celine nga po pala ang pangalan ko,'' wika niya kay Arnold. ''Celine Cervantes. Kaya kapag may tumawag sa inyong pulis o ospital, kilala niyo na ako. Irereklamo ko ang pagne-neglect niyo sa responsabilidad niyo sa akin.''

''Ha?''

''Haist! Muntikan na akong mamatay kanina. Hindi ba dapat pananagutan niyo iyon? Pero ang simpleng tela na pamunas lang naman ng sapatos ay ipinagkait pa sa akin ng may-ari ng FERRARI na ito?''

''Arnold, kick that ungrateful woman out of the car.''

''Sir- ''

''Kick her!''

''Hindi na kailangan! Lalabas ako nang kusa!''

Nang makababa si Celine ay marahas niyang isinira ang pinto. At siniguro niyang malakas iyon.

''Drive.''

''Teka, sir. Ibababa ko lang ang maleta niya sa likod.''

''Drive!'' sigaw ni Noel.

Wala nang nagawa si Arnold kundi ang patakbuhin ang sasakyan.

''Hoy! Ang maleta ko!''

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • FINDING MY DADDY    Chapter 131

    [Who's The Real Boss?]''BOSS! Boss!''Nabaling ang atensiyon ng apat na nasa loob ng meeting room sa kahabaan ng glass wall kung saan ay sinundan nila ng tingin doon ang sumisigaw at tumatakbong lalaki na ilang beses nang muntik sumubsob sa sahig dahil sa pagmamadali nito sa pagtakbo.''Boss! Boss!''Marahas na bumukas ang pinto at habol sa paghinga ang lalaki na napatukod pa ang dalawang kamay sa mga tuhod nito.''Ano ba, Albert?'' asik ni Lucio. ''Hindi mo ba nakikita na may meeting kami rito?''''Boss...'' Sumagap muna ito ng hangin, ''May malaking problema tayo.''''Sino bang walang problema, ha? Lumabas ka nga rito!''''Boss, importanteng marinig niyo ang dala kong balita. Kailangang- ''''Labas!''''Pero, boss...''''Gusto mong tanggalin kita sa trabaho at huwag na uling patapakin sa kompanyang ito?''''Nandito si Mr. Villamerez!'' deretsong anunsiyo ni Albert bago pa man muling putulin ang pagsasalita nito.Napakunot ng noo si Lucio. ''Sino?''''Ang 'big shot' nating kliyente.

  • FINDING MY DADDY    Chapter 130

    [The Rescue]HINDI nahirapan sa paghahanap ng lugar sina Noel at Arnold. Tulad nga nang sinabi ni Dex, may naghihintay na sa kanila sa gilid ng kalsada. Naroon na rin ang isang ambulansiya.''Huwag ka nang sumama.''''Hintayin ko ba kayo rito, sir?''Napasuyod sa paligid si Noel. ''Siguraduhin mo na nailigaw mo ang mga nakasunod sa atin. Kung ako ang tinawagan ni Dex at hindi ang mga pulis, then may hinala siya na mayroong involve rito na mataas na tao.''''Pero -''Sinundan ng tingin ni Noel ang pagtukoy ng mga mata ni Arnold sa nakahimpil na ambulansiya. ''Matalino si Dex. He knows whom he should trust. Sige na. Umalis ka na. Bumalik ka sa ospital. Pero huwag mo munang sabihin ito kay Celine. Kapag sigurado na, ako na mismo ang tatawag sa kanya.''''Sige, sir.''Bumaba na ng sasakyan si Noel. Sinalubong siya ng isa sa tatlong lalaki na naghihintay. Gumanti muna siya sa pagbati nito. ''Dalhin niyo ako kay Dex.''''Medyo malayo-layo ang lalakarin natin.''Bumaba ang tingin ni Noel sa

  • FINDING MY DADDY    Chapter 129

    [And They Survived]''BAKIT hindi ka na lang umuwi sa bahay para makapagpahinga ka roon nang maayos?''''Ate, hindi rin naman mapapanatag ang isip ko sa pag-aalala kina Nanay at Tatay.''Nakaalalay si Celine kay Jeff habang patungo sila sa silid ng kanilang ina na mula sa ICU ay inilipat na ito recovery room hanggang sa private ward.''At saka wala naman akong dadatnan sa bahay. Malulungkot lang ako. Wala ring mag-aasikaso sa akin doon.''Kaka-discharge lang ni Jeff nang araw na iyon. Halos isang linggo lang itong naka-confine. Maayos na ang kondisyon nito. Pero kailangan nitong gumamit ng saklay dahil nang mangyari ang aksidente ay naipit ang kanang paa nito sa likuran na bahagi ng upuan ng sasakyan.''Marami tayong kamag-anak at kapitbahay roon na puwedeng kong paghabilinan sa iyo.''''Ayokong makaabala sa iba. Busy rin ang mga iyon sa trabaho nila. Hayaan mo na muna ako rito. Gusto ko na kapag nahanap si Tatay ay malalaman ko kaagad.''Hindi na sumalungat ulit si Celine. Nanahimik

