MasukReign’s POV
Bahagya akong natigilan sa tanong niya. Umiwas ako ng tingin at mabilis na tumayo. “Michael, I mean, Kuya Michael… ano man ang nangyari sa atin noon. Tapos na ‘yon. At hindi na natin dapat pag-usapan o balikan pa.” Tinalikuran ko siya, pero agad niyang hinablot ang braso ko. “Kuya, ano ba!” May diin kong sambit. “Hindi tayo magkapatid, gets mo?” Napa-buntong-hininga ako habang kumakalas sa hawak niya. “Now answer me… why, Reign?” “Bakit? Hindi ba matanggap ng pride mo na may babaeng bumasted sa ‘yo? It's been a year, Kuya! Kaya pwede ba… mag-move on ka na, kasi ako? Okay na ’ko.” Tumalikod ako at mabilis na tumakbo pataas ng silid ko. “Reign, wait!” sigaw niya, pero hindi ko na siya pinansin. Bakit ba kailangan pang ungkatin ang tapos na? Ano pang silbi ng pag-uusapan namin ‘yon? Lalo na’t magkapatid na kami ngayon at nakatira pa sa ilalim ng iisang bubong. Kinagabihan, narinig ko ang ingay mula sa baba ng mansyon. Parang may banda? Maingay, may tawanan, may sigawan. Dahan-dahan akong bumaba papunta sa kusina para kumain ng dinner. “Manang Sabel? Anong ganap?” Tanong ko sa kanya ng makita siyang abala sa paglilipat ng pagkain. “Birthday ni Señorito,” sagot niya. “Kaya nandiyan ang mga friends at business partners niya. O siya, sige na, kumain ka na diyan hija at dadalhin ko na ‘tong drinks nila.” Tumango lang ako. Kaya pala parang good mood siya—birthday niya pala. Ni hindi ko man lang siya nabati kanina. Habang abala ako sa pagsandok ng pagkain, may napansin akong lalaking sumilip sa kusina. Bahagyang namumula ang mukha, naka-long sleeve na itim, black pants—parang may lahing Korean? Model ba ‘to? Nakangiti siyang lumapit sa akin. “Excuse me… could you tell me where the bathroom is? It’s… kind of urgent,” paos ang boses na tanong niya. Agad ko namang itinuro. In-unbutton pa niya ang tatlong butones bago lumakad sa direksyon ng tinuro kong CR. Lumingon pa siya at kumindat bago pumasok. “Thank you, Miss!” sabi niya. Binilisan ko na ang pagsandok ng pagkain at ipinatong sa tray. Sa silid na lang ako kakain para walang istorbo. Palabas na ako ng kusina nang… “Hey, you look familiar!” Napaigtad ako sa gulat ng marinig ang boses ng lalaki kanina. “Reign, right? The only woman who slapped his face in front of many people.” Napaawang ang bibig ko. “No, you’re just drunk!” pagtanggi ko. Tinawanan lang niya ako. “No no no, it’s you! ‘Yung mahal na mahal ni M—” “Enough!” sigaw ni Michael na papalapit sa amin. “Let's go!” Aya niya sa mukhang Koreano. Ako? Mahal na mahal ni Michael? Nagpapatawa ba siya?! Tumakbo ako palabas ng mansyon. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Ang nasa isip ko lang, gusto kong lumayo. “Reign!” Sigaw niya, pero diretso lang ako sa pagtakbo. Mabuti na lang may dumaang taxi. Sumakay agad ako at dumeretso sa pinakamalapit na bar. Pagpasok ko, konti lang ang tao. Umorder agad ako ng alak, sunod-sunod, para mapawi ang kaba at gulat dahil sa sinabi ng lalaki kanina. “AKO MAHAL NA MAHAL NI MICHAEL? SINUNGALING! LAHAT KAYO SINUNGALING, MANLOLOKO! MAMATAY NA SANA KAYONG LAHAT!” sigaw ko dahil sa inis at kalasingan. Halos matumba na ako sa upuan pero wala akong pakialam. Ang