Share

Chapter 10

“Tama, naalala mo din ba noong inagawan mo ako ng tinapay?” Tanong naman nito ulit.

“Ahh haha, oo umiyak ka pa nga non hahaha,” Palingon-lingon ito sa paligid at malikot ang mga mata.

“Talaga? Naalala mo yun? Ako kasi, hindi! Dahil hindi naman tayo nagkita nong mga bata pa tayo!” Malakas na sigaw ni Xinniang.

Agad niyang sinugod si Deroi ng atake, mabilis ding sumunod ang iba.

Inilabas naman agad nito ang sandata atsinangga ang bawat atake nina Artemis.

*Clang, clang!* Sunod-sunod na kalansing ng sandata ang maririnig sa buong disyerto.

Sunod-sunod nilang inatake si Deroi, mabilis din itong umiilag. Maliksi ito at malakas. Bawat atake nito ay may napupuruhan sa kanila. Idagdag pa na pagod na pagod na sila sa kakalakad.

Lumipad papalayo si Blake ng matamaan ng malakas na suntok ni Deroi, nasipa naman ng malakas si Red at nahampas ng hawakan ng espada si Blue. Muntik ng masaksak si Kael buti nalang nasangga ni Artemis ng kanyang espada. Umaatikabong labanan ang nangyari. Hapong-hapo na sina Xinniang, Kael at Artemis. Silang tatlo na lamang ang natitirang nakatayo. Bagsak na ang mga kasamahan.

“Nasaan si Deroi, ibalik mo sya sa amin, ipakita mo ang iyong tunay na anyo!” Malakas na sigaw ni Xinniang. Hinampas nya ang kanyang espada ng malakas dito kaya bahagya itong napaatras.

Galit na galit na si Xinniang. Kakasimula pa lang ng kanilang paglalakbay ngunit madami na agad ang nawala.

“Hahahaha, mga hangal na nilalang. Kung nais pa ninyong makitang humihinga ang inyong mga kasama, o maging ang may-ari ng katawan na ito, ibigay nyo sa akin ang kuwentas na yan!” Turo naman nito sa kuwentas na suot ni Artemis.

“At bakit ko naman ibibigay sayo to? Patayin mo muna ako bago mo makuha to!” Sigaw na balik ni Artemis rito.

“Hahaha wag kang mag-alala, dahil gagawin ko naman talaga ang bagay na yan. Ngunit bago yan...” Nagulat nalang si Artemis ng bigla itong mawala sa pwesto at napunta sa likuran ni Xinniang. Hinawakan nito ng mahigpit ang leeg ni Xinniang at itinaas sa ere

“Ano? Nais mo pa bang mabuhay ang babaeng ito? Bibilang ako ng sampo, hanggat wala pa sa paanan ko ang kuwentas ay mamamatay ang babaeng ito, at wag na wag mong susubukang linlangin ako hangal, dahil hawak ko ang oras sa ilusyong ito, hahahaha, ngayon mamili ka, ang buhay ng babaeng ito? O ang kuwentas na yan?” Malakas ulit itong humalakhak.

Hindi na makahinga si Xinniang. Nagkukulay ube na rin ito dahil sa pagkakasakal sa kanya. Nanlalaki naman ang mga mata ni Artemis. Palipat-lipat ang kanyang tingin sa kuwentas at kay Xinniang.

Maya-maya, “Oo na, ibibigay ko na, bitiwan mo na sya,” Malakas na sigaw ni Artemis.

Nakita nyang dahan-dahang naglalakad si Kael sa likuran ng mangkukulam. Dahan-dahan namang tinanggal ni Artemis ang kuwentas mula sa kanyang leeg, at ipinakita sa mangkukulam.

“Ano? Bibitawan mo ba sya o hindi? Gusto mo ba ang kuwentas na ito o hindi?” Iwinagayway pa nito ang kuwentas sa harap ng mangkukulam. Agad naman itong nasilaw at naakit sa kariktan ng kuwentas. Ngayon lamang sya nakakita ng ganitong klaseng bagay kaya labis syang nasasabik.

Agad nitong itinapon palayo si Xinniang na parang papel. Napaigik pa ito sa sakit at napasinghap ng malakas.

