Se connecter"Nanay Andeng, sandali..." tawag ni Martin sa matandang katulong nang makitang may nahulog na papel mula sa mga dala nitong damit.
Nanggaling ang matanda sa maid's quarter dala ang mga marurumi nilang damit para labhan ang mga iyon, nang masalubong niya si Martin. Dala ng katandaan at ng mahina nang pandinig ay hindi tumigil si Andeng, bagkus ay nagdiri-diretso ito papunta sa laundry area. Hindi na ito tinawag pa ni Martin, dinampot na lamang niya ang papel sa sahig. Nang bigla niyang ma-spot-an ang pangalan niya sa labas ay na-curious siya kaya binasa niya iyon. Matapos mabasa ay halos lamukusin na niya ang papel. Nang may dumating na katulong ay inutusan niya ito na tawagin si Rita at pasunurin ito sa kanya sa may patyo.. "Magsabi ka ng totoo, sayo ba ang sulat na ito?" tanong ni Martin pagdating na pagdating ni Rita. Hindi makasagot ang dalaga, hindi niya alam kung aamin ba siya lalo na nang makita ang tila madilim na awra ng kanyang amo. "S-ser Martin, ano po... m-magpapaliwanag po ako." "Sagutin mo ang tanong ko, sayo ba ang sulat na ito? Ikaw ba ang nagsulat nito?" Napayuko na lang si Rita. "O-opo... sa akin nga po yan." Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Martin bago pabagsak na inilapag ang sulat sa mesa. "Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng mga isinulat mo, hm? Akala mo ba ay maa-appreciate ko ang basurang ito?" patuktok niyang itinuro ang papel sa mesa. "Akala ko ay nasabihan ka na ni nanay Andeng tungkol sa mga rules dito, at akala ko ay malinaw na iyon sa'yo. Hindi ko lang talaga alam kung bakit ka tinanggap ng lola ko kahit alam naman niyang bawal kaming tumanggap ng mga katulad mo dito." Nasaktan si Rita sa mga sinabi ni Martin. Hindi n'ya maintindihan kung bakit parang galit na galit ito, gayong hindi naman s'ya nagpahayag na umaasa siya ng kung ano mula dito. Inihayag lang naman n'ya ang kanyang damdamin dahil ayaw n'ya iyon kimkimin sa kanyang loob "S-ser Martin, aaminin ko po na... n-na totoo po ang nakalagay sa sulat, pero... gusto ko rin pong sabihin na, wala naman po akong inaasahan na kahit na ano mula sa inyo–" "Mabuti kung ganun! dahil wala ka talagang aasahan mula sa akin. Mabuti't mukhang malinaw naman pala ang pag-iisip mo. Sige na, umalis ka na at dalhin mo itong basura mo. Magmula ngayon ay huwag ka nang magpapakita sa harapan ko, naintidihan mo?" "O-opo." mabilis na dinampot ni Rita ang sulat sa mesa at dali-dali umalis. "O, anong nangyari sa'yo, umiiyak ka ba?" tanong ni Andeng nang magbalik si Rita sa laundry area. Magkatuwang sila sa paglalaba ng mga damit nila ngayong araw. "H-hindi po, napuwing lang po ako... Nanay Andeng, ako na po ang bahala dito, kaya ko na po ito mag-isa." pagtataboy ni Rita dahil gusto niyang mapag-isa muna, para pakalmahin ang emosyon n'ya. Nang sumunod na araw ay ginawa nga ni Rita ang sinabi ni Martin, hindi siya nagpapakita dito maliban na lang kung walang ibang katulong na mag-aasikaso dito. Nang magtagal ay napansin na rin ni Martin ang pag-iwas iwas nito sa kanya. Bagaman s'ya mismo ang nagsabing huwag itong magpapakita sa kanya ay hindi pa rin n'ya mapigilan ang manibago. Hindi man n'ya maamin ngunit tila hinahanap n'ya ang presensya ni Rita. Kinabukasan ay dumating na ang buong pamilya ni Martin galing sa bakasyon sa ibang bansa. Natigilan si Roda, ang ina ni Martin nang kukunin na ni Rita ang kanyang bagahe. "Teka, bago ka dito?" may pagtataka niyang tanong. "M-magandang araw po ma'am. Ako po si Rita, bago po ako dito." pakilala ni Rita. Hinaguran ni Roda si Rita mula paa hanggang ulo, at tumaas ang kanyang kilay. Bumaling s'ya sa biyenan niyang si Leonora. "Ma, bakit naman kayo tumanggap ng ganito? Bata pa ito, a. Magagawa ba nito nang maayos ang mga trabaho dito sa bahay?" "Galing si Rita sa Ormoc at sanay s'ya sa mga gawain, kaya wala