gusto ko lang, mawala ang sakit na nararamdaman ko. “One more please!” Lumuluha kong request sa bartender. Umiling lang siya. “Miss, tama na. Lasing ka na.” May pag-aalala sa tinig niya. Pero nagpupumilit pa rin ako. “Magbabayad naman ako, ahh,” napilitan siyang bigyan pa ako. “Miss Broken ka?!” Nakangising tanong ng lalaking may edad na tumabi sa akin. “Gusto mo? Sumama ka na lang sa ‘kin? Dadalhin kita sa heaven, mag-e-enjoy tayo doon, promise!” Nakangising sabi ng lalaki. Natawa ako sa pinagsasasabi ng lalaki. “Ga*go ka ba tanda? Balak mo pa lang maging si kamatayan, bakit hindi mo unang sunduin ang sarili mo?” Napahiyaw ang ilang tao sa paligid, parang nakiki-cheer sa bardagulan namin ng matandang lalaki. Bakas ang inis sa mukha ng lalaki; agad niyang hinatak ang braso ko. “Ah, ganun ba?! Halika at pareho tayong pupunta sa langit!” sigaw niya. “Bitiwan mo ‘ko, ano ba!” sigaw ko, pinagsisisipa ko ang matanda pero ayaw niya pa rin akong bitiwan. “Let go of her!” bumulaga ang sigaw ni Michael mula sa entrance ng bar—sobrang lakas, parang umalingawngaw sa buong lugar. “Bakit, sino ka ba? Girlfriend mo ba ‘tong babaeng ‘to?” Maangas na tanong ng matanda. “I said, let her go—now!” Michael roared. Nagkagulo sa bar. Biglang tinutukan ng baril ng matandang lalaki si Michael. Halos manginig ako sa takot. Mabuti na lang at tumunog ang sirena ng pulis—agad tumakbo ang lalaki. Napasalampak ako sa sahig dahil sa takot. “Let's go,” nanginginig ang mga kamay ko nang hawakan ako ni Michael. Binuhat niya ako papunta sa kotse niya. “Nasaktan ka ba?” Kalmadong tanong niya. Umiling lang ako. “Thank you! I-ikaw okay ka ba? Nasaktan ka ba?” May pag-aalalang tanong ko habang sinusuri ang katawan niya. Hinuli niya ang mga kamay ko, at dahan-dahang hinawakan ang mukha ko. “Sa susunod… ‘wag ka nang tatakas na para bang walang mag-aalala sa ‘yo.” Ramdam ko ang sinseridad niya. Pero… hindi ko alam kung bilang kapatid ba ang pag-aalala niya o higit pa. “Sorry!” Nahihiyang sambit ko. Dahan-dahan niyang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Napapikit ako, mabilis ang tibok ng puso ko, akmang idadampi na niya ang labi niya sa akin. “Urkkk!” “Damn it!” Mahinang mura niya dahil sa biglaan kong pagsuka, hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay. Kinabukasan, paggising ko, nakita ko si Michael nakahiga sa sofa sa loob ng silid ko, topless. Ako naman, iba na ang suot na damit—maluwag at kumportable. Napakuyom ang kamao ko at mabilis na lumapit kay Michael. Pinaghahampas ko siya ng tuwalya. “Hayop ka! Anong ginawa mo sa akin ha?” sigaw ko. Humagalpak ng tawa si Michael. Nakakainis, bakit ba ang gwapo niya kapag tumatawa? Nawawala tuloy ang galit ko sa kanya. “Ano naman ang gagawin ng kuya mo sa ‘yo?” Diniinan pa niya sa word na kuya. Hays! Masyado na yata akong assuming. Sakto namang pumasok si Manang Sabel. “O hija, gising ka na pala. Ito, pinagluto kita ng soup.” “Salamat po,” sagot ko, sabay abot ng tray na dala ni Manang Sabel. “Komportable ka ba sa naisuot kong damit sa ’yo?” tanong ni Manang habang nakatingin sa kabuuan ko. “Ang ibig pong sabihin? Kayo po ang nagpalit ng damit ko?” Nahihiyang tanong ko. “Oo