공유

135

작가: RIDA Writes
last update 최신 업데이트: 2025-08-17 23:12:11

HUMAKBANG si Elorda palapit at mahigpit ang pagkakuyom ng mga kamay.

"Kung iniisip mo na pera lang ang dahilan kung bakit naging mabait sina Inay at Itay, nagkakamali ka. Bumalik din ako para ibalik ang pamilya natin sa dati. Pero kung ang tanging mahalaga para sa’yo ay pera, Elaine. Wala akong magagawa at kung ayaw mong makita ang totoo. Huwag mong idamay ang asawa ko sa nangyari sa pamilya natin at huthutan para lamang sa kapakanan mo!"

Napayuko si Elina at nagsimulang umiyak. Samantala, si Sicandro ay tila nawalan ng lakas. Si Harry nama’y tahimik na nakayuko at hawak pa rin ang kanilang anak na humihikbi.

Napaiwas ng tingin si Elaine. Hindi niya masagot ang kapatid, pero nanatiling matigas ang kanyang anyo. Ang katahimikan ng bahay ay puno ng mga salitang hindi mabigkas, at ang sugat na matagal nang nakatago ay muling bumukas.

"Hindi mo alam, Ate Elorda, ang pinagdaanan ko! Gusto ko lang naman na maramdaman na may totoong nagmamahal sa akin. Kasi pakiramdam ko inaagaw mo sa ak
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
Ghrian Sky
naku daoat my tiwala c jav kay elorda anjan ung kontrabidang kapated wag mo ng pahabaing mabuti ang kwento nakakasuya
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   226

    NAGULAT si Elorda nang bumulaga sa kanya ang dalawang best friend niya, sina Mylene at Tess. "Good morning, Elorda!" Malakas na sigaw ni Tess. Napatakip si Mylene ng kanyang tenga, para kasi siyang mabibingi sa sigaw ng kaibigan. "Tess, ano ka ba! Hindi ka pa rin nagbabago. Maingay ka pa rin." Turang reklamo ni Elorda. Napaismid si Tess at napatingin kay Mylene. Tumawa lang ito sa kanya. "Kumusta ka na, buntis? Ikaw na nga ang dinadalaw.. ikaw pa ang ganyan makapagsalita," sabi ni Tess na nahimigan ng tampo. Napangiti si Elorda at bahagyang inabot ang kamay ni Tess. “Sorry na, Tess. Miss ko lang talaga kayong dalawa. Hindi ko akalain na darating kayo ngayon.” Umupo sina Tess at Mylene sa sofa habang inilalapag ni Mylene ang dalang prutas at gatas sa mesa. “Eh syempre naman! Hindi puwedeng hindi ka namin dalawin,” sabat ni Mylene. “Alangan namang sa social media ka lang namin babatiin ng ‘congrats, soon-to-be mom!’” Napatawa si Elorda. “Naku, huwag niyo muna akong batiin.” Bi

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   225

    MABILIS na lumipas ang mga araw, ika-anim na buwan na ng pagbubuntis ni Elorda. Patuloy ang kanyang pagpapahinga, bawal pa rin siyang magkikilos. Pansamantala ay sa bahay na muna nila nanunuluyan ang kanyang Inay at Itay para may makasama silang mag-iina sa bahay. "Inay, ako na po ang gagawa niyan. Puwedeng-puwede ko naman pong gawin kahit ang maghugas ng plato. Bakit ba lahat na lang dito sa bahay ay hindi ako puwedeng gumawa?" sabi ni Elorda na medyo napataas ang boses. "Anak, hindi sa binabawalan ka. Pero, isipin mo ang batang nasa sinapupunan mo. Ayaw lang namin na may mangyari na hindi maganda sa inyo. Lalo't mahina ang kapit ng bata. Nag-aalala lang kami sa'yo, kaya 'wag mong mamasamain iyon," sabi ni Elina sa anak. "Pero, inay, nagmumukha po akong inutil sa sarili kong bahay. Lahat ng galaw ko po ay limitado. Pati ang kambal hindi ko na maasikaso..." hinanakit ni Elorda. Dahil sa kanyang sitwasyon, hindi na nagagawa ni Elorda ang dating pag-aalaga sa kanyang mag-ama. Siya n

