Share

Chapter 6

'Damn, it!' Makailang beses na mura ni Elle sa kaniyang isipan. Masyado siyang kinakabahan sa kalagayan ng kaibigan lalo na ng tumigil na ang tawag nito.

Sobrang lakas ng tibok ng kaniyang puso na animo'y lalabas na ito sa kaniyang d****b. Mas lalo na ring pinabilis ang pagmamaneho ng kaniyang sasakyan na mukhang paliliparin na niya sa bilis.

Sa paglipas ng ilang minuto ay nakarating na siya sa underground parking lot ng kompanyang kanilang pinagtatrabahuhan. 

Sa hindi kalayuan ay natatanaw na niya ang isang kulay itim na van na papaalis na. Nasisiguro niyang ito ang van na kumuha sa kaniyang kaibigan sapagkat tandang-tanda niya pa rin ang itsura ng van na matagal ng nakaparada sa underground parking area na ito na animo'y mayroon talagang pinagmamasdan na tao.

Kaagad na hinarang ni Elle ang kaniyang sasakyan sa dadaan ng van, naging dahilan din ito upang tumigil ang van. Matapang siyang bumaba sa kaniyang kotse at matalim na nakatingin sa harapan ng van. Sinusubukan niya ring tingnan ang mga taong nasa loob nito ngunit bigo siya sapagkat wala siyang maaninag na kung ano sa loob ng van.

Sa ilang sandali lamang ay dumating na ang ilang security guard ng kompanya na kaniyang tinawagan kani-kanina lamang. Dahan-dahan na lumapit ang mga ito sa van at pinalibutan ito. 

Maingat na naglalakad ang mga guwardiya upang masiguro rin ang kanilang kaligtasan sa maaaring mangyari sa pagbukas ng kulay itim na van. Dagdag sa kanilang hirap at kaba ang tinted mirror ng van.

Sa paglipas ng ilang sandali ay bumukas na ang isang pintuan ng van, kaagad din na napaatras si Elle at ang ilang guwardiya sa gulat. Isa-isang lumabas ang tatlong lalaki na nakasuot ng kulay itim at may takip pa ang mga mukha. Ngunit nagdulot ng pagtataka sa kanilang isipan ang kaagaran na pagsuko ng mga kidnaper dahil lahat silang tatlo ay nakataas na ang mga kamay sa hangin.

Sa kaliwang banda ay napansin ni Elle na mukhang mayroon pang tao sa loob ng van sapagkat mayroong tinitingnan ang isang guwardiya at pinapababa ito.

Kaagad na lumapit ang guwardiya ngunit natigilan ito ng mabilis na humarang sa pintuan ng van ang tatlong lalaki. Naalarma ang ilang guwardiya at napatututok ng baril sa tatlong lalaki. Ang dalawang lalaki ay mayroong malaking pangangatawan na animo'y lumalaban sa wrestling samantala ang isa naman ay mayroon lamang na tamang laki ang katawan.

Nakatutok pa rin ang baril ng isang guwardiya na nasa kaliwang banda sa tatlong lalaki. Dahan-dahan naman na lumapit sa kaniya ang lalaki na mayroong pinakamalaking pangangatawan at dahil dito ay nagpakawala ng isang putok ang guwardiya. Umalingangaw naman sa underground parking lot ang tunog ng putok ng baril.

Natakot, kinabahan, napasigaw at napatakbo sa may gilid ng kaniyang kotse si Elle. Ngunit kaagad siyang napatanong sa kaniyang isipan kung sino ang isang babae na sumigaw na nagmumula sa loob ng van dahil alam niya sa kaniyang sarili na hindi ito si Jade.

'Posible kaya na mayroon pang kinidnap ang tatlong lalaki na babaeng nagtatrabaho sa kompanya rin na ito?' tanong ni Elle sa kaniyang isipan.

***

"Hmm," unang binigkas na salita ni Jade matapos mabalik ang kaniyang kamalayan sa kaniyang paligid.

Sa kaniyang paghinga ng malalim ay nalanghap na niya na naman ang pamilyar na amoy. Napakunot ang noo ni Jade habang iniisip na maaaring nasa hospital na naman siya. Ngunit ng isipin niya ang dahilan kung bakit siya naroon ay kaagad na rumehistro sa kaniyang isipan ang nangyari ng pauwi na siya.

Kaagad na naimulat ni Jade ang kaniyang mga mata at tiningnan ang paligid. Nagtaka naman siya ng makitang nag-iisa lamang siya sa kwarto at mas lalong siyang nagtaka ng makita ang kabuuang paligid ng hospital.

