Home / Romance / FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND / 🔥Chapter 85.Lumayas ka Demon 😡😈

Share

🔥Chapter 85.Lumayas ka Demon 😡😈

Author: Batino
last update Last Updated: 2025-12-06 21:57:32

Dalawang araw ang nakalipas bago muling nagkamalay si Elicia. Mabigat ang talukap niya, parang ayaw bumukas, pero nang tuluyan niyang idilat ang mga mata, si Demon agad ang bumungad—nakaupo sa gilid ng kama, tahimik na nagbabalat ng mansanas. Halata sa postura niya ang pagod; medyo nakasubsob ang balikat, at paminsan-minsang napapahilot ang sentido.

Nang mapansin niyang gumalaw si Elicia, biglang nanigas ang katawan ni Demon.

“Elicia…” mahina pero puno ng ginhawang bulong niya.

Sandaling tiningnan ni Elicia ang paligid bago muling ibinalik ang paningin kay Demon.

“Ku–kumusta ang anak—”

Mabilis niyang itinabi ang kutsilyo at mansanas. “Wag ka na munang magsalita.” Pigilan man niya, nanginginig pa rin ang boses ni Demon. “Kumusta ang pakiramdam mo?” May halong pag-aalala ang mga mata niyang mamumula, para bang ilang araw nang hindi natutulog.

Pero hindi iyon ang sagot na kailangan ni Elicia.

“Sagutin mo ang tanong ko?!” galit at halos paos ang sigaw niya, sabay hawak sa ku
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 116

    Bahagyang kumibot ang mga daliri ni Demon sa ilalim ng kumot, ngunit hindi siya nagising. Isang reflex lamang—isang marupok na tugon ng katawan na patuloy pang nakikipaglaban. Bumagal muli ang tibok sa monitor, parang nag-aalinlangan kung babalik ba siya o mananatili sa dilim. Napaupo si Elicia nang mahina, pilit kinakalma ang sarili kahit nanginginig ang dibdib. “Ayos lang,” bulong niya, kahit siya mismo’y hindi sigurado. “Hintayin kita.” Sa loob ng isipan ni Demon, naghalo ang boses at alaala—galit, sakit, at pagmamahal. Naroon si Elicia, pero malayo. Gusto niyang sumagot, gumalaw, magising—ngunit hinahatak pa rin siya ng aninong ayaw siyang pakawalan. Hindi pa ngayon. ELICIA…!” sigaw ni Demon sa kawalan, basag ang tinig, punô ng takot at pangungulila. “Nasaan ka? Bakit hindi kita makita?!” Nagkalat sa paligid niya ang dilim—walang anyo, walang hanggan. Para siyang lumulutang sa pagitan ng hininga at katahimikan, pilit inaabot ang mga alaala na unti-unting nadudurog. “Kailangan

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 115 Victor Laurent

    Buti nga sa kanya ’yan!” malutong na saad ni Don Ignacio, may halakhak na may halong panunuya habang mahigpit na nakapulupot ang braso ni Janice sa kanya. Ang mga mata niya’y malamig, parang walang bahid ng pagsisisi. “Hahahaha! Dapat nga natuluyan na ’yan para hindi na niya habulin ang yaman ni Demon.” Sumingit si Janice, may mapanuyang ngiti sa labi at boses na tila ba nananadya. “Wala naman na tayong problema ngayon kay Elicia at sa anak nila ni Demon. Baka nga nasa ibang bansa na rin ang sanggol na ’yon.” Bahagya pa niyang itinaas ang baba, parang ipinagmamalaki ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya—mga salitang punô ng kasamaan. “’Wag kang masyadong maingay,” sabat ni Don Ignacio, bahagyang inilapit ang mukha kay Janice, may bakas ng kaba sa tinig. “Baka may makarinig sa ’yo.” Sa di kalayuan, si Demon ay nakatayo, tila nanlalamig ang buong katawan. Wala siyang magawa kundi ang pakinggan ang bawat salitang parang kutsilyong unti-unting sumusugat sa puso niya. Paunti-

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Authors Note

    Kumusta po? Nagustuhan niyo po ba ang takbo ng kwento? Pwede po kayo magbigay ng request o Feedback para malaman ko po kung ano ang nais niya. Salamat po.