kang dapat ipag-alala." Matapos niyon ay nagkaroon ng pag-iingat si Rita kay Roda dahil ramdam n'ya na ayaw nito sa kanya. ... Dumating ang ika-32 kaarawan ni Martin, dahil ayaw nito ng magarbong selebrasyon ay sa villa na lang ito nagdiwang kasama ang kanyang pamilya, kamag-anak, mga malalapit na kaibigan at ilang executives sa kanilang kumpanya. "Cheers!" "Cheers!" "Happy birthday, Martin!" Bati ng lahat ng bisita. "Maraming salamat, maraming salamat." ani Martin. "Sayang lang at wala dito sa bansa sila Claire, ang tita mando at tita Pilita mo." ani roda. Dahil sa dami ng mga bisita ay si Rita ang madalas na naglalabas ng mga pagkain dahil s'ya ang pinakamabilis kumilos sa mga matatanda nang mga katulong. Nang magsilbi s'ya ng pulutan sa mesa nila Martin ay hindi man lang nito tinapunan ng tingin ang birthday celebrant. Hindi ito pinansin ni Martin ngunit nakakaramdam ito ng hindi maganda dahil dito. Binalewala n'ya iyon at uminom na lang nang uminom. "Uy, dahan-dahan lang insan, baka malasing ka kaagad niyan." sita ng kanyang pinsan. "Bakit insan, may problema ba kayo ni Claire? Lq ba kayo, ha?" segunda ng isa. "Kasi naman, dapat ay tuluyan mo na si Claire. Sige ka, baka maunahan ka ng iba. Ang dami pa namang hot guys sa U.S." kantyaw ng pinsan nilang babae. Hindi sumagot si Martin, ngunit naghinay-hinay na ito ng inom. Pasimple niyang sinulyapan ang nagsisilbing si Rita sa kabilang table. Nang lumalim na ang gabi ay halos lasing na ang lahat. Nang magpaalam na ang mga bisita ay inihatid ito ng bawat miyembro ng pamilya del Prado sa pinto, maliban kay Martin na noo'y animo'y lugmok na sa kalasingan. "Ser, tara na po sa kuwarto n'yo." aya ni Andeng. Inalalayan nya ito sa pagtayo, ngunit hindi pa man sila nakakahakbang ay kamuntikan na silang mabuwal. Dahil hindi n'ya ito kaya ay tinawag na lang n'ya si Rita. "A-ako po?" turo ni Rita sa kanyang sarili. "Oo. Hindi ko na kayang ihatid itong si ser Martin at baka gumulong pa kami sa hagdan, kaya ikaw na lang." Walang nagawa si Rita ngunit walang tigil sa pagkabog ang kanyang dibdib, tila may kung anong naghahabulan doon. Dahil sa bigat ay pabagsak niyang inihiga ang binata sa kama nito. "Sige po, ser, kaya n'yo naman na po ang sarili n'yo. Lalabas na po ako." Ngunit hindi pa man s'ya nakakalayo ay bigla siyang hinila ni Martin. Bumagsak na lang s'ya sa katawan nito at wala nang nagawa pa nang kubabawan s'ya nito "S-ser!" "Sabihin mo nga, bakit mo ko iniiwasan? Hindi ba't ako ang dapat umiiwas sa'yo?" "P-po?" "Sabihin mo nga sa kin, pinagmamalakihan mo ba ako, ha?" "Ser... s-ser, hindi ko po alam ang sinasabi n'yo... saka, kayo naman ang nagsabi na huwag na akong magpapakita sa inyo, diba?" Natigilan si Martin. "Sinabi ko ba yun?... puwes, hangga't hindi ko sinasabi, hindi mo ako puwedeng iwasan, malinaw ba?" Matapos niyon ay nagkatitigan ang dalawa. Hindi inaasahan ni Rita ang sumunod na nangyari, dahil bigla na lamang s'yang hinalikan ni Martin. Nang maglapat ang kanilang mga labi ay tila nawala s'ya sa kanyang sarili. Nalalaman niyang mali ito, ngunit tila naging marupok ang kanyang puso sa mga sandaling iyon. Nang gabing iyon ay lumagpas ang dalawa sa kanilang hangganan, tuluyan silang lumimot sa kanilang mga sarili at ninamnam ang init sa piling ng bawat isa.Tulala nang makabalik sa gawain n'ya si Rita. Pakiramdam n'ya ay parang panaginip lang ang nangyari kanina.Agad siyang nilapitan at tinanong ng dalawang katulong. "Oy Rita, bakit ka ipinatawag ni ser Martin, napagalitan ka ba?" "Bakit kaya, ano? Hindi naman basta-basta nagagalit 'yong si ser Martin e, ano ba kasi ang ginawa mo?" tanong ng isa.Hindi sumagot si Rita, nakatulala lamang ito habang nagpapaulit-ulit sa isipan n'ya ang mga sinabi ng amo niyang lalaki sa kanya kanina:Nang makitang walang naging reaksyon si Rita ay inisip ni Martin na baka hindi s'ya naintidihan nito, kaya ipinaliwanag n'ya. "Kahit hindi pa natin alam kung magbubunga ba o hindi ang nangyari sa atin, dapat ay maging handa pa rin tayo sa pag-ako ng responsibilidad, kaya ngayon pa lang ay dapat na nating kilalanin ang isa't-isa. Huwag kang mag-alala, hindi naman natin kailangan na palaging magkita, pero dapat ay makapag-spend pa rin tayo ng oras sa isa't-isa kahit paminsan-minsan lang para makapag-adjust tay
