LOGINNAKAPIKIT ang mga mata ni Jav habang nakatingala, ini-imagine na naman ang babaeng naka-one night stand niya noong isang gabi.
Hindi niya mapigilan ang sariling mapangiti habang tulalang nakaupo sa kanyang swivel chair. Nagbalik sa ulirat si Jav nang biglang may bumagsak sa ibabaw ng lamesa niya. "This is all the files that you need to sign, Mr. Monasterio," sabi ni Lani, ang kanyang sekretarya na dalawang taon na ring nagtatrabaho sa kompanya niya. Napaigtad si Jav. Mabilis siyang napatingin kay Lani at tumalim ang mga mata. "Did you really just throw that on my table?" madiin ang boses niya. "Parang ikaw ang boss dito, ah!" Asik ni Jav Mariin ang pagkakakuyom ng kanyang panga habang unti-unting tumayo. Kumunot ang noo, saka itinukod ang mga kamay sa mesa. Napalunok si Lani, halatang natigilan. "Sorry po, Sir… peace po," paumanhin niya habang pilit na ngumiti at nag-sign ng peace sa amo. Humugot ng malalim na hinga si Jav, ngunit halatang pigil na pigil ang sarili na bulyawan si Lani. Sirang-sira na nga ang araw niya, mas lalo pang sinisira sa pang-aasar. "Get out of my office now!" malamig pero matalim niyang sambit. Hindi na nagdalawang-isip si Lani. Mabilis siyang tumalikod at halos matapilok sa pagmamadaling lumabas ng opisina ng kanyang amo. Pagkaalis nito, mariing napapikit si Jav. Napahawak sa kanyang sintido. Kasunod ang malakas na hampas sa lamesa. "Tsk. Pinaiinit talaga niya ang ulo ko," bulong niya sa sarili, nanginginig pa ang kamao sa galit. Pero kanino ba talaga siya nagagalit? Kay Lani? O sa frustration niya na wala pa ring balita mula sa ipinagagawa sa kaibigan? Mainit ang ulo niya dahil hanggang ngayon, ginugulo pa rin siya ng alaala ng babaeng nakasama niya buong gabing. Para na siyang nasisiraan ng bait sa kaiisip. Ni hindi na siya makatulog ng maayos. Walang sabi-sabi na pumasok sina Lindrick, Kevin, at Patrick sa loob ng opisina niya. Ngingiti ang mga kaibigan niya habang naglalakad palapit. Napaayos ng upo si Jav nang isa-isang umupo ang mga kaibigan. Sinusundan niya ng tingin ang mga ito habang ang lapad ng ngiti. Tila siya ata ang pinagtatawanan ng mga ito. "Ang aga-aga n’yo sa opisina ko. Anong masamang hangin at napadpad kayong lahat dito?" kunot-noong tanong niya. Napatingin si Jav isa-isa sa kanyang mga kaibigan. "We heard something from Kevin. Kaya andito kami para i-confirm kung totoo nga," nakangising sagot ni Patrick. Nagsalubong ang kilay ni Jav at masamang tiningnan si Kevin. Mukhang nai-kwento na ng kaibigan ang napag-usapan nila sa telepono kahapon. "Yow, pare! Huwag mo akong tignan ng ganyan," natatawang sabi ni Kevin, parang sumusuko na. Para kasing titimbuwang na lang siya sa sobrang sama ng tingin ni Jav. "It’s just the two of us! Bakit mo sinabi sa kanila?" galit na tanong ni Jav sa kaibigan. Wala na ngang magandang naibalita sa kany, ikinalat pa ang napag-usapan nila. Parang nagulat naman ang tatlo sa biglaang pagtaas ng boses niya. "Cool down, dude. Masyado kang mainit," sabi ni Lindrick na lumapit at tinapik ng tatlong beses ang balikat niya. "It’s too early, and I’m not even starting my work. Binu-buwisit n’yo na ako," iritadong sagot ni Jav. "We're here to support you. Alam naming heartbroken ka at hinahanap mo pa rin ang princess mo na nalaglag ang sapatos sa loob ng kuwarto mo," pang-aasar ni Patrick. Mas lalong umusok ang ilong ni Jav. "Umalis na lang kayo kung aasarin n’yo lang ako. Hindi n’yo alam lahat ng pinagdadaanan ko ngayon. Batong-bato na ako dito sa opisina at gusto ko nang lumabas para hanapin 'yung babaeng 'yon. Mangangantiyaw pa kayo!" "Ang OA mo, Mr. Monasterio. Andito nga kami para ayain kang balikan ang hotel. Sasamahan ka namin na tanungin ang desk officer sa lobby, baka may impormasyon tayong makuha," sabi ni Kevin. "May sarili kang agency. Kaya nga ibinigay ko sa'yo para ikaw ang tumrabaho, ‘di ba? Tapos ipapasa mo rin sa akin. Anong klase 'yan?" reklamo ni Jav. Napailing na lang ang mga kaibigan niya sa kanya. “Pare, relax ka lang. Gusto lang naman naming