Share

KABANATA 7

Author: Nightshade
last update Last Updated: 2025-12-16 14:11:20

LUCIUS POV

Tahimik ang opisina sa simula ng araw, pero sa isip ko, hindi humuhupa ang ingay. Ang bawat detalye ng hotel operations ay nakalagay sa tablet ko, pero kahit gaano ko pa kamahal ang pagiging perpekto, may isang bagay na hindi mawala sa isip ko... si Aya Dizon.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang epekto niya sa akin. Isa lang siyang ordinaryong empleyado, at may mga problema na hindi ko kayang hawakan. At sa kabila ng kanyang kahinaan, may kakaibang tapang at tibay sa kanya na hindi ko nakita sa karamihan ng mga tao sa paligid ko.

Ngunit may mga patakaran ako. Mga patakarang hindi ko basta binabalewala. Isa sa mga iyon...Never get involved with employees.

Hindi ko puwedeng hayaang maging personal ang trabaho, at lalong hindi puwedeng masangkot sa damdamin ko.

“She’s vulnerable. I’m supposed to stay detached. I can’t...no, I won’t...let her see me weaken,” bulong ko sa sarili ko habang inaayos ang schedule sa tablet.

Pero kahit na gusto kong ipagsawalang ba
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Falling For The Billionaire CEO   KABANATA 7

    LUCIUS POV Tahimik ang opisina sa simula ng araw, pero sa isip ko, hindi humuhupa ang ingay. Ang bawat detalye ng hotel operations ay nakalagay sa tablet ko, pero kahit gaano ko pa kamahal ang pagiging perpekto, may isang bagay na hindi mawala sa isip ko... si Aya Dizon. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang epekto niya sa akin. Isa lang siyang ordinaryong empleyado, at may mga problema na hindi ko kayang hawakan. At sa kabila ng kanyang kahinaan, may kakaibang tapang at tibay sa kanya na hindi ko nakita sa karamihan ng mga tao sa paligid ko. Ngunit may mga patakaran ako. Mga patakarang hindi ko basta binabalewala. Isa sa mga iyon...Never get involved with employees. Hindi ko puwedeng hayaang maging personal ang trabaho, at lalong hindi puwedeng masangkot sa damdamin ko. “She’s vulnerable. I’m supposed to stay detached. I can’t...no, I won’t...let her see me weaken,” bulong ko sa sarili ko habang inaayos ang schedule sa tablet. Pero kahit na gusto kong ipagsawalang ba

  • Falling For The Billionaire CEO   KABANATA 6

    AYA'S POV Pag-uwi ko galing sa clinic. Sobrang bigat ng katawan ko na halos hindi ko na ramdam ang mga hakbang ko sa hagdan ng apartment ng building. Ang bawat tunog ng mga paa ko sa sahig ay parang umaabot sa loob ng dibdib ko. Pagbukas ko ng pinto, sumalubong sa akin ang tahimik naming apartment. Wala si Nico, siguro baka nasa therapy session niya. Ramdam ko pa rin ang kirot ng nakaraang araw. Umupo ako sa sofa, habang hawak ang baso na may lamang tubig at agad ko naman itong ininom. Tinitignan ko ang paligid ng apartment namin at napansin ko ang mga laruang naka kalat doon. Parang sabay na sumalubong sa akin ang bigat ng responsibilidad. Hindi ko lang basta trabaho ang pinag-uusapan; ito ang buhay ko. At sa bawat desisyon ko, alam kong nakasalalay sa akin ang kaligtasan ng kapatid ko. Habang nakatingin sa mga laruan, muling sumagi sa isip ko ang mga nangyari sa clinic kanina. Si Lucius… Ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng ibang klase ng init at proteksyon mula sa i

  • Falling For The Billionaire CEO   KABANATA 5

    AYA'S POV Hindi ko alam kung bakit, pero ramdam ko ang bigat sa dibdib ko...ibang iba sa dati. Hindi lang dahil sa pagod, kundi sa init ng pag aalala at kakaibang tensyon na naramdaman ko mula sa kaniya. Si Lucius ang lalaking dati’y malamig at walang pakialam sa mundo ko, ngayon ay tila may hawak na sa damdamin ko. “Sir…” tawag ko sa kaniya na halos pabulong, hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o mangamba. Lumapit naman siya ngunit hindi yung masyadong malapit, sapat lang para maramdaman ko ang presensya niya. “You need to eat,” sabi niya, may bigat sa bawat salita. “Then rest. No exceptions.” “Pero sir—” singit ko pa. “Do not argue.” may diin niyang sabi. Bumaba ang tingin niya sa akin, na parang sinusukat ang bawat galaw ng katawan ko. Ang seryosong titig niya ay parang kaya niyang basahin hindi lang ang hitsura ko, kundi pati ang lahat ng pinipigilan kong emosyon. Natigilan naman ano...Paano niya nasasabi ang lahat ng ito… ni hindi naman niya alam ang buon

