로그인Habang nasa loob pa rin ng shop ni Lina si Cassandra, tumawag naman ang head ng security sa dalawang tauhang kasama niya.“May problema rito. Bumalik muna kayo,” seryosong sabi nito sa kabilang linya.Nagkatinginan ang dalawang tauhan bago lumapit kay Cassandra.“Ma'am Cassandra,” tawag ng isa. “Kailangan po muna naming bumalik sa safehouse.”Napakunot-noo si Cassandra.“Bakit, may nangyari ba?”“Hindi pa po namin alam ang detalye. Utos lang po na bumalik agad.”Tumango siya.“Okay lang. Nandito lang naman ako.”“Ma'am, susunduin po namin kayo mamaya,” dagdag ng isa pang tauhan.Ngumiti si Cassandra at tumango.“Sige. Mag-iingat kayo. Tatawagan ko kayo kapag matatapos na kami rito.”“Opo, Ma’am.”Matapos iyon, mabilis na umalis ang dalawang tauhan.Naiwan sina Cassandra at Lina sa loob ng studio.Lumipas ang mga oras.Unti-unting humupa ang ingay sa labas. Nagsimulang magsara ang ilang boutiques at cafés sa paligid.Ngunit hindi pa rin bumabalik ang mga tauhan.“Bakit wala pa yung sun
Hindi na muling nakalapit ang itim na van sa kanila. Sa likurang bintana ng sasakyan, nakita ni Cassandra kung paano tuluyang naharang ng sasakyan ng babaeng naka-braid ang mga tauhan ni Senyor. “Divina... si Indira!” bigla niyang sambit. “Ha? Saan?” Mabilis ding napalingon si Divina. Mula sa malayo, dalawang lalaking nakaitim ang sumugod dito ngunit sa loob lamang ng ilang sandali, parehong mabilis na naitumba ng babae ang mga ito. Nanlaki ang mga mata ni Cassandra. Dahan-dahang humarap ang babae na tila wala lang sa kanya ang pakikipaglaban. Ngunit kasabay niyon ang pagguho ng pag-asa ni Cassandra. Napahawak siya sa dibdib. Hindi si Indira ang babae. Marahan siyang napasandal sa upuan habang humigpit ang kapit niya sa seatbelt. Hindi niya namalayang nanginginig na pala ang mga kamay niya. Matapos ang ilang liko at pagpapalit ng ruta, saka lamang unti-unting bumagal ang sasakyan nila. “Nakalayo na tayo,” sabi ng isa sa mga tauhan matapos silipin ang side mirror
“Ismael?”Napakurap si Cassandra.Ngunit nang muli siyang tumingin sa direksiyong iyon, wala na roon ang lalaking naka-hoodie.Parang naglaho na lang ito sa gitna ng crowd.Sandali niyang ipinilig ang ulo.Pinilit niyang kumbinsihin ang sarili na hindi si Ismael ang nakita niya. Huminga siya nang malalim at pilit na ibinalik ang atensyon sa runway.Diretso siyang naglakad pabalik, maingat at confident. Marahang gumalaw ang laylayan ng kanyang gown sa bawat hakbang habang nakasunod sa kanya ang mga ilaw ng runway hanggang makarating siya sa dulo ng stage. Sa backstage, agad siyang sinalubong ng kaibigang si Lina.“Cassie, thank you so much! You saved my fashion show!” masayang bulalas nito. “You were amazing! Did you see how impressed everyone was?”Napangiti si Cassandra.“Napressure lang ako kasi wala ka nang ibang mahagilap na model,” biro niya.Natawa si Lina at niyakap siya.“At buti na lang pumayag ka!”“Ngayon lang ’to,” natatawang sagot ni Cassandra.Napanguso ang kaibigan.“
Sa maliit na garden ng bahay na pansamantala nilang tinutuluyan, tahimik na nagdidilig ng mga halaman at bulaklak si Cassandra.Pilit niyang nililibang ang sarili.Pilít ding isinasantabi ang nalaman niya—ang kasunduang ipakasal sina Ismael at Nicole, at ang posibilidad na tuluyan nang mapawalang-bisa ang kasal nila. Hindi niya namalayang humigpit ang hawak niya sa hose. Lumakas ang bugso ng tubig hanggang sa tumalsik iyon sa kanyang damit at mukha.Doon lang siya tila natauhan.Mabilis sana siyang lalapit upang patayin ang tubig, ngunit may nauna na.Isa sa mga tauhang nagbabantay sa kanila ang nagsara ng gripo.“Salamat po,” nahihiyang sabi ni Cassandra.Tumango lamang ang lalaki bago muling bumalik sa puwesto nito.Maya-maya ay lumapit si Divina na may dalang tuwalya.“Ayos ka lang?” tanong nito habang inaabot ang towel.“Ah, oo. Salamat, Divina.”Pinunasan ni Cassandra ang kanyang mukha at mga braso.“Nagalit si Rey sa pagtakas natin,” sabi ni Divina. “Marami na tuloy siyang pina
