Share

Chapter 169

Author: Ms. Nerie
last update Petsa ng paglalathala: 2026-07-25 14:02:46

Alas siyete y media na ng umaga nang magising si Cassandra.

Mataas na ang sikat ng araw.

Inaantok pa niyang kinapa ang kabilang bahagi ng kama.

Wala na roon si Ismael.

“Ismael...” mahina niyang tawag, habang kinukusot pa ang mga mata.

Dahan-dahan siyang bumangon at lumabas ng silid.

Pagbukas pa lang ng pinto ng beach house, sinalubong na siya ng mainit ngunit banayad na sinag ng araw. Tumama sa kanyang balat ang preskong simoy ng hangin mula sa dagat, kasabay ng mahinang tunog ng mga alon sa pu
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 171

    Pagkapasok na pagkapasok sa kanyang silid, agad na isinara at ni-lock ni Elena ang pinto.Tiniyak muna niyang walang makakarinig bago siya marahas na napabuntong-hininga.“I'm sick of pretending. I wanted to hurt Cassandra the moment I saw her. How much longer do I have to keep acting?” gigil niyang sabi.Mabilis siyang humarap sa malaking salamin.Walang pag-aalinlangang hinawakan niya ang gilid ng prosthetic silicone mask na nakadikit sa kanyang mukha. Dahan-dahan niya iyong hinila, kasabay ng bahagyang pag-angat ng artipisyal na balat mula sa kanyang tunay na mukha.“Ugh...”Napangiwi siya sa hapdi habang unti-unting natatanggal ang medical adhesive na nakakapit sa kanyang balat.“Ouch! If this weren't necessary, I would never put myself through this.” padabog niyang reklamo habang patuloy na inaalis ang prosthetic.Nang tuluyan niya itong mataggal ibang mukha na ang bumungad sa salamin.Unti-unting umangat ang sulok ng kanyang mga labi sa isang malamig at mapanganib na ngiti.KRIN

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 170

    Sa private office ng beach house, tahimik na nagtipon sina Ismael, Rey, at Indira. Nakasara ang pinto upang walang makarinig sa kanilang pag-uusap. Sa harap nila ay isang malaking smart TV kung saan naka-video call si Severino."Kagaya ng inaasahan natin, matatakasan ni Senyor ang pagsabog." simula ni Severino.“Ang hirap namang patumbahin ng matandang 'yon. Para talagang kampon ni Satanas.” komento ni Indira. “Tiyak na mas lalo siyang magngingitngit ngayon,” dugtong ni Severino. “Pareho na nating nailayo sa kanya sina Mirasol at Cassandra.”“Kailangan nating magdoble-ingat at masusing magbantay,” sabi ni Rey habang ini-scroll ang mga file sa laptop.“Nagpakalat na rin ako ng mga tauhan sa paligid ng beach house,” ulat pa ni Rey.Tumango ang mga kausap.“Hindi pwedeng makalapit si Senyor kahit isang hakbang.” kumuyom ang kamao ni Ismael.“Wala naman kaming nakikitang kahina-hinalang galaw sa ngayon,” dagdag ni Rey.Saglit na natahimik ang lahat.Maya-maya'y muling nagsalita si Ismael

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 169

    Alas siyete y media na ng umaga nang magising si Cassandra.Mataas na ang sikat ng araw.Inaantok pa niyang kinapa ang kabilang bahagi ng kama.Wala na roon si Ismael.“Ismael...” mahina niyang tawag, habang kinukusot pa ang mga mata.Dahan-dahan siyang bumangon at lumabas ng silid.Pagbukas pa lang ng pinto ng beach house, sinalubong na siya ng mainit ngunit banayad na sinag ng araw. Tumama sa kanyang balat ang preskong simoy ng hangin mula sa dagat, kasabay ng mahinang tunog ng mga alon sa puting buhangin.Sa di-kalayuan ay naroon si Mirasol, nakaupo sa kanyang wheelchair at nagpapainit sa ilalim ng araw. Nasa likuran naman nito si Elena, tahimik na nagbabantay.Lumapit si Cassandra.“Good morning, Mama.”Ngumiti rin siya kay Elena.Tumango naman ito bilang tugon.“Magandang umaga rin sa'yo, Cassandra,” masiglang sabi ni Mirasol. “Nagugutom ka ba? Naghanda na si Ismael ng almusal mo.”Bahagya pa itong umusog sa wheelchair na tila gustong tumayo at siya mismo ang mag-asikaso kay Cass

