Share

Chapter 16

“Saan tayo dadaan Artemis?” Tanong naman ni Kael.

Napaisip naman si Artemis, lahat ng mga dinaanan nila ay pawang malalawak na daan, ngunit palaging nauuwi sa panganib. Bakit hindi kaya nila subukang dumaan sa makitid at mahirap na daan, baka dito ay may marating sila.

“Dito tayo, sa kaliwa, subukan naman nating dumaan sa mahirap at makitid na daan, baka sakaling may magandang naghihintay sa atin,” Ngunit sa kanyang sinabi, karamihan ay tumutol.

“Ngunit Artemis, nababaliw ka na ba? Bakit dadaan tayo sa mahirap na daan gayong meron naman madali at sigurado? Gusto mo nabang mamatay?” Pagalit na wika ni Blake. Isa si Blake sa muntikan ng mapugutan ng ulo kani-kanina lamang. Hindi nya matanggap na muntik na syang mawalan ng buhay dahil sa kabaliwang ito.

Susugod sila ng hindi handa at susuong sa lugar ng mga buwetre. Ano nalamang ang mangyayari sa kanila. Kung tutuosin ay para lamang silang mga langaw na pwedeng terisin ng mga halimaw sa lupaing ito. Maswerte sila kung may mabubuhay pa sa kanila at makalabas sa empiyernong ito. Ngayon nya pinagsisihang sumama sya sa lakad ng mga ito. Nawalan sya ng pagkakataong tumutol dahil malaki ang utang na loob nya kay Deroi. Ngunit ngayon ay nais nalamang nyang umuwi. Magtiis sa gutom keysa sa makipagsapalaran ng ealang kasiguraduhan.

“Ano ba ang iyong sinasabi Blake? Ayos ka lamang ba? Bakit ka nagkakaganyan?” Tanong naman agad ni Xinniang. Labis syamg nagtataka kung bakit parang kakaiba ang kinikilos ni Blake simula pa lamang kanina. Balisa ito at hindi mapakali, bahagya pang nangingitim ang mga mata at may mga panaka-nakang ugat na lumalabas sa mga kamay.

“Blake, anong ibig mong sabihin?” Mahinahon namang tanong ni Artemis.

“Nais kong dito tayo dumaan, kaya dito tayo dadan, naiintindihan nyo ba? Mataming halimaw jan, tingnan nyo naman, napakadilim at nakakatakot, diba?” Segunda pa nitong sigaw na ikinagilat ng lahat.

Naailing na lamang si Artemis, alam nyang may hindi magandang nangyayari.

“Oo, tama! Oo makikinig sila sigurado ako,” Pabulong pa nitong sabi na tila ba kinakausap nito ang sarili. Kong titingnan ay para na iyong nababaliw. Habang tila naaakit na nakatingin sa kanang daan.

Lumingon ito ng bahagya sa kanila at ng makitang walang sumusunod ay nagalit nalang itong bigla.

“Ano ba! Tayo na nga ang sasamahan ni Bella para ituro ang daan, hindi pa kayo susunod agad. Hindi nyo ba nakikitang naiinip na sya!” Muling sigaw nito.

Nagtataka naman nilang tiningnan ang itinuturo nito, ngunit nanaas nalang ang kanilang mga balahibo ng makitang walang kahit na ano mang nilalang ang matatagpuan roon maliban nalang ang napakatahimik na kakahuyan.

Lumapit si Xinniang kay Blake at niyugyos nya ito, ngunit tinulak lamang sya nito ng malakas.

“Ano ba ang ginagawa mo huh? Bilisan mo na, sabihin mo na sa kanilang aalis na tayo,” Nasalo naman agad ni Artemis si Xinniang.

“Anong...anong nangyayari sa kanya?” Nagugulumihan namang tanong ni Xinniang.