Papalapit na sia kay Artemis para kunin ang kuwentas, sasaksakin na sana sya ni Kael ngunit nagulat na lamang si Kael ng hawak-hawak na sya nito sa leeg.

Mabilis nyang sinakal ng walang pakundangan si Kael. Nanlalaki ang mga mata ni Artemis sa gulat, gayon paman ay mabilis nyang nabunot ang kanyang espada at walang pag-alinlangan na sinaksak ito sa puso ng mangkukulam.

Gulat, yan ang makikita sa mukha ni Bineta, ang isa sa mga kambal. Hindi nya inaasahan na tatablan sya ng sandata ng isang mortal. Nabitiwan niya ang kanyang hawak, dahan-dahang tumingin sa espada na nakatarak sa kanyang puso. Pamilyar ito sa kanya, ngunit nanlalabo na ang kanyang paningin. Malakas itong sumigaw ng nakakabingi at sumabog. Ganon din ang nangyari sa kambal nito. Magkakambal sila at iisa lamang ang kanilang pinagkukunan ng buhay. Kapag nasaksak ang puso ng isa ay agad itong mamamatay, kasamang mamamatay ang sumpang ipinataw sa kanila.

Naging usok na itim na lamang ito sa at nawala ng parang bula. Naiwan na lang ang isang susi. Susi na magbubukas ng lagusan para a pangatlong pagsubok, at yun ay ang kadiliman at kasamaan.

Biglang nawala ang kanilang mga sugat, nagising narin silang lahat, nasa sirang templo nanaman sila. Niyakap ng mahigpit ni Xinniang si Deroi. Nakatatandang kapatid na ang turing nya dito, kaya napakahirap sa kanya ang mawala ito. Ito na ang nagsilbing tagapayo nya sa lahat ng bagay, labis na itong napalapit sa kanya kay hindi nya kakayanin pag ito naman ang mawala.

Hawak naman ni Artemis ang susi ng lagusan.

“Tingin ko ay ito na ang susi ng pangatlong lagusan Artemis, ngunit bago yan, kailangan muna nating magpahinga. Hintayin natin ang kusang paglabas ng pinto, para narin makabawi tayo ng lakas,” Wika naman ni Kael.

Hindi na mahamog ang paligid, bagkos ay sobrang tahimik na nito, wala narin ang napakataas na hagdan na kanilang inakyatan at binabaan. Tanging malawak na kalupaan at walang hanggang kabukiran na lamang ang kanilang nakikita. Nag-iisa lamang ang sirang templo sa lugar na iyon,mas pinili nilang doon na hintayin ang susunod na pinto

Nakatulog sila ng gabing iyon ng mahimbing, kinabukasan, alas tres palang ng madaling araw, biglang nagising si Artemis sa malakas na kalabog, nagsipagbangunan naman agad silang lahat. Sa harapan nila, isang napakatayog na pinto ang ngayon ay nakatayo. Tiningnan naman nila ito ng maigi at sinuri.

“Ito na nga, ito na ang panghuling pinto, ngunit bago tayo pumasok ay nais ko sanang malaman nyo ang kwento sa likod ng pintuang ito,” Mahinahong sambit ni Kael.

Tumango naman silang lahat, ” Ayon kay ama, ang tatlong tarangkahan ay sumisimbolo ng tatlong tagapangalaga. Sila ang nagbabantay ng lagusan papunta sa buhay na walang hanggan. Ang bukal na nasa loob ng kweba ay ang bukal ng buhay. Kaya nitong buhayin at ibalik ang mga namatay. Isang patak lamang ng tubig mula sa bukal ay kusang babalik ang kaluluwa ng taong binuhay. Ngunit bawat buhay ay may kapalit, bawat hiling ay may katumbas na kabayaran. Ang huling pinto na ating papasukin ang ang pinto ng kasamaan. Isang pinto ng walang hanggang kadiliman. Kapag nakaligtas tayo rito, ay maaari na tayong makapasok sa bukal, maaari na nating makausap ang pinakamatandang sorcerer. Sa kanya lang tayo maaaring humingi ng tulong tungkol sa palaisipan na ibinigay ng kuwentas na hawak mo Artemis,”

Paliwanag ni Kael.

Maya-maya lang ay ipinasok na ni Artemis ang susi sa pinto ng bigla nalang...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status