Maka-ilang beses na napakurap-kurap ng mga mata si Jade upang masiguro lamang na tama ang kaniyang nakikita. Alam niya na naroon siya sa hospital ngunit mistulang isang kwarto ng hotel ang kinaroroonan niya dahil sa lawak, gara at mukhang mamahalin na mga gamit sa loob ng kwarto.

Bahagya rin siyang nagtaka ng makitang hindi na niya suot ang blouse at skirt niya na ginagamit sa opisina at sa halip ay nakasuot siya ng isang terno ng panjama. 

Bumaba si Jade sa malambot na kama at mas pinagmasdan ang kabuuan ng kwarto. Napansin niya rin ang isang refregirator at ng kaniyang buksan ito ay tumambad sa kaniya ang ibat-ibang pagkain at inumin na nasa loob nito. Kaagad niya rin itong sinarhan at uminom na lamang ng hindi malamig na tubig na naroon lamang sa mesa na malapit sa kama na kaniyang hinihigaan kanina.

Nakaramdam naman si Jade ng pagtawag ng kalikasan kaya lumapit siya sa isang pintuan na sa palagay niya ay banyo. Hindi nga nagkamali si Jade ngunit hindi normal na banyo lamang ito na nakikita sa isang ospital sapagkat malawak ito. Mayroon rin na dalawang pintuan, ang isa ay kubeta samantalang ang isa naman ay mayroong shower at naroon malapit sa may pintuan ang isang malaking lababo na mayroong malaking salamin.

Pumasok si Jade sa kubeta at ng matapos ay naghugas na siya ng kaniyang mga kamay at naghilamos na rin. Namangha rin siya sapagkat kompleto rin sa gamit ang banyo. Mayroon din na bagong sipilyo at towel at ginamit na niya ang isa sa mga ito.

Pagkatapos ay umalis na si Jade sa banyo. Sa kaniyang pagbukas ng pintuan sa banyo ay kasabay din na bumukas ang pintuan na malapit lamang sa kaniyang kama.

Kaagad na natanaw ni Jade ang mukha ni Elle at nagdulot ito ng saya sa kaniya. Naglakad siya patungo kay Elle ngunit kaagad siyang napahinto ng bigla siyang yakapin ng babae na kasama ni Elle sa pagpasok sa kwarto.

"I'm sorry! I'm really sorry! I didn't mean to scared you! I'm really sorry!" malakas na saad ng babae na yumakap sa kaniya habang umiiyak. Mahigpit din ang yakap nito sa kaniya na animo'y sasakalin na siya.

Sa kabilang banda ay bakas sa mukha ni Elle ang saya habang pinagmamasdan silang dalawa samantalang samot saring tanong naman ang gumugulo sa utak ni Jade.

"I'm really sorry, Allyn. Please forgive me," umiiyak pa rin na turan ng babae habang mahigpit pa rin ang yakap sa kaniya. Mas lalong nagtaka si Jade sa katauhan ng babae ng marinig niya ang palayaw na ito sa kaniya.

"Hey! Stop it already. I'm sure Allyn is really confuse now." Saway ni Elle sa babae at bahagya na niyang pinalayo ito kay Jade kahit na mukhang ayaw na bumitaw nito sa pagkakayakap kay Jade.

"What is happening?" tanong ni Jade habang nakatingin kay Elle. 

Tinuon niya naman ang kaniyang tingin sa babaeng nagpupunas na ngayon ng kaniyang luha. "And who is she?" Ang tanong na ito sa Jade ay muling nagpaiyak sa babae.

"Waaaahhh! She can't even remember me now! Waaahhh!" Kaagad na kumunot ang noo ni Jade dahil sa malakas na pagsigaw at pag-iyak ng babae. Bahagya rin siyang lumayo sa babae.

"Waaahhh! My Lyn-Lyn," turan ng babae at naging dahilan ito upang matigilan sandali si Jade. Kaagad din na mayroong eksenang rumehistro sa kaniyang isipan. Isang babae na kasamahan at kaibigan niya sa bahay ampunan.

"Ate Ryl?" nagtatakang tanong ni Jade habang pinagmamasdan pa rin ang babae. Dahil sa kaniyang tanong ay natigil na sa pag-iyak ang babae at masaya ng nakatingin sa kaniya. Muli rin na lumapit ito sa kaniya at niyakap ulit siya ng mahigpit.

"Sa wakas! Akala ko talaga nakalimutan mo na ako, Lyn! I'm glad you still remember your ate!" Masayang saad ng babae ngunit sinisiyasat pa rin siya ni Jade.

"Is that really you, ate?" paniniguro ni Jade dahil mukhang malayong-malayo na ang itsura ng babaeng kaniyang kaharap sa babaeng tinutukoy niya noon.

