Share

Chapter 11

Maya-maya lang ay ipinasok na ni Artemis ang susi sa pinto ng bigla nalang itong bumukas. Malakas na langitngit ang namayani sa buong paligid, isa-isa na silang pumasok sa pinto. Nilamon sila ng kadiliman, walang hanggang kadiliman.

Nagkahiwalay sila, bawat isa sa kanila ay may sariling dilim sa puso, isa-isa silang susubukin ng tadhana, kung gaano sila katatag at kadeterminado sa kanilang pakay. Ito ang isa sa pinakamahirap na pagsubok na kanilang haharapin. Bukod sa magkahiwalay, ay haharapin pa nilang mag-isa ang takot at dilim na namamayani sa kanilang kalooban.

Nagtaka si Artemis ng pagkapasok nya sa itim na pinto ay nasa palasyo na sya. Nakita nya ang kanyang ama na nakaupo sa trono habang kalong-kalong ang kanyang kapatid na si Dotar. Masayang nagtatawanan ang mga ito, at ang masakit, silang mag-ina ang pinagtatawanan at pinag-uusapan ng mga ito.

“Ama, sino ba ang mas mahal mo? Ako o ang walang kwentang anak ng isang dukhang concubine na si Artemis?” Malakas na tanong ni Dotar habang nakatingin kay Artemis ang mga mata na tila nang-iingit.

“Anak naman, kailangan pa ba talagang tanungin yan? Alam mo namang ikaw lang ang nag-iisa kong prinsipe. Nakikita mo to? Balang-araw ikaw naman ang magsusuot nito, ikaw naman ang uupo sa tronong to at ikaw naman ang yuyukuran at luluhuran ng lahat," Masayang tugon ng ama.

“Talaga ama? Sa akin lang ang tronong ito?” Masaya namang ranong ulit ni Dator.

Nang tumango ang ama, ay biglang tumingin ang batang Dator kay Artemis.

“Nakita mo na? Ako lang ang uupo sa trono, ako lang ang magmamay-ari ng mundo, ako lang ang yuyukuan at luluhuran ng mga walang kwentang nilalang na kagaya mo!” Malakas nitong sigaw. Napatakip ng husto sa tenga si Artemis. Umiling-iling sya.

“Tama na, tama na! Tumahimik ka, hindi ako papayag na masira ang kaharian dahil sa kasakiman mo kaya tumigil ka, hindi ka totoo!” Napaupo na lamang si Artemis sa lapag habang pilit paring tinatakpan ang kanyang mga tenga.

Paulit-ulit nyang naririnig ang mga katagang iyon, para na syang masisiraan ng bait.

“Nakita mo na? Ako lang ang uupo sa trono, ako lang ang magmamay-ari ng mundo, ako lang ang yuyukuan at luluhuran ng mga walang kwentang nilalang na kagaya mo! Hahahaha!" Malakas pa nitong halakhak, nabibingi na si Artemis. Dumudugo narin ang kanyang tenga, ilong at dila dahil kinakagat nya ito ng paulit-ulit.

“Hindi, hindi, hindi!” Nagulat sya ng biglang tumahimik ang paligid. Ang buong akala nya na tapos ang ang pasakit ay dumilat sya ng dahan-dahan.

Ngunit isa pala itong pagkakamali, nakita nya sa kanyang harapan ang kanyang ina, pinaghahampas ng pamalo ng reyna. Dumudugo na ang mga paa nito. Isang karumal-dumal na pangyayaring kailan man ay hindi nya nanaising masaksihan.

Hinila ng reyna ang kanyang ina sa pamamagitan ng paghawak ng mahigpit sa buhok nito, punong-puno na ito ng sugat ngunit nakikita nya padin ang tatag nito. Wala ng luha ang tumutulo sa kanyang mga mata.

“Huh! Hampas-lupa, kung sa tingin mo ay may anak ka pang magliligtas sayo? Pwes, para sabihin ko sayo, matagal ng inuood sa ilalim ng lupa ang iyong anak babae, oo tama! Ang pinakamamahal mong Artemis. Pinapatay lang naman sya ng aking anak nong araw mismo na umalis sya sa kahariang ito. Sa tingin mo ba ay hahayaan naming mabuhay ang bastardong iton?” Malakas na sampal ulit ang natanggap ng kanyang ina.

