Share

Chapter 3

Aвтор: Caramella
last update Последнее обновление: 2021-12-16 18:53:08

Hindi pa ako nakakapasok sa school ay marami na akong nakikitang mga estudyanteng nakasibilyan. Foundation day ngayon at required ang hindi mag-uniform, siyempre kaniya-kaniyang pakulo yan kada booth. May iilang makukulay ang suot at magkakaparehas, marahil ay nasa iisang booth lang sila. Napangiti ako nang nakita ko sa Claris sa di kalayuan, nakangiting kumakaway sa akin. Parang kahapon lang ay badtrip na badtrip siya dahil naghintay kami ng matagal sa groupmates namin tapos ngayon para siyang may dilig, charot. 

Simpleng peach shirt, jeans, and rubber shoes ang suot niya. Samantalang ako ay peach polo shirt at high waist jeans. Sabay kaming pumasok at halos malula kami sa dami ng estudyante. 

"Ayos na ba lahat?" tanong ko. 

Pagkatapos naming magluto kahapon ay kinakailangan pa nilang pumunta rito kahapon dahil nagkaroon ng maliit na problema. Hindi rin ako nakasama dahil hindi niya ako pinasama, family bonding daw namin iyon at kayang-kaya na raw nilang ayusin iyon.

"Ayos na ayos." Nag-thumbs up siya, napatawa kaming dalawa. 

"Mauna ka na, ilalagay ko lang sa locker itong gamit ko," paalam ko.

"Ay wow, hinintay pa kita nang napakatagal tapos pauunahin mo rin pala ako," 

Nang-aasar ko siyang tiningnan. "Alam kong miss na miss mo ako pero mamaya na ang bebe time natin ah." Sinundan ko iyon nang malakas na tawa.

"Gaga!" asik niya at binatukan ako.

Napahawak ako sa parteng binatukan niya. Mapanakit talaga 'tong babaeng 'to, ang liit-liit pero ang bigat ng kamay. 

Pabiro ko siyang sinamaan ng tingin. "Hindi ako pinanganak ng mama ko para maging battered wife!" malakas na sabi ko. 

"Ikaw!" Hahampasin niya sana ko nang tumakbo ako papalayo sa kaniya habang humahalakhak

"Humanda ka sa 'kin mamaya!"

Binelatan ko siya kaya mas lalong sumama ang mukha niya. Tumakbo na uli ako dahil baka maabutan niya ako. Pikon talaga ang babaeng ’yon.

Hindi maalis ang ngiti sa labi ko hanggang sa makarating ako sa locker. What a beautiful start of the day. 

"Oh my God!" Napatalon ako at napahawak sa d****b ko dahil sa gulat nang bumungad sa akin pagkasarado ko ng locker ang hindi kilalang mukha.

Jusko! Akala ko sinusundo na ako ni kamatayan. 

"Sorry miss, nagulat ba kita?" Kamot-ulo niyang tanong, hindi pa siya makarating sa akin nang diretso

"Ay hindi, napatawa mo ako," sarkastikong ani ko.

"Pasensiya na, ayaw kasi kitang istorbohin,"

Hindi ko siya pinansin at nilagpasan siya ngunit hindi pa ako nakakalayo nang higitin niya ang kanang kamay ko hanggang sa naramdaman ko na lang na may malamig na bagay na dumapo sa pulso ko. 

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang posas iyon. What the–

"Pasensiya na uli miss pero huhulihin muna kita dahil nakasuot ka ng polo shirt at relo." Tuluyan na niyang pinosasan ang dalawang kamay ko.

Magsasalita pa sana ako nang hilahin niya ako papunta sa booth nila. Potek na ’yan, ni hindi ko nga alam yung booth nila, kung alam ko lang puwedeng mahuli ang nakasuot ng polo shirt at relo edi sana hindi ito yung sinuot ko. Kailangan pa ako sa booth namin!

"Match booth?" bulong ko nang mabasa ang booth name nila.

"Ano 'to wrestling?" takang tanong ko na nakapagpatawa sa mga nakarinig. 

"No, you'll have a date." sagot niya

Saktong nakita ko ang nakapaskil, dito mo malalaman kung sino ang ipapares sa ’yo. Nakita ko ang suot ko at ang match koo kuno ay may blue handkerchief, round glasses, and longsleeve shirt. 

