Good Evening! This is the continuation of Chapter 114. I will post an update to my second book also. I will update tomorrow afternoon. Between 2-3 pm. stay tuned!
“Where’s Ysabela now?” Sumunod si Gretchen sa kaniyang anak nang maglakad ito papunta sa kuwarto.“Where's Ysabela, Greig?” Ulit nito.“Mom.” Humarap ng tuluyan ang lalaki sa kaniyang ina.Hindi maitatago ang pagod na kaniyang nararamdaman. Huminga siya ng malalim at pumikit saglit.“Ysabela’s gone for 48 hours and I've been looking for her like my entire life! Don’t you give me a little time for myself to rest?”Namewang si Gretchen at bahagyang nagtaas ng kilay. Tiningnan niya ng matalim si Greig.“Alam mo kung bakit mas gustong umalis nalang ni Ysabela? Dahil hindi mo kayang ipagtabuyan si Natasha! Alam ko, nasabi sa akin ng nurse na naroon kahapon si Natasha sa clinic ni Patrick. Kung alam ko lang na pupunta siya, hindi na dapat ako umalis. Ako na mismo ang sasampal sa babae mo para matauhan siya!”“Mom!” Sigaw niya para patahimikin ito.Umalingawngaw sa apat na sulok ng silid ang boses ni Greig. Dalawang gabi na siya na hindi nakakatulog ng maayos, pagod na siya sa maraming ginag
Sinulyapan niya ang lalaki, seryoso ang ekspresyon ng mukha nito kaya ngumiti na lamang siya. Lingid sa kaalaman ni Ysabela, hindi pa sana gusto ni Alhaj na ibalik siya sa Maynila. Gusto niyang makasama pa nito ng matagal para maalagaan. Kung maaari lang, hindi na nito gustong bumalik sa syudad. Mas payapa ang buhay dito sa probinsya. Mabagal ang paglipas ng oras… mabagal ang kilos ng mga tao. Walang pagmamadali. Walang pressure. Dito dapat si Ysabela… dito nalang dapat sila. Ngunit hindi ni Alhaj kayang sabihin ang desisyong iyon. Pakiramdam niya, kung ipipilit niyang manatili silang dalawa ay hindi magiging masaya si Ysabela. Kaya nang gumabi na, tinawagan niya si Mike. Ito ang unang beses na binuksan niya ang telepono simula nang dumating sila. “Mike.” Tahimik ito sa kabilang linya. “Book us a ticket. Babalik na kami ni Ysabela bukas ng umaga sa Manila.” Balita niya. Natagalan bago sumagot ang kaniyang sekretaryo kaya tiningnan niya kung nasa kabilang linya pa ito. Maayos
“Nababaliw ka na ba?!” Iyak niya habang namumula sa galit.Dumalo siya kay Alhaj at niyakap ito. Masyado siyang nasasaktan, lalo pa’t walang ginawang masama sa kaniya si Alhaj. Purong kabutihan lamang ang pinakita nito sa kaniya, walang hiniling na kapalit sa lahat ng tulong na natanggap niya, at ngayon ay binubugbog pa ni Greig.“I’m sorry, A-alj.”“I’m f-fine, Ysabela.” Nahihirapan nitong saad dahil sa sugatang bibig.Mas lalong humagulhol sa iyak si Ysabela. Naalala niya na naman ang gabing iyon kung saan pinagkaisahan siya’t walang nagawa.Ngayon ay kay Alhaj naman ito nangyayari… pero dahil sa kaniya.Nag-angat siya ng tingin kay Greig. Nakita niya ang paggalaw ng panga nito sa galit.“Bakit palagi nalang karahasan ang dala mo?!”Matigas ang naging ekspresyon ng mukha ni Greig. Hindi siya makapaniwala na nasa harap niya si Ysabela at yakap-yakap si Alhaj. Puno ng galit at pagkamuhi ang mga mata nito habang tinitingnan siya.Halos mabaliw siya kakahanap kay Ysabela pero ito ang ma
Pero matapang ang lalaki, kahit buhay ay itataya para kay Alhaj.“My boss has nothing to do with your wife, Mr. Ramos.” Malamig na sagot ni Mike.Sa gigil na nararamdaman, gusto niya itong sapakin, pero hindi niya ginawa.Ayaw niyang gumamit ng dahas kung kinakailangan. Ayaw niyang maging halimaw para lang makuha ang gusto niya.Ngunit tumunog ang cellphone nito.Nakatanggap sila ng tawag galing kay Alhaj.Saka niya napagtanto na kasama ni Alhaj si Ysabela.Lalong nagdilim ang kaniyang paningin nang marinig ang boses ng kaniyang asawa sa kabilang linya.Habang masayang tumugon si Alhaj. What the f*ck is that?“Where are they?!” Tiningnan niya mariin ang sekretaryo ni Alhaj.Mariin ang pagtikom ng bibig nito.Binalingan niya ng tingin ang isang tauhan, mabilis itong naglabas ng patalim. Walang pag-aalinlangan niya iyon itinutok sa leeg ni Mike.“I would ask for the last time. Where is my wife?”Napalunok si Mike, alam nitong desperado na siyang mahanap si Ysabela.“Archie has a private
