Share

Chapter 17

Kaya, labis na ikinagulat ni haring Azcar, ng ibinalita sa kanya ng kanyang kanang kamay na may mga nakapasok na nilalang sa dalawang kaharian.

“Ano? Sila na ba ang ating hinihintay? Sila na ba ang mga piling tao na sinasabi ng propiseya na tutulong sa itinakdang hari?” Masigasig namang tanong ni haring Azcar.

Mabilis namang tumango ang kanyang kanang kamay, pinanood nila sa bolang kristal ang pagdating ng mga ito, kung gaano namangha ang kanilang mga mukha at kung gaano sila nagulat sa lugar na kanilang nadatnan. Nakita pa nila ang ginawang pagkukurutan ng mga iyo. Napailing na lamang si Haring Azcar sa mga kalokohan ng tao. Isa rin ito sa kanyang namimis na mga sandali. Matagal ng namatay ang babaeng kanyang iniibig, isa itong purong tao kaya hindi rin nagtagal ang buhay nito. Matapos nitong ipinanganak ang kanilang anak ay pumanaw na ito. Samantala, ang kanyang anak naman ay tumangging pamunuan ang kanluan, bagkos ay piniling mamuno sa kaharian ng kanyang kabiyak, sa nawawalang kaharian. Sya lamang ang bukod tanging nakakalabas at nakakapasok sa nawawalang kaharian pagkat hawak nya ang mapa na magtuturo ng eksaktong lokasyon ng kaharian ng kanyang anak.

Ang susi naman ay ibinigay ni Azcar sa kanyang apo, ang nag-iisang anak ni Haring Liro, ang nag-iisa ring anak ni Haring Azcar. Kasama na ang kanyang mahiwagang espada at ang kwentas at pulseras ng proteksyon at karunungan.

Ayon sa propesiya, may darating na mga tao dito, kasama ang itinakda na syang kukuha ng aklat ng dawane. Ngunit hindi ito ganun kadali kagaya ng kanilang inaasahan. Bago nila makuha, ay kailangan muna silang dumaan sa maraming pagsubok, dala narin ng pagsasanay sa mga ito ng palihim bago ipadala sa nawawalang kaharian.

Sa ngayon ay kasalukuyang naglalakad sina Artemis, namamangha sila sa kanilang nakikita sa paligid, mga kakaibang nilalang na nakapalibot sa kanila, hindi nila lubos maisip na may ganito pa palang klaseng lugar na nakatago sa likod ng masamang reputasyon at nakakatakot na pangalan ng lugar.

Masaya ang lahat na naglalakad, para lang din silang mga normal na tao kung kumilos, ang kaibahan lang ay mga halimaw ang kanilang mga anyo.

Nagulat nalang bigla si Xinninag ng may humila sa kanyang damit, pagtingin nila ay isa pala itong malaking kunehong puti na may malalaking tenga. Hawak-hawak nito ang mga kamay ni Xinniang kaya sinundan nila ito. Papunta ito sa tindahan ng mga kakaibang damit, pagpasok nila ay walang sali-salita na hinila ng mga kuneho ang iba pang kalalakihan. Pinaupo sila sa mga upuan. Hinubad ang sira-sira nilang baluti at itinapon kung saan.

Samantala, si Xinniang naman ay katatapos lang magbihis ng ng damit, sa ngayon ay maayos at comportable na itong nakaupo habang inaayos ang kanyang buhok. Pagod na ang kanyang katawan. Ilang araw na rin silang walang tulog at pahinga. Wala pa silang maayos na kain. Pagkatapos silang ayusan ay pinasunod sila ng kunehong kanina ay humila sa kanila.

Hindi sila nagsasalita ngunit gamit ang mga kamay at senyas ay nauunawaan nila ito. Iginiya sila palabas at dinala sa malawak na kainan. Doon ay mga gulay ang inihahain ng mga ito. Ayos na rin iton dahil ilang araw na silang gutom.