  • FINDING MY DADDY    Chapter 128

    [The Mafia Boss]SINUNDAN ng tingin ng ilan sa mga pasahero sa eroplano ang pagpasok sa business class ng apat na matitipunong lalaki. Nangunguna ang isa rito na nababalot ng tattoo ang kahabaan ng kaliwang braso, paakyat sa maliit na parte ng nakahantad na dibdib mula sa suot na pulang polo shirt hanggang sa kalahati ng leeg paikot sa likurang bahagi ng kanang tainga.His looks are fierce and intimidating. Kaya naman kahit ang mga stewardess at travel attendant sa aisle ay napapaiwas sa halip na magiliw na bumati, tulad ng laging ginagawa ng mga ito.He is Dominico Villamerez. The New York underground mafia society knows him as a notorious person. Dapat lang talaga na ilagaan siya because he's not in a good mood.Flying long distances may be his favorite part of being a businessman, but collecting debts isn't really his job. It is always his men who do the collection. Ibang klaseng utang lang ang sisingilin niya sa pagkakataon na iyon kaya siya mismo ang kailangang pumunta. And that

  • FINDING MY DADDY    Chapter 127

    [A Foe or An Ally]"HOW bold!"Umalingawngaw sa katahimikan ng bahay ang malakas na boses ni Doña Betina na sinabayan pa niya nang marahas na paglapag sa hawak na tasa ng tsaa na ang ilan sa natitirang laman niyon ay tumapon pa sa ibabaw ng mesa.Kasalukuyan pa rin silang nasa loob ng kusina. Doon na nila sinimulan ang pag-uusap. Hinintay lang niya na matapos si Manolo sa pagkain bago ginamot ang mga sugat nito lalo na sa parte ng mga braso at paa na may bakas nang matagal na pagkakakadena rito. He greatly suffered from the hands of her enemies."Gusto talaga nilang magdeklara ng giyera!""Mukhang wala na nga silang takot sa iyo.""I know. They are even fearless enough to show their faces to you."Isa nga sa mga inilahad na kuwento ni Manolo ang ilang ulit na pagpunta sa warehouse nina Gemma at Jomar. They wanted his confession para sa mga plano niya."Dahil siguradong-sigurado sila na hindi na ako mabubuhay pa sa oras na sabihin ko sa kanila ang lahat. Mali ang naging hakbang nila. I

  • FINDING MY DADDY    Chapter 126

    [One After Another]PABALIK-BALIK sa pagsilip sa bintana si Doña Betina. Tumawag kasi sa kanya kanina si Dex. At maganda ang balitang inihatid nito sa kanya. Pero nag-aalala pa rin siya. Posible kasi na may iba pang mangyari sa lilipas na segundo o minuto. The enemies are cunning and vigilant. Hanggang may nakikita ang mga ito na pagkakataon para gumawa ng masama ay susunggaban ng mga ito. Kaya kahit gaano pa sila katuso o kagaling, there's always a possibility that the table will turn against their side.Mula sa pagkakatanaw sa labas ay napapitlag ang matanda nang marinig ang tunog ng cellphone. Agad niyang tinungo ang center table sa living area na pinaglapagan niyon.Napakunot ng noo si Doña Betina nang rumihestro sa screen ang pangalan ni Noel. He don't usually call her unless it's an important matter.Dinampot niya ang cellphone. At hindi pa man niya naririnig ang boses ng apo sa kabilang linya ay ramdam na agad niya sa paghinga nito na may hindi magandang nangyari. She knew him

  • FINDING MY DADDY    Chapter 4

    [His Icy Heart]''MADAM! Madam!''Mula sa pagkakatutok ng atensiyon ng tinawag na matanda sa hawak na cellphone ay natuon ang tingin nito sa katulong na hindi na kumatok pa at tuluy-tuloy nang pumasok ng silid. ''Ano ba 'yang ingay mo?''''Madam...''''Huminga ka muna nang malalim.''''Wala na pong

  • FINDING MY DADDY    Chapter 3

    [Cold & Painful Night]NANGINGINIG ang mga kamay ni Celine. Gusto na niyang sumabog sa galit. Pinipigilan lang niya ang emosyon dahil ayaw niyang mag-alala ang mga magulang lalo na't iyon ang araw ng kanyang pag-alis."Anak?"Ipinasok ni Celine ang hawak na cellphone sa bag nang tumingin sa tumawag

  • FINDING MY DADDY    Chapter 2

    [Rise and Fall]HINDI alam ni Celine kung papaano siyang nakasakay ng jeep. Kung hindi dahil sa kalabit ng katabi niya na nagpapaabot ng pamasahe ay baka nakalagpas na siya sa kanyang bababaan.Nakapa niyang tuyo na ang kanyang mga luha. Pero ramdam niya sa mga mata ang tila pamamaga niyon. Ibig sa

  • FINDING MY DADDY    Chapter 1

    [Betrayal]''HANGGANG kailan ka magtatanga-tangahan, ha? Matagal ka nang niloloko ni Alvin!''Napapikit si Celine habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niya ang mga sinabi ng kaibigan.Ilang beses na ring nakarating sa kanya ang akusasyong iyon ni Marie, pero mas pinipili niya na paniwalaan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status