Pulang-pula ang mga mata ni Greig nang magmulat ito. Tiningnan siya nito at nagdilim ang ekspresyon ng mukha. Parang may bagyong namumuo sa mga mata nito, at ngayo'y nangangaon siyang humagupit iyon. “Is he better now, Ysabela?!” Dumagundong ang boses nito sa apat na sulok ng suite. “What did he do to you that I cannot do better, huh? Did he f*ck*ng kiss you? Did he f*ck*ng touch you? Did you f*ck*ng f*ck each other? Tell me—” Natigilan ito nang dumapo ang kaniyang palad sa pisngi nito. Malakas ang sampal na iyon dahilan para mapabaling sa kabilang direksyon ang mukha nito. Nagtagis ang kaniyang bagang at muling binalak na sampalin ang lalaki pero nahuli na ni Greig ang kaniyang pulsuhan. “D*mn you Greig Ramos.” Mariin niyang saad, puno ng hinanakit ang bawat salita. Tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. Walang pagsidlan ang galit at pagkamuhi sa kaniyang puso. Parang sasabog ang kaniyang dibdib dahil sa pag-ahon ng matinding galit. “I hate you! I hate you! I hate you!” Nagin
Ipinikit saglit ni Ysabela ang kaniyang mga mata. Hindi na siya makatulog, alas dos palang ng madaling araw at dapat ay pinipilit niya ang sarili na makaidlip man lang kahit ilang oras bago sumikat ang araw.Ngunit hindi niya magawa.Pagkatapos ng nangyari kanina, umalis si Greig, iniwan siyang mag-isa sa suite.Hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Sa puso niya’y umaasa siyang hindi na nito babalikan si Alhaj kagaya ng nakapagsunduan nila. Sana nga ay hindi.Hindi niya maunawaan kung bakit ganito nalang si Greig sa kaniya, masyadong mapang-angkin samantalang halata naman na hindi na pareho nang dati ang kanilang relasyon.Marami na ang nagbago.Hindi na ganoon kalalim ang kaniyang pagmamahal.Naging mababaw na iyon pagkatapos ng lahat ng sakit na kaniyang naramdaman. Ngayon niya napagtanto na may nagbago rin pala sa kaniyang nararamdaman.Nariyan pa rin ang pagmamahal, nararamdaman niya pa rin iyon sa tuwing nakikita niya si Greig, pero hindi niya masabing pareho pa rin iyon ng dat
“Hindi ka pa natutulog?” Kumunot ang noo ni Greig, naiwala na sa kaniyang isip ang mga problema. Natawa si Katherine, muli ay hinaplos ang bilugan nitong tiyan. “Hindi, nagising lang ako dahil sa pagsipa ni baby. I didn't know you were here, huli nang naibalita sa akin ni Kuya Patrick, kung hindi ko pa nakita ang pangalan mo sa guestlist.” Ngumiti sa kaniya ang babae. Huli niya itong makita nang birthday ni Patrick, pero hindi pa naman ito buntis ng mga panahon na ‘yon. “I wasn't informed that you were already married.” Sa wakas ay naisatinig na niya ang bagay na iyon. Matipid na ngumiti ang babae. “Well, we are not yet married. Pero nauna na ang honeymoon.” Pabirong sabi ni Katherine. Naupo ito sa isang sun lounger kaya sumunod na rin siya. Hindi pa rin siya makapaniwala na buntis na ito’t may… kinakasama na. That’s d*mn fast. Parang dati lang ay hindi ito nagboboyfriend dahil ayaw sa commitment. “Pagkatapos ko nang manganak kami magpapakasal, sa ngayon, si baby mu
“Ysabela.” Sinalubong siya ng yakap ni Gretchen nang makapasok siya ng bahay.Mahigpit ang yakap nito na tila isang taon siyang nawala. Hindi niya nasuklian ang yakap ng ginang.“H-how are you?” Lumayo si Gretchen.Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi at tinitigan siya diretso sa mga mata.“I’m fine, Tita. I'm sorry for making you worry.” Puno ng sensiridad niyang saad.Matipid na ngumiti si Gretchen sa kaniya. Nasa mga mata nito ang pag-aalala at ganoon din ang pangungulila.“You don't need to say sorry, Ysabela.” Masuyo nitong saad. “Just don't leave us like that, okay? Nag-alala kami ng sobra. Lalo pa’t nahirapan kaming hanapin ka.”Parang kinakain ng hiya ang puso ni Ysabela dahil sa sinabi nito. Wala man lang makikitang galit sa magandang mukha ni Gretchen, purong pag-aalala lang para sa kaniya.Marahan siyang tumango.Isa rin siguro sa pagkakamali niya ay masyado siyang naging makasarili. Nakalimutan niyang hindi lang si Greig ang tatakbuhan niya palayo kung maglalaho nala
