Share

FORNICATION: Life between s*x and death
FORNICATION: Life between s*x and death
Author: SPIDER

Kabanata 1 first night

Kanina pa pinagmamasdan ni Carmelita ang maamong mukha ng lalaking katabi niya. Sino ang hindi maaakit sa mukhang higit pa sa isang artista ang ganda.

    Nang mapansin ang sarili na ilang minuto na nakatitig agad na tumayo si Carmelita. Hindi siya gumawa ng tunog, maging ang hininga ay pinigilan para lang hindi magising ang binatang mahimbing na natutulog.

    Dumiritso siya sa malaking salamin at pinagmasdan ang sariling hubad na katawan. Nagsimulang tumulo ang mga likido galing sa kanyang mga mata dahilan upang siya'y magbigay ng mahinang buntong-hininga bago magsalita sa sarili... "Nagsimula na".

        A years ago, habang papa-uwi na ang pamilya galing hospital, may matandang babae na nakasalubong nila. Ang mga mata ng matanda ay may halong takot at pagkaawa. Sinabi nito na si Carmilita ay magdudusa ng isang sumpa kung saan ang kanyang sekswal na pagnanasa ay hindi mapipigilan pero ganoon pa man kahit anong manyari sa bawat gabi ang kanyang pagkabirhen ay hindi mawawala. Sa edad na labing-walong taong gulang, sa pagpatak ng 6 ng hapon tatalab ang sumpa at tuloy-tuloy na itong mangyayari. Nakakalungkot isipin na walang lunas na sinabi ang matanda sa sumpa sa pagkatao ni Carmelita.

       Nakadama ng takot at pagkalito ang pamilya ni Carmelita, natatakot sila sa maaring sabihin ng ibang tao pati na sa kinabukasan ng kanilang anak at nalilito kung bakit ito nangyari. Lahat sila nahihirapan kung paniniwalaan ba o hindi, kaya siniyasat nila ito kahapon. Tuwing may kaarawan sa pamilya palaging gabi nila itong ipinagdiriwang ngunit kahapon, umaga nila ito ginawa sa kaarawan mismo ni Carmelita. Hindi lubos akalain ng pamilya na nagkatotoo nga ang sumpa,  pagsapit ng 6 ng hapon kahapon umalis ng bahay si Carmelita at pumunta sa isang sikat na klab sa kanilang lungsod. Ang klab na ito  ay dinadayo ng kararamihan dahil sa professional na dating nito.

        Agad hinanap ni Carmelita ang kanyang damit at agad nagbihis. Sa bawat kilos niya ay wala kang maririnig na ingay. Bago siya umalis ay pinuntahan muna niya ang lalaki, inilagay ang bibig malapit sa tainga at bumulong "Salamat".

•••

"Okay ka lang??" nag-aalalang tanong galing kabilang linya ng telepono. Binuksan ni Carmelita ang kaniyang kulay itim na sasakyan at umupo sa driver seat sabay sabing "Oo". Pagkarinig ng sagot napa buntong-hininga ang babae sa kabilang linya. "Mabuti kung ganoon.  How's your first night?"

          Dali-daling inilagay ni Carmelita ang susi at minaneho ang kaniyang sasakyan na kulay itim at tuluyan nilisan ang matayog na hotel. "Mom, Totoo nga, Nanatili parin"

"I'm Sorry anak, Nagkaganyan ka" malungkot na sabi sa kabilang linya. Napangiti nalang si Carmelita sa sinabi ng ina. "Mom, This is not your fault. Smile ka nga diyan".

"Mom, Maypagkain ba diyan" para mawala ang lungkot ng ina gumawa ng bagong paksa si Carmelita.

"Oo, Dalian mo na diyan, May pupuntahan tayo" Nang marinig ang sagot ng ina agad  binilisan ni Carmelita ang takbo ng sasakyan.

"Kilala mo ba ang lalaki? 

Gwapo ba?

hmmm...Siguro marunong yan". Mga katanungan at wika na dagdag ng ina.

     Muntikan ng mabangga ni Carmelita ang nasa unahan na sasakyan niya sa sabi ng ina. "Muntikan na yun, MOM!". Nadagdagan pa ang kanyang pagkagulat ng tumawa lang ito ng malakas at hindi lang yun may kasama pa ito.

