Share

Chapter 9

“Sige pa...Lapit, lapit pa! Hahahahaha,” Sunod-sunod na tawa ang kanilang maririnig sa buong paligid.

Nanlaki na lamang ang kanilang mga mata ng makita sina Benjo at si Loid na kanya-kanya ng hakot ng mga ginto.

“Benjo, Loid ano ang inyong ginagawa, nililinlang lamang nila kayo. Tumigil kayo, bumalik kayo dito!” Malakas na sigaw ni Xinniang maging sina Deroi ay nagsisigaw narin. Ngunit tila hindi na sila naririnig ng dalawa. Bakas ang labis na tuwa sa mukha ng mga ito, bahagya pang kinakagat ang mga ginto bago ipasok sa lalagyan.

“Yan ganyan nga, punuin pa ninyo ang inyong mga lalagyan, kunin ninyo kahit gaano pa karaming ginto, hindi na kayo kailan man magugutom, gamit ang ginto ay mabibili na ninyo ang lahat ng inyong naisin,” Nasa harap ng dalawa ang magkapatid.

Sa mga mata nina Benjo at Loid, napakaganda at seksi ng dalawa. Mga babaeng natitiyak nilang madadala sila sa langit. Ngunit sa mata nina Xinniang, ay ang nakakahindik na anyo ng dalawa ang kanilang nakikita.

“Hahaha, pare mayaman na tayo, hindi na natin kailangan pang magpakahirap para lang makakain, hindi na natin kailangan na magtrabaho o sumuong sa mga panganib. At may bonus pa, meron pa tayong mauuwing dalawang magagandang dilag,” Lumapit si Loid sa isang mangkukulam, hinaplos nito ang mukha ng mangkukulam at nagningning ang mga mata dahil sa isip nya, ay napakaswerte nya sa araw na iyon.

Natabunan na ng labis na kasakiman ang kanilang mga puso, nakalimutan nilang may mas mahalaga pa silang dapat gawin. Nawalan na sila ng pakialam sa kanilang layunin, ang mahalaga ay natatamasa na nila ang buhay na kailan man di nila naranasan dahil sa kahirapan ng buhay.

Sa labas naman ng ilusyon, pinaghahampas na nilang lahat ang harang ngunit hindi sila makapasok. Pinagtatagpas na ni nila gamit ang kanilang mga sandata, ngunit kahit anong gawin nila, ay wala na. Huli na para mapigilan pa nila, nakita nalang nilang hinihigop na ng dalawang mangkukulam ang mga kaluluwa ng dalawa. Pagkatapos ay itinapon na parang basahan.

“Hahahah, handa na ba kayo? Kayo na ang susunod,” Walang kahit sino ang nakakalampas sa kasamaan ng dalawang ito.

Biglang nagbago ang paligid, napunta sila sa isang mainit ngunit madilim na disyerto. Tila sinusunog ang kanilang mga kalamnan dahil sa init.

“ Hahahah, kailangan niyong mahanap ang susi sa loob lamang ng isang araw. Bukas, sa ganitong oras ay babalik kami. Dapat lamang na hawak niyo na ito, kung ayaw nyong matusta ng buhay at mamatay gaya ng mga hangal niyong kasamahan,” Malakas na sambit ng magkambal.

“Nasa loob tayo ng ilusyon, paano natin mahahanap ang susi sa lawak ng lugar na ito,” Naihilamos na lamang ni Deroi ang kanyang mukha.

Hindi pa rin siya nakakabawi sa nangyari sa dala nyang kasamahan. Kapatiran na ang turing nila sa grupo, sinisisi nya ang kanyang sarili dahil sa nangyari, hindi man lamang nya napansin ang pag-alis ng mga ito sa bilog.

Maging si Xinniang ay masama din ang loob, tingin nya ay napakawalang kwenta nyang pinuno. Naturingan syang pinuno ngunit wala man lang syang nagawa para iligtas ang mga ito.