Hindi siya nakatanggap ng imbitasyon, sapat na iyon para malaman niya na hindi siya gustong imbitahan ni Damian Galvez sa kaarawan nito. Nitong lumipas na mga taon, nagkakaroon naman sila ng kaunting interaksyon ni Architect Damian Galvez. Nakakameeting niya rin ang ibang Galvezes. Ngunit hindi gaanong maganda ang relasyon niya sa kanila. Tila mahirap na magkaroon ng malapit na koneksyon sa pamilyang Galvez. Ang totoo niyan, hindi niya rin gusto na magkaroon ng koneksyon sa mga Galvez dahil nagpupukos na siya ngayon sa pagpapalawak ng kaniyang negosyo sa labas ng bansa. Kaya hindi na niya kailangan ng koneksyon sa mga negosyanteng lokal. May negosyo rin naman ang mga Galvez sa ibang bansa, ngunit hindi kagaya niya na mas malawak ang negosyo sa labas ng Pilipinas. "Good evening, Atty." Bati ng isang lalaking miyembro ng security team. Inilahad ni Reinella ang hawak nitong invitation card at ngumiti ng matamis. "Here's my invitation card. Do I still need to show you my ID?
Litong-lito na si Archie. Iba ang nakukuha niyang impormasyon sa impormasyon na gusto niyang matanggap. Kaya nang dumating na ang kaarawan ni Damian Galvez ay hindi na siya nag-atubiling dumalo sa selebrasyon para makakuha ng iba pang impormasyon tungkol sa nobya ni Rizzo Galvez. Kung dadalo siya sa birthday party ni Damian Galvez ay mas malaki ang tyansa na may makalap siyang impormasyon na makakatulong sa kaniya na mapag-aralan ng mabuti ang katauhan ni Anais Acosta. Sa tuwing naiisip niya na kamukhang-kamukha ng nobya ni Rizzo si Yvonne ay naaalala niya palagi na naging magkasintahan noon si Yvonne at si Rizzo. Posible na hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimut si Rizzo kay Yvonne... kagaya niya. Baka nabaliw na rin ito kay Yvonne, kaya ngayon na may natagpuang babae na kamukha ni Yvonne ay pakakasalan nito agad. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman na papalit-palit ng babae ang mga Galvez. Habulin ng mga babae ang mga lalaking Galvez kahit na kasal na ang iba. Kaya para magpa
Gabi na nang makauwi si Archie mula sa hospital. Hindi man lang siya nakapagpahinga sa paghahanap ng kasagutan sa mga tanong niya. Ngunit ayon sa nakuha niyang impormasyon, lihitimong anak ni Rizzo ang batang naospital. Anak nito si Coleen sa pagkabinata. Sa Pilipinas ipinanganak ang batang babae, ngunit sa ibang bansa pinalaki. Maliban sa mga impormasyong iyon ay wala na siyang nakuhang iba pa. Hindi na rin nakapagbigay ng impormasyon sa kaniya si Patrick dahil iyon lang din ang laman ng database ng ospital. Binuksan niya ang kaniyang computer pagkauwi galing sa ospital. Sa kaniyang opisina siya tumuloy para tingnan ang pinadalang email ng kaniyang assistant sa kaniya. May sarili siyang office sa kaniyang condo unit. Gusto niyang nakabukod lamang ang kaniyang opisina sa kaniyang kuwarto para maging productive pa rin siya kahit na nasa condo lamang siya. Buong araw yata siyang hindi nagpakita sa kompanya. Nasa ospital lamang siya maghapon, naghahanap ng mga bagay na makakatulong s
Nang manganak siya kay Akhil, bumalik si Yvonne sa pagthetheraphy. Hindi na ito umuuwi sa kanila dahil sa takot na baka masaktan nito si Akhil. Naniniwala ito na hindi ligtas ang kaniyang anak kapag mananatili si Yvonne sa kanilang puder. Pakiramdam palagi ni Yvonne ay magdudulot lamang siya ng panganib sa mga paslit. Kaya kahit sa malayo ay hindi nito matingnan si Akhil. Hindi nito kayang pakinggan ang tawa at iyak ng bata. Agad itong inaatake ng anxiety at parang nababalisa agad. Madalas ay nagkukulong ito sa kuwarto ar hindi na sa kanila nagpapakita. Nang hindi na nito makayanan ay nagpa-alam itong aalis muna para humingi ng tulong sa therapist nito. Nitong nakaraang buwan lang bumalik si Yvonne sa kanila. Hindi pa gaanong maayos ang babae kahit pa halos apat na buwan itong nawala para magtheraphy. Alam niyang malalim ang pinangggalingan nitong sakit kaya hindi niya pwedeng hayaan na lang mas lalong maexpose sa mas mahirap na sitwasyon ang kaniyang pinsan. "I know where yo
