Share

Chapter 5

IMPOSIBLE!

Naghuhumiyaw iyon sa isip ni Helaena. Kinakabahang nag-angat siya ng mukha upang tumitig sa lalaki. His eyes danced in silent amusement confirming her thoughts.

"H-hindi ikaw si..." Umiling siya. "N-no..." She stammered.

"You can call me David, my friends do. Mr. Samonte lang ako rito sa opisina," walang anumang wika ng lalaki.

"Oh!" Clutching her bag, she closed her eyes at nanlulumong napasandal sa dingding.

How could she be so stupid na ipagkamaling ordinaryong empleyado ang lalaking ito'? No one in her right mind would think so. Nothing in this man was ordinary. But then she was not in her right mind, was she?

Bukod doon ay hindi pa naman talaga niya nakikita si Mr. Samonte. Kung si Harley nga minsan lang naman sila magkita, maliban kung pareho nilang bababain o aakyatin ang isa't isa'y tsansa nang magkita sila sa elevator o sa canteen o hindi kaya ay sa company parking area, ang David pa kayang ito?

"Ano ang ibig sabihin ng 'oh' na iyan?" amused nitong tanong. Ang isang kamay ay nakapasok sa bulsa ng slacks at humilig sa wooden divider. "Walang namang pinagkaiba kung ako man si David, ang boss o kaibigan mo."

"Hindi kita kaibigan!" she hissed. "You tricked me para mag-confide sa iyo. And you are not my boss. Ex-boss, yes!" pagalit niyang sabi. Mabilis na lumakad patungo sa elevator. Puro na Iang laging may prefix na EX ang dalawang ulit niyang sinabi. Ex-boyfriend. Ex-boss.

Nadiinan na niya ang buton ng elevator nang mahawakan siya ni David sa braso.

"Huwag kang umasta na parang bata. Sumama ka sa akin. I'm taking you out to dinner. I'm starving myself," walang anumang sinabi nito sa tonong hindi mababali.

Nanlaki ang mga mata ni Helaena. "Nagbibiro kayo, Mr. Samonte! Hindi ako sasama na mag-dinner sa inyo!"

Hindi sumagot si David. No woman had intrigued him more like this woman. Then, an indulgent smile appeared on his lips as if she were a kid na nagta-tantrums.

Nang bumukas ang elevator ay nakahawak na nang mahigpit sa braso ni Helaena ang lalaki subalit lalo lang iyong humihigpit at inakay siya nito papasok sa lift.

"Kung iniisip mong sasama ako sa iyo, think again!" She stomped her foot.

David gave her a tolerant smile. Lalo lang iyong ikinainis ni Helaena. She would have said something nang bumukas ang lift at sumalubong ang security guard sa ibaba. Inabot ang attaché case ni David kasabay ng curious na tinging ipinukol sa kanya. Inihatid sila nito hanggang sa nakaparadang four-by-four Mercedes-Benz.

Unang binuksan ni David ang passenger door at pinasakay doon ang hindi makareklamong dalaga, Pagkatapos ay umikot sa driver seat at inabot ang attaché case mula sa guwardiya. Ilang sandali pa'y lumalabas na sila sa building premises.

"Ibaba na ninyo ako sa kanto, Mr. Samonte," kalmanteng wika niya at itinaas nang bahagya ang mukha sa pagsisikap na mapanatili ang pride at dignidad. Nakahawak ang isang kamay sa lock ng pintuan.

"Automatic ang mga door locks. Don't act as if you were being abducted. I am only taking you out to dinner," ani David na hindi lumilingon sa kanya. "Halos alas-nueve na. Nagugutom na ako at natitiyak kong ikaw rin."

Magkasamang galit, pagkamangha at weariness na napatitig si Helaena sa lalaki. Hindi si niyaya o inimbitahan man lang. Basta na lang sinabing maghahapunan sila at sa ayaw at sa gusto niya. Tapos doon ang usapan.

Hindi siya sanay sa mga ganitong uri ng Ialaki Hindi niya alam kung paano makibagay sa mga bossy at dominanteng lalaki. Huwag nang idagdag na hindi naman ordinaryong kakilala lamang si David.

"It's off office hours, Sir," binigkas niya ang 'sir' sa sarkastikong paraan. "Wala na kayong karapatang manduhan ako! At lalong wala kayong karapatang pilitin ako sa hindi ko gusto."

"You haven't told me your name." banayad na wika ni David at hindi pinansin ang sinabi niya.

Lalong nainis si Helaena. Hindi siya sumagot. Naghihimagsik ang loob na itinuon ang mga mata sa labas ng sasakyan. Lord, how did she end up with this man's company? she wondered.

"Don't be such a child, stupid," patuloy ni David sa pananahimik niya. Some women went out of their way to please him. This one was doing her best to irritate him.

Oh, well, he wasn't that vain. There were three or four women na sa pagkakatanda niya ay tinanggihan siya. Isa rito ay respetadong may-asawa. Ang isa ay hopelessly in love sa boyfriend nito. At ang dalawa'y alam niyang tumanggi lang dahil nagpapakipot at gustong habulin niya kahit obvious ang flirtation ng mga ito.

"Hindi ako umaaktong parang bata! And don't you stupid me!"

"Hindi mo sinasabi ang pangalan mo sa akin kaya iyan ang itatawag ko sa iyo. I don't really mind—stupid girl..." he taunted.

"It's Helaena! Helaena Francheska Delgado," aniya sa pagitan ng pagtatagis ng mga ngipin.

"Helaena Francheska, hmn. I might call you Cheska. But that is too feminine. But I won't call you Francheska either. Lena is better." Nilingon nito sandali ang dalaga bago ibinalik sa daan ang mga mata. "Lena fits you. From now on, you're Lena. My Lena..."

"I am not your—!"

"Hush, darling." Nakangiting muli siyang nilingon ni David. Wondering why he felt he was enjoying her company.

She gaped at him. Ni hindi makuhang tumanggi sa gustong itawag nito sa kanya. Anyway, who cares kung ano man ang ipangalan nito sa kanya. She won't be seeing him after tonight. Hindi lang niya gustong pakinggan ang paggamit nito ng 'my' na tila pag-aari siya.

At kung wala lang siya sa ganoong sitwasyon ay gusto niyang tumawa paghahalintulad nito sa kanya sa buhangin at dagat. No Davis employee would think that their boss was a bit of a corny.

Makalipas ang ilang sandali ay ipinara na ni David sa harap ng isang steak house ang sasakyan. Bago pa ito nakaikot sa passenger side ay nakalabas na ang dalaga.

He chuckled. "Next time, allow me to show my manners," sabi nito. Hinawakan siya sa siko at inakay papasok sa loob. At nang tangkain niyang pakawalan ang sarili ay humigpit ang paghawak ni David sa braso niya.

"You are impossible!" she snarled at him. "You'll get used to me, Lena," he said grinning.

Kung ano man ang isasagot niya ay napigil nang salubungin sila ng maitre 'd at iginiya patungo sa isang bakanteng mesa. Hindi pa siya napunta sa ganoong uri ng lugar at sa kabila ng inis sa kasama'y she was impressed. Log cabin style ang restaurant at hindi masyadong maliwanag although hindi rin naman madilim.

Lumapit ang waiter na tinawag ng maitre'd. Binigyan sila ng tig-isang menu.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status