tumulong,” sabay sabing muli ni Kevin habang nagsandal sa upuan. “At saka, aminado ka naman, ‘di ba? You can’t get her off your mind.” “Eh, paano ba naman? Hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya. Wala akong kahit anong lead. Isang gabi lang 'yon pero para akong nabaliw,” inis na sagot ni Jav, sabay sabunot sa sariling buhok. “May naalala ka ba kahit anong detalye?” tanong ni Lindrick. “Like accent niya, kung taga saan siya, kung may tattoo, kahit anong clue?” Napaisip si Jav. Saglit siyang natahimik. "I only remember is she told me she's 37 years old..." Napatakip ng bibig si Kevin. "Pare, she older than you?" Matalim na tingin na tinapunan ni Jav ang kaibigan. "And what's wrong with that? Age doesn't matter. Besides, I took her virginity. Ako, ang lalaking nakauna sa katawan niya. Napreseved niya ang sarili niya nang ganoon. She's indeed a good woman. Bibihira lamang ang ganoong babae sa panahon ngayon." "Baka naman wala nang naging boyfriend dahil hindi maganda or maybe because she's really not attractive at all," giit naman ni Lindrick. Mabilis na umiling si Jav. "That's not true. She's pretty. Maputi at sexy. I don't think she's 37, para ngang nasa 20's lang siya," pagtatanggol na sabi ni Jav, parang ini-imagine pa ang mukha at katawan ng babaeng nakaniig niya sa hotel. "Okay. We believe you. Ikaw pa na maselan pagdating sa mga babae," ismid ni Kevin. Kilala nila si Jav na sobrang mapili kahit na womanizer at marami nang babaeng nakarelasyon ang kaibigan nila. "Kaya nga hindi na makatulog, e. Nabaliw na ng babaeng 'yon!" Kantiyaw ni Lindrick kay Jav. Kumunot ang noo ng binata. "Maingat lang ako sa mga babae at hindi basta-basta pumapatol kahit kanino. Hindi ako katulad n'yo na basta nakapalda pinapatulan..." Nagkatinginan ang tatlo. "Sobra kang makapanghusga... sa tingin mo ganoon kami? Matagal na tayong magkakaibigan, parang sa ating apat ikaw ang maraming babae. Kaya nga panay ang reklamo ni Tita Honeylet," sabi ni Patrick. Tumawa nang malakas sina Lindrick at Kevin, napapailing na lang si Jav.ANG bilis ng tibok ng puso ni Jav habang nasa loob ng eroplano. Tinawagan siya ng kanyang ina. Pinapauwi siya. Importante raw pero ayaw nilang sabihin sa kanya kung bakit. Agad siyang nagpabook ng flight pauwi ng Pilipinas. Kanina pa siya hindi mapakali sa kanyang kinauupuan. Nasa tabi siya ng bintana at nakatingin sa mga ulap. Parang gusto na niyang hilahin ang eroplano para makauwi na kaagad sa kanilang mansyon. Habang sa nasa biyahe si Jav, nakahiga na si Elorda. Hindi siya dalawin ng antok. Naiiyak pa rin siya na malamang hindi galit ang magulang ni Jav sa kanya. Tinanggap sila ng mga ito. Hinihintay niya si Jav na dumating. Gusto niyang umasa na uuwi ang asawa para sa kanila. Muli silang mabubuo. Umaga, pinapa-breast ni Elorda ang kanyang bunsong anak, nakaupo sa sopa. Habang sina Dos at Uno ay nakaupo sa sahig, nagkukulay sa kanilang coloring book. "Magmeryrenda muna kayo ng mga bata," sabi ni Honeylet nang makalapit sa mag-iina. Napaangat ang tingin ni Elorda sa biyenang b
NAGULAT si Honeylet nang makita ang manugang at mga apo. "Elorda..." mangiyak-ngiyak niyang sambit at napatingin sa mga apo. "Mom, puwede po bang makausap kayo?" Pakiusap ni Elorda sa ginang. "Oo naman. Pumasok kayo." Pinunasan ni Honeylet ang kanyang mga luha at nilapitan si Elorda. "Ito na ba ang apo ko?" Tumango si Elorda bilang sagot. "Puwede ko ba siyang makarga?" Hingi ng permiso na sabi ni Honeylet. Hindi na nagsalita si Elorda at ibinigay si Joy sa biyenang babae. "Pasok na kayo. Tiyak na matutuwa si Jason kapag nakita kayo..." sabi pa ni Honeylet. "Lola..." tawag ni Dos. Napabaling ang tingin ni Honeylet sa kambal. "Ang lalaki na ninyo ni Uno. Babawi si Lola." Wika niya Napangiti ang magkapatid sa sinabi ng ginang. Bahagyang yumakap si Honeylet sa kanila kahit karga pa si Joy, wari’y ayaw pakawalan ang sandaling matagal niyang ipinagdasal. “Pasok na kayo,” ulit niya, masuyo ang tinig. Tahimik na pumasok si Elorda kasama ang mga bata. Pagdating nila sa sala ay suma
