แชร์

132

ผู้เขียน: RIDA Writes
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-08-16 10:34:30

LUMIPAS ang maghapon, tinutulungan ni Elorda ang ina na maghanda ng kanilang hapunan.

"Iba ang saya mo ngayon. Hindi ka na katulad noong una. Malaki ang naging epekto ni Jav sa buhay mo. Naging maayos ka na talaga..." komento ni Elina sa anak.

"Ewan ko nga po, Inay. Natagpuan ko si Jav noong mga oras na sirang-sira akol. Naghahanap ng taong kakalinga. Siya iyong naging liwanag ko noong mga panahon na ang dilim-dilim ng mundo ko dahil sa pagkabigo."

Napapangiti si Elina sa naririnig na kuwento ng anak. Sobrang tatag ni Elorda.

"At kahit hanggang ngayon, Inay," napatingin si Elorda sa ina habang maingat na hinihiwa ang gulay. "Ramdam ko pa rin kung gaano ako kahalaga sa kanya. Hindi lang dahil sa ginawa niya noon, kundi sa araw-araw na ipinapakita niyang mahalaga ako."

Umupo si Elina sa tabi ng mesa at pinagmasdan ang anak. "Anak, masaya ako para sa’yo. Nakita ko kung paano ka muling bumangon at alam kong si Jav ay isa sa mga dahilan kung bakit nagawa mo ‘yon."

Napangiti si Elorda
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   138

    UNANG stop nila ay kumain muna sila sa isang fast food chain. Nakakangiti na si Elorda. Pero pilot pa rin niyang iniiwasan si Harry. Ni ayaw niya itong tapunan ng tingin. Ayaw niyang magkaroon ulit ng rason si Jav ng ikakagalit sa kanya. Todo ang asikaso niya sa asawa at mga anak. Habang hindi pa rin inaalis ni Elain ang tingin sa asawa ng kanyang kapatid. "Elaine, kung may iniisip ka na gawin. Huwag mo nang ituloy. Masaya na ang kapatid mo," mahinang bulong ni Harry sa asawa. "Tumigil ka, Harry. Hindi mo ba nakikita kung gaano kaswerte si Ate? Dapat ako ang nagkaroon ng asawang katulad ni Jav," giit ni Elaine saka tinapunan ng masamang tingin asawa niya. "Hindi ang isang katulad mo sana ang naging asawa ko. Akala ko ay magiging maayos ang buhay ko kung ikaw ang pinakasalan ko. Mali pala ako." Natahimik si Harry. Hayagan ang pagsasabi ni Elaine na pinagsisihan nitong pinakasalan siya. Maging siya rin naman ay nagkamali noong pinatulan niya ito. Nagpadala siya sa tukso ni Elaine. I

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   137

    NASA loob ng kuwarto sina Jav at Elorda, nakaupo sa gilid ng higaan si Elorda at nakayuko habang nakatayo si Jav na nakatalikod sa asawa. "Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa lahat ng narinig ko, Elorda. Why did you hide about your ex-boyfriend? Siya pala ang asawa ng kapatid mo. Sana man lang sinabi mo para hindi ako nagugulat..." sabi ni Jav na hindi magawang tingnan ang asawa. Agad tumunghay ng ulo si Elorda. "A-Akala ko kasi hindi na importante sa'yo ang nakaraan. Saka, mag-asawa na sila. Kasal na pati tayo. Hindi ko naisip na magiging problema pa 'yon." Hindi nagtatanong si Jav sa kanya tungkol sa kanyang nakaraan. Kaya ang akala niya ay okay lang na hindi nito alam ang lahat. Pero ngayon lang niya ito nagalit sa kanya na halos hindi niya kayang salubungin ang mga mata ng asawa. Napatiim si Jav. Ramdam niya ang kumukulong damdamin sa dibdib, pero pinipilit niyang pigilan na tuluyang sumabog. Dahan-dahan siyang lumapit kay Elorda, mabigat ang mga mata. "Elorda, hind

