공유

Chapter 17

작가: Ms. Nerie
last update 게시일: 2026-03-22 02:05:57

"Akala ko ba, abala ka sa kapehan?" usisa ni Indira kay Ismael.

"May pinuntahan ako sa malapit," sagot nito.

"Pinuntahan o na-miss mo lang kami, kaya sinundo mo na agad?" panunukso ni Indira, may halong halakhak ang tinig.

Hindi sumagot si Ismael, kinuha ang hawak niyang kahon at ibinato Kay Indira na pumasok na sa likurang upuan. Agad naman iyong nasalo ng huli.

Si Cassandra ay naupo na sa tabi ng driver's seat, dahil naroon na rin naman siya, habang nagtataka sa kung paano ang pakikitungo nin
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Falling In love to my Ex Dangerous Uncle    Chapter 29

    Sa labas ng venue, naka-park ang mga sasakyan. Tahimik—pero mabigat ang hangin. Magkahiwalay ang grupo. Sa kabilang side—Si Arsenio, si Janus… at si Divina. Sa kabila—Si Ismael, si Cassandra, at si Indira. “Pa, mauna ka na,” sabi ni Janus, inalalayan ang ama papasok sa sasakyan. “Sandali,” pigil ni Arsenio. Huminto ang lahat. Dahan-dahang tumingin si Arsenio kay Ismael. “Mag-iingat kayo sa pag-uwi… kapatid ko,” Sabi nito, may diin. May halong lihim na panunuya. “Mas mag-ingat ka sa mga ginagawa mo,” malamig na sagot ni Ismael. Bahagyang ngumiti si Arsenio. Napansin iyon ni Indira. Tahimik lang siya. Pero alam niya—may tinatago ang matanda. “Grabe…” napangisi si Janus. “Kahit sa labas, may eksena pa rin.” Lumapit ito ng kaunti. “Bye, love,” sabi nito kay Cassandra, nakangiti at kumaway. “Nice seeing you again.” Napangiwi si Cassandra. “By the way…” pahabol ni Janus, “lalo kang gumanda.” Sa isang iglap—kumilos si Ismael. Halos sugurin niya

  • Falling In love to my Ex Dangerous Uncle    Chapter 28

    Bahagyang nagtagpo ang mga mata nina Ismael at Divina. At sa sandaling iyon—parang may kung anong bumalik na matagal nang nawala. Ngunit agad iyong naputol—ng isang mahinang tawa. “Ang tahimik n’yo naman,” ani Janus, tila inosente ang tono—ngunit may halong panunuya. Hindi iyon pinansin ni Ismael. Dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin sa nakatatandang kapatid. “Mukhang hindi ka pa rin marunong pumili ng tamang oras, Kuya Arsenio,” malamig niyang sabi rito. Ngumiti si Arsenio. Isang ngiting walang laban. “Pasensya na sa panggagambala,” mahina nitong tugon. Bahagyang tumigas ang panga ni Ismael, napailing. “Kung awa ang gusto mo, maling tao ang nilapitan mo.” Napayuko si Arsenio, tila tinamaan. Ngunit saglit lang. Dahil nang muli itong tumingala—naroon pa rin ang ngiti. “Hindi ako humihingi ng awa,” sagot nito. “Isa kami sa mga sponsor ng event na ito… kaya narito kami. Nakita ka lang namin na dumating—kaya dumaan kami.” Bahagya itong sumandal sa wheelcha

  • Falling In love to my Ex Dangerous Uncle    Chapter 27

    Nag-uumapaw ang ilaw at ingay sa loob ng venue. Isa-isang rumarampa ang mga modelo suot ang mga likha ni Cassandra—palakpakan, bulungan, paghanga. Ngunit sa kabila ng tagumpay—wala roon ang taong hinihintay niya. Mahigpit ang kapit ni Cassandra sa clipboard na hawak, pilit pinapakalma ang sarili. 'Hindi na siya darating'.. Napapikit siya sandali. “Cassandra, ikaw na,” paalala ng staff. Bahagya siyang tumango at lumabas sa gitna ng runway. “Mga Binibini at Ginoo,” masiglang boses ng host, “bigyan natin ng isang mainit na palakpakan ang utak at puso ng gabing ito—ang napakagaling na designer… Cassandra De Villa!” Sumalubong ang nakakasilaw na ilaw at malakas na palakpakan. Pinagsalikop niya ang mga palad, at bahagyang yumuko, bilang pasasalamat. Ngunit muli agad nagsalita ang host. “At syempre, hindi magiging posible ang gabing ito kung wala ang ating mga sponsors…” Napakunot ang noo ni Cassandra. “Sama-sama nating kilalanin… Mr. Janus Vergara!” Nanigas siya,

