LOGINSa maliit na garden ng bahay na pansamantala nilang tinutuluyan, tahimik na nagdidilig ng mga halaman at bulaklak si Cassandra.Pilit niyang nililibang ang sarili.Pilít ding isinasantabi ang nalaman niya—ang kasunduang ipakasal sina Ismael at Nicole, at ang posibilidad na tuluyan nang mapawalang-bisa ang kasal nila. Hindi niya namalayang humigpit ang hawak niya sa hose. Lumakas ang bugso ng tubig hanggang sa tumalsik iyon sa kanyang damit at mukha.Doon lang siya tila natauhan.Mabilis sana siyang lalapit upang patayin ang tubig, ngunit may nauna na.Isa sa mga tauhang nagbabantay sa kanila ang nagsara ng gripo.“Salamat po,” nahihiyang sabi ni Cassandra.Tumango lamang ang lalaki bago muling bumalik sa puwesto nito.Maya-maya ay lumapit si Divina na may dalang tuwalya.“Ayos ka lang?” tanong nito habang inaabot ang towel.“Ah, oo. Salamat, Divina.”Pinunasan ni Cassandra ang kanyang mukha at mga braso.“Nagalit si Rey sa pagtakas natin,” sabi ni Divina. “Marami na tuloy siyang pina
“S-Sir, bawal ho kayo rito…” iniwas ni Cassandra ang tingin, hindi niya kayang salubungin ang nang-uusig na mga mata ni Ismael.Napasinghap siya nang bigla nitong isandal ang isang kamay sa pader, sa itaas mismo ng kanyang ulo. Nakulong siya sa pagitan ng matipunong katawan nito at ng pader ng service area. Sandali siyang napalingon dito, gulat, pero agad din siyang yumuko at umiwas ng tingin.“S-Sir… a-ano ho bang problema?” nauutal niyang tanong.“Catherine,” malamig ngunit may halong panghahamon na sabi ni Ismael. Dahan-dahan at sadyang mabagal niyang tinanggal ang suot na salamin ni Cassandra."Teka, Sir! Ano ba—" Akma niyang aagawin ang eyeglasses mula sa kamay nito, pero agad na inilayo iyon ni Ismael.Parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang kaba. Lalong lumapit si Ismael at yumuko, kaya halos ramdam na niya ang mainit at mabangong hininga nito."Catherine..." mababa nitong saad. "Iyan ba talaga ang pangalan mo?" “O-Oho… i-iyan po talaga,” umiwas ulit siya ng tingin, pilit
“Hey… are you two in luwuv?” tanong ng batang babae na bahagyang nabubulol pa sa salitang “love” habang hinihila ang laylayan ng damit nilang dalawa.“Ha?” nataranta si Cassandra. “S-Sir, y-yong kamay ko po—”Mabilis niyang inalis ang kamay mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Ismael.Nanatiling nakatingin si Ismael sa kanya—seryoso, matiim, parang may binabasa sa galaw niya na hindi pa niya kayang intindihin.“Heto po, t-tissue,” mabilis niyang sabi habang inaabot iyon.Napatingin siya sa ibabang bahaging may mantsa sa harap ng pantalon ni Ismael, saka agad umiwas ng tingin, napalunok siya na parang may naalala.Muling humarap si Cassandra sa batang babae na ngayon ay hawak-hawak ang magkabilang laylayan ng kulay apple green na flower girl dress, medyo gusot na sa kakulitan.“Are you feeling better now, baby girl?” tanong niya habang tinitingnan pa ang mga kamay nito kung may natira pang ice cream. “Yeah,” tumango-tango ang bata.“Wha’s your name?” bulol nitong tanong sa kanya.“Ca-C
“Nicole, it's bouquet toss! Come on, maybe you'll be the next bride!” Tawag iyon ng bride na si Wendy mula sa gitna ng venue.Napalingon si Nicole.Dahil doon, hindi nito naituloy ang tangkang paghablot sa wig ni Cassandra.Napahinga nang maluwag si Cassandra.Hindi na siya nag-aksaya ng oras at mabilis na umalis sa lugar.Pagbalik niya sa service area, agad siyang sinalubong ni Divina.“Cassandra, ayos ka lang?”Tumango siya. Ngunit sapo pa rin niya ang dibdib habang pilit pinapakalma ang sarili."Muntik na akong mabuko ni Nicole.” mahina niyang sagot.Napalunok si Divina.“Kailangan nating makagawa ng paraan para makaalis na tayo rito,” sabi ni Divina, nag-iisip.Napalingon si Cassandra sa direksyon ng venue. Mula roon ay tanaw pa rin niya ang mga bisita, ang kasiyahan ng okasyon...at si Ismael na tila nakamasid pa rin sa kanya.“Cassandra, nagalit si Rey sa pagtakasnatin,” nag-aalalang sabi ni Divina.“Ano?” napakurap siya at bahagyang napayuko.“Tapos sabi niya…” Nahinto si Div
