Share

Chapter 15

Nabulabog ang lahat ng biglang nasagi ni Blake ang isang sanga sa kanyang tagiliran. Duon na napatingala ang mga halimaw.

“Buela buetre el pipido, gulom!”

*Rrrorgggrrrr!*

Agad na pinagtulungang kuyugin ng mga halimaw ang punong kanilang pinagtataguan. Duon na sila mabilis na tumalon pababa, sabay nilang sinugod ang mga halimaw.

Umaatikabong labanan ang naganap, malalakas ang mga halimaw ngunit, dahil nakapagpahinga na sila ng bahagya kaya may lakas na silang sabayan ang mga ito. Tulong-tulong nilang nilabanan ang mga halimaw.

Agad na hinila ni Xinniang si Blake ng muntik na itong masaksak sa kanyang likuran, agad naman na sinangga ni Artemis ang paparating na atake na sana ay tatama kina Xinniang. Pagkatapos ay walang awa nyang pinutol ang ulo nito. Agad naman na tumakbo si Artemis papunya sa kanilang pinuno, inaamon nyang malalakas ang bawat tirang pinapakawalan nito. Dagdag pa na talaga namang mabigat ang sandatang hawak nito at hindi pa sya ganun kagaling humawak ng espada, kaya medyo nahihirapan siyang sabayan ito. Nakita nya naman na parehong abala ang mga kasama.

Mabilis siyang umiwas sa hampas nito kaya ang natamaan ang lupang kanyang tinatapakan kani-kanila lang. Kita niya ang laki ng pinsalang nagawa nito sa lupa, pano pa kaya kung a kanya tumama ang tirang iyon, baka lumubog narin pati ang katawan nya sa lupa. Mabilis syang tumalon paitaas at paikot-ikot sa ere upang lituhin ang ialaban, mabilis naman nitong iwinawasiwas sa ere ang sandata nito. Naghanap sya ng tamang pagkakataon, at ng makakita ay walang alinlangan niyang itinarak sa leeg nito ang kanyang espada. Umilaw pa ang kanyang espada hanggang naging abo nalang ito. Tila nasunog ito sa liwanag na dulot ng espada.

Nagulat silang lahat ng sunod-sunod na naging abo ang mga kalaban matapos pagumbahin ni Artemis ang kanilang pinuno. Nakita nila ang kulay berdeng bato na nakalutang sa hangin. imIsa-isa nilang kinuha ang mha ito. Nalaman nilang mga kaluluwa pala ito ng mya taong kanilang pinapatay, mga taong nagtatangkang pumasok da lugar na ito. Sila ang mga halimaw na tinatawag na soul eater. Nabubuhay sila sa dugo at kaluluwang kanilang nananakaw.

Isinilid nila ang mga berdeng bato sa maliit na lalagyan. Agad naman silang nag-ayos at nagpasyang simulan na ang kanilang paglalakbay, tungo sa pang-apat na daan.

Nagulat si Artemis ng muli nyang tingnan ang ikaapat na daan, nawala na ang asul na marka rito. Doon nila naintindihan na ang marka palang iyon ay sumisimbolo sa mga soul eater monster. Ibig sabihin, dito palang sa pinakadulong bahagi ng daan patungo sa pinakapusod na bahagi ng kanluan, ay nagkalat na ang ibat-ibang klase ng halimaw. Ayun kay lola Belinda, ay bibihira lang ang mga mabubuting halimaw na matatagpuan rito, kaya nararapat lang na lubusin namin ang pag-iingat.

Agad na silang humayo, naglakad sila ng naglakad hanggang sa makarating sa nakasangang daan. Ngayon naman ay problema nanaman ang hatid nito sa kanila. Wala sa mapa ang daang iyon kaya nagtataka sila kung paano nagkaroon ng sangang daan. Napakamot na lamang ng ulo si Artemis dahil doon.

