Share

051

Penulis: RIDA Writes
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-05 22:07:20

NIYAKAP ni Elorda ang kaibigan niya. Kailangan niya iyon para nakahinga. Pakiramdam niya ang sikip-sikip ng dibdib niya. Gusto lang niya ng balikat na masasandalan.

"Oh, bakit?" nagtatakang tanong ni Tess na hinahagod ang likod ni Elorda.

Napabitaw si Elorda at pinunasan ang mga luha niya sa mata.

"W-Wala... halika na sa clinic ni doc. Baka hinihintay na ako..." yakag niya sa kaibigan at hinawakan ang kamay ni Tess.

Tahimik lang na tumango si Tess. Hindi na siya nagtanong pa. Ramdam niyang may mabigat na kinikimkim si Elorda, pero alam din niyang darating ang oras na kusa rin itong magsasalita.

Habang naglalakad sila papunta sa clinic, pinipilit ni Elorda na pakalmahin ang sarili. Paulit-ulit niyang sinasabi sa isip na kaya niya 'to, na kailangan niyang maging matatag, para sa sarili niya, para sa mga anak sa sinapupunan.

Pagdating sa clinic, agad silang sinalubong ng secretarya ng OB. "Pasok na po kayo, Ma’am Elorda. Nasa loob na si Doc."

Ngumiti si Elorda, kahit pilit.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
Loko2 to c jav hanggang salita lng pla
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   056

    TAHIMIK ang biyahe pauwi. Nasa likuran ng sasakyan nakasakay si Elorda sa tabi ng dalawang baby carrier. Tahimik lang siyang nakatingin sa mga anak, habang pinapahinga ang likod sa sandalan. Halos hindi niya kinakausap si Jav na siya namang nagmamaneho. Panay ang sulyap ni Jav sa rearview mirror. Gusto niyang magsalita. Gusto niyang humingi ng tawad. Pero parang may tinik sa lalamunan niya. Hindi niya alam kung saan magsisimula. Pagdating sa bahay, agad binuhat ni Jav ang mga gamit at inunahan si Elorda sa pagbubukas ng pinto. "Dahan-dahan lang," mahinang sabi niya habang pinagbubuksan ito. Hindi tumugon si Elorda. Tahimik siyang pumasok, karga ang isa sa kambal habang ang yaya na kinuha ni Tess ay ang kumarga naman sa isa pa. Maayos na ang kuwarto. Pinalinis ni Patrick at Tess habang nasa ospital pa si Elorda. May bagong bedsheet, mga damit ng sanggol, at mga feeding bottle sa gilid ng crib. Pero kahit gaano kaayos ang paligid, ramdam ni Jav na magulo pa rin ang pagitan nila ni

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   055

    "SALAMAT, pare..." nawika ni Jav nang pumunta siya sa opisina ni Patrick. Iniwan niya muna si Elorda at mga anak kay Tess. Napatango si Patrick. "Huwag ka nang magpasalamat. Alagaan mo ang pamilya mo at huwag mo nang bibiguin si Elorda. Baka isang araw, gigising ka na lang na wala ka nang pamilyang uuwian." Sinugod ni Patrick si Jav sa opisina nito. Muntik pa niyang masuntok ang mukha ng kaibigan. Pinabayaan nito si Elorda, binalewala at naitratong parang hindi asawa. Uuwi kung kailan gusto at aalis sa umaga para pumasok sa kompanya. Inilihim na lang nila kay Elorda ang lahat kung bakit nadatnan pa rin nito si Jav sa loob ng kuwarto. Ngunit hindi rin madali kay Patrick na palampasin iyon. Nahihirapan siyang makita ang kaibigan niyang si Elorda na pilit pa ring ipinaglalaban ang isang relasyong tila siya na lang ang kumakapit. “Kung hindi mo na siya mahal, ‘wag mo nang patagalin pa. Pero kung totoo kang lalaki, ayusin mo. Dahil kahit hindi niya sinasabi, nasasaktan siya,” mariing

