LOGIN"JAV, kanina pa kami naghihintay ng Daddy mo sa'yo. Saan ka ba nagpunta pagkatapos ng work mo sa kompanya?" bungad na tanong ni Honeylet sa anak. Nilapitan siya ni Jav at hinalikan siya sa pisngi.
Gabing-gabi na umuwi ang anak. Hinihintay niya talaga ito dahil mayroon siyang importanteng sasabihin. "Mom, pagod po ako. And you know that I'm with my friends, you know them all. Right?" walang ganang sagot ni Jav. Napagod siya kahahanap sa babaeng hindi nagpapatahimik sa kanya. Binalikan nila ang hotel na nameet ni Jav ang babaeng naka-one night stand. Pero wala rin silang nakuhang impormasyon. Ayaw magbigay ng details ng mga guests ang hotel dahil bawal iyon sa protocol nila. Unless, it’s a matter of legal concern or mayroong police involvement, na wala naman silang maipresenta. "Pasensya na po, sir. Confidential po ang records ng guests. Hindi po namin puwedeng i-disclose kahit kanino," matigas na sabi ng manager habang nakangiting pilit. Napailing si Jav at tumalikod. Sumunod sina Lindrick at Kevin, na halatang disappointed na rin. “Dude, sigurado ka bang dito sa hotel na 'to dinala mo ang babaeng 'yon?” tanong ni Kevin habang naglalakad sila palayo sa lobby. “Yes. I remember this is the hotel. Dahil nasa basement lang ang bar na pinuntahan natin. Tandang-tanda ko rin ang mukha n’ya. At ako mismo ang nag-check in, di ba? Hindi ko lang nakuha ang buong pangalan niya,” sagot ni Jav na napabuntong-hininga. “I should’ve asked her. Pero ang bilis n’yang umalis pagkagising ko. Pagkatapos niya akong sampalin." The three of them tried not to laugh, Jav got slapped by the woman he slept with. First time 'yon na may gumanti sa kaibigan nila after a one-night stand. “Alam mo, bro, baka hindi mo na talaga siya makikita. Gano’n lang talaga ang ibang mgq babae, dadaan lang at iiwanan ka ng alala… tapos wala na,” pakunwaring malalim na sabi ni Lindrick, sabay tapik sa balikat ni Jav. Ngunit hindi umimik si Jav. Lihim siyang kinabahan, hindi dahil sa pagkadismaya, kundi dahil sa kakaibang pakiramdam. Hindi niya alam kung bakit, pero parang hindi lang basta-basta babae ang naka-one night stand niya. May iniwan ito sa kanya, isang pakiramdam na para bang may dapat siyang alamin… o dapat siyang paghandaan. "Jav, kinakausap kita... lumilipad na naman iyang utak mo sa kung saan!" Saad ni Honeylet na naiinis na sa iginagawi ng kanyang anak. Pansin niya na parati itong matamlay at tila laging malalim ang iniisip. "Wala po talaga akong oras para makipagtalo ngayon, Mom. I'm so tired that I want to lay on my bed and sleep." Tila pagod na pagod na sabi ni Jav sa ina. "Ewan ko ba sa'yo. Bibihira na tayong magkita, Jav. Tinatanong ka na ng Daddy mo sa akin. Importanteng-importante ang sasabihin namin sa'yo." Kastigo ni Honeylet. Malalim na buntong-hininga si Jav. "Maybe can we talk about that tomorrow? Hindi ko na talaga kaya ang antok ko. I really want to sleep," nakikiusap na sad niya. Dahil sa pansin ni Honeylet na pagod nga ang anak ay pinayagan na rin niya ito. Wala siyang magagawa kung hindi kayang makipag-usap ng masinsinan ni Jav ngayong gabi "Alright. Pagbibigyan kita. Pero bukas pagkagising mo pumunta