"Ano ang gusto mo?" tanong ni David sa kanya. "Or you preferred that I order for you?"
"Kung... ano ang gusto mo," sagot niya kasabay ng paghinga nang malalim. Gusto niyang umalma kung hindi lang siya magmumukhang gaga sa harap ng waiter.
David smiled. Alam nitong nanggigigil siya sa inis pero hindi makapalag. He couldn't remember forcing any woman to join him for dinner. And he was amused by the novelty of it.
Tumingala ito sa waiter. "T-bone. Medium rare sa akin, well-done for the lady. French orange juice and scotch, double."
Pagkaalis ng waiter ay inikot ng dalaga ang paningin sa loob ng restaurant upang huwag lang matuon sa lalaki ang paningin niya. Sa kabila ng inis ay may iba pang damdaming sumasalit at hindi niya iyon mabigyan ng pangalan.
"Relax, Lena," banayad na sabi ni David. "Kakain lang tayo at pagkatapos ay ihahatid na kita pauwi sa inyo." Isang buntong-hininga pa uli ang pinakawalan ng dalaga at sinikap na ang sarili sa kabila ng alam niyang nasa kanya nakatuon ang mukha ng lalaki.
Anyway, nandito na rin lang siya ay mabuti pa nga marahil na masiyahan na siya sa kapaligiran at sa kasama niya. It wasn't everyday that a man like David would invite her to dinner.
Naibaba na ng waiter ang pagkain nila nang muling magsalita si David.
"Gusto kong malaman kung sino ang boyfriend mong ito, Lena. Ganoon din ang babaeng involved... "
Nagsalubong ang mga kilay ni Helaena. "Para saan pa?"
Nagkibit ng mga balikat si David. "Call it curiosity. And please, don't make me ask you twice bago ka sumagot. At huwag mo akong sagutin ng tanong din."
Wala na yata siyang gagawin kundi ang magbuntong-hininga.
"Harley... Harley Francisco. At sabi ni Keith ay Nicole ang pangalan ng babae." Nakayuko siya sa pagkain habang sumasagot. Tinutusok ng tinidor ang mashed potato sa tabi ng steak.
Ni hindi kinakitaan ng pagkabigla si David bahagya man. Lalong na-amuse.
"Well, well... My draftsman and my accountant. You were charmed by the handsome face, eh, 'no" May himig ng panunuya ang tinig nito sa huling sinabi na ikinatingin ng dalaga rito.
Para kanino ang panunuyang iyon? Nagagalit ba ito dahil kay Nicole na narinig niyang nagkaroon ng kaugnayan dito?
"Don't resign, Lena. That is admitting defeat. Get even," patuloy ni David na nagpamangha sa dalaga.
"Hindi ko ho kayang gawin iyon, Mr. Samonte..."
"David na lang, huwag lang Mr. Samonte. Thirty lang ako kaya huwag mo akong gamitan ng 'ho.' Isa pa'y late na para diyan. "
"And I am only twenty two." Binigyang diin niya ang edad para i-emphasize ang agwat ng mga taon nilang dalawa. Hindi lang pati sa taon kundi sa katayuan sa buhay.
"Twenty two and still such a child," nakangiting sagot ni David.
Tumalim ang mga mata ni Helaena pero hindi sumagot.
"Bakit hindi mo kayang gawin ang suhestiyon ko?" si David.
"Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin ngayon. Lalo nang hindi ko alam kung paano gawin ang iminumungkahi ninyo." Hindi na naman niya napigil ang sariling magsabi ng totoo. Ano ba ang mayroon ang lalaking ito at tuluy-tuloy siyang nagsasalita tungkol sa kanyang sarili kung hindi siya iniinis?
"Ano ang ibig mong sabihin? "
"Sa kanila ako nakatira sa kasalukuyan. At iyon ang unang gusto kong gawin, ang umalis sa bahay nila. Siguro ay uuwi na lang muna ako sa amin sa Isabela... "
Naningkit ang mga mata ni David sa sinabi niya. "Nakipag-live in ka kay Harley?"
"Tinanong mo na sa akin kanina iyan. Iniba mo lang ang salita," matabang niyang sagot. Kanina tinanong siya nito kung nag-sex ma sila. "At kung sakali ngang magka-live in kami, Mr. Samonte, ano ang masama roon? Hindi ba at uso naman ngayon iyan? "
Nagpakawala ng paghinga si David at tumango. "Tama ka. It is just that you don't look like a permissive woman to me. Oh, well, looks can be very deceiving," sarkastiko at may panghihinayang nitong sinabi.
Sa kabila ng lahat ay napangiti ang dalaga.
"If that was a compliment, thank you." "Do that more often," ani David.