  • Falling For The Billionaire CEO   KABANATA 4

    AYA'S POV Akala ko sanay na ako sa pagod, sa puyat, sa gutom, at sa paulit-ulit na pagpipigil ng luha habang naka ngiti sa harap ng kliyente. Akala ko kabisado ko na ang pakiramdam ng katawan kong laging nauuna ang responsibilidad bago ang sarili... Pero mali pala ako. Kinabukasan, parang mas mabigat ang bawat hakbang ko papasok sa hotel. May kirot sa sentido ko na parang may dahan dahang pumipisil mula sa loob ng ulo ko. Ang dibdib ko sobrang bigat dahil sa pagod na matagal ko nang kinikimkim. “Girl,” bulong ni Karen habang inaayos namin ang registration table, “ang putla mo. Sure ka bang okay ka lang?” Tumango naman ako kahit hindi. Hindi na bago sa akin ang magsinungaling lalo na kapag ang totoo ay hindi pwedeng sabihin. “After nitong event, uuwi ka na agad ha,” utos niya sa seryosong boses. “Walang overtime. Promise?” Ngumiti lang ako pero hindi ako sumagot. Dahil alam naming pareho na hindi ko kayang umuwi nang maaga habang may bills na naghihintay at habang may kapat

  • Falling For The Billionaire CEO   KABANATA 3

    AYA'S POV “Hoy babae, bakit parang wala ka sa sarili?” tanong ni Karen habang sabay kaming naglalakad papunta sa staff pantry. “Nandito naman ako,” sagot ko. “Kalahati nga lang.” “Kalahati?” ngumuso siya. “Yung kalahati mo saan napunta? Naiwan sa elevator kahapon?” Napangiti ako nang pilit. “Hindi ko naiwan. May kasama lang…” hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko kaya huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin ng nakataas ang isang kilay. “Si....Lucius Alvero ba ‘yung kasama ng kalahati mo?” “Hoy! Hindi ahh tsismosa ka talaga,” mabilis kong sagot. Pero mabilis din ang pintig ng puso ko, at syempre, napansin niya. “Aya,” sabi niya, sabay turo sa mukha ko. “Ang galing mong magsabi ng ‘hindi,’ pero kita naman sa mukha mong yes na yes.” “Kailangan ko na magtrabaho, Karen,” sagot ko, sabay talikod bago pa niya ako tuluyang kulitin. Pero kahit lumayo ako, dala ko pa rin ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung kaba ba ‘yon, hiya, o inis sa sarili ko...dahil kahit ayaw ko, pau

  • Falling For The Billionaire CEO   KABANATA 2

    AYA'S POV “Aya, anyari sa’yo? Para kang zombie, hindi ka ba natulog?” bungad ni Karen pagkakita niya sa akin sa staff room habang inaayos ko ang necktie ng uniform ko. “Hindi talaga ako natulog, Karen,” sagot ko, habang hinihilot ang sintido ko. Amoy kape sa buong office, pero parang hindi man lang nakakapukaw sa utak ko. Sobrang sabog pa rin ang isip ko sa mga nangyari kagabi. Lumapit siya at sinilip ang mukha ko. “Girl, ang lulusog naman ng eyebags mo, mas malusog pa sa’yo,” mapang-asar na sabi niya. “Baliw! At least may malusog sa’kin,” natatawang sagot ko. Bago pa siya makasagot, biglang bumukas ang pinto. “All coordinators, report to the grand ballroom. CEO inspection. Now na,” matinis na boses ni Ms. Rivas. “Inspection? Aga naman!” reklamo ni Karen. “Tara na bago pa tayo balatan nang buhay dito,” sabi ko. Paglabas namin, ramdam ko ang lamig ng aircon sa hallway, kumakapit sa balat ko. Kasabay nito, ang kabang nararamdaman ko na makita si… “Lucius Alvero is

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status