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 168

    Mahinang umiihip ang hangin mula sa dagat.Sa isang maliit na gazebo sa gilid ng beach house, tanaw ang malawak na karagatan at ang mga alon na marahang humahampas sa dalampasigan. Napapalibutan ito ng mga punong niyog na banayad na gumagalaw sa hangin.Dahan-dahang itinulak ni Cassandra ang wheelchair ni Mirasol hanggang sa huminto sila sa loob ng maliit na pavilion.Napabuntong-hininga si Mirasol."Parang panaginip pa rin na nakawala na ako sa kamay ni Marcial."“Hindi ko akalaing matapos ang napakaraming taon na pagkulong niya saakin... mararanasan ko pa ang araw na ito.”Napalingon siya kay Cassandra.“Ang makasama ang anak ko... at makitang bumubuo na siya ng sarili niyang pamilya.”Napapikit siya atsaka ngumiti.“Matagal ko nang ipinagdarasal na makitang masaya si Ismael.”Tahimik na ipinatong ni Cassandra ang kanyang kamay sa balikat ng biyenan.“Mama...” garalgal niyang sambit.Ipinatong ni Mirasol ang kanyang kamay sa kamay ni Cassandra.“Salamat, anak... dahil nakilala ka ni

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 167

    Banayad na umiihip ang hangin mula sa dagat.Sa di kalayuan, maririnig ang mahinang paghampas ng mga alon sa dalampasigan habang ang sikat ng araw ay kumikislap sa malawak na bughaw na karagatan.Sa harap ng isang beach house, isang babae ang tahimik na naghihintay sa kanyang wheelchair.Si Mirasol.Bagaman payat at maputla pa rin ang kanyang mukha dahil sa mahabang panahon ng pagkakasakit, makikita ang saya at pananabik sa kanyang mga mata.Sa likuran niya ay nakatayo ang kanyang personal nurse na si Elena. Marahan nitong itinulak ang wheelchair upang maiharap si Mirasol sa daanan.Maya-maya'y may isang sasakyang pumasok sa bakuran ng beach house.Napangiti si Elena.“Nandiyan na si Ismael,” malumanay nitong sabi.Agad na napatingin si Mirasol sa direksiyon ng paparating na sasakyan, nangilid ang luha sa kanyang mga mata.Sa loob ng sasakyan, napalingon si Ismael kay Cassandra.Mahimbing na naman itong natutulog sa passenger seat na nakababa ang sandalan.Nakatagilid ang ulo nito, h

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 166

    Kasabay ng makapal na usok na mabilis na pumuno sa silid, hinablot ni Indira ang kamay ni Divina.“Takbo!”Halos magkandadapa silang lumabas ng kwarto.Mabilis nilang tinahak ang makitid na pasilyo ng safe house. Kumukurap ang mga ilaw sa kisame habang patuloy na umaalingawngaw ang alarma sa buong bahay.Sa likuran nila, sunod-sunod ang sigawan ng mga tauhan ni Senyor.Paglabas nila sa likurang pinto ng safe house, sinalubong sila ng mainit na hangin ng tanghali.Mabilis silang tumakbo sa makipot na daanang napapalibutan ng matataas na damo at malalagong puno hanggang marating ang bakanteng lote sa likod ng bahay.Naroon na ang isang itim na SUV.Nakahawak na si Rey sa manibela, at nakaandar na ang makina.Binuksan niya agad ang pinto.“Ayos na, Rey!” hingal na sabi ni Indira habang halos itulak na papasok ng sasakyan si Divina.“Magaling, Indira.”Agad na pinaandar ni Rey ang sasakyan.Kasunod nila ang isa pang sasakyan na lulan ang ilan sa mga tauhan nilang nakaligtas sa paglusob.I

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 2

    “Teka, Cassie… ano ‘yong sinasabi mo kanina? Tatawag ng pulis—may nangyari ba?” naalalang tanong ni Marvin. “Ahm…” napalingon siya sa estranghero. “Wala,” maikling sagot ni Cassandra, sabay iwas ng tingin. “Tiyak na matutuwa si Abby na makita ka ngayon, Cassie,” dagdag ni Marvin. Tipid lang an

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 1

    Alas-sais ng umaga— at nasa maling lugar si Cassandra De Villa. Kung may isang bagay na kinaiinisan niya, iyon ay ang gumising nang ganito kaaga. Pero mas malala ang sitwasyong kinalalagyan niya ngayon— nakasiksik sa loob ng isang bus na halos wala nang mahingahan. Sira ang kotse niya. Bigla

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 4

    Dalawang palapag ang bridal shop ni Cassandra sa Sampaloc, Manila. Nagsisilbi na rin itong bahay niya, dalawa ang staff, sina Emma at Judith, pero uwian naman ang mga ito. Kaya mag isa lang siya sa gabi. Tuwang tuwa ang dalawa nang i-abot niya ang mga pasalubong na buko pie at kapeng barako. Mata

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 3

    Balak pa sanang makipag-agawan ng iba— ngunit nang makitang si Ismael ang nakasalo, isa-isa silang umatras. “Cassie!” nilapitan siya ng excited na bride. “Alam mo ba ang paniniwala? Kung sino man ang pares na nakasalo ng bouquet at garter, sila ang magkakatuluyan!” Hindi pa nakakapag-react si Ca

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status