"Ang alin?"
"Ang mag-smile. Pakiramdam ko ba ay biglang nagliwanag ngayon dito." Seryoso ang pagkakasabi ni David pero bumulalas ng tawa si Helaena.
Naiiritang tumingin sa paligid si David bago muling ibinalik sa kanya ang mga mata.
"1 like the sound of your voice and your laughter. Kaya lang ay hindi ko kailanman inaasahan na kapag nagbigay ako ng compliment sa isang babae ay pagtatawanan ako."
Pinigil ng dalaga ang pagtawa. "Nagugulat kasi ako sa mga sudden changes mo ng topic. A minute ago, tungkol sa inquiry mo kung ka-live in ko si Harley. Tapos bigla ay tungkol sa pagngiti ko. I sincerely thank you David," she said softly. Her eyes showed appreciation and pleasure.
"Minsan man sa loob ng mga buwang naging magkasintahan kami ni Harley ay hindi niya sinabing lumiliwanag ang paligid kapag ngumingiti ako. Or something to that effect." She was still smiling. "That was very poetic."
"Gago 'yang iyong ex-boyfriend mo," binigyang-diin nito ang 'ex. '
"Nakatira ako sa boardinghouse ng mga magulang ni Harley. Apat kami roong puro babae sa isang silid," paliwanag niya. Kung inaasahan nitong deretso niyang itatanggi na hindi sila nag-sex ni Harley ay nagkakamali ito. Walang pakialam si David sa personal niyang buhay. At wala itong karapatang tanungin siya nang ganoon.
"At ang isa pang dahilan kaya dinatnan mo ako sa opisina kanina ay dahil nagpapalipas ako ng oras." Humugot siya ng malalim na paghinga. "Ayoko munang umuwi dahil alam kong naghihintay ngayon si Harley sa akin para sa komprontasyon. He tried to talk to me this afternoon."
Tumangu-tango si David. "Uulitin ko ang sinabi ko kanina, Lena. Get even. Patunayan mo kay Harley na hindi lang siya ang lalaki sa mundo, that you can find someone else, twice as much better."
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Paano ko naman magagawa iyon? Isa pa, I just ended my relationship with him at wala akong planong basta na lang pilitin na maging boyfriend ang isa sa mga nanliligaw sa akin sa ngayon."
Ilang sandaling tinitigan ni David ang dalaga bago sabihing "Be my fake girlftiend, Lena."
PUMARADA ang itim na Hummer sa harap ng isang kubo. Mula roon ay lumabas si Zion. Tinanguan nito ang driver. "Hintayin mo ako..." Lumakad ito patungo sa kubo at kumatok. Isang babae ang nagbukas ng pinto. Zion smiled at her. Bumati ng magandang hapon. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa mid-thirties ang lalaking iyon. She was undeniably handsome. lyon ay sa kabila ng lumang kasuotan at buhok na mahigpit na nakatali sa likod. She had dark eyes. Makakapal na pilikmata na nakita niya kay Leo. Umangat ang paningin ng babae sa multimillion vehicle. Tiyak na iyon ang unang pagkakataong may nakitang ganoong sasakyan sa lugar na iyon. Zion didn't want to use the Hummer. It's like showing off unnecessarily. Pero nagpilit ang kanyang Lolo na si Franz Samonte dahil walang ibang sasakyang naroroon kundi ang sasakyan lang ng kanyang daddy. Ang fourwheel drive ng lolo niya naman ay gamit ng kanyang Lola Bea at Lola Leoncia niya na nagtungo sa kabisera. The two grandmas hit it off like house on f
Sl KENT ang nakipag-usap sa mga pulis sa ibaba. Ipinangakong tutungo sa presinto ang lahat sa kinabukasan upang magbigay ng statement. Ang medic ng hotel ay pumanhik upang tingnan ang sugat ni David sa noo.The gun only winged him, na sana'y tatama kay Zion kung hindi sa mabilis niyang pagtakbo sa anak. The distance was too close at tatama si Nicole kahit hindi ito sharpshooter. Ang paglitaw tiyak ni David ang sandaling nagpalito rito. Ayon sa medic ay talagang madugo ang sugat sa ulo. Gayunpaman ay ipinayong magtungo si David sa kalapit na ER.But David wouldn't hear of it. Kahit na nagpipilit ang pamilya nito. Tama na ang ginawang first aid ng medic at ang pagbenda sa ulo nito.Si Grant ay tulalang nakaupo sa isa sa mga naroroong stuffed chair. Hawak nito ang brasong tumama sa gilid ng dingding nang ibalandra ito ni Nicole.Sinakop ng mga bisig ni David si Helaena.Mariing hinagkan sa buhok. "I'm so sorry, baby. I am so sorry. Hindi ko kayang isipin kung nahuli ako ng isang segundo.