“S-Sir, bawal ho kayo rito…” iniwas ni Cassandra ang tingin, hindi niya kayang salubungin ang nang-uusig na mga mata ni Ismael.Napasinghap siya nang bigla nitong isandal ang isang kamay sa pader, sa itaas mismo ng kanyang ulo. Nakulong siya sa pagitan ng matipunong katawan nito at ng pader ng service area. Sandali siyang napalingon dito, gulat, pero agad din siyang yumuko at umiwas ng tingin.“S-Sir… a-ano ho bang problema?” nauutal niyang tanong.“Catherine,” malamig ngunit may halong panghahamon na sabi ni Ismael. Dahan-dahan at sadyang mabagal niyang tinanggal ang suot na salamin ni Cassandra."Teka, Sir! Ano ba—" Akma niyang aagawin ang eyeglasses mula sa kamay nito, pero agad na inilayo iyon ni Ismael.Parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang kaba. Lalong lumapit si Ismael at yumuko, kaya halos ramdam na niya ang mainit at mabangong hininga nito."Catherine..." mababa nitong saad. "Iyan ba talaga ang pangalan mo?" “O-Oho… i-iyan po talaga,” umiwas ulit siya ng tingin, pilit
“Hey… are you two in luwuv?” tanong ng batang babae na bahagyang nabubulol pa sa salitang “love” habang hinihila ang laylayan ng damit nilang dalawa.“Ha?” nataranta si Cassandra. “S-Sir, y-yong kamay ko po—”Mabilis niyang inalis ang kamay mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Ismael.Nanatiling nakatingin si Ismael sa kanya—seryoso, matiim, parang may binabasa sa galaw niya na hindi pa niya kayang intindihin.“Heto po, t-tissue,” mabilis niyang sabi habang inaabot iyon.Napatingin siya sa ibabang bahaging may mantsa sa harap ng pantalon ni Ismael, saka agad umiwas ng tingin, napalunok siya na parang may naalala.Muling humarap si Cassandra sa batang babae na ngayon ay hawak-hawak ang magkabilang laylayan ng kulay apple green na flower girl dress, medyo gusot na sa kakulitan.“Are you feeling better now, baby girl?” tanong niya habang tinitingnan pa ang mga kamay nito kung may natira pang ice cream. “Yeah,” tumango-tango ang bata.“Wha’s your name?” bulol nitong tanong sa kanya.“Ca-C
Mabigat ang katahimikan sa veranda matapos makaalis sina Ismael.Sa paningin ng lahat, parang walang nangyari.Pero sa loob ni Cassandra—Para bang sasabog ang dibdib niya, hindi sa takot… kundi sa pananabik na matapos na ang lahat.Pinigilan niyang manginig ang mga kamay. Pinilit pakalmahin ang bo
Naabutan nila sa veranda si Janus—nakataas ang dalawang kamay pero halata sa ngisi niyang hindi siya takot, habang nakatutok nang mariin ang baril ni Ismael sa gitna ng noo nito.Sa paligid… amoy na amoy ang bakal at dugo. Nagkalat ang pulang likido sa malamig na baldosa, may mga katawan ng bantay
– Cassandra –Dito siya mamamatay.Biglang umatras si Cassandra. Nanlaki ang mga mata sa nakikita.“Cassandra, ano ba naman ‘yang reaksiyon mo?”Napatawa si Arsenio—magaan, parang walang anumang banta. Ibang-iba ito sa Arsenio Vergara na nakilala niyang sakitin, nakatali sa wheelchair, at kaawa-aw
Ika-limampu't walong kaarawan ni Arsenio Vergara. Idinaos ang selebrasyon sa harap ng mansion nito sa Cavite. Dumalo ang mga kakilala, kamag-anak at kasosyo ng mga ito sa negosyo. Maging si Cassandra, bilang fiancée ni Janus. Kalagitnaan ng kasiyahan, natahimik ang lahat. Dumating ang hindi inaa