“Hindi, hindi totoo yan! Babalikan pa ako ng aking anak, babalik sya, babalik sya, nangako syang babalik sya!” Malakas nitong sigaw.

“Hahahaha, kung sakali mang bumalik sya mula sa hukay, ako mismo ang kikitil sa buhay nya at magbabalik sa kanya sa impyerno! Narinig mo?” Isang malakas na sampal at sabunot ang muling natanggap ng kanyang ina.

Halos madurog ang puso ni Artemis sa kanyang nakikita, napaluhod sya at napahiyaw sa labis na galit na nararamdaman. Malakas syang sumigaw na halos ikayanig ng buong kweba.

“Kahit anong mangyari, hinding-hindi ako susuko, magpapatuloy ako dahil ito ang aking nais, ililigtas ko ang aking mga mahal sa buhay, at hindi ako papayag na makulong sa lugar na ito, magbabayad ang lahat ng nanakit sa aking ina!” Bigla nalamang syang humalakhak ng malakas. Pakiramdam nya ay masisiraan na sya ng bait.

'Hindi, hinding-hindi ko mapapatawad ang lahat ng may sala, mas lalo akong magpupursige, mag-iinsayo at magpapakatatag. Alam kong makakapaghintay ka ina, hintayin mo ako'

****

Samantala, tapos ng kalabanin nina Xinniang ang lahat ng mga demonyong sumugod sa kanila. Nagtataka sila kung anong nangyayari kay Artemis. Simula ng pumasok sila sa pinto ay parang naistatwa na ito. kanina pa ito ginigising ni Xinniang ngunit hindi parin ito bumabalik sa normal.

Nakatulala lang ito, nag-iiba din ang expression ng mukha na para bang may nakikita syang bagay na labis na nagpapasakit da damdamin nito. Nagulat pa sila ng bigla nalang itong nanginig at napaluhod. Dumudugo ang tenga, ilong at bibig nito na para bang kinagat ang dila. Lumuluha din ito ng dugo.

“Kael, anong nangyayari kay Artemis?” Hindi na nila alam kung ano ang gagawin.

“Tingin ko ay nasa ilalim sya ng ilusyon, hindi maganda to. Naaapektuhan sya ng husto ng ilusyong ipinapakita sa kanya, kailangan natin syang gisingin, dahil kung hindi, ay hindi na sya makakalabas pa at habang buhay ng makukulong ang kaluluwa sa purgatoryong ito!” Malakas nitong sigaw.

Sa narinig, labis na nangamba si Xinniang. Hindi nya batid kung anong paghihirap ang pinagdadaanan ni Artemis ngayon, ngunit tiyak nyang hindi maganda ang kalagayan nito. Nanganganib ito at nahihirapan.

Wala na syang iba pang maisip, mabilis nyang niyakap si Artemis, ramdam nyang labis itong nasasaktan, nanginginig ang kanyang katawan.

“Artemis, pakiusap, kung naririnig mo ako ay sundan mo ang aking sasabihin. Artemis, nasa ilalim ka ng masamang ilusyon, ano man ang iyong nakikita ay wala itong katotohanan, pakiusap tatagan mo ang iyong loob! Kailangan ka namin, kailangan ka ng kaharian, wag mo kaming iiwan, wag mo kaming pababayaan. Hindi namin alam kung anong gagawin namin, nandito na tayo, ngayon paba tayo susuko? Sundan mo ako Artemis, bumalik ka na,” Mahinang bulong ni Xinniang da tenga ni Artemis.

“Bumalik ka na! Bumalik ka na sa amin, kailangan ka namin, pakiusap bumalik kana!”

“Bumalik ka na! Bumalik ka na sa amin, kailangan ka namin, pakiusap bumalik kana!”

“Bumalik ka na! Bumalik ka na sa amin, kailangan ka namin, pakiusap bumalik kana!”

Yan ang paulit-ulit na naririnig ni Artemis sa kanyang tenga. Hindi nya kilala ang boses ngunit natitiyak nyang pamilyar iyo sa kanya.

Hindi nya alam, bigla nalang syang napunta sa ibang lugar. Pagmulat nya ng kanyang mga mata, nakita nya ang kanyang mga kasamahan na nakapalibot sa kanya. Ang boses pala na kanyang naririnig, ay boses ni Xinniang. Ito ang boses na nagpabalik sa kanya at nagpagising da napakasamang ilusyon na iyon.

Maya-maya ay nagulat sila ng makarinig ng malakas na...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status