HINILA ni Helaena ang silya upang maupo nang marinig niya ang sliding door na bumukas. Baka ang isa sa mga waiter at may nalimutang dalhin. She craned her neck toward the living room. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makilala ang pumasok.Alaina met her yesterday. llang beses niyangsinikap na maalala ito subalit nabigo siya."Hello, Helaena. It's late for breakfast. Kunsabagay ay ganyan naman ang mga mayayaman, 'di ba?"Helaena frowned at the tone of her unwanted visitor's voice. Hindi tiyak naitulak pasara ng mga waiter ang gate nang bumaba ang mga ito sa eleventh floor. The gate would lock automatically.Umangat ang mga kilay ni Nicole, as if reading her thoughts. "Naabutan ko ang mga waiter, Helaena. Ang isa sa kanila ay malapad pang binuksan ang gate para sa akin. At kahit pa nakasara na ang gate, you would open it for me. Wouldn't you?"Hindi mapapasubalian ni Helaena ang sinabi nito. Pero hindi niya isinatinig ang nasa isip.Nicole looked around. Then her eyes went back to He
MAKAHAS nyang amampot ang cell pnone sa Ikaapat na ring nito. "Hello!" she snapped. Ang tiyahin niya ang nasa linya. "Tiyakin mong may maganda kang balita sa akin. Is Helaena dead? I hope hindi ninyo gaanong sinaktan si David.""N-nahuli si Pancho at ang mga tao niya," nanginginig ang tinig at puno ng takot na sabi ni Asunta."Ano!" Pahablot nitong inalis ang kumot na nakatabing sa katawan at bumangon. Kasabay ng matinding tambol sa dibdib niya. " Paanong nangyari?""N-nasa loob ako ng sasakyan sa kabilang bahagi ng kalye. Nakaparada ang van sa isang walang-taong bahay at naghihintay sa kanila. Nakita kong biglang nagliwanag ang buong kabahayan ng mga Samonte. Kinabahan na ako."Hindi lumalabas ng bahay Sina Pancho at dalawang kasama. Kalahating oras ang nakalipas nang may dumating na itim na sasakyan at kinuha mula sa loob Sina Pancho. At hindi ko matiyak kung si Pancho ang pinagtulungang buhatin ng mga lalaki!" Humagulhol na si Asunta.Hindi agad siya makapagsalita sa pinagsamang ka
"SA MARTES ng umaga ang uwi ni David at Helaena sa bahay nila," wika niya sa kausap sa telepono. "Sa hapon ang meeting. Maghanda ka. Pasukin mo ang bahay pagdating ng hatinggabi at patayin si Helaena.Saktan mo si David pero huwag mong papatayin. "Palabasin mong pagnanakaw ang motibo.""Linggo na ng gabi ngayon. Masyado naman yatang apurahan iyan.""May dalawang araw ka, Pancho. Kailangan mong gawin dahil baka wala na tayong pagkakataon. David will leave the country with Helaena!" Nagpupuyos ang dibdib niya sa matinding poot."Sa subdivision pa lang ay mahihirapan na ako. Paano pa kaya ang bahay na natitiyak kong may security guard?""Sa Neopolitan ang bahay ni David. Hindi mahirap pasukin dahil open space at layo-layo ang mga bahay.lyong security guard sa bahay niya ay madali.Patulugin mo. Isingit mo sa ilalim ng gate. Natitiyak kong may tatlong bodyguards si David na parati niyang kasama. Hindi nila aasahan ang pagdating ninyo. You have the element of surprise. Alam mo dapat ang g
MAY PAKIRAMDAM si Helaena na inaasahan ni David na makikilala o maaalala niya ang pangalang binanggit nito. Tulad din ng banggitin nito ang pangalan nghuling tumawag."Should I know this Nicole Bartolome?""Kilala mo siya. She had been my father's kasosyo when we first met. A couple of years older than you."Something flickered in her eyes. Not recognition, but something akin to jealousy. Sa tinig ni David ay parang may kinalaman sa buhay nito ang pangalang binanggit.Tumayo siya. Self-consciously, itinapi sa katawan ang kumot. But not before David took a glimpse of his wife's nudity.Hindi kataasan si Helaena. But she was slim. Not modelslim though. But with curves at the right places. She was forty-three now but she still had the body of a goddess. The ugly scar on her arm and the one that was so prominent on her leg didn't even mar her beauty.Ipaaalala niya sa sariling aalukin niya ang asawa kung gugustuhin nitong ipa-plastic surgery ang malaki at malalim na Pilat sa braso at bin