LOGIN[Hakuna Miran's Point of View.] Nalilito kaming nagkatinginan ni Yamato ngunit nanatiling nakatingin si Laze sa ibang bagay na para bang hindi niya gustong makinig ngunit wala siyang magawa marinig ang mga usapan nila. "Jusko Alejandro! Hindi ako makapaniwalang pinabayaan mo siya—" "Hindi ko siya pinabayaan, Janine. S-Sinubukan ko ang lahat upang maging ama niya ng walang kulang. But it's not enough because she needs a mom." Naguguluhan ko silang tinitigan, umatras ako ngunit nagulat ako ng masagi ko ang vase dahilan para mabasag ko 'yon at tignan nila ako. "M-Miran anak," nag-aalala na tawag ni mama ngunit umatras ako dahilan para hindi ko sinasadyang makaapak ng bubog ngunit mariin lang akong pumikit ng bumaon 'yon. "A-Ate yung paa mo," lumapit si Yamato at sumunod kaagad si Laze. "This is dangerous, let's get you to the hospital to remove the glass." Napakurap
[Hakuna Miran’s Point of View.] "K-Kinalimutan niyo ako, a-ah hindi tuluyan mo akong ibinaon sa lupa na para bang walang Janella, na para bang sana hindi na lang ako pinanganak!" Napalunok ako na tila may bumabara sa lalamunan ko. "H-Hindi ko na po alam, ayoko na po, ayoko ng mabuhay." Napatitig ako kay Janella ng pahidin niya ang luha sa mata at hirap na huminga. "Tinitignan ko si M-Miran sa isip ko, ah kasama ko siya. Ang saya ko kasi napapanood ko siyang lumaki, nag-aaral, pero ang masakit y-yung tinatawag niya akong mare. N-Not knowing na umaasa ako na sana ang itawag niya sa akin—" "P-Pasensya ka na hija, k-kasalanan ko." Pinilit ni mama na hawakan si Janella ngunit umiwas si Janella. "N-Nagahasa ako, k-kailangan ko ng nanay no'n. Pero bagkus na nanay ang nandoon mga nurse, yaya ko at doctor!" Sigaw niya, "Yung nanay ko? A-Ano kayang ginagawa niya?" Kwestyon ni Janella. "Ano kayang ginagawa ni Janine Romero?" Nang sabihin 'yon ni Janella ay natuod ako sa kinatatayuan ko, n
[Hakuna Miran’s Point of View.]Buong klase ay ni hindi siya nagsasalita. Habang tahimik ako ay nagtaka ako ng tumayo bigla si Crizel matapos may mabasa sa cellphone niya. "S-Sir, e-excuse me po muna. Emergency lang," nang sabihin niya 'yon ay nag-alala ako."Crizel, ano meron?" Aburido siya at pansin ko 'yon, "Si Janella kasi mare, mamaya ko na ieexplain okay?" Sinuot niya ang bag kaya naman kinuha ko ang wallet at cellphone ko tapos ay sumunod sa kaniya."Sasamahan na kita," mabilis na sabi ko.Nang palabas na ay nagtatanong ako, "Ikwento mo kung ano nangyari." Mabilis na sabi ko habang sinasabayan ang lakad takbo na ginagawa niya."Nakita ng daddy niya yung iniwan niyang note sa kwarto niya, medyo off yung note pero ayoko ng umabot sa punto na ganoon na naman ang gagawin niya. Nag-away na naman kasi sila ng daddy niya eh alam mo naman na may pinagdadaanan pa si Janella." Nang marinig ang kwento ay parang pati ako nasaktan para sa kaniya."A-Ano, h-hanapin natin siya. Maghiwalay tay
[Janella's Point of View.] Nang kumalma na ako ay bumalik siya sa dating pwesto niya, huminga siya ng malalim. "I already gave her up, not because I want to but for her to continue studying." Laze explained that made me gasped. "W-What happened?" "She blackmailed me that if I won't choose you, she'll never finish college." Mapait siyang tumingin sa akin, kaya nangunot ang noo ko. "Bakit ka niya pipilitin na piliin ako? Siya nga ang gusto mo." Nagtatakang sabi ko. "Hindi niya raw ako gusto." Sagot ni Laze kaya umawang ang labi ko, Jusko naman Hakuna Miran hindi ko inaasahan na magiging ganito ka katigas sa lalakeng gusto mo para lang sa akin na wala naman dapat. [Hakuna Miran's Point of View.] Tulaka akong naglalakad habang hawak ang mga pinamili ko sa grocery papunta sa harap ng condo building ko hanggang sa may humawak sa mga plastic bag na 'yon at natigilan ako ng makita si Yuno. "Ano?" Kwestyon ko, ngunit ng maalala ang nangyari ng party ay awtomatikong namula ang mukha ko s
