Share

Chapter 12

'Argh! My head hurts!' turan ni Jade sa kaniyang isipan habang bahagyang hinihimas ang kaniyang noo.

Dahan-dahan niyang minulat ang kaniyang mga mata at tumambad ang isang maskara.

"What the?! Ahh!" sigaw ni Jade at kaagad na tumayo sa kaniyang kama. Ngunit kaagad din siyang natumba at napaupo dahil sa pagkahilo.

"Hahaha, that was hilarious!" tawang-tawa na saad ni Gwen habang inaalis ang maskara na suot. 

"Argh! Ang pilyo mo pa rin, Gwen!" bahagyang naiinis na turan ni Jade samantalang pinagtawanan naman siya ng kaniyang kaibigan.

"Hey! What happened? Bakit ka sumigaw, Jade?" saad ni Elle ng buksan ang pinto sa kwarto na kinaroroonan ni Jade.

Tiningnan naman ng masama ni Jade si Gwen ngunit pinagtawanan lamang ulit siya nito.

"Kamusta ka?" tanong naman ni Zhyryl at inabot sa kaniya ang isang baso. "Tubig 'yan na may honey, makakatulong 'yan para sa hangover mo." Kaagad naman na kinuha ito ni Jade at ininom.

"What happened last night?" tanong ni Jade habang nakatingin naman kay Elle. Ngunit si Gwen ang sumagot sa kaniya. "Elle told us na nalasing ka sa pag-inom lang ng isang baso, haha. You were knock out, last night. You even vomited, eww!" kunwaring nandidiri na saad ni Gwen. Tiningnan naman siya ng masama ni Jade. 

Maliban sa pagiging pasaway ay mahilig din mang-asar si Gwen kahit noong bata pa sila at madalas ay si Jade ang kaniyang napagdidiskitahan. Mahaba ang pasensya ni Jade ngunit hindi niya masyadong nakokontrol ang pagka-inis o pagkagalit sa tuwing masakit ang kaniyang ulo. Kung minsan din ay pinipikon niya si Gwen.

"Hah! As if hindi ka nagsusuka. Didn't you remember when we first meet? Halos paliguan mo ako ng suka mo. Mas nakakadiri 'yong sayo. Gosh! Kinilabutan tuloy ako habang naaalala 'yon."

"Because I drunk almost fifteen glass of different kinds of alcohol while you just drink one glass, haha. There's a big difference between us."

"Hah! You! Argh! Nevermind! Mas lalong sumasakit ang ulo ko sayo!"

"Hahaha!"

"Alright! Stop it now, Gwen." pag-awat ni Zhyryl at lumapit kay Jade.

"Its a good thing na eleven am pa ang pasok natin. Its just quarter to six in the morning. Pahinga ka na muna, Jade. Nakaluto na rin ng almusal si Zhy, do you want to eat?"

"Maybe late, Elle. Gusto ko munang humiga."

"Okay. Come on, Gwen, Zhy. Iwan muna natin si Jade. You can call us if you need anything at kapag masama pa ang pakiramdam mo."

"Okay, thank you."

Pagkatapos maubos ang binigay na inumin ni Zhy ay humiga ulit si Jade. Ilang segundo naman siyang tumingin sa kisame at inaalala ang nangyari kagabi ngunit ang natatandaan niya lamang ay ang pag-inom ng baso na mayroong alak na ang akala niya ay juice ang laman.

Nakarinig siya ng isang pamilyar na tunog. Kaagad niya naman na hinanap ang kaniyang cellphone at tiningnan ito. Binuksan niya ang message at nakita ang text na mula sa kaniyang boss.

'That's weird!' turan niya sa kaniyang sarili sapagkat ito ang unang beses na tinext siya ng kaniyang boss.

From: Sir Greg

     We need to talk, Ms. Wetzel. I think there's another misunderstanding between the two of us. See you at the office.

"What is he talking about?" nagtatakang turan niya. Nag-reply na lamang siya ng 'Alright, sir' at pagkatapos ay natulog ulit.

***

Kasalukuyan na nagbabyahe na sina Zhyryl at Jade patungo sa kompanya. Nauna ng umalis si Elle kaninang nine am sapagkat mayroon siyang kailangan na asikasuhin. Pumasok na rin si Gwen sa kaniyang klase. Balak na mamasyal ni Zhy sapagkat mag-isa lamang siya sa bahay kaya naisipan niya na ihatid na si Jade sa trabaho niya.

"Where here!" saad ni Zhyryl habang nakatingin kay Jade.