" DAD, ATE!?" dagdag niya na tanong para sa kabilang linya na agad sumagot "SEE YOU BUNSO!!" tatlong boses ang narinig niya na nagsabi. Ang boses ng mga ito ay sobrang lakas na maihahalintulad sa mga batang nagsasabayang pagbigkas sa harap ng klase dahilan ng pagtawa ng malakas ni Carmelita.

•••

          Mahabang-habang biyahe rin ang ginawa ni Carmelita dahil sa mabagal na pag-usad ng trapiko. Kahit sabado sobrang busy ng mga sasakyan dahil siguro sa mga pamamasyal ng bawat pamilya o hindi kanya nagbibili ng mga bagay at pagkain na kakailanganin sa darating na Lunes hanggang biyernis.

"Your here!" salitang sumalubong sa kanya. Kinuha ni Carmelita ang telepono sa bulsa at tiningnan ang oras sabay bigay ng matamis na ngiti sa kanyang kapatid. 

          Dalawa lang silang magkakapatid at siya ang bunso. Nakapagtapos na ang kanyang Ate sa pag-aaral at isa na itong tanyag na Doctor. Sa pag-aaral ng kanyang kapatid sobrang focus ito, Sa katunayan lagi itong nangunguna sa klase. Ginagalingan niya ito ng sobra para sa kanila at para sa pagtanggap, sa pamilya ng kanilang ama. Hindi na kasi sila tinuring na pamilya dahil ang kanilang ama ay pumasok sa mundo ng pag-ibig at nagbunga pa ito sa kanya, dahilan ng pagtiggil sa pag-aaral ng ama. Kahit bigo man makuha ng ama ang gusto ng kaniyang lolo, masaya at kontento ito sa nabuong pamilya.

          Galit ang naghahari sa pamilya ng kaniyang ama sapagkat panganay pa naman ito sa limang magkakapatid. Bumawi ang kanyang kapatid at hindi nga siya nabigo nakuha niya ito. Mas tinanggap pa ang kanilang pamilya ng nakapagpatayo na ng negosyo ang kaniyang ama at ina at naging guro na siya. Napadali nilang magkakapatid ang pag-aaral dahil sa taglay na talino. Kahit mataas na ang naabot ng kanilang pamilya hindi sila nagtanim ng galit at gumawa pa sila ng paraan para magkaroon ng masayang relasyon ang kanilang ama sa kaniyang sariling ina at ama lalo na sa kanyang mga kapatid. Ginawa nila itong inspirasyon para magtagumpay.

          Nang marinig ang boses ni "Cynah" pangalan ng kapatid ni Carmelita, ay agad lumabas ang mag-asawa. Binigyan nila ito ng mahigpit na yakap at halik sa noo. "Okay ka lang?". Bilang isang magulang normal na talaga sa kanilang mag-alala. Kahit pa nga nasa sinapupunan ka pa lang nandiyan na yung pagmamamahal, ang pag-alala at ikaw ang nagbibigay pag-asa ng mga ito. Nasanay na si Carmelita sa ugali ng ama at ina at napapagaan ito ng kanyang loob. " I'm Fine, Gutom lang to".

          Napatawa si Cynah at tinigil muna ang pagsusulat. "Nagugutom na rin ako, maawa naman kayo sa bulati ko".

           Tumawa lang ang tatlo at agad pumunta sa silid-kainan. Habang papalapit pa lang sa mesa bumungad na agad sa kanila ang masarap na amoy ng pagkain. Halos lahat ng nakahain ay lutong bahay at ang ina ni Carmelita ang gumagawa nito. Hobby na ito ng kanilang ina. Pinipilit ng magkapatid na kumuha na ng katulong para hindi na mahirapan ang kanilang ina pero ayaw sumang-ayon nito at ayaw rin naman ng ama nila. Trabaho ito ng isang ina. Walang magawa ang dalawa at sinununod ang ina hindi rin naman masama ang luto nito at pang FIVE STAR HOTEL pa ang husay, Natutunan niya ito sa mga kusinero sa orphanage.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
SPIDER
CHAPTERS 1-45 are still undergoing editing by myself. Kapag may errors sa words, names and etc. huwag mahiya na magbigay ng comments. Mabait po ako at meserep HAHAHA d ako nangangagat. Open po ako sa lahat, bad and good feedback.♡
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status