  • Falling In love to my Ex Dangerous Uncle    Chapter 26

    “Mabuti naman at hindi mo pa pala nakakalimutan ang boses ko,” masiglang bungad ni Janus sa kabilang linya. “Anong kailangan mo?” malamig at mataray na sagot ni Cassandra. “Love, bakit naman sa lahat, si Uncle Ismael pa ang ipinalit mo sa’kin? Sinabi ko na sa’yo, mapanganib siya. Siguro naman nabalitaan mo na ’yong pinatay niyang katulong,” sumbong nito, halatang pilit ang lambing. “Janus, hindi si Ismael ang gumawa nun' May nag-set up lang sa kanya!” halos mapasigaw si Cassandra, mahigpit ang kapit sa cellphone. “Gaano ka kasigurado?” may diin ang tanong ng dating nobyo. “B-Basta alam ko!” giit niya, sabay sulyap kay Ismael na noo’y tahimik lang sa likod niya, mariin ang pagkakakuyom ng panga. “Eh ’yong sarili niyang ina? Alam mo rin ba kung paano siya pinatay ni Uncle Ismael?” dagdag pa ni Janus, tila nanunubok. “Janus, tigilan mo na ang pag-aakusa kay Ismael!” “Paano kung sabihin ko sa’yo na may witness sa pagpaslang niya sa sarili niyang ina? At alam mo kung sino?

  • Falling In love to my Ex Dangerous Uncle    Chapter 25

    Cassandra's POVHalos hindi na makahinga si Cassandra. Ilang pulgada na lamang ang layo ng makamandag na ahas, at nakapalawak na ng makinis na hood o palupot sa leeg nito—handa nang umatake. Pakiramdam niya’y nagyeyelo ang dugo sa kanyang mga ugat habang ipinikit niya ang mga mata, inihahanda ang sarili sa anumang mangyayari.Isang putok ng baril ang biglang umalingawngaw sa paligid.Kumibot ang mga labi niya at nang muling imulat ang mga mata. Patay na ang cobra, duguan sa leeg kung saan eksakto tumama ang bala.Lumingon siya at nakita si Ismael, na hawak ang baril na biglang hinagis sa kanya ni Indira nang makita ang banta.Tatakbo sana siya palapit dito pero lumapit din si Ismael sa ahas kaya sa likod na lang siya ni Indira tumayo, dahil nanginginig pa rin ang katawan niya."Indira papuntahin mo dito si Noriel sa kubo, magtabas ng mga damo sa paligid" utos nito sa kaibigan."Sige," tumango si Indira. Pero nagtaka ng mapansing masama ang tingin ni Ismael sakanya. Napagtanto ng babae

  • Falling In love to my Ex Dangerous Uncle    Chapter 24

    Ismael's POVMatamang nakatitig si Ismael sa nakaka-akit na babaeng animo batang nakikipaglaro kay Bulldog habang naliligo sa batis.Ang kauna-unahang babaeng naniwalang wala siyang pinatay, ang kauna-unahang babaeng susuungin ang panganib mapatunayan lang na inosente siya, ang babaeng may mga matang tila bukang-liwayway sa gitna ng gabi—na kapag tumititig sa kanya, natutunaw ang matigas niyang puso.Si Cassandra—ang kanyang asawa, ang babaeng ipaglalaban at poprotektahan niya, anuman ang mangyari. Kahit na kapalit pa nito ang kanyang sariling buhay!"Ismael!" matamis ang ngiting tawag ni Cassandra at kumaway. "Maligo ka na rin!" malambing pang sigaw nito.Napakislot siya sa kinauupuang foldable chair, muntik pang matabig ang mga binalatan niyang buko ng niyog sa tabing lamesa—mga inihanda niya para sa babae.Lumakad ito patungo sa mas mababaw na bahagi ng batis at tumayo doon, ang manipis nitong puting bestida ay basang-basa na, umaangkop sa bawat kurba ng kanyang katawan. Bagaman ma

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status