"Thank you, ate Ryl," turan naman ni Jade at bumaba na. Kumaway siya sa kaniyang kaibigan at naglakad na patungo sa elevator.

Bahagya naman siyang nagulat ng makita ang kaniyang boss na kabababa rin lang sa kotse nito. Naisip ni Jade na ito marahil ang kotse na nasa likuran lamang ng kotse ni Zhy kanina. Malapit lamang na nakaparada ang kaniyang sasakyan sa elevator kaya kitang-kita niya ang pagbaba nito.

"Good morning, sir Greg," magalang na bati niya.

"Good morning too, Ms Wetzel. Lets talk in the office about what I texted you," nakangiting turan nito.

"Alright, sir," tugon niya sa kaniya. Sa hindi malaman na dahilan ni Jade ay nagkakaramdam siya ng kaunting kaba sa pag-uusapan nila ni Greg.

Makalipas ang ilang segundo ay bumukas na ang elevator. Akmang papasok na silang dalawa ngunit mayroong tumawag kay Jade.

"Wait, Jade!" Parehong napatingin sina Jade at Greg sa tinig na nagmumula sa kanilang likuran.

"You forgot your wallet, Jade."

"Ohh, thank you, ate Ryl!"

Ngumiti naman si Zhyryl at tiningnan ang lalaki na katabi ng kaniyang kaibigan. Natigilan siya habang pinagmamasdan ang mukha ng lalaki. Parang kuminang ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa kaniya.

"Whoa! Your handsome!" puri ni Zhyryl ngunit bahagyang nailang si Jade sa kaniyang sinabi. "What's your name? Are you close to Jade? Do you like her? Are you courting her?" sunod-sunod na tanong niya ulit habang hindi inaalis ang tingin kay Greg.

"Oh my gosh! Stop it, ate Ryl! His my boss," nahihiyang turan ni Jade. Tumingin naman siya sa kaniyang boss na animo'y humihingi ng tawad dahil sa sinabi ng kaibigan.

"What? His your boss? His the CEO of this company? Whoa! His young... By the way, my name is Zhyryl. Jade and Elle are my friends. And if you want to court Jade you should first ask our permission," nakangiting turan ni Zhyryl habang inaabot ang kaniyang kamay kay Greg. Kahit na naiilang ay nakipag-shake hands naman si Greg sa kaniya.

"I'm Agapius Greg Galveria, the CEO of A and A Electronic Arts Incorporation. Its nice to meet you, Zhyryl. But I think you misunderstood it. I'm Ms Wetzel boss and she's my secretary, that is our relationship," nakangiting paliwanag naman ni Greg at tumango naman si Jade sa sinabi nito.

'Agapius Greg Galveria, I think I heard that name before,' turan ni Zhyryl sa kaniyang isipan ngunit hindi niya masyadong matandaan kung kailan at saan niya ito narinig.

"Is that so? Sayang naman. You both look good together. I also like your vibe. You seem like a cheerful person which is good for Jade because she's a bit a serious kind of lady. Mahahalata mo naman, diba? Kaya mas mabilis siyang tatanda kaysa sa akin, hahaha."

Natampal ni Jade ang kaniyang noo at bahagyang namula ang kaniyang mukha sa hiya dahil sa kung ano-anong sinasabi ng kaniyang kaibigan.

"I'm sorry, sir. Madaldal lang po talaga ang kaibigan ko at mahilig din siyang mag-joke. Kakausapin ko lang po siya," saad ni Jade at dali-daling kinaladkad si Zhyryl patungo sa kotse na kanilang sinakyan. Sa kabilang banda ay bahagyang napangiti na lamang si Greg sa reaksyon ni Jade ng hindi niya napapansin. Makalipas ang ilang segundong pagtingin kay Jade ay pumasok na rin siya sa loob ng elevator.

"What was that, ate Ryl? Bakit mo naman sinabi ang ganoon? Nakakahiya!"

"Hahaha, relax Jade. I'm sure that your boss won't be mad about what I said earlier. Pero hindi ba talaga siya nanliligaw sayo?"

"Oh, come on, ate Ryl! His just my boss!"

"Aww! That's sad. I really like her for you. Anyway, does he already have a girfriend? Kung wala pa ay ipu-push ko talaga siya sayo. You both have a great chemistry. There's a spark to both of you. Kinikilig ako sa inyong dalawa!" Napailing na lamang si Jade. Hinihimas niya na rin ang kaniyang ulo sapagkat sumasakit na naman ito dahil sa kung ano-anong pinagsasabi ng kaibigan niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status