naman hija. Pero si Señorito ang nag-asikaso at nagbantay sa ’yo. Lasing na lasing ka kasi kagabi, montik ka pang tumalon sa bintana. Mabuti na lang at nakita ka agad ni Señorito. Hay nako hija, bata ka pa—kung love life lang ang problema mo, eh ‘wag mo na problemahin, marami namang lalaki diyan. Saka ang ganda mo kaya.” Napatakip ako sa mukha. “Talaga bang ginawa ko ‘yon?” Nakakahiya.Reign’s POV Palabas na sana si Michael ng silid ko nang hawakan ko ang braso niya. Natigilan siya at seryosong tumingin sa akin. “Sorry, akala ko kasi—” idinampi niya ang daliri sa labi ko. “No worries, ayoko ng maulit ang ginawa mong pag-alis at pagkakalat sa bar kagabi. Nakakahiya.” Tumalikod siya at isinara ang pinto. Napaupo ako sa kama at naaalala ang eksena kagabi. “Muntik na siyang mamatay dahil sa akin.” Kung nagkataon… baka namatay pa siya sa mismong birthday niya. ‘Ano ba kasing pumasok sa utak mo, Reign? At pumunta ka doon!’ Sermon ko sa sarili. “Hindi ko man lang siya nabati.” Tumayo na ako at gumayak. Balak kong bumili ng regalo para kay Michael. Saktong palabas na ako ng mansyon nang… “Trying to escape again?” malamig na tanong ni Michael. “A-ah hindi, ano… m-may bibilin lang ako.” Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ako nauutal? Tumango lang siya. “Here! This is your card, galing kay Dad.” “H-hindi na, may pera naman ako.” Pagtanggi ko. “Reign—” “
Reign’s POV Bahagya akong natigilan sa tanong niya. Umiwas ako ng tingin at mabilis na tumayo. “Michael, I mean, Kuya Michael… ano man ang nangyari sa atin noon. Tapos na ‘yon. At hindi na natin dapat pag-usapan o balikan pa.” Tinalikuran ko siya, pero agad niyang hinablot ang braso ko. “Kuya, ano ba!” May diin kong sambit. “Hindi tayo magkapatid, gets mo?” Napa-buntong-hininga ako habang kumakalas sa hawak niya. “Now answer me… why, Reign?” “Bakit? Hindi ba matanggap ng pride mo na may babaeng bumasted sa ‘yo? It's been a year, Kuya! Kaya pwede ba… mag-move on ka na, kasi ako? Okay na ’ko.” Tumalikod ako at mabilis na tumakbo pataas ng silid ko. “Reign, wait!” sigaw niya, pero hindi ko na siya pinansin. Bakit ba kailangan pang ungkatin ang tapos na? Ano pang silbi ng pag-uusapan namin ‘yon? Lalo na’t magkapatid na kami ngayon at nakatira pa sa ilalim ng iisang bubong. Kinagabihan, narinig ko ang ingay mula sa baba ng mansyon. Parang may banda? Maingay, may tawanan,
Reign’s POV Maaga akong nagising, siguro dahil nasanay na rin ang katawan ko na gumigising ng alas-singko ng umaga—para magtrabaho sa coffee shop, out ng 9:00 a.m., diretso sa mall para magtrabaho ulit, at uuwi ng 10:00 p.m. Pero kahit pagurin ko ang katawan ko sa trabaho, parang kulang pa rin. Mahirap pa rin kami. Paglabas ko ng silid, agad na sumalubong sa akin ang pulang maleta ko na nasa tapat mismo ng pinto. Mas malinis na ngayon kaysa kahapon. Sa ibabaw, may nakadikit na sticky note. “SORRY!” Hindi ko alam kung bakit, pero kusa akong napangiti. Hindi ko sukat akalain na marunong pa lang mag-sorry ang lalaking ’yon. Kinuha ko ang sticky note at dinikit sa malaking salamin ng silid ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman—kahapon kung pagsalitaan niya ako, ganun na lang. Tapos ngayon bigla siyang mag-so-sorry? Nakakaduda. Parang ’yung handwriting niya na naka-all caps. Wala man lang emoji, ang hirap hulaan kung sincere ba siya o hindi. Paglabas ko ng sili