“Pakiramdam ko ay nasa ilalim sya ng kapangyarihan ng itim na salamangka,” Sagot naman ni Kael. Ngunit hindi pa man, nagulat na lamang sila ng pati sina Blue at Dustine ay parang wala na din sa sarili. Parang may tumataeag sa kanila. Mabilis silang sumunod kay Blake na ngayon ay naglalakad na papuntang kanang daan. Nais pa sana nilang pigilan ang mga ito ngunitnagulat nalamang silang lima ng bigla nalang gumuho ang daang iton at nilamon sila ng puting liwanag. Nanlaki ang kanilang mga mata sa nasaksihan, nawala na parang bula ang daan at ang tanging natita ay ang kaliwang daan.

“Dustine, Blake, Blue!” Malakas na palahaw ni Xinniang. Pinagsusuntok nya ang puno sa kanyang tagiliran.

“Xinniang tama na! Tama na pakiusap. Wala na tayong magagawa kung hindi ang magpatuloy. Isipin mo nalang na naging bayani sila dahil sa kanilang nagawa. Binuwis nila ang kanilang buhay para da bayan, sa kaharian at mamamayan. Kaya tama na,” Niyakap ni Deroi ang nageawalang si Xinniang.

Maging si Artemis ay hindi napigilang ilabas ang kanyang espada at pinagtatagpas ang puno sa harapan niya. Galit na galit sya sa kanyang darili. Wala man lang syang nagawa upang tulungan ang mha ito. Kasalanan nya ang lahat, isa-isa ng nawawala ang kanyang mha kadama at yun ang kanyang ikinababahala.

Maya-maya lang ay kumalma na rin ang dalawa. Maging sina Deroi, Kael, Ash at Red ay bagsak ang mga balikat. Lima na ang nawala, sino naman kaya ang susunod.

Nagpasya silang magpatuloy sa paglalakad, naparaming matatalim na bagay sa daang natitira, kung hindi ka maingat at maagap ay litson ang aabutin mo. Marami na silang mha sugat sa katawan ngunit hindi padin sila humihinto. Pakiramdam nila ay paikot-ikot lamang sila sa lugar na iyon.

Nagulat nalang sila ng sa wakas ay nakalabas sila sa empiyernong iyon. Ang mas lalong ikinagilat nila, ang hindi ang mga halimaw, kondi ang lugar na nakapalibot sa kanila. Isang napakahiwagang syudad ang naghihintay sa kanila. Ibat-ibang klase ng halimaw ang makikita sa buong paligid, maaya ang mga ito na nag-uusap, kumakain, nagtatakbuhan at naglalaro. Ilang minuto din silang nanatiling nakatayo sa kugar kong aan sila iniluea ng daang kanilang napasok. Ng mahimasmaan, ay agad na nilang nilingon ang daan kanina ngunit sa kasamaang palad, naglaho na ito na parang bula.

Nahan-dahan silang naglakad da paligid, sila lamang ang naiiba sa lahat, pinagtitinginan sila ng mga puting malalaking bunny at pinagtsitsismisan pa.

Pakiramdam nila ay napasok sila sa isang aklat. Ang buong akala nila ay uro lamang kadiliman ang matataguan sa kanluan, ngunit ang hindi nila alam ay may dalawang syudad na nakatago sa loob nito. Ang syudad ng mabubuti at masayahing mga halimaw at ang syudad ng mha nakakatakot na halimaw, masasama at ganid.

Ngunit, sadyang bihira lamang sa loob ng isandaang taon na may maligaw na mga taong kagaya nina Artemis sa lugar na ito. Kagaya ng sabi, ang Kanluan ay pinamumunuan ng Dragon ng kasamaan at kabutihan, ibig sabihin ay sya rin mismo ang naghati sa kanyang sarili at ginawang dalawa. Inihiealay nya ang kanyang masamang kaluluwa at mabiting kaluluwa ng sa ganun ay maayos nyang magawa ang kanyang tungkolin. Ngunit, ealang nakakaalam ng bagay na ito maski isang tao, maging sino pa man kahit mula sa kanyang mga nasasakupan...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status