Share

CHAPTER SIXTEEN

last update Huling Na-update: 2025-12-10 01:48:04

Reign’s POV

Tahimik ang buong mansyon. Ilang oras nang wala si Cassandra, pero hanggang ngayon, paulit-ulit pa rin sa isip ko ang mga sinabi niya. Ang takot na itsura niya kanina. Ang panginginig ng kamay niya. Ang mga luha niyang pilit niyang tinatago.

Hindi ko na alam kung saan ako lulugar.

Dapat ko ba siyang tulungan? Pero kung gagawin ko ‘yon, paano naman ako? Paano kami ni Michael? Pero… kahit saang anggulo tingnan, ako pa rin ang mali at nakikisawsaw sa relasyon na mayroon sila.

Humugot ako ng malalim na hininga at pinikit ang mga mata ko.

God… kung malalaman kaya ni Michael lahat ng sinabi ni Cassandra? Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Magagalit kaya siya sa ‘kin kapag nalaman niyang pumayag ako sa gusto ni Cassandra? Hays! Ano na naman ba ‘tong gulong pinasok ko!

“Miss Reign, ang Mama mo, tumatawag!” tawag ni Manang Sabel, sabay abot ng cellphone niya.

Napatingin ako sa screen.

Mrs. Leona.

Great. Another problem.

“Hello, Ma?”

“Anak! Ano bang nangyayari sa ’yo at hindi mo m
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
₭ł₭ł₦₲ ł₦Ʉ₲Ⱨł₮
magbasa mainis .........
goodnovel comment avatar
Miles
more updates po
goodnovel comment avatar
Kulang sa kanton
nakakabiteeeen hahahahaha
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER TWENTY SEVEN

    REIGN’S POVBahagya akong natigilan sa narinig ko. Talaga bang makikipag-date na siya kay Cassandra? Napatingin ako sa kanya—nakangiti lang siya habang nakatitig kay Michael, sabay lingon sa akin at umirap. Tsk!“What are you waiting for?” malamig na tanong ni Michael, nakatingin sa akin na parang nagbabantay.Nanginginig ang mga kamay ko habang pinipindot ang cellphone para magpa-reserve ayon sa gusto ni Michael. Nang matapos ang tawag, saka pa lang sila umalis sa harap ko. Napa-buntong hininga ako ng malalim bago tumayo.Pumasok ako sa rest room, kailangan kong mailihis ang sarili bago ako umiyak sa table. Ano bang dapat kong gawin? Kung hindi pa ako kikilos, baka tuluyan na siyang makasal kay Cassandra.Arghhhh! Impit kong sigaw sa loob ng cubicle.“Grabe, ang sweet ni Sir kay Ma’am Cassandra ‘no?” Kumirot ang puso ko sa narinig.“Bagay na bagay talaga sila!” Sambit naman ng isa.“Balita ko dito daw nagwowork ang stepsister ni Sir Michael? Did you know her?” Tanong ng isa. Natigila

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER TWENTY SIX

    REIGN’S POVNagising ako na parang may martilyong paulit-ulit na tumatama sa ulo ko. Napahawak ako sa sentido, napapikit. Masakit. Pero mas masakit ang alaala na agad sumiksik sa isip ko bago pa tuluyang magising ang diwa ko—kung paano nagtagpo ang mga labi ni Cassandra at ni Michael kagabi. Mabilis lang. Pero sapat para ipamukha sa akin na parang wala lang ako roon. Parang hindi ako nag-e-exist.Huminga ako nang malalim, pinipigilan ang namumuong luha sa gilid ng mga mata ko. Alam kong nagkamali ako. Alam kong hindi ko pa siya kayang panindigan. Pero tama ba na makipaghalikan siya sa ibang babae? Tama ba na ipakita niya sa akin na kaya niya akong palitan—nang ganun lang?Pinahid ko ang luha na hindi ko namalayang tumulo na pala. Kung hindi pa ako lalaban ngayon, baka tuluyan na siyang mawala sa akin. Pero paano si Mama? Paano si Tito David na gusto akong maging anak niya? Hays! Saan ba ako lulugar?Tumayo ako, pilit pinatatag ang tuhod ko. Naligo ako, nagbihis, gumayak na parang norm