Ang kaniyang ate Ryl ay kaibigan nila rin ni Elle sa bahay ampunan. Kayumanggi ang kulay ng balat nito, medyo chubby, itim na itim at natural na straight ang buhok, iyakin, madaldal at sweet din. Samantalang ang kaniyang kaharap na babae ay maputi at sobrang kinis ng balat at mukha, sexy, matangkad, wavy ash brown ang kulay ng kaniyang buhok, mukhang dalaga pa lamang dahil sa baby face na itsura ng mukha at iyakin. Ngunit kahit na umiiyak ay ang ganda niya pa ring tingnan na animo'y nagsho-shooting siya ng isang drama. And that thought hits Jade, she remember that her ate Ryl planned to adopt by a writer and a director Pilipino married couple. And maybe, her ate Ryl became a part of the industry or one of the artist in the Philippines.

Sa paglipas ng ilang minuto ay nasagot na rin ang mga katanungan ni Jade tungkol sa babae. Nalaman na rin niya ang nangyari sa underground parking lot na pinagtatrabahuhan nila ni Elle dahil ng sandaling makapasok siya sa loob ng kulay itim na van na 'yun ay kaagad din siyang nawalan ng malay dahil sa isang panyo na pinantakip sa kaniyang bibig at ilong na nagdulot ng pagkawalan niya ng malay.

"You know what, Zhyryl? What you did was really wrong," naiinis na turan ni Elle matapos i-kwento nito ang nangyari. 

Si Zhyryl ang tumawag noon kay Jade, kung saan tinatanong nita ang buong pangalan ni Jade. Pag-aari rin ni Jade ang kulay itim na van at tauhan niya ang tatlong lalaki na kaniyang kasama sa pag-kidnap kuno kay Jade. Ang dalawang lalaki ay kaniyang body guard samantalang ang isa naman ay ang kaniyang make up artist.

"Hey! I didn't really meant to hurt her, Rosabelle," depensa naman ni Zhyryl.

"I was just too shocked when I saw in the news about what happened to your poster parents, Jade. Kaya gumawa talaga ako ng paraan para hanapin ka. Actually, tumakas lang ako sa manager ko kasi ayaw akong paalisin sa Pilipinas kaya medyo nag-iingat ako dito sa UK kasi hinahanap na niya ako" nahihiyang kwento niya. "But anyway, I'm really happy na muli kitang nakita and the bunos part is I also meet Rosabelle again," masayang saad ni Ryl kaya napangiti rin sina Elle at Jade.

Zhyryl is four years older to Jade kaya kahit mukhang magka-edad lamang silang dalawa dahil sa baby face si Ryl mas gusto niya pa ring tawagin siyang ate ni Jade kapag sila lamang na magkakaibigan. While Rosabelle is three years older to Jade pero ayos na sa kaniya na 'Elle' lamang ang tawag ni Jade. 

Sa magkaparehong araw ay parehong dumating ang mag-aampon kina Jade at Zhyryl noon ngunit mas unang naayos ang papeles ni Jade kaya sa kanilang magkakaibigan ay huling naampon si Zhyryl.

"By the way, am I really in a hospital?"

"Oh! Of course! The owner of this hospital is my friend in the industy, actually his an hollywood actor. His also the one who give you this room. Magbabayad na rin sana ako kanina but he insisted that it will be just free."

"Whoa! His nice! This is also a nice room and for sure it will cost at least ten thousands just by staying in here for just an hour," napatango naman si Jade bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Elle.

"Its almost eleven pm. Aren't you hungry, Jade?"

"Ohh, right! Actually, my stomach is crowling. I should eat now."

***

Pagkatapos kumain ay naupo ang tatlo sa mahabang sofa. The three of them are cuddling just like the old times and recalling the times when they are together in the orphanage.

"By the way, Ryl. Wala ka bang new project? Like movies or teleserye?"

"Actually, I have one and it will be shoot in other country, I think it would be in California but I declined it."

"What? Why?" Kaagad na tanong nina Elle at Jade at bahagyang bumitaw sa pagkakayakap kay Zhyryl.

"Well, its more important for me to find Jade."

"But you said that your manager is looking for you. Hindi ka ba takot na maaaring masira ang career mo?" nag-aalala namang tanong ni Jade.

"Don't worry too much, guys. My career would be fine besides my parents allowed me to find Jade, my only problem is my manager because she believe that my new project would be a big hit again. But, nah! I also deserve a rest. Kaya bahala na muna siya. Nasa bakasyon ako ngayon, haha," sabay na lamang na napailing at napangiti sina Elle at Jade sa sinabi ng kanilang kaibigan.

Sobrang natutuwa rin si Jade dahil ngayon ay dalawa na ang taong kaniyang makakasama at hinihiling niya na sana sa susunod ay muli silang makompleto.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status