"Magkano bayad?" Nilingon ko siya. "Magbabayad ako basta huwag mo ako isali rito, need ako sa booth namin." 

Umiling siya tanda na hindi puwede. Agad na umalma ang kaloob-looban ko pero bago pa ako makasagot muli ay pinasok na niya ako sa isang room. 

"Enjoy!" 

"Hoy wait! Sandali lang!" Sigaw ko. Parang wala siyang narinig at naglakad lang nang dire-diretso.

Nawala na siya sa pangingin ko kaya wala akong nagawa kundi ang pumasok sa loob. Nakakainis! Nagawa pa niyang ngumiti nang gano'n, yung halos hindi na makita ang mata niya parang ang saya-saya pa siya na may naiistorbo siya.

Kumunot ang noo ko nang mapansin kong may nakaupo sa dulo. So nauna siya sa 'kin, huh? Nahinto ako sa paglalakad nang mag-angat siya ng tingin at gano'n na lang ang gulat ko nang makilala kung sino 'yon. Bumakas din ang gulat sa mukha niya pero gaya na lang ng laging nangyayari, bumabalik sa walang reaksiyon ang kaniyang mukha. Sumama ang tingin ko at kinuyom ang mga kamao nang maalala ang huli naming pag-uusap.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Fight for me again   Chapter 23

    Kung may pa-contest man na pinaka-kabado sa buong mundo ay baka siguro ako na ang manalo. Kahit sa panaginip ko ay ang darating na anniversary ng grandparents ni Ali ang dumadalaw sa akin. Hindi ako tinantanan. Animo'y napakabilis pa ng araw dahil ito na ang oras para makilala ko ang pamilya ni Ali Pagkagising na pagkagising ko pa lang ay sinisikmura na ako sa kaba. Hindi ko alam kung gutom pa ba ’to o dysmenorrhea na. Hindi kasi ako nakakain dahil sa sobrang pagkabahala. Nag-drive thru kami ni Ali pero hindi ko rin naman ginagalaw. "Come on, don't be nervous. They will like you. Promise." Ali said as he hold my hand while his other hand is on the maneuver. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. Binigyan niya lang ako nang maliit na ngiti ngunit sapat na para kumalma ako, pero may kaba pa rin siyempre."Mukha ka ng basang sisiw hindi na prinsesa," sinundan niya iyon ng hagikgik. Sinamaan ko siya ng tingin at sa huli naman ay kumuha pa rin ng tissue para magpunas. Feeling ko nga pa

  • Fight for me again   Chapter 22

    I almost jump out of shocked when Ali put his hand around my waist. Kanina lang ay sinabi niyang babawi siya and I guess sa ganitong paraan siya babawi. Todo asikaso rin siya sa akin kanina habang kumakain kami, though sanay na ako dahil lagi naman niya 'yon ginagawa pero parang l-um-evel up kasi. Nakatabi lang siya sa akin the whole time. He's being extra clingy, but I like it. "Hindi ka na nahihiya? Natatakot?" tanong ko nang mapansing komportable na siya sa ginagawa. Kahit kanina habang kumakain kami ay lantaran ang panlalambing niya."Babawi ako, remember? I'm trying and I didn't know I'll enjoy this," aniya nang pagkabaling sa akin, bakas ang tuwa sa mga mata niya. He then kissed my forehead. "Enjoy?" hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya.A smirk formed on his lips, "Yeah, I enjoy this, walking beside you comfortably, touching you. And besides, I should be proud, no," paliwanag niya habang hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi. Kumunot ang noo ko sa huli niyang

  • Fight for me again   Chapter 21

    "Stop talking about food, Ali. Pustahan tayo katatapos mo lang kumain 'no?" pagpapahinto at akusa ko sa kaniya. I-kuwento ba naman sa akin 'yong kinain niya ngayong araw. Nagba-blog ba siya at ako lang ang viewer?"What? Pustahan din tayo nagugutom ka na ngayon pero wala kang pagkain. Kawawa ka naman," sinundan niya iyon nang malakas na tawa.Lalong sumama ang mukha ko. Bwisit, akala ko matutuwa ako ngayong kausap ko siya, paano ko nakalimutang bully pala ang isang 'to? "Ah so iniinggit mo lang pala ako? Alam mo bang lalo akong nagutom dahil sa mga pinagsasabi mo? How dare you?! Next time hindi na ako makikipag-call—""Let's meet later, hmm? I missed you," malambing at masuyong sambit niya, wala na ang mapang-asar na tono kanina. Napahinto ako ng ilang segundo at napakapa sa dibdib ko at gano'n na naman kalakas ang tibok nito. Dumapa ako sa kama habang hinahampas-hampas ang mga unan ko."Arghh! Nakakainis ka talaga!" tili ko habang patuloy pa rin sa paghampas. Rinig ko ang halakhak

