Share

CHAPTER FIFTEEN

last update Last Updated: 2025-12-08 21:29:58

Cassandra’s POV

Napabalikwas ako nang mag-ring ang phone ko. Malakas, nakakairita.

“Where the hell are you!” bulyaw ni Daddy sa kabilang linya.

“Dad, chill! Nasa mansyon ako ng Lucero!” may pagmamalaki kong sambit, bahagyang nilalaro ang buhok ko habang nakaupo sa kama.

“Kung gano’n… kailan ang kasal?” mas mababa na ang boses niya, parang natuwa naman sa sinabi ko.

“Dad, bata pa naman kami! Bakit ba masyado mo kaming minamadali?” nanginginig ang tinig ko, may halong kaba sa maaaring maging reaksyon niya.

“Nag-iisip ka ba? Kailangan natin ang mga Lucero!”

“But Dad—”

“No but, hija. Gumawa ka ng paraan. Kung ayaw mong itakwil kita.”

Napabuntong-hininga ako. “Fine… but please, Dad, ‘wag mo akong madaliin,” halos bulong ko lang.

“Siguraduhin mong magtatagumpay ka or else, mapipilitan akong ipakasal ka kay Martinez. Naiintindihan mo ba!?” Halos mailayo ko ang cellphone sa tainga dahil sa sigaw niya.

“Yes, Dad.” Tipid kong sagot saka pinindot na ang end call.

Bumangon ako at lumabas ng kwart
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Pepeng Basa
More more more
goodnovel comment avatar
Miles
Mag isip ka reign hwag kang mag pa luko jan sa tuso mong freny kung alam mo lang reign ......... selfish iyang Cassandra na yan maling maling paburan yan snake nayan hwag mo ko subukan papasuken kita jan sa kwento at aagawn ku sayo si Michael
goodnovel comment avatar
Kulang sa kanton
Naku Reign ayus ayusn mo desesyon mo sa buhay pag nakasal ang mahal mo tingin mo mey laban ka pa? wala na di mo problem ang problema ng iba!!! hwag mo ko gigilin hahampsin kita
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER TWENTY SEVEN

    REIGN’S POVBahagya akong natigilan sa narinig ko. Talaga bang makikipag-date na siya kay Cassandra? Napatingin ako sa kanya—nakangiti lang siya habang nakatitig kay Michael, sabay lingon sa akin at umirap. Tsk!“What are you waiting for?” malamig na tanong ni Michael, nakatingin sa akin na parang nagbabantay.Nanginginig ang mga kamay ko habang pinipindot ang cellphone para magpa-reserve ayon sa gusto ni Michael. Nang matapos ang tawag, saka pa lang sila umalis sa harap ko. Napa-buntong hininga ako ng malalim bago tumayo.Pumasok ako sa rest room, kailangan kong mailihis ang sarili bago ako umiyak sa table. Ano bang dapat kong gawin? Kung hindi pa ako kikilos, baka tuluyan na siyang makasal kay Cassandra.Arghhhh! Impit kong sigaw sa loob ng cubicle.“Grabe, ang sweet ni Sir kay Ma’am Cassandra ‘no?” Kumirot ang puso ko sa narinig.“Bagay na bagay talaga sila!” Sambit naman ng isa.“Balita ko dito daw nagwowork ang stepsister ni Sir Michael? Did you know her?” Tanong ng isa. Natigila

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER TWENTY SIX

    REIGN’S POVNagising ako na parang may martilyong paulit-ulit na tumatama sa ulo ko. Napahawak ako sa sentido, napapikit. Masakit. Pero mas masakit ang alaala na agad sumiksik sa isip ko bago pa tuluyang magising ang diwa ko—kung paano nagtagpo ang mga labi ni Cassandra at ni Michael kagabi. Mabilis lang. Pero sapat para ipamukha sa akin na parang wala lang ako roon. Parang hindi ako nag-e-exist.Huminga ako nang malalim, pinipigilan ang namumuong luha sa gilid ng mga mata ko. Alam kong nagkamali ako. Alam kong hindi ko pa siya kayang panindigan. Pero tama ba na makipaghalikan siya sa ibang babae? Tama ba na ipakita niya sa akin na kaya niya akong palitan—nang ganun lang?Pinahid ko ang luha na hindi ko namalayang tumulo na pala. Kung hindi pa ako lalaban ngayon, baka tuluyan na siyang mawala sa akin. Pero paano si Mama? Paano si Tito David na gusto akong maging anak niya? Hays! Saan ba ako lulugar?Tumayo ako, pilit pinatatag ang tuhod ko. Naligo ako, nagbihis, gumayak na parang norm