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   🔥Chapter 114

    Narinig ang mabilis na yabag ng sapatos sa marmol na sahig ng mansyon habang papalapit si Daniel sa maluwang na sala. Nanginginig ang mga kamay niya—hindi dahil sa takot, kundi dahil sa galit at pangamba. Sa gitna ng engrandeng lugar na iyon, pakiramdam niya’y isa siyang maliit na aninong walang karapatan, ngunit buo ang loob niyang humarap. “Daniel…” tawag ni Janice, ang tinig ay may halong pagtataka at pilit na ngiti. “Sino ang kasama mo? Kasama mo ba ang Mama mo?” tanong niya, sinusukat ang anyo ni Daniel mula ulo hanggang paa. Umiling si Daniel, pilit pinipigilan ang bigat sa dibdib. “Hindi ko siya kasama,” mariing sagot niya. “Narito ako para hanapin at kausapin si Demon.” Bago pa makapagsalita si Janice, isang mababang tinig ang sumingit—malamig at may awtoridad. “Bakit? Anong kailangan mo sa anak ko?” tanong ng Don Villamor, dahan-dahang lumalapit mula sa likod ng sala. Ang bawat hakbang nito ay tila may kasamang bigat ng kapangyarihan. Tumingin si Daniel sa Don, hindi umiw

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   🔥Chapter 113

    Habang nananatiling nakatayo si Demon sa harap ng kabaong, may umabot na mga tinig sa kanyang pandinig. Mahina sa simula. Parang bulong. Parang hindi sinasadya. Nagmula ang mga iyon sa isang sulok ng maluwang na sala—sa may bintana na bahagyang natatakpan ng kurtina. Napalingon si Demon. Doon niya nakita ang ama niya—maayos ang bihis, tuwid ang tindig, at walang bahid ng pagluluksa sa mukha. Katabi nito si Janice. At sila’y… nakangiti. Hindi pilit. Hindi nagtatago. Masaya. “Sa wakas,” marahang sabi ng ama niya, may halong buntong-hininga na parang nabunutan ng tinik. “Tapos na ang lahat.” Tumawa si Janice—mahina ngunit malinaw. “Matagal ko nang hinihintay ’to,” sagot nito. “Akala ko hindi na mangyayari.” Nanlamig ang buong pagkatao ni Demon. Lumapit siya, bawat hakbang ay mabigat, parang hinihila ng galit at pagkabigla. “Malaya na tayo,” dagdag pa ng ama niya, nakatingin kay Janice. “Wala na ang hadlang.” Suminghap si Janice, ngunit hindi sa lungkot—kundi s

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   🔥Chapter 112.

    Nanatiling nakatitig ang mag-asawang matanda kay Elicia. Isang iglap lang—ngunit sa mga mata nila, may desisyong matagal nang hinubog ng takot at karanasan. Muling umalingawngaw ang katok. KNOCK! KNOCK! KNOCK! Mas malakas. Mas marahas. “Buksan niyo ang pinto!” sigaw ng lalaki sa labas. “Huling babala na ’to!” Biglang hinila ni Aling Maria ang kamay ni Elicia. “Dito,” mariin ngunit pabulong na utos niya. “Walang tanong. Sumunod ka.” “Lola—” nanginginig na wika ni Elicia, ngunit naputol ang sasabihin niya nang biglang yumuko si Cardo at itulak ang isang bahagi ng sahig na yari sa lumang kawayan. Isang mahinang langitngit ang sumabay sa pagbukas ng sahig. Sa ilalim nito isang madilim na hukay. May hagdang kahoy pababa, makitid ngunit matibay, at mula roon ay umaalingasaw ang amoy ng lupa at lumang kahoy. Hindi ito basta butas—isa itong lihim na silong, malinaw na pinagplanuhan at matagal nang nakatago. Nanlaki ang mga mata ni Elicia. “May… may ganito po kayo?” hal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status