Abala ang mga staff sa kani-kanilang gawain. May mga waiter na naghahain ng inumin, may nag-aayos ng mga mesa, at may mga coordinator na paikot-ikot upang tiyaking maayos ang takbo ng program. Kasabay ng ibang staff, binigyan sina Cassandra at Divina ng tig-isang tray na may lamang mga wine glass. “Cassandra, kaya mo ba?” mahinang bulong ni Divina habang naglalakad sila sa gilid ng venue. “Oo, Divina,” sagot niya. Ngunit kahit kalmado ang boses niya, mahigpit ang pagkakahawak niya sa tray. “Hayaan mo. Hahanap lang tayo ng pagkakataon na hindi nakatingin ang supervisor, tapos aalis na tayo agad. Hindi naman talaga tayo staff,” bulong ni Divina. “Sige,” mahinang sagot ni Cassandra. Ngunit hindi naging ganoon kadali ang plano nila. Maya-maya ay nagsimula na ang programa. Isa-isang pinaupo ng coordinator ang mga bisita sa kani-kanilang mesa habang tumutugtog ang mahinang instrumental music sa paligid. Unti-unting napuno ang mga upuan. Halos lahat ay abalang bumabati sa bride at g
Sa bahay na kanilang tinutuluyan at pansamantalang pinagtataguan…Sa sala, abala si Cassandra sa laptop.Payapa ang paligid, simple at maaliwalas ang maliit na sala—nasa harap niya ang maliit na coffee table kung saan nakalatag ang kanyang sketchpad, mga lapis, at ilang design notes. Katabi rin ang isang tasa ng malamig na kape at nakapatong na cellphone na paminsan-minsan lang niyang tinitingnan.Ilang araw na rin ang lumipas.Unti-unti, pilit na sinusubukan ni Cassandra na masanay sa mga nangyayari. Sa kabilang sofa, abala naman si Divina sa pag-scroll sa cellphone niya.Maya-maya ay bigla itong napatigil. Napatingin muna kay Cassandra, tila nag-alangan, bago muling ibinalik ang tingin sa screen.Napakunot-noo si Cassandra nang mapansin ito.“Totoo ba 'to…” mahina ngunit iritang bulong ni Divina. Agad niyang ibinaba ang brightness ng cellphone.“Bakit, ano ‘yan Divina?” tanong ni Cassandra, hindi inaalis ang tingin sa laptop.“W-Wala…” mabilis na sagot ni Divina, umiwas ng tingin.
Sa Hacienda Mirasol—ang pag-aaring hacienda ni Ismael. Bumisita ang dalawang wedding planner na kaibigan nina Cassandra na sina Angie at Fidel. Kasalukuyan silang nasa villa sa tahian ni Cassandra, kung saan nakalatag sa mahabang mesa ang mga tela, sketches, at sample designs. “Grabe, Cassie…” b
Maaliwalas ang buong palapag ng pribadong ospital. Makapal ang carpet sa mahabang hallway kaya halos walang marinig na yabag. Malamlam ang ilaw sa dingding, at sa bawat sulok ay may nakapuwestong mga lalaking naka-itim—mga guwardiyang hindi mukhang ordinaryong security personnel. Sa pinakadulon
Sa gilid ng lumang library—kung saan ang mga dingding ay bitak-bitak na at ang mga bintana ay natatakpan na ng alikabok at lumang kurtina—tila mas mabigat ang paligid. Walang preskong hangin na pumapasok. Walang tunog ng ibon. Parang kahit ang paligid ay natatakot gumalaw. Sa likod ng gusal
Payapa ang paligid ng kubo.Mahina ang ihip ng hangin mula sa batis habang unti-unting dumidilim ang langit. Sa labas, tuloy pa rin ang mahinang apoy ng bonfire na ginawa ni Ismael kanina.Nakahiga si Bulldog malapit doon, paminsan-minsang nagtataas ng ulo bago muling pumipikit.Samantalang sa may







