Share

Chapter 13

Matapos ang ilang minuto na pangungulit ni Zhyryl ay umalis na rin siya ng makitang bahagyang napipikon na sa kaniya si Jade.

Napapailing na lamang si Jade habang naaalala ang mga pinagsasabi ng kaniyang kaibigan, siya ang nahihiya para rito. Kasalukuyan na siyang naglalakad sa hallway ng palapag ng kompanya na kinaroroonan nila. Inilagay niya muna ang kaniyang gamit sa maliit niyang opisina at pagkatapos ay kaagad siyang nagtungo sa opisina ng kaniyang boss na kaharap din lang naman ng opisina niya.

Tatlong beses siyang kumatok bago pumasok sa loob ng opisina nito. Naglakad naman siya patungo sa table ni Greg kung saan ay kasalukuyan itong nagbabasa ng isang papeles.

"Good morning again, sir... I'm really sorry about early," saad niya at bahagyang iniyuko ang kaniyang ulo.

"It's alright. Don't worry about it," nakangiting turan nito sa kaniya. Gumaan naman ang pakiramdam ni Jade dahil sa sinabi ng kaniyang boss. 

"By the way, sir. What do you mean by what you texted me, early. You said that we have another misunderstanding, what is it?" nagtatakang tanong niya at hinintay ang sagot ng kaniyang boss na natiling tahimik sa ilang sandali.

"Ohh... About that," Greg cleared his throat as he stand up on his chair. He also walk towards Jade. "Didn't you remember anything about what happened last night?"

Kaagad naman na nagtaka si Jade sa tanong ng kaniyang boss. 'Last night? What happened last night?' tanong niya sa kaniyang isipan ngunit wala naman siyang matandaan.

"I'm sorry about what happened to your parents," sinserong saad ni Greg. Naging seryoso naman ang mukha ni Jade matapos niyang marinig ito. Muli rin na bumalik ang nararamdaman niyang pagkainis sa kaniyang boss.

"Anong alam mo?" Bahagyang napalunok si Greg sa paraan ng pagtanong ni Jade sapagkat ang tono nito ay animo'y mayroong gagawin na masama si Jade kapag mali ang kaniyang sagot.

"Actually, I was passing by in that road then I saw a car that was damage and upside down and a ten wheeler truck. I immediately go near to that car then I saw you in the back seat. I know you were a bit conscious that time because your still responding when I'm asking you. But sad to say... When I look to the condition of your parents... They were already out of breath." Kaagad na naiwas ni Jade ang kaniyang tingin at pinipigilan ang sariling mapaiyak habang inaalala ang eksena na 'yon, ikinoyom niya na lamang ang kaniyang kamao.

She let go a deep sigh then face again his boss. "What is the first sentence that you said to me?"

Bahagya naman na napaisip si Greg. "Ohh! Actually, I was a bit panicking that time because I saw a lot of blood. And I asked you, 'Hey, are you dead?' I'm sorry because I think I was rude that time."

Napatango na lamang siya sa sinabi ng kaniyang boss. 'So, I was right! He was there," saad ni Jade sa kaniyang isipan.

"Mayroon ka pa bang nakita na ibang tao bukod sa amin? The driver of the truck?"

"No. Wala na akong nakitang ibang tao doon." Napaisip naman si Jade sa posibilidad na nangyari noon. Maaaring umalis kaagad ang lalaki matapos makita ang paparating na sasakyan ni Greg.

'Who could be that man?! I will found your identity and I will make sure that you will pay for what you did to my poster parents,' saad niya sa kaniyang isipan. Sa pag-uusap nila ni Greg ay nakumpirma ni Jade na wala talagang kinalaman ang kaniyang boss sa nangyari sa kanila. Sa halip ay ito pa ang nagligtas ng kaniyang buhay.

Nang magising kasi siya noon sa ospital ay sinabi ng doktor na mabuti na lamang daw at naidala siya kaagad sa ospital sapagkat marami ng dugo ang nawala sa kaniya. Tinanong niya naman kung sino ang nagdala sa kaniya ngunit hindi raw nagpakilala ang lalaki at sa halip ay nag-iwan na lamang ito ng pera na makakatulong sa kaniya kasabay ng note na 'You must be brave.'