Nilapiyan ni Artemis at Kael ang dalawa, “Xinniang, patawad, patawad dahil kung hindi ko kayo dinala dito ay hindi ka sana mawawalan ng mga kasamahan, patawad king hindi ko man lamang sila nailigtas!” Bagsak ang balikat na wika ni Artemis.

Napalingon naman agad sila sa kanya, “Artemis, alam nating lahat na walang may kasal-anan. Hindi mo kami pinilit na sumama sayo, bagkus ay kusang loob kaming sumama, kaya pakiusap, wag mong sisisihin ang iyong sarili. Walang may kasal-anan ng nangyari," Pinahid ni Xinniang ang kanyang mga luha at humarap sa kanila.

“Ang mabuti pa ay magsimula na tayong maghanap, tumatakbo ang oras, wag nating sayangin ang pagkamatay ng dalawa nating kasama,” Mahinahon ngunit may panggigigil na wika ni Xinniang.

Tumango naman agad silang lahat, nagsimula na silang maglakbay, naglakad sila ng naglakad. Kahit saan sila pumunta, ay purong buhangin lamang ang kanilang nakikita. Dagdagan pang nakakapanghina dahil sobrang init ng paligid. Walang araw ngunit napakainit, wala ring tubig at maging ang hangin ay nakakasulasok ang amoy. Ubos na ang baon nilang tubig, hinihingal narin sila at tagaktak na ang pawis, bakas ang pagod at paghihirap sa mga mata ng bawat isa.

Nahihirapan narin makahinga si Xinniang. Pakiramdam nya ay mas gugustuhin pa nyang lumaban ng harapan, keysa sa ikulong sa impiyernong lugar na kanilang kinasasadlakan.

“Huh, ha, ha, ayaw ko na, pagod na pagod na ako. Pakiramdam ko ay paikot-ikot lang tayo, pabalik-balik lang tayo,” Hingal na hingal na angal ni Kael.

Napasalampak na lamang sila sa buhangin. Nakaupo sina Xinniang at Artemis habang pinagmamasdan ang paligid.

Maya-maya, tumayo si Deroi, iihi lang daw. Napakunot ang noo ni Artemis ng may mapansin, sa tinatapakan ni Deroi, wala man lang kahit anong bakas ang naiiwan. Sa bigat nito, ay imposibleng hindi wala itong kahit na anong bakas na maiiwan sa buhangin. Agad na napatayo si Artemis, mabilis na hinablot ang kanyang espada. Sumunod naman agad si Xinniang maging ang iba. Sinubukang itapak ni Artemis ang kanyang mga paa, siniguradong babakas ito sa buhanginan, pinalakad din nya ang lahat ng natitirang kasamahan at may mga bakas itong naiwan.

Doon ay nagkaroon na ng ideya si Artemis. Napatangu-tango na lamang sya sa sarili.

Pagkabalik ni Deroi, nagtaka sya ng makitang kakaiba ang titig sa kanua ng mga kasama, lalo na si Artemis.

“Bakit? A..anong nangyayari dito?” Nakatitig pa rin si Artemis sa buhangin. Doon nya napansing, tila nakalutang lamang si Deroi sa hangin. Simula ng magsimula silang maglakad sa buhanginan, nagsimula na itong dumistansya sa kanila, ang buong akala ng lahat ay nagdadamdam parin ito sa pagkamatay ng mga kasama kaya hindi nakikipaghalubilo.

Lumapit si Xinniang kay Deroi, “Deroi, naalala mo noong mga bata pa tayo? Yung naghahabulan tayo kung sino ang unang makaakyat sa puno?” Tanong naman ni Xinniang.

“Aaah, haha oo, haha, yun ba, ahh oo at palagi kang talo, lagi pa nga kitang inaasar na talunan, haha diba?” Pinagpapawisan na ito ng malamig at hindi makatingin sa mata ni Xinniang

Ngumiti naman si Xinniang at tumango-tango...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status