Hakuna Miran’s Point of View.Hindi niya na ako sinundan at makalipas ang isang linggo ay hindi ako pumasok sa school, pinanindigan ko ang desisyon ko hanggang sa isang araw ay bumisita si Crizel. "Mag-usap nga tayo, Hakuna Miran." Gigil na sabi niya at tinangay ako sa gilid sa papuntang banyo."Ano?""Ano't hindi ka pumapasok? Gusto mo bang mawala yung scholarship mo? Teh sasabak na tayo sa trimester. Nagagalit na si prof kasi absent ka na ng isang linggo." Sermon niya kaya ngumiwi ako."Para saan pa ba," bulong ko."Miran!" Sita niya sa akin."Pag-aaral 'yon, doon naka-depende yung future mo anong inisiip mo?" Kwestyon ni Crizel."Ayoko na mag-aral." Mahinang sabi ko."Gago naman, anong ayaw? Ang swerte mo kasi napag-bigyan ka mag-aral tapos sasayangin mo? Para kanino? Para sa dalawa? Para kay Janella at Laze?! Hayaan mo na sila, huwag mong gawin na sila yung dahilan para masira yung buhay mo." Galit na sabi niya, natigilan ako ng i-abot niya sa akin ang isang pirasong papel."Gawin
Hakuna Miran’s Point of View. "Mas importante sa akin ang friendship, so I won't consider your feelings. Baka nalito ka lang kasi nandito ako parati para sa'yo, baka nalito ka lang kasi kinukulit kita parati. Hindi ganoon 'yon, mag-isip kang mabuti. Huwag mong sirain yung relasyon na meron kayo ni Janella." Paglilinaw ko sa mga bagay bagay, hindi niya inalis ang tingin sa akin. "There is no relationship between me and Janella, if it has it could be friendship." Sinalubong ko ang tingin niya sa mata ko matapos sabihin 'yon. "Keep on telling those words to be, wala naman akong pakialam. Ayoko rin na masaktan pa si Janella dahil sa akin, kaya tama na kabibigay mo ng sakit sa kaniya. Ayokong umabot na naman sa punto na masiraan siya dahil sa'yo, hindi kita mapapatawad." Mariing sabi ko. "Si Janella na lang—" "Janella, Janella, Janella, what about me Hakuna?" Tila nagsasawa na siyang naririnig ang ngalan na 'yon kaya sinamaan ko siya ng tingin. "What about you?" Sumbat ko. "What abo
Nang matapos ko ang 8 hours ko, nagpaalam na ako sa kanilang lahat. May mga kasabay rin ako, kaya sumakay na lang ako ng bus papauwi sa amin dahil mahirap humanap ng jeep sa lugar na ’to—halos bus at taxi lang ang dumadaan.“Miss, suhestyon ko lang, sa susunod gumamit ka na lang ng e-load card para
Hakuna Miran’s Point of View“Bullet, stop,” sinita niya ang sariling aso dahil dinidilaan nito ang kamay kong may hawak na tray.“This is your order, Sir,” maayos kong sabi at ibinaba sa table niya. Hindi niya ako tinugon at nag-focus sa librong binabasa niya.“Anything you need, Sir?” maayos na t
Kinaumagahan, masaya kaming bumiyahe ni Yamato, dala-dala ang mga requirements na kailangang dalhin. Nang malapit na kami, kinailangan naming maglakad papunta sa malaking unibersidad dahil sa traffic.“Ang laki ng school, Ate!” Napangiti ako at minadali si Yamato na pumasok sa loob.Pinapasok naman
PROLOGUE:Tahimik at mapayapa akong naghuhugas ng mga plato sa kusina namin na hindi ganoon kalaki. Ang sementong pader na walang pintura ay aking tinititigan. Kailangan ko nga talagang mag-aral nang mabuti para mai-angat ang buhay namin nila Mama at ng bunsong kapatid ko.Habang naghuhugas, naling