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   224

    HALOS paliparin ni Jav ang kanyang sasakyan makarating lamang sa ospital at mapuntahan ang asawa't anak. Habang nagmamaneho, halos hindi na makita ni Jav ang daan sa tindi ng kaba at takot. Paulit-ulit niyang pinipigilan ang sarili na mag-panic, pero nanginginig pa rin ang mga kamay niya sa manibela. Iniisip niya ang kanyang mag-ina, sana'y ligtas si Elorda at ang anak nila. Pagdating ni Jav sa ospital ay agad siyang tumakbo sa emergency room. Doon niya nadatnan sina Uno at Dos na magkayakap at parehong umiiyak. Agad niyang nilapitan ang kambal at niyakap “Nasaan si Mommy ninyo?” nanginginig ang boses niya. “D-Daddy, natumba po si Mommy. Ang sabi ng doktor, mataas daw po ‘yung dugo niya,” umiiyak na sabi ni Dos. Pinunasan ni Jav ang mga luha ng kanyang mga anak. Saka, tumayo at lumapit sa nurse station. “Excuse me, asawa ko si Elorda Monasterio. She's five months pregnant. Kumusta siya ngayon?” Tumingin ang nurse sa kanya. “Sir, nasa loob pa po ng ER. Mataas po ang blood press

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   223

    UMAGA, hinatid ni Jav sina kambal sa eskwelahan habang naiwan si Elorda mag-isa sa bahay. Papasok pa siya sa trabaho. Ang simple na ng pamumuhay nila. Pero kuntento at masaya si Jav sa pinili niyang buhay. Nag-ooffer ng tulong ang mga kaibigan niya pero nahihiya na siya. Kaya kahit na parang nakakababa ng pride, ayos lang sa kanya. Basta buo at kasama niya ang kaniyang pamilya. "Jav, pakitapos ng report. Dahil dinig ko mayroon daw malaking party ang kompanya mamayamg gabi," balita ni Mando. Si Mando ay ang head department nila. Hindi malaman ni Jav kung paano ito naging head ng Accounting kung hindi naman ito ang madalas magtrabaho. Dahil lang sa may posisyon ito sa kompanya. "Yes, Sir. Matatapos na po ang report maya-maya." Malakas siyang tinapik sa balikat ni Mando. "Iyan nga, bata. Alam mo magaling ka talaga. Hindi na ako magtataka dahil isa kang Monasterio, nasa dugo niyo ang pagiging matalino sa negosyo. Sayang lang dahil pinili mo ang ibang landas." Ngumiti lang si Jav, ka

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   222

    "MAHAL, sa loob ka na. Mahamog na rito sa labas," aya ni Jav kay Elorda. Nasa garden sila nagpapahangin. Sa haba ng taon sinubukan nilang magkaroon muli ng supling ay hindi sila nabiyayaan. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, pagkalipas ng tatlong taon ay nagkaroon muli sila ng panibagong anak. Medyo nangangamba na nga si Jav dahil sa edad ni Elorda. Baka hindi na nito kayanin ang manganak muli. Todo rin ang kanyang suporta at pag-aalaga kay Elorda. Nagtatrabaho na lamang si Jav sa isang kompanya at sina kambal ay nasa unang baitang na. Umuwi na rin sa probinsiya si Neng, kaya sila na lang ang nasa bahay. Hindi na rin nila kakayanin ang gastos kung kukuha pa sila ng kasama nila sa bahay. "Gusto ko pa rito. Mas masarap angm simoy ng hangin sa labas kaysa loob ng bahay," tanggi ni Elorda na marahang hinaplos ang kanyang tiyan. Limang buwan na ang kanyang ipinagbubuntis at hanggang ngayon ay hindi nila alam kung babae o lalaki ang kanilang anak. Dahil sa ayaw ng asawa niyang malaman

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   Author's Note

    Pasensya na po kung medyo matagal ang update. Busy po ako sa pag-aalaga ng baby at anak ko. Masyado lang din po akong maraming ganap sa buhay din. Pero, ito na po. Mag-start na po ako ng update at nasa Book 2 na po tayo. Pero, same po lahat ang character. Abangan n'yo po ang susunod na kabanata. Nagpapasalamat po pala ako sa inyo mga mambabasa, sa patuloy na pagbabasa at paghihintay ng update. Nababasa ko po lahat ang comment n'yo, hindi ko lang po kayo mareplayan isa-isa. Sorry po sa mga nagalit. Kasama po lahat iyon sa story nila. Marami pong salamat ulit and God bless us all 🙌🫶 Mahal ko po kayong mga readers🫶 Love lots, Rida Writes

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status