"JAV, kung kailangan mo ang tulong namin. Tawagan mo lang kami ng mommy mo at susunod kami agad sa'yo," bilin ni Jason sa anak. Pilit na ngumiti si Jav. "I'm okay. Kaya ko po 'yon. Huwag kayong mag-alala sa akin. Saka, kasama ko naman po ang buong team." "Pero, anak, magpapaiwan ka raw pagkatapos ng business trip mo sa US. Totoo ba 'yon?" tanong ni Honeylet. Tumango-tang ng ulo si Jav. "Honey, hayaan mo na muna ang anak mo. Gusto lang niyang mag-enjoy. Alam mo ang pinagdaanan niya. Deserve niya na gawin ang gusto niyang gawin," sabi ni Jason sa asawa. Napahawak si Honeylet sa braso ng asawa. "Iniisip ko lang wala siyang kasama roon. Sinong mag-aasikaso sa kanya? Malayo ang America para makapunta tayo agad doon..." nag-aalalang sabi niya. Marahang huminga si Jason bago muling nagsalita. “Anak na natin si Jav, Honey. Matanda na siya. At kung sakaling kailanganin niya tayo, alam mo namang hindi siya magdadalawang-isip na tumawag.” Sandaling tumahimik si Honeylet. Kita sa mg
NAPATITIG sa kawalan si Jav. Hanggang ngayon ay naiwan pa rin ang isip at puso sa San Carlos, kay Elorda at mga anak niya. Isang linggo na mula nang makabalik siya ng Manila. Pilit niyang binubuo ang lahat para sa kanya. Pakiramdam niya nawalan na siya ng buhay. Hindi ka niya kayang magsaya. "Sir Jav, may meeting po kayo after thirty minutes. I will ready the conference room. Papunta na po ang mga board of directors," sabi ni Ann, ang sekretarya niya. Tumango si Jav pero hindi niya agad narinig ang sinabi ng sekretarya. Nakatuon pa rin ang mga mata niya sa bintana ng opisina, tanaw ang magulong takbo ng lungsod, tila sumasalamin sa gulo ng isip niya. “Sir Jav?” muling tawag ni Ann, mas mahinahon. Napakurap siya at bahagyang tumango. “Ah… oo. Salamat, Ann. Ikaw na muna ang bahala.” Pagkaalis ng sekretarya ay napaupo siya nang mas malalim sa kanyang silya. Isang linggo na, pero parang kahapon lang nang iwan niya ang San Carlos. Ang mukha ni Elorda, ang mga mata ng mga anak niya.
NAPATIKHIM si Jav nang tuluyan na siyang makatayo sa tapat ng bahay nina Elorda. Saglit siyang huminga nang malalim, pilit pinatatatag ang loob. Ito na siguro ang huling pagkakataon. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto at kumatok. Maya-maya’y bumukas iyon at bumungad si Elorda. Natigilan ang babae nang makita siya. May hawak na bulaklak at dalawang supot ng pasalubong. “Jav…” mahinang sambit ni Elorda, halatang hindi inaasahan ang pagdating niya. “Hindi ako magtatagal,” agad niyang sabi, pilit na kalmado ang boses. “Gusto ko lang makita ang mga anak natin bago ako umalis.” Sumilip ang dalawang bata mula sa likuran ni Elorda. Nang makilala si Jav, sabay silang tumakbo palapit. “Daddy!” sigaw ni Uno, mahigpit na niyakap ang kanyang binti. Napayuko si Jav at lumuhod, yakap ang kambal. “May pasalubong ako sa inyo,” aniya sabay abot ng dala niyang supot. “Maging mababait kayo, ha? Makinig kayo kay Mommy.” Nang tumayo si Jav, napansin ni Elorda ang panginginig ng kamay ng asawa na
"GOOD morning, Elorda," bati ni Manuel, sabay abot ng bulaklak. "Para saan ang bulaklak, Manuel?" "Wala lang gusto lang kitang bigyan. Masama ba?" Umiling si Elorda. "Hindi naman pero malinaw naman ang sinabi ko na ayoko munang pumasok sa relasyon at ayoko na masaktan kita," diretsong sabi ni Elorda. Ngumiti si Manuel, hindi nabura ang kabaitan sa mga mata niya kahit malinaw ang pagtanggi. “Alam ko,” mahinahon niyang sagot. “Hindi ko naman hinihingi na sagutin mo ako. Gusto ko lang ipaalala na may taong handang umintindi sa’yo, kahit hanggang dito lang muna.” Saglit na natigilan si Elorda. Hindi niya inabot ang bulaklak pero hindi rin niya tuluyang tinanggihan ang lalaki. “Manuel… ayokong magbigay ng kahit anong pag-asa,” mariin niyang sabi. “May mga sugat pa akong inaayos. May pamilya akong iniisip.” Tumango si Manuel. “At nirerespeto ko ‘yon. Hindi ako lalampas sa kung anong kaya mong ibigay.” Bahagya niyang ibinaba ang kamay na may hawak ng bulaklak. “Kaibigan lang. Wala