Reign’s POV Nilingon ko ang maleta ko na nakapatong sa kama. Alam ko sa sarili ko na ito ang dapat kong gawin, at wala nang makakapigil sa akin. Hindi si Mama. Hindi si Tito David. At lalong hindi si— “Michael? Anong ginagawa mo dito?!” tanong ko, kunot ang noo habang dahan-dahang pumapasok siya sa silid. Napalunok ako nang i-lock niya ang pinto. “Shit!” bulong ko sa sarili. Wala naman siyang ginagawa, pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Tumayo ako at lumapit sa pinto. Akmang pipihitin ko na ang doorknob nang bigla niya akong buhatin at marahang ihiga sa kama. “Ano bang problema mo?!” may diin kong tanong, sabay tulak sa kanya. Lumayo ako at tumayo malapit sa bintana. Nakangisi siya habang papalapit nang papalapit sa akin. Umurong ako hanggang sa lumapat ang likod ko sa malamig na pader. Napalunok ako habang nakatingin sa kanya. Topless. Mamasa-masa pa ang katawan. Tuwalya lang ang tumatakip sa ibabang parte ng katawan niya—halatang kakatapos lang maligo. Ngu
Reign's POV Napakuyom ang mga kamao ko sa inis habang kinakaladkad ako ni Mama—si Leona Del Pilar—palabas ng mall kung saan ako nagtatrabaho bilang manager. Lilipat na raw kami sa mansyon ng bago niyang asawa. “Pumayag na nga akong mag-asawa ka ulit, tapos pati ako gusto mong lumipat sa bahay ng asawa mo?! Ma, naman! Ayoko na! Pagod na pagod na ko sa ganitong buhay!” garalgal kong sigaw habang isinisilid ni Mama ang gamit ko sa maletang hawak niya. “Tigilan mo nga ako sa mga kaartehan mo, Reign Nicole, at baka ika’y masampal ko! Baka nakakalimutan mo, ginagawa ko ’to para sa ’yo! Para mabigyan ka ng maayos at marangyang buhay! Kaya pwede ba, tumigil ka na sa kadramahan mo!” galit na ring sagot ni Mama. “Para sa akin nga ba, Ma? O para sa sarili mo?!” Kusang bumaling ang mukha ko nang sampalin ako ni Mama. “Walang hiya ka! Kung para sa akin lang ’to, eh di sana, mag-isa na lang akong umalis.” “Kung nandito lang si Papa—” “Gumising ka nga! Tatlong taon nang wala ang Papa mo,
Reign’s POV Nanginginig ang mga kamay ko habang magkakaharap kami sa hapagkainan—ako, si Mama, si Tito David, at si Michael. Walang nagsasalita. Walang gumagalaw. At bago pa may magsalita sa amin, tumayo na ako para umiwas, pero hinawakan ni Tito David ang braso ko. “Reign, hija. Maupo ka, para sa ’yo talaga ang announcement na ’to.” Kinakabahan akong napalunok. “P-para sa akin po? Ano po ’yon, Daddy?” Huminga siya nang malalim, parang naghahanda sa kung ano man ang sasabihin niya sa amin. “I want to adopt you, Reign. Gusto kong maging tunay kitang anak. Gusto kong maging Lucero ka.” Tila gumuho ang mundo ko sa narinig. Napaupo ako sa tabi ni Mama—nakatulala, naguguluhan, kinakain ng kaba ang buong sistema ko. Gusto ko sanang maging masaya pero taliwas ang nararamdaman ko ngayon. Hindi puwede. Hindi dapat. Tumingin ako kay Mama. Tumango siya, parang utos na dapat kong tanggapin ang alok. Sa kabilang dulo naman ng mesa, halos mabali na ni Michael ang hawak niyang kutsara. “Hij