"Thank you, sir Greg," sensirong saad niya. Nagtaka naman siya ng makita ang bahagyang gulat na ekspresyon sa mukha ng kaniyang boss.

"What is it, sir?"

"Ohh, it was nothing. I was just a bit shocked because I think that was the first time that you actually say my name 'cause you always just call me 'sir'. Haha, nevermind it."

Sumilay naman ang munting ngiti sa labi ni Jade dahil sa reaksyon ng kaniyang boss.

"Ang pinag-usapan po ba natin ngayon ang tinutukoy niyo na misunderstanding natin?"

"Yes, because last night when you were drunk you were talking about it. And it seems that your accusing me na isa ako sa kasamahan ng lalaki na pumatay sa parents mo... I'm a bit confused. Isn't it an accident? Bakit sinasabi mo na mayroong gustong pumatay sa parents mo at sa iyo?" Kaagad na naalarma si Jade dahil sa tanong ng kaniyang boss.

'He must not know about it,' turan ni Jade sa kaniyang isipan.

"It was nothing, sir. The doctor said that I experienced trauma kaya siguro may naisip ako na ganoon."

'Why do I feel that she's hiding something? And could it be that it wasn't really an accident? Sa inakto at sinabi ni Ms Wetzel kagabi ay mukhang sinadya ang nangyari sa kanila,' saad naman ni Greg sa kaniyang isipan. Para sa kaniya ay hindi niya masyadong mabasa ang katauhan ni Jade. 

Kaagad naman na mayroong naalala si Jade na sinabi ni Elle kaya nakaramdam siya ng hiya sa kaniyang boss.

"Last night... Elle told me that I vomit to your clothes. I'm really sorry, sir!" paghingi niya ng paumanhin dito. Nang sabihin ito sa kaniya ni Elle bago ito pumasok sa trabaho ay hindi siya makapaniwala at hindi alam ni Jade ang gagawin kung paano haharapin ang kaniyang boss.

"Ohh, forget about that. It was a new experience for me, haha." Mas lalong nahiya si Jade sa tinuran ng kaniyang boss.

"I'm really really sorry, sir. Nahihiya na po ako sa inyo sapagkat mukhang ang dami ko ng atraso sa inyo. Pasensya na po talaga."

"Haha, its alright, Ms Wetzel. Just make sure that you won't drink alcohol again next time."

"Of course, sir!" saad niya at gumaan ulit ang kaniyang loob. Pinapagalitan ni Jade ang kaniyang sarili dahil sa mga iniisip niya na masama noon tungkol sa kaniyang boss. But she was happy too because she realize that her boss is really a kind person and she was lucky to have him as her boss.

She was now looking forward to have a good relationship to Greg as a co-worker.

Makalipas ang ilang minuto na pag-uusap nila ni Greg ay saka pa lamang napansin ni Jade ang sugat sa labi ng kaniyang boss.

"Ahm, sir. I think you should apply some ointment to you lips, medyo malaki kasi po ang sugat niyo sa labi. By the way, sir, what happened to your---" Hindi na naituloy ni Jade ang kaniyang tanong dahil sa isang senaryo na kaagad na nagpakita sa kaniyang isipan.

Natigilan si Jade at hindi makapaniwala. Kaagad din siyang napalayo sa kaniyang boss at natakpan ang kaniyang labi.

"Are you okay, Ms Wetzel?"

Napailing na lamang si Jade sa tanong ni Greg.

'No! I am definitely not okay!' Gusto niyang ipagsigawan ang mga salitang ito ngunit parang natahimik ang kaniyang bibig.

Patuloy siyang lumalayo kay Greg habang umiiling pa rin dahil sa senaryo na paulit-ulit na tumatakbo sa kaniyang isipan.

'No way! This can't be! Did we... Did we really kissed last night?! And I... I bite his lips?!'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status