Umurder sila ng marami na tinanguan lang naman ng kuneho. Kumain at nagpakabusog sila ng mga sandaling iyon. Batid ni Artemis na may hindi magandang mangyayari, hindi sya mapakali, pakiramdam nya ay may mga matang nakatingin sa bawat galaw nila.Hindi na lamang nya pinandin iyon at itinuon ang atensyon sa pagkain na nasa harapan nya.

Pagkatapos kumain, dinala silang muli sa tindahang kanilang pinasukan kani-kanina lamang. Mula sa tindahang kanilang pinasukan, isang pinto sa sulok ang biglang bumukas, senenyasan silang pumasok kaya sumunod naman agad sila.

Ngunit gayon na lamang ang gulat nila ng ibang lugar na ang napuntahan nila. Tila nakatungtong sila sa bulkan dahil sa sobrang init.

“Artemis!” Sigaw ni Xinniang. Muntik na kasi itong mahulog dahil napaatras itong bigla. Buti nalang at nahawakan ni Xinniang.

“Anong nangyayari?” Malakas na sigaw ni Deroi.

Nasa tuktok sila ng bangin at sobrang lakas ng hangin. Bukod pa roon ay sobrang init din ng tinatapakan nila.

“Parang nakapasok tayo sa impyerno. Anong klaseng lugar ito?” Nagtatakang tanong ni Artemis.

'Sabi ko na nga ba na hindi maganda ang pakiramdam ko tungkol sa mga nangyayayari,' Sambit ni Artemis sa kanyang isipan.

Agad nilang hawak kamay na sinuong ang malakas na hangin. Gamit ang kanilang mga sandata upang pangsuporta ay dahan-dahan silang naglakad, kahit pa nanginginig ang kanilang mga tuhod.

Dahan-dahan silang naglakad, nahihirapan sila dahil hindi nila makita ang paligid, napakadilim, dagdag sa takot ay ang init at hirap sa paghinga.

Hawak-hawak ni Artemis ng mahigpit ang kamay ni Xinniang, nanalig syang isang pagsubok lamang ang lahat. Nangangapa sa dilim at pilit idinidilat ang mga mata.

Mabilis na lumipas ang oras, ay tila nasa ganong lugar parin sila. Ang ilan sa kanila ay pawis na pawis na, uhaw na uhaw at pagod na pagod. Hanggang sa hindi sinasadya ay natapakan ni Deroi ang malambot na lupa, isa iyong butas papunta sa lugar ng mga demonyo.Ito ang unang pagsubok na kanilang haharapin.

Sabay-sabay silang nahulog da napalalim na bangin, malakas na sigawa at tili ang tanging maririnig sa gitna ng kadiliman ng gabi.

*Ughh! * Malakas na napaungol ang bawat isa sa kanila ng bumagsak sila sa buhangin.Mabuti nalang at buhangin ang binagsakan nila, kung hindi ay baka nagkalasog-lasog na ang kanilang mga buto.

Hawak-hawak ni Deroi ang kanyang braso dahil ito ang kanyang nadaganan ng sya ay nahulog.

“Nasaan na naman ba tayo? Tanong naman ni Ash.

“Yan ang tanong na pareho tayong walang sagot,” Sagot naman ni Kael na kasalukuyang nagpapagpag ng sarili dahil sa dumi.

Inilibot nila ang kanilang paningin sa paligid, medyo madilim ang paligid ngunit ayos narin kung ikokompara da lugar na una nilang napuntahan.

“Ayos ka lamang ba Xinniang?” Malamyos na tanong ni Artemis. Tumango naman agad si Xinniang bilang tugon.

“Ikaw ayos ka lang?” Isang tango ang sinagot ni Artemis, pagkatapos ay pinuntahan na nila ng sabay ang mga kasama.

“Ano na ang susunod na gagawin natin Artemis?” Tanong naman ni Kael.

“Kailangan nating maglakbay, hanapin ang lagusan pabalik, wala na akong iba pang maisip,” Nakayukong sambit ni Artemis.

Tumango na lamang silang lahat at nagsimula ng kumilos...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status