ka kaagad sa dining. Mas maganda na kaharap ang Daddy mo," bilin na lang ni Honeylet sa anak. Bahagyang ngumiti si Jav. "Thanks, Mom. Promise, I will take breakfast tomorrow morning here before going to the office." "Aasahan ko 'yan." Tugon ni Honeylet na ngumiti na rin. Nilapitan siya ni Jav at muling hinalikan sa pisngi. "Goodnight, Mom..." sabi ni Jav sa ina saka tumalikod. Inaayos ni Honeylet ang hapag. Kahit na may mga kasambahay sa mansyon, siya pa rin ang nag-aasikaso ng pagkain ng kanyang mag-ama. Nasa bahay lang siya, at tanging ang pag-aasikaso, at pag-aalaga sa mag-aama niya. "Good morning, honey," malambing na bati ni Jason sa kanyang asawa nang makapasok ito sa dining area. Nginitian ni Honeylet ang kanyang mahal na asawa. "Umupo ka na at nakahanda na ang mga pagkain." Nagpalinga-linga si Jayson, tila mayroon siyang hinahanap. "Ang anak mo ba ay hindi umuwi kagabi?" Untag niya habang umuupo. "Umuwi. Nakausap ko na siya, maghintay ka at dito kakain ang unico hijo mo." "Hindi porket siya na ang namamahala ng kompanya ay wala na rin siyang oras para magpakita sa atin na magulang niya. Mas may panahon pa nga siya sa mga barkada niya at babae niya. Pagsabihan mo 'yang anak mo, Honeylet. Dahil kapag hindi na ako makapagtimpi ay babawiin ko ang Javinzi Enterprise sa kanya," litanyang babala ni Jason. Nilapitan ni Honeylet ang asawa at minasa-masahe ang balikat nito. "Relax, hon. Masyado ka namang nagiging mainit ang ulo sa anak mo." Napapikit si Jason ng kanyang mata. "Naiinis lang ako na tayong mga magulang niya ay hindi na siya nakikita rito sa mansyon. I need to tell him something." Narinig ni Jav ang pahapyaw na salita ng kanyang ama habang papalapit sa mga ito. "I'm here already, Mom, Dad..." sambit niya na at hinalikan ang ina sa pisngi, sumunod sa pisngi ng ama. Saka, umupo sa katapat na upuan ng kanyang ama. Tila wala pakialam si Jav na nasa pinagmamasdan siya ng kanyang mga magulang, kumuha lang siya ng fried rice at inilagay sa kanyang pinggan. Kumuha rin siya ng itlog at bacon, na inilagay din niya sa kanyang pinggan. Nakasunod lang ang mga mata ng mag-asawang sina Honeylet at Jason sa anak. "Parang gutom na gutom ka, Jav. Iyan kasi hindi ka na kumakain sa mansyon kaya parang nagugutuman ka na. Hindi healthy ang mga pagkain sa labas, anak..." usal ni Honeylet. Tumango si Jav bilang pagsang-ayon sa kanyang ina. Karaniwang galing sa restaurant ang mga pagkaing dinadala niya sa opisina. Sa gabi naman, madalas silang nasa bar ng mga barkada niya. Bihira na rin siyang magpaluto ng mga pagkaing Pinoy. "Dadalasan ko na pong mag-almusal dito sa mansyon, Mom. Thanks sa paalala," sambit niya. "Jav, nagkausap kami ng Tito Dindo mo. We're planning to merge. Is that okay with you?" sabat ni Jason. Napahinto si Jav sa pagnguya at napatunghay sa kanyang ama. "You know I don't like your friend, Dindo Augustos. Noon pa man po, ayoko na siyang maging kasosyo sa negosyo..." Hindi sa wala siyang tiwala sa mga Augustos, parati na lamang nilang ipinipilit ang dalagang anak nito sa kanya. At may posibilidad na kaya gustong makipagsosyo sa negosyo ni Dindo ay para muling ilapit ang anak nitong si