Share

Kabanata 16

Author: Elara Night
last update publish date: 2026-06-09 20:41:30

NEAH’S POV

Isang linggo rin ang lumipas bago ako nakapunta sa office ni Cassandra Sy. Punong-puno ang schedule ko last week at kahit na gustuhin kong i-cancel hindi pwede dahil para rin yun sa business ko.

Pinuntahan ko na kaagad ang branch ng kompanya nila dito sa New York.

“Miss Villareal,” nakangiting salubong sa akin ni Miss Abby pagpasok ko ng lobby. Parang kanina pa naghihintay sa pagdating ko. “Good thing you finally made it today. Ma’am Cassandra has been waiting for you every single da
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 17

    DAVE’S POVTahimik lang ang buong opisina maliban sa tunog ng keyboard at mahihinang pahina ng documents na binabaliktad ko. Nakatutok ang tingin ko sa laptop habang sunod-sunod kong nire-review ang financial reports ng project. Simula nang ilipat ako rito sa New York para hawakan ang international expansion ng Sy Group International, halos wala na akong ginawa kundi magtrabaho. Walang katapusang meetings, investors, partnership at corporate dinners. Paulit-ulit pero kailangan kong gawin dahil malaki ang tiwala sa akin ng chairman.Nang biglang bumukas ang pintuan ng office ko ay napaangat ako ng tingin. Si Cassandra ang pumasok at muli kong ibinalik sa laptop ko ang paningin ko.Naupo siya sa sofa at para bang excited na magkwento sa akin.“Guess what?” bakas ang tuwa sa tinig niya. Hindi ko alam kung ano yung gusto niya na nakuha niya na naman. Kilala ko na siya dahil sa tagal na naming magkatrabaho. Masaya ito sa tuwing nakukuha niya ang mga gusto niya. Madali niyang makuha ang lah

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 16

    NEAH’S POVIsang linggo rin ang lumipas bago ako nakapunta sa office ni Cassandra Sy. Punong-puno ang schedule ko last week at kahit na gustuhin kong i-cancel hindi pwede dahil para rin yun sa business ko.Pinuntahan ko na kaagad ang branch ng kompanya nila dito sa New York.“Miss Villareal,” nakangiting salubong sa akin ni Miss Abby pagpasok ko ng lobby. Parang kanina pa naghihintay sa pagdating ko. “Good thing you finally made it today. Ma’am Cassandra has been waiting for you every single day,” Dagdag niya nang makalapit na siya sa akin.“I’m sorry, my schedule was packed last week and this week too so this is the only time I could come. I guess I’m not too late to accept the offer, right?” may kaba talaga sa dibdib ko lalo na malaking opportunity ito para sa akin. Kapag nakipagpartnership ako sa kanila, siguradong imamarket nila worldwide ang business ko. At malaking tulong ito para mas mabigyan ko ng magandang buhay ang anak ko.“Not at all, because you’re really the one Ma’am Ca

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 15

    NEAH’S POVDahan-dahan akong tumayo habang na kay Dave pa rin ang paningin ko. Hindi ko akalain na makalipas ng tatlong taon ay makikita ko ulit siya. Umattend pala siya ng gala.“Neah,” mahina niyang sambit sa pangalan ko. Hindi ko alam kung bakit tunog nasasaktan at pangungulila ang pagsambit niya sa pangalan ko.“Give me my things.” Malamig kong saad dahil hawak-hawak pa niya ang mga pinulot niyang gamit ko nang magkalat ang mga ito sa sahig. Dahan-dahan niyang iniabot yun sa akin at ng magdampi ang mga balat namin ay naramdaman ko ang mahinang kuryente na dumalay sa katawan ko.Napalunok ako. Gusto kong maging professional sa harap niya pero unti-unting bumabalik sa ala-ala ko ang mga nangyari sa nakaraan. Ramdam ko ang pagkirot ng puso ko. I never imagine na makikita ko ulit siya. Ganun pa rin siya sa dati, gwapo, mga matang nangungusap, ang malambing niyang boses.“You’re here.” Aniya na para bang iniisip niyang imposible sa katulad ko ang tumira rito sa New York lalo na at wala

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 14

    NEAH’S POVNakamasid lang ako sa paligid habang pinagmamasdan ang lahat ng dumalo sa gala ngayong taon. Dahan-dahan kong pinapaikot sa kamay ko ang wineglass at uminom nun. Hindi ko akalain na darating ang ganitong punto sa buhay ko. Lahat ng mga nakakasama ko ngayong gabi ay nagmula sa iba’t ibang mayayaman at maimpluwensyang pamilya habang ako ay nagsimula sa wala.Napangisi na lang ako dahil ang 20 million peso na ibinigay sa akin ng ex-mother-in-law ko ang naging puhunan ko para masimulan ang business na gusto ko.“Miss Villareal?” Naagaw ang atensyon ko nang may tumawag sa akin. Nginitian ko naman ang isang babae na sa tingin ko ay nasa mid 40s pero hindi ko siya kilala.“Yes, that’s me. Is there something I can help you with?” nakangiti kong sagot sa kaniya. Lalo namang lumaki ang ngiti sa mga labi niya.“Nice to meet you, Miss Villareal. I’m such a huge fan of your designs, and I’m so happy to finally meet you in person tonight.” Napangiti ako. Sinong mag-aakala na naabot ko la

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 13

    DAVE’S POV“Mr. Montenegro, over here please!” Sunod-sunod na naman ang camera flashes habang naglalakad ako papasok ng grand ballroom ng Valencia Hotel. Isa ito sa pinakamalaking charity galas ngayong taon kaya halos lahat ng kilalang tao sa business industry ay narito.Investors. Celebrities. Politicians. Designers.At gaya ng dati, wala akong ibang pakialam kundi tapusin ang gabing ito.“Congratulations again on the expansion project, Mr. Montenegro,” bati ng isa sa foreign investors habang kinakamayan ako. Bahagya akong ngumiti.“Thank you.” Sanay na ako sa ganitong klaseng events. Fake smiles. Polite conversations. People pretending they care about each other while thinking about money and influence.Three years ago, ito lang ang mundong gusto ko. Pero ngayon, pakiramdam ko kahit gaano pa kalaki ang success ko, may kulang pa rin.“Sir,” mahinang tawag ni Monica habang lumalapit sa akin. “The chairman wants you at the VIP table.” Tumango lang ako bago kinuha ang champagne glass mu

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 12

    NEAH’S POV“Ma’am Neah, the investors from Milan are asking if puwede raw i-move earlier ang presentation.” Hindi ko man lang iniangat agad ang tingin ko mula sa sketchpad habang patuloy sa pagdo-drawing ng final details para sa newest jewelry collection ko.“Move it to three o’clock,” sagot ko habang mabilis na nagsusulat ng notes. “I still have a fitting appointment before noon.”“Yes, ma’am.”Sunod-sunod ang pagpasok at paglabas ng staff sa opisina ko habang halos tambak na ang schedules ko para sa buong linggo.Three years ago, hindi ko inakalang darating ako sa puntong ito. Back then, I was just a woman begging for love from a husband too busy to notice she was already breaking.Pero ngayon hindi ko akalain na matutupad ko rin ang pangarap ko ng walang tulong ng ibang tao. Nagsikap ako para maabot ko ang pangarap ko. Ang babaeng inakala nila na wala ng mararating sa buhay. Ang babaeng kakambal ng malas dahil sa parehong taon ay namatay ang anak at mga magulang.Maging ako,hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status