“Ano ba yan, ano ng gagawin natin? Bakit wala dito sa mapa ang daang ito. Kanina ay sigurado akong tama ang daang tinahak natin, ngunit bakit ngayon ay bigla nalang naging ganito?” Nagtatalang tanong naman ni Artemis. Maging sila din ay nagtataka, napalinga-linga nalamang sila da paligid.

Maya-maya, may napansin si Xinniang. Pinakinggan nya ang ihip ng hangin sa paligid habang nakapikit at nakapokus ang kanyang pakiramdam sa paligid. Naririnig nya ang bawat tibok ng puso ng bawat isa, ang bawat hininga at ang mabining bulong ng bawat isa, ngunit ni katiting na ingay mula sa kadiliman ng gabi at ng hangin ay wala syang marinig at maramdaman. Kakaiba ang ihip ng hangin at nakakasakal ang hanging kanilang nalalanghap. Napasinghap sya ng malakas dahil bigla syang hindi nakahinga.

“Xinniang, anong nangyari sayo?” Maagap naman na tanong nina Artemis, si Kael naman ay nakakunot ang noo habang tinititigan ang paligid. Napansin rin nya na parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin na kanyang nilalamghap. Sumisikip ang kanyang dibdib sa hindi nya malaman ang dahilan.

“Hindi ako makahinga, pakiramdam ko nasa loob nanaman tayo ng isang ilusyon, kagaya ng nangyari sa pangalawang tarangkahan, mag-iingat kayo,” Babala naman ni Xinniang ng umayos na ang kanyang paghinga. Doon lang din napansin ng lahat, ngayon ay tila nasa dalawang daan sila, ilusyon ito kung saan ay pinapapili sila kung anong daan ang kanilang pipiliin. Tumingin sila sa kaliwang daan, nakita nilang sobrang hirap at kitid ng daan papasok sa daang iton. Sa unahan ay wala ng ibang matatanaw kundi ang makapal na usok na nakapaligid sa buong lugar, sa kanan naman, doon ay sobrang lawak ng daan, walang masyadong makikitang damo o talahib di gaya ng kabila. Halata ring palaging dinadaanan sapagkat mababakas pa doon ang mga paa na tila ba ngayon-ngayon lamang dinaanan.

Sa totoo lang, ang bawat daan ay may kanya-kanyang pagsubok na haharapin, ngunit depende ito sa kung anong klaseng pagsubok at anong daan ang kanilang pipiliin. Kung pipiliin nila ang maluwang na daan, ay mas mahirap at nakakamatay na pagsubok ang naghihintay sa kanila, habang sa mahirap at masikip na daan ay magaan lamang. Nasa sa kanila kunh nais nila ng mas madali ngunit hindi sigurado o mahirap ngunit siguradong may pagutunguhan.

Ang dalawang daan ay parte ng ikalima at ikaanim na daan na kanilang tatahakin. Kapag pinili nila ang maluwang na daan ay dadaan pa sila sa ikalimang daanan, ngunit kung sa mahirap na daan naman ay dederetso na sila sa ikapitong daan tungo sa kanluan.

Ang pinakapusod ng Kanluan ay matatagpuan sa pinakagitnang bahagi ng mundo, sa ilalim ng walang hanggang pasakit at pighati, doon nakatago ang isang mahalagang bagay, bagay na matagal ng nasa pangangalaga ng kanilang pinunong Azcar. Ang dragon ng kasamaan at kabutihan. Matagal ng panahon mula ng may nagtangkang kunin ang aklat ng dawani mula sa kanya, ngunit ni isa ay walang nagtatagumpay. Sa panglima at pang-anim na daan pa lang ay namamatay na ang mga ito. Pawang kadalasan ay mga sakim na tao lamang naman ang nagtayangkang makuha ang aklat ng dawane, nais ng ilan na mapasakamay nila ito upang mahanap ang nawawalang kaharian, at masakop ito, maangkin ang yaman at maagaw ang lahat...

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status