Dindi sa kanya. He hates women who try too hard to fit in with him. Para sa kanya, desperation ang tawag doon. Ayaw niya ng babaeng ipinipilit ang sarili sa buhay niya, parang gusto lang mapansin o makuha ang atensyon niya kahit hindi naman sila bagay. Mas gusto niya 'yung natural lang, hindi naghahabol, hindi nagpapanggap, at marunong rumespeto ng espasyo. "Let’s just try. Magaling na negosyante si Dindo, and Javinzi Enterprises will grow even bigger," giit ni Jason sa anak. "No, Dad," mariing tugon ni Jav. "I said no. I don’t trust that man, and I’m not changing my mind just because you think it’s a smart move. Javinzi will grow without him."MABILIS na lumipas ang mga araw, ika-anim na buwan na ng pagbubuntis ni Elorda. Patuloy ang kanyang pagpapahinga, bawal pa rin siyang magkikilos. Pansamantala ay sa bahay na muna nila nanunuluyan ang kanyang Inay at Itay para may makasama silang mag-iina sa bahay. "Inay, ako na po ang gagawa niyan. Puwedeng-puwede ko naman pong gawin kahit ang maghugas ng plato. Bakit ba lahat na lang dito sa bahay ay hindi ako puwedeng gumawa?" sabi ni Elorda na medyo napataas ang boses. "Anak, hindi sa binabawalan ka. Pero, isipin mo ang batang nasa sinapupunan mo. Ayaw lang namin na may mangyari na hindi maganda sa inyo. Lalo't mahina ang kapit ng bata. Nag-aalala lang kami sa'yo, kaya 'wag mong mamasamain iyon," sabi ni Elina sa anak. "Pero, inay, nagmumukha po akong inutil sa sarili kong bahay. Lahat ng galaw ko po ay limitado. Pati ang kambal hindi ko na maasikaso..." hinanakit ni Elorda. Dahil sa kanyang sitwasyon, hindi na nagagawa ni Elorda ang dating pag-aalaga sa kanyang mag-ama. Siya n
HALOS paliparin ni Jav ang kanyang sasakyan makarating lamang sa ospital at mapuntahan ang asawa't anak. Habang nagmamaneho, halos hindi na makita ni Jav ang daan sa tindi ng kaba at takot. Paulit-ulit niyang pinipigilan ang sarili na mag-panic, pero nanginginig pa rin ang mga kamay niya sa manibela. Iniisip niya ang kanyang mag-ina, sana'y ligtas si Elorda at ang anak nila. Pagdating ni Jav sa ospital ay agad siyang tumakbo sa emergency room. Doon niya nadatnan sina Uno at Dos na magkayakap at parehong umiiyak. Agad niyang nilapitan ang kambal at niyakap “Nasaan si Mommy ninyo?” nanginginig ang boses niya. “D-Daddy, natumba po si Mommy. Ang sabi ng doktor, mataas daw po ‘yung dugo niya,” umiiyak na sabi ni Dos. Pinunasan ni Jav ang mga luha ng kanyang mga anak. Saka, tumayo at lumapit sa nurse station. “Excuse me, asawa ko si Elorda Monasterio. She's five months pregnant. Kumusta siya ngayon?” Tumingin ang nurse sa kanya. “Sir, nasa loob pa po ng ER. Mataas po ang blood press
UMAGA, hinatid ni Jav sina kambal sa eskwelahan habang naiwan si Elorda mag-isa sa bahay. Papasok pa siya sa trabaho. Ang simple na ng pamumuhay nila. Pero kuntento at masaya si Jav sa pinili niyang buhay. Nag-ooffer ng tulong ang mga kaibigan niya pero nahihiya na siya. Kaya kahit na parang nakakababa ng pride, ayos lang sa kanya. Basta buo at kasama niya ang kaniyang pamilya. "Jav, pakitapos ng report. Dahil dinig ko mayroon daw malaking party ang kompanya mamayamg gabi," balita ni Mando. Si Mando