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   054

    NAGISING si Elorda. Para siyang nahimbing ng napakahabang panahon. Ramdam niya ang pagod ng kanyang katawan. Pero biglang natigilan at napahawak sa kanyang tiyan. Naalala niyang isinugod siya sa ospital. Nanlaki ang kanyang mga mata. Lumiit na ang kanyang tiyan. Nakapanganak na siya? Sa sobrang taranta niya ay sa sakit na naramdaman ay 'di niya namalayang nakapanganak na siya. Nakahinga siya nang maluwag. Nakaraos at ligtas silang mag-iina. Napalinga siya sa loob ng kanyang kuwarto. Hinanap ng kanyang mata ang kaibigang si Tess. Tatawagin na sana niya ang kaibigan nang mayroon siyang namataang nakatalungko sa kanyang kama. "J-Jav..." sambit niya. Hindi niya alam na kasama pala niya ang asawa sa kuwarto. Napakislot si Jav. Pupungas-pungas pa ng kanyang mga mata na tumunghay kay Elorda. "Mahal ko..." Nangingilid ang luha ni Elorda sa kanyang mga mata. Tila napawi ang kanyang tampo ang galit nang masilayan ang mukha ng asawa. "Don't cry, my love. Hindi maganda na kapapang

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   053

    TULOG na tulog si Jav sa tabi ni Elorda. Pero si Elorda ay gising na gising pa, nakatagilid ng higa sa asawa. Hindi siya makatulog sa lalim ng iniisip. Kung kailan manganganak na siya, ganito pa ang trato ni Jav. Tahimik ang buong silid, pero sa loob ng isipan niya, hindi tumitigil ang tanong. Wala man siyang konkretong sagot, ramdam niyang may unti-unting nagbabago. Hindi na siya hinahaplos gaya ng dati. Wala na ang marahang hapit ng bisig sa gabi, wala na ang mga bulong na nagpaparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa. Pinilit niyang umunawa, pero habang nilalamig ang paligid, parang siya na lang ang lumalaban para manatiling buo ang kung anong dati’y punô ng lambing. Tinitigan niya ang mukha ni Jav sa dilim. Tahimik itong natutulog, maayos ang hinga, walang bahid ng pag-aalala. Samantalang siya, bitbit ang tanong kung may ginawa ba siyang mali, kung kulang ba ang mga ginagawa niya, o kung sadyang may hindi na muling maibabalik. Hinaplos niya ang sariling tiyan, marahang niyapos

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   052

    HALOS gabi na rin nakauwi si Elorda. Pumasyal sila ni Tess sa kanilang tindahan. Maganda ang pasok ng kanilang negosyo. Medyo lumalaki na ang benta. Nasa isip niya na maswerte nga talaga ang kambal niya. Naging maganda ang benta nila simula noong mga pang-pitong buwan niyang pagbubuntis. Masaya siyang naglakad papunta sa pintuan kahit pa hirap na siyang maglakad. Pagdating doon, inilagay niya ang susi sa seradura, pero nagtaka siya nang mapansing bukas na ang pinto. Napangiti siya sa isiping nakauwi na si Jav. Masiglang pumasok si Elorda sa loob ng bahay, pero agad din siyang napatigil. Naabutan na niya si Jav na nakaupo sa sopa. Nakayuko ito, tila matagal nang naghihintay. Napaangat ang tingin ng kanyang asawa at nagtama agad ang mga mata nila. Nginitian niya si Jav, pero malamig na tingin ang iginanti nito. Napawi ang magandang ngiti ni Elorda sa mukha at unti-unting naging seryoso ang mukha. Tahimik na napatayo si Jav. "Akala ko, hindi ka na uuwi," malamig niyang sabi haban

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   051

    NIYAKAP ni Elorda ang kaibigan niya. Kailangan niya iyon para nakahinga. Pakiramdam niya ang sikip-sikip ng dibdib niya. Gusto lang niya ng balikat na masasandalan. "Oh, bakit?" nagtatakang tanong ni Tess na hinahagod ang likod ni Elorda. Napabitaw si Elorda at pinunasan ang mga luha niya sa mata. "W-Wala... halika na sa clinic ni doc. Baka hinihintay na ako..." yakag niya sa kaibigan at hinawakan ang kamay ni Tess. Tahimik lang na tumango si Tess. Hindi na siya nagtanong pa. Ramdam niyang may mabigat na kinikimkim si Elorda, pero alam din niyang darating ang oras na kusa rin itong magsasalita. Habang naglalakad sila papunta sa clinic, pinipilit ni Elorda na pakalmahin ang sarili. Paulit-ulit niyang sinasabi sa isip na kaya niya 'to, na kailangan niyang maging matatag, para sa sarili niya, para sa mga anak sa sinapupunan. Pagdating sa clinic, agad silang sinalubong ng secretarya ng OB. "Pasok na po kayo, Ma’am Elorda. Nasa loob na si Doc." Ngumiti si Elorda, kahit pilit.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status