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   136

    "J-JAV..." mahinang tawag ni Elorda sa asawa. Nangingilid ang luha niya sa kanyang mga mata. Lihim na napangiti si Elaine. Parang mayroong magandang mangyayari. At totoo nga, nakabingwit ang kanyang mahal na kapatid ng isang bilyonaryo. Gwapo pa, ha. "Ang swerte talaga ni Ate Elorda," nausal niya sa isip habang nakatingin sa asawa ng kapatid. "Jav, wala lang 'yon. Nag-uusap lang kami at pinakikiusapan ang kapatid ko na 'wag manggulo..." paliwanag ni Elorda. Hindi niya alam ang tumatakbo sa isip ngayon ni Jav. Nakatingin lang ito sa kanya at hindi nagsasalita. Lalong kumabog ang dibdib ni Elorda sa katahimikan ng asawa. Para bang bawat segundo ng pananahimik nito ay parang mabibigat na batong bumabagsak sa kanya. “Jav…” muling tawag niya, nanginginig ang boses. “Pakinggan mo muna ako.” Unti-unting pumasok si Jav sa loob, mabagal ang bawat hakbang, pero ramdam ang bigat ng presensya niya. Hindi ito tumitingin kaninuman kundi kay Elorda. Nanatiling tikom ang bibig, ngunit ang lami

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   135

    HUMAKBANG si Elorda palapit at mahigpit ang pagkakuyom ng mga kamay. "Kung iniisip mo na pera lang ang dahilan kung bakit naging mabait sina Inay at Itay, nagkakamali ka. Bumalik din ako para ibalik ang pamilya natin sa dati. Pero kung ang tanging mahalaga para sa’yo ay pera, Elaine. Wala akong magagawa at kung ayaw mong makita ang totoo. Huwag mong idamay ang asawa ko sa nangyari sa pamilya natin at huthutan para lamang sa kapakanan mo!" Napayuko si Elina at nagsimulang umiyak. Samantala, si Sicandro ay tila nawalan ng lakas. Si Harry nama’y tahimik na nakayuko at hawak pa rin ang kanilang anak na humihikbi. Napaiwas ng tingin si Elaine. Hindi niya masagot ang kapatid, pero nanatiling matigas ang kanyang anyo. Ang katahimikan ng bahay ay puno ng mga salitang hindi mabigkas, at ang sugat na matagal nang nakatago ay muling bumukas. "Hindi mo alam, Ate Elorda, ang pinagdaanan ko! Gusto ko lang naman na maramdaman na may totoong nagmamahal sa akin. Kasi pakiramdam ko inaagaw mo sa ak

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   134

    "ANO ba ang pinagsasabi mo, Elaine? Anong pakinabang? Pumunta ang kapatid mo rito para dalawin kami, hindi para sa kung anong dahilan. Saka, hindi kami nanghihingi sa kanya. Masaya na kami na pinatawad ni Elorda. Nakahingi na rin kami sa kanya ng tawad dahil sa ginawa mo at ni Harry," madidiing sabi ni Elina. Ayaw niya ng gulo kaya hindi niya ipinaalam kay Elaine na darating si Elorda. Iba rin ang ugali ng kanyang pangalawang anak. Makasarili ito at mapagmataas. May pagka-inggetera rin at masyadong selosa. Gusto na niya ng tahimik na buhay. Ayaw na niyang may away pa sa pamilya nila. Nagkatak-watak na sila. Nalayo sa mahabang panahon si Elorda sa kanila. Ayaw na niyang mangyari iyon muli. "Kung ako ang tatanungin, Inay, masyado n'yo siyang pinapaboran. Kahit anong gawin ni Elorda, siya pa rin ang bida sa inyo. Ako na itong nandito, ako na ang tumutulong, pero wala man lang kayong nakikitang mabuti sa akin!" Hinanakit na sabi ni Elaine. Parang hindi nakikita ng mga ito ang ginawa

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   133

    "INAY, ako na po ang mag-aayos ng higaan namin. 'Wag n'yo po abalahin pa 'yan. Magpahinga na po kayo," agaw ni Elorda sa kumot na pinapagpag ng ina. Napatigil si Elina at ibinigay na rin ang hawak na kumot. "Gusto ko lang asikasuhin kayong mag-anak. Hindi ordinaryong tao ang asawa mo. Siyempre, ayoko pa rin mapahiya sa kanya. Gulat nga ang mga kapitbahay na may magarang kotse na nakaparada sa labas." Kahit silang mag-asawa ay hindi inakala na ang napangasawa ng kanilang panganay ay hindi basta-basta na lalaki. Isang kilalang-kilala na may mataas na antas sa lipunan. Tinitingalaan at hinahangaan sa buong bansa sa larangan ng negosyo. "Naku ang inay. Narinig n'yo naman po ang sinabi ng asawa ko kanina sa hapag. Di ba po? Wala sa kanya kung anong klase ang bahay natin. Hindi po kayo mapapahiya sa kanya, sa bait naman po niya. Hindi niya iniisip ang ganoon po." Hindi rin maiwasan ni Elina na maisip ang kalagayan ng anak niya sa pamilya ng asawa. Alam niyang may pinanggagalingan ang pa

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status