"You've already met him?" Tanong niya sa babae. Tumibok ng mabilis ang kaniyang puso at nanatiling malamig ang kaniyang palad. Hindi niya nakita si Archie sa labas. Pero dahil sa sinabi nito, mas lalo siyang naging kabado. Natahimik saglit ang babae. Hindi ito sumagot, ngunit ramdam niya na hindi na niya kailangan na marinig mula sa labi nito ang kasagutan sa kaniyang tanong. Nagkita na nga ang dalawa. "You know that this would happen, right?" Marahan niyang tanong. Huminga ng malalim si Anais bago pagod na pumikit. Umangat ang dibdib nito nang humugot ng malalim na hininga. "I know." Sagot nito pagkaraan. "But I couldn't let my fear control me, Agy." Mahina nitong sambit, tila nabibigatan. "For the past five years, I tried my best to overcome everything that once held me back. Ang tagal kong nagtago. Ang tagal kong natakot." Huminga na naman ito ng malalim. "But I was able to face him without showing much of my fear. I was able to fake my reaction when I saw him." Bumalin
Marahan siyang umiling. Alam niyang mabigat na naman ang loob nito. Ayaw niyang maramdaman muli ng babae ang parehong sakit na naramdaman nito noon, kaya hinaplos niya ng magaan ang likod ng palad nito bago maliit na ngumiti."I know how you feel now. Alam kong nag-aalala ka ng husto kay Coleen, but everything's fine now. Maayos na si Coleen, wala ka nang dapat na ipag-alala."Tumitig siya ng mabuti sa mga mata ni Anais. Gusto niyang makita nito ang sensiridad niya.Kung maaari lamang na pawiin ang lungkot at pagsisisi sa puso nito ay gagawin niya. Ngunit alam niya na kahit anong subok niya, hindi niya iyon magagawa, dahil tanging ito lamang ang mag kakayahan na gawin iyon. Si Anais lamang ang may kakayahan na itaboy ang lungkot sa puso nito at gamutin ang mahapding sugat na dala ng pagsisisi."And a failure doesn't define you as a person. It doesn't define you as a mother. Because motherhood is not a perfect thing. Kahit ako, I'm still learning how to take care of Akhil. May mga pagk
Samantalang kabado si Agatha nang makarating sa pasilyo ng private pediatric ward. Sa elevator pa lang ay hindi na siya mapakali kaya nagmamadali niyang tinahak ang pridadong silid ni Coleen .Naabutan niyang nasa labas si Rizzo at may kausap sa telepono.Nakita niyang tensyunado ang lalaki at mukhang hindi komportable sa taong kausap nito. Hinilot ng lalaki ang sintido bago bumuga ng hangin.Hindi man lang nito napansin ang kaniyang presensya."Dad, I know it's an important meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang anak ko. Coleen has a severe allergy reaction. She needs me now. I don't care about anything else, I just want to make sure that my daughter is safe."Saglit na natahimik si Rizzo, tila pinapakinggan ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya."It's not her fault, Dad." Matigas na tugon nito pagkaraan."It's not her carelessness or my daughter's recklessness that caused this. Coleen is fond with furred animals, while Anais is unaware about Coleen's allergy w
Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz
Pagkatapos na makuha ang impormasyon ng pasyente ay lumabas si Patrick para kausapin muli si Archie. Sigurado siya na hindi aalis ang kaniyang kaibigan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.At alam niya kung gaano kadesperado sa impormasyon ngayon si Archie.Alam niya ang pakiramdam nito ngayon. Dahil kagaya ni Archie, hindi rin siya mapakali noon nang malaman niyang may anak si Suzzane.Alam niyang kung may anak ito ay malaki ang tyansa na kaniya ang batang iyon.Ngunit kahit gaano kadesperado ang kaniyang kaibigan na makilala ang batang pasyente ay hindi niya maaaring hayaan na lamang itong gawin kung ano ang maisipan nitong gawin. Istrikto ang ospital. Malaking bagay ang privacy ng mga pasyente sa ospital na ito.Kaya kung papasok ito sa isang pribadong silid para lamang makita ang pasyente nang walang pahintulot mula sa pasyente o sa pamilya ng pasyenteng ay magdudulot lamang ng malaking gulo.Pabalik na siya sa upuan kung saan naghihintay si Archie, nang bigla siyang matigilan