ay ang head department nila. Hindi malaman ni Jav kung paano ito naging head ng Accounting kung hindi naman ito ang madalas magtrabaho. Dahil lang sa may posisyon ito sa kompanya. "Yes, Sir. Matatapos na po ang report maya-maya." Malakas siyang tinapik sa balikat ni Mando. "Iyan nga, bata. Alam mo magaling ka talaga. Hindi na ako magtataka dahil isa kang Monasterio, nasa dugo niyo ang pagiging matalino sa negosyo. Sayang lang dahil pinili mo ang ibang landas." Ngumiti lang si Jav, ka
"MAHAL, sa loob ka na. Mahamog na rito sa labas," aya ni Jav kay Elorda. Nasa garden sila nagpapahangin. Sa haba ng taon sinubukan nilang magkaroon muli ng supling ay hindi sila nabiyayaan. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, pagkalipas ng tatlong taon ay nagkaroon muli sila ng panibagong anak. Medyo nangangamba na nga si Jav dahil sa edad ni Elorda. Baka hindi na nito kayanin ang manganak muli. Todo rin ang kanyang suporta at pag-aalaga kay Elorda. Nagtatrabaho na lamang si Jav sa isang kompanya at sina kambal ay nasa unang baitang na. Umuwi na rin sa probinsiya si Neng, kaya sila na lang ang nasa bahay. Hindi na rin nila kakayanin ang gastos kung kukuha pa sila ng kasama nila sa bahay. "Gusto ko pa rito. Mas masarap angm simoy ng hangin sa labas kaysa loob ng bahay," tanggi ni Elorda na marahang hinaplos ang kanyang tiyan. Limang buwan na ang kanyang ipinagbubuntis at hanggang ngayon ay hindi nila alam kung babae o lalaki ang kanilang anak. Dahil sa ayaw ng asawa niyang malaman
Pasensya na po kung medyo matagal ang update. Busy po ako sa pag-aalaga ng baby at anak ko. Masyado lang din po akong maraming ganap sa buhay din. Pero, ito na po. Mag-start na po ako ng update at nasa Book 2 na po tayo. Pero, same po lahat ang character. Abangan n'yo po ang susunod na kabanata. Nagpapasalamat po pala ako sa inyo mga mambabasa, sa patuloy na pagbabasa at paghihintay ng update. Nababasa ko po lahat ang comment n'yo, hindi ko lang po kayo mareplayan isa-isa. Sorry po sa mga nagalit. Kasama po lahat iyon sa story nila. Marami pong salamat ulit and God bless us all 🙌🫶 Mahal ko po kayong mga readers🫶 Love lots, Rida Writes
MATAAS ang araw nang makarating silang mag-anak sa amusement park. Hindi nakasama si Neng at piniling maiwan sa bahay. Maaga pa pero marami nang tao sa park. May mga batang may hawak na lobo, mag-asawang magkahawak-kamay, at mga pamilyang gaya nila, naghahabol ng oras para lang makalimot sa bigat ng buhay. “Daddy, look! Ferris wheel!” turo ni Dos, sabay hila sa kamay ng ama. Ngumiti si Jav. “Oo nga, anak. Gusto mo bang sumakay?” Tumango si Dos na may ngiting abot-tainga, habang si Uno naman ay tumatakbo na patungo sa merry-go-round. “Ako po doon, Daddy!” sigaw ni Uno. Napatawa si Elorda at hinawakan si Jav sa braso. “Hati tayo. Ikaw kay Uno, ako kay Dos?” “Deal,” sagot ni Jav na bahagyang nakangiti. Ramdam pa rin niya ang kirot ng kahapon, pero habang pinagmamasdan ang saya ng mga anak, parang unti-unting gumagaan ang dibdib niya. Habang sumasakay sila sa merry-go-round, pinagmamasdan ni Jav si Uno na halatang tuwang-tuwa sa kabayong sinasakyan nito. “Daddy, ang bilis! Parang l