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER TWENTY FIVE

    MICHAEL’S POVHindi ako sanay na kinokontra. Lalo na sa sarili kong opisina. Kaya nang marinig ko ang boses ni Reign—kalma pero matalim—napatingin agad ako mula sa tablet na hawak ko.“According to the Labor Code, Sir,” mahinahon niyang sabi, “overtime work is not mandatory unless there is an emergency. Don’t worry, Sir. I’ll finish what’s urgent today, and I’ll take care of the rest tomorrow.”Tahimik ang buong opisina. Malamang nagulat sila—first time lang mangyari na may sumagot sa akin. At isang newbie pa.Kahit si Lillian, napahinto sa pagta-type.Hindi ko napigilang ngumiti nang palihim, pero agad ko ring ibinalik ang seryoso kong mukha.Gano’n talaga si Reign. Hindi basta-basta sumusunod. Hindi nagpapaabuso. At higit sa lahat—hindi natitinag.“Kaya hindi niyo po ako mapipigilan, Sir,” dugtong niya, diretsong nakatingin sa ’kin. “Tatapusin ko lang po ’yong urgent tasks ko ngayon, hanggang sa ma-consume ang working hours ko. ’Yong iba, bukas ko na po itutuloy.”May ilang empleyado

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER TWENTY FOUR

    REIGN’S POVNapabalikwas ako ng gising nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Akala ko may tumatawag—alarm lang pala.“Shit, late na ’ko!”Pasado alas-otso na ng umaga. Napangiwi ako nang maramdaman ang hapdi ng katawan ko, bakas pa rin ang mga gasgas at kurot na iniwan ni Mama kahapon.Inabot ko ang cellphone sa side table. Isang mabilis na tingin lang sana—pero nauwi iyon sa matagal na pagtitig sa screen.Walang reply.Walang tawag.Walang message.Walang kahit anong senyales na binuksan man lang niya ang chat ko.Galit pa rin kaya siya sa akin? bulong ko.Tsk! Malamang galit siya sa ’yo. Itinanggi mo lang naman siya kahapon na para bang wala lang siya sa ’yo! sagot ng isip ko.Tsk. Mababaliw na yata ako.Binitawan ko ang phone at napahiga ulit, nakatitig sa kisame. Tahimik ang kwarto, pero ang ingay ng utak ko. Kasalanan ko ’to.Pagkaraan ng ilang minuto, bumangon ako. Walang saysay ang manatili pa sa kama. Mas mabuti nang pumasok ako sa LFLG kaysa mabaliw kakaisip kay Michael.

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER TWENTY THREE

    MICHAEL’S POVPadabog kong binuksan ang pinto ng bar.Tumama agad sa tenga ko ang malakas na tugtog at halakhakan ng mga tao. Amoy alak, usok, at pawis—eksaktong klase ng lugar na gusto kong lunurin ang utak ko ngayong gabi.“Putang—” napamura ang kaibigan ko nang makita ako. “Bro, aga mo ah. Anong meron?” Tanong ng bestfriend kong laging napagkakamalang Korean dahil sa singkit na mata at maputing kutis, si Patrick Sandoval.Hindi na ako sumagot. Dumiretso lang ako sa bar counter at umupo, sabay turo sa bartender.“Whiskey.”Sumulyap sa ’kin si Patrick, saka umupo sa tabi ko. “Mukha kang binagsakan ng mundo.”Napangisi ako—yung klase ng ngiti na walang saya. “Mas masahol pa.”Inabot sa ’kin ang baso. Isang lagok pa lang, ramdam ko na agad ang init na gumapang pababa sa lalamunan ko. Hindi sapat. Kaya uminom ulit ako.“Tungkol pa rin ba ‘to sa first love mo na ngayon ay stepsister muna?” tanong niya, halatang nang-aasar, sabay ngisi ng nakakaloko.Hindi ko na itinanggi. Tumango lang ak

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER TWENTY TWO

    REIGN’S POVTinapik ni Tito David ang balikat ko, na para bang pinagagaan ang loob ko dahil sa inasta ng anak niya.“Anak naman, ikaw pa rin naman ang tagapagmana ko, kung ’yon ang iniisip mo kung bakit ka tumututol,” kalmadong sagot ni Tito David.“Hindi n’yo ako naiintindihan, Dad. Wala akong pakialam sa pamana n’yo. Kaya kong kumita ng pera sa sarili kong paraan,” matigas na sambit ni Michael.Umirap si Mama, hindi halata sa iba. Hinagod niya ang likod ko. Akala niya umiiyak ako dahil hanggang ngayon ay ayaw pa rin akong maging kapatid ni Michael.Pero hindi nila alam…Hindi naging “kapatid” ang tingin namin sa isa’t isa.Kailanman.“Fine,” tugon ni Tito David. “Bigyan mo ’ko ng tatlong dahilan kung bakit hindi dapat i-adopt si Reign.”Tumayo si Michael. Kuyom ang mga kamay, tila wala nang pakialam sa kahihinatnan ng kanyang sasabihin.“Una,” aniya, “we need to respect her biological father. She loves him. At pangalan lang niya ang natitirang koneksyon ni Reign sa kanya.”Tahimik a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status