  • Fight for me again   Chapter 20

    Pupungas-pungas at halos dumikit sa sahig ang nguso ko sa sobrang pagkasimangot. Ginulo ko ang buhok kong wala pang suklay at saka tumingin sa mga kaibigan kong inosenteng nakatingin sa akin, na para bang hindi nila binulabog ang tulog ko. "Bakit ganiyan ka makasimangot? Dapat nga magpasalamat ka dahil kung hindi kami pumunta rito, hindi ka rin maliligo," nakataas ang kilay ngunit pabirong ani Claris. Sunod na nagtawanan ang iba at sumang-ayon sa sinabi niya. Mas lalong humaba ang nguso ko. Kainis! Nakaplano na ang araw ko at wala roon ang bigla nilang pagpunta rito at ayain akong manood ng movie! Feeling ko sobrang drained ako kahit wala naman ako ginawa kundi ang mahiga. Ganito ba ang feeling na ma-reject? Lumapit sa akin si Jared at inakbayan ako. "Don't be sad na, aaliwin ka na nga namin, eh,""Ikaw lang, tanga. Tutal mukha ka namang clown," asik ni Kate. Dwayne let out a chuckle."Clown kasi ako ang nagpapasaya sa 'yo?" ngiting aso ni Jared. Palipat-lipat lang ang tingin ko

  • Fight for me again   Chapter 19

    I shook my head for the ninth time and tried to focus my attention on my laptop, but I still can't. Namamalayan ko na lang ang sarili kong nakatulala then the cycle repeats. I won't be able to focus my attention in this activity I'm doing as long as Jam's image keeps appearing in my head. I still can't forget how she looked at me genuinely.Hindi ko na rin maalala kung kailan ako huling nakatanggap ng gano'ng klase ng tingin. Everything about her is genuine. She never made fun of my appearance like everybody does. Pinagtanggol pa nga niya ako noong ipinahiya ako ni Kenneth sa kanila. Ganito lang ako, not handsome, malabong ipagmalaki dahil mataba ako, at klase ng tao na hindi kayang kontrolin ang emosyon kaya tuloy sunod-sunod ang hindi namin pagkaintindihan ni Jam. Yet, wala na akong maisip pang ibang dahilan kung bakit niya ako nagustuhan. I can still remember the first time we met, the way she smiled at me seemed like she was a kid—innocent. Pero noong kinausap na niya ako, para

  • Fight for me again   Chapter 18

    Simula ata noong makilala ko si Ali ay bilang lang ang araw na presentable akong pumapasok. Hindi naman sa hindi ako nag-aayos, kulang lang talaga ako sa tulog dahil inuuna ko ang pag-iisip ng kung ano-ano kaysa mag-ayos.Gaya na lamang ngayon, bago ang sagutan namin ni Ali no'ng nakaraan ay wala akong ayos. Hanggang ngayon ay wala pa rin kahit ilang araw na ang nakalilipas. I was busy thinking things. Pumapasok nga ako ng eskwelahan pero ang utak ko ay lumilipad, wala akong maintindihan sa tinuturo dahil hindi naman ako nakikinig. Sinubukan ko nang isang beses but I ended up staring at my Prof, naasar pa ako ng mga kaibigan kong pinagnanasahan siya. "Ms. Domingo,"Naramdaman ko ang pagsiko nang katabi ko sa braso ko pero pinagsawalang bahala ko na lamang iyon at tinuloy ang pag-iisip at pagtingin sa labas ng bintana. "Ms. Domingo,"Ewan ko nga kung bakit pumapasok pa ako, e, wala rin naman akong naiintindihan, siguro dahil ay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status