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER TWENTY FIVE

    MICHAEL’S POVHindi ako sanay na kinokontra. Lalo na sa sarili kong opisina. Kaya nang marinig ko ang boses ni Reign—kalma pero matalim—napatingin agad ako mula sa tablet na hawak ko.“According to the Labor Code, Sir,” mahinahon niyang sabi, “overtime work is not mandatory unless there is an emergency. Don’t worry, Sir. I’ll finish what’s urgent today, and I’ll take care of the rest tomorrow.”Tahimik ang buong opisina. Malamang nagulat sila—first time lang mangyari na may sumagot sa akin. At isang newbie pa.Kahit si Lillian, napahinto sa pagta-type.Hindi ko napigilang ngumiti nang palihim, pero agad ko ring ibinalik ang seryoso kong mukha.Gano’n talaga si Reign. Hindi basta-basta sumusunod. Hindi nagpapaabuso. At higit sa lahat—hindi natitinag.“Kaya hindi niyo po ako mapipigilan, Sir,” dugtong niya, diretsong nakatingin sa ’kin. “Tatapusin ko lang po ’yong urgent tasks ko ngayon, hanggang sa ma-consume ang working hours ko. ’Yong iba, bukas ko na po itutuloy.”May ilang empleyado

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER TWENTY FOUR

    REIGN’S POVNapabalikwas ako ng gising nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Akala ko may tumatawag—alarm lang pala.“Shit, late na ’ko!”Pasado alas-otso na ng umaga. Napangiwi ako nang maramdaman ang hapdi ng katawan ko, bakas pa rin ang mga gasgas at kurot na iniwan ni Mama kahapon.Inabot ko ang cellphone sa side table. Isang mabilis na tingin lang sana—pero nauwi iyon sa matagal na pagtitig sa screen.Walang reply.Walang tawag.Walang message.Walang kahit anong senyales na binuksan man lang niya ang chat ko.Galit pa rin kaya siya sa akin? bulong ko.Tsk! Malamang galit siya sa ’yo. Itinanggi mo lang naman siya kahapon na para bang wala lang siya sa ’yo! sagot ng isip ko.Tsk. Mababaliw na yata ako.Binitawan ko ang phone at napahiga ulit, nakatitig sa kisame. Tahimik ang kwarto, pero ang ingay ng utak ko. Kasalanan ko ’to.Pagkaraan ng ilang minuto, bumangon ako. Walang saysay ang manatili pa sa kama. Mas mabuti nang pumasok ako sa LFLG kaysa mabaliw kakaisip kay Michael.

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER TWENTY THREE

    MICHAEL’S POVPadabog kong binuksan ang pinto ng bar.Tumama agad sa tenga ko ang malakas na tugtog at halakhakan ng mga tao. Amoy alak, usok, at pawis—eksaktong klase ng lugar na gusto kong lunurin ang utak ko ngayong gabi.“Putang—” napamura ang kaibigan ko nang makita ako. “Bro, aga mo ah. Anong meron?” Tanong ng bestfriend kong laging napagkakamalang Korean dahil sa singkit na mata at maputing kutis, si Patrick Sandoval.Hindi na ako sumagot. Dumiretso lang ako sa bar counter at umupo, sabay turo sa bartender.“Whiskey.”Sumulyap sa ’kin si Patrick, saka umupo sa tabi ko. “Mukha kang binagsakan ng mundo.”Napangisi ako—yung klase ng ngiti na walang saya. “Mas masahol pa.”Inabot sa ’kin ang baso. Isang lagok pa lang, ramdam ko na agad ang init na gumapang pababa sa lalamunan ko. Hindi sapat. Kaya uminom ulit ako.“Tungkol pa rin ba ‘to sa first love mo na ngayon ay stepsister muna?” tanong niya, halatang nang-aasar, sabay ngisi ng nakakaloko.Hindi ko na itinanggi. Tumango lang ak

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER TWENTY TWO

    REIGN’S POVTinapik ni Tito David ang balikat ko, na para bang pinagagaan ang loob ko dahil sa inasta ng anak niya.“Anak naman, ikaw pa rin naman ang tagapagmana ko, kung ’yon ang iniisip mo kung bakit ka tumututol,” kalmadong sagot ni Tito David.“Hindi n’yo ako naiintindihan, Dad. Wala akong pakialam sa pamana n’yo. Kaya kong kumita ng pera sa sarili kong paraan,” matigas na sambit ni Michael.Umirap si Mama, hindi halata sa iba. Hinagod niya ang likod ko. Akala niya umiiyak ako dahil hanggang ngayon ay ayaw pa rin akong maging kapatid ni Michael.Pero hindi nila alam…Hindi naging “kapatid” ang tingin namin sa isa’t isa.Kailanman.“Fine,” tugon ni Tito David. “Bigyan mo ’ko ng tatlong dahilan kung bakit hindi dapat i-adopt si Reign.”Tumayo si Michael. Kuyom ang mga kamay, tila wala nang pakialam sa kahihinatnan ng kanyang sasabihin.“Una,” aniya, “we need to respect her biological father. She loves him. At pangalan lang niya ang natitirang koneksyon ni Reign sa kanya.”Tahimik a

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status