"Ay!" naibulalas ni Andeng nang bigla niyang masalubong si Rita at nang halos magkabanggaan silang dalawa. May dala pa naman siyang plato ng pagkain. "Oy Rita, saan ka galing? Bakit wala ka sa kuwarto natin, saan ka natulog kagabi?" "Um... n-nakatulog po kasi ako sa paglilinis kagabi. Napagod po ako, kaya... k-kaya nagpahinga po muna ako, kaya lang nakatulog po pala ako." matapos makapangatwiran ay dali-daling umalis si Rita. Pagpasok sa maid's quarter ay agad siyang kumuha ng damit at naligo. Kailangan umasta s'ya na parang walang nangyari, kahit medyo masakit ang kaselanan n'ya. Ngunit hindi maalis-alis sa isipan n'ya ang nangyari kagabi, sariwa pa 'yun sa kanya."Ay, ano ba yan? Tonta!" singhal ni Roda nang matapunan s'ya ng malamig na juice ni Rita. Habang nagtratrabaho kasi ay lumilipad ang isip nito. Nagpaumanhin agad si Rita. Sa mga del Prado ay dito s'ya kay Roda pinakatakot dahil nalalaman niyang ayaw nito sa kanya, kaya hangga't maaari ay nag-iingat s'ya na makagawa ng pa
"Nanay Andeng, sandali..." tawag ni Martin sa matandang katulong nang makitang may nahulog na papel mula sa mga dala nitong damit.Nanggaling ang matanda sa maid's quarter dala ang mga marurumi nilang damit para labhan ang mga iyon, nang masalubong niya si Martin.Dala ng katandaan at ng mahina nang pandinig ay hindi tumigil si Andeng, bagkus ay nagdiri-diretso ito papunta sa laundry area.Hindi na ito tinawag pa ni Martin, dinampot na lamang niya ang papel sa sahig. Nang bigla niyang ma-spot-an ang pangalan niya sa labas ay na-curious siya kaya binasa niya iyon.Matapos mabasa ay halos lamukusin na niya ang papel.Nang may dumating na katulong ay inutusan niya ito na tawagin si Rita at pasunurin ito sa kanya sa may patyo.."Magsabi ka ng totoo, sayo ba ang sulat na ito?" tanong ni Martin pagdating na pagdating ni Rita.Hindi makasagot ang dalaga, hindi niya alam kung aamin ba siya lalo na nang makita ang tila madilim na awra ng kanyang amo. "S-ser Martin, ano po... m-magpapaliwanag p
Habang nasa biyahe ay tumutulo ang mga luha ni Rita. Kanina, habang pumupuslit s'ya sa likod-bahay nila Lorna para tumakas, ay naririnig n'ya ang pagtatalo nito at ng kanyang ina. Nalalaman n'yang galit na galit ito sa pagtakas n'ya, dinig na dinig din n'ya ang masasakit na sinabi nito."Kung alam ko lang na lalaki siyang ingrata, sana ay nilunod ko na lang s'ya pagkapanganak ko sa kanya! Wala siyang utang na loob!"Napahagulgol si Rita, ngunit inimpit n'ya ang kanyang pag-iyak dahil karamihan sa mga pasahero ng bus na sinasakyan n'ya ay mga natutulog. 'Nay, patawarin nyo sana ako, pero.... hindi ko talaga kaya gawin ang mga ipinapagawa n'yo sa akin.' Matapos niyang mailabas ang bigat ng kanyang kalooban ay guminhawa na rin ang pakiramdam niya at nakatulog. Pagbaba ng bus ay sumakay pa ng jeep at tricycle si Rita. Ibinaba s'ya ng tricycle driver sa tapat ng isang subdivision. "Magandang araw, ho." bati n'ya sa guwardya. "Papunta po ako sa mga del Prado, pinapunta po ako ni Andeng."
"Kakanin! Kakanin kayo diyan!" sigaw ni Rita. Naroon siya sa labas ng isang eskuwelahan, dala ang paninda niyang mga kakanin na nakalagay sa isang basket."Ate, may suman?" tanong ng isang babaeng estudyante. "Meron, ilan?" "Isa lang." Siya si Margarita Luna, o mas kilala bilang Rita. 22 anyos, panganay sa kanilang pitong magkakapatid at naninirahan sa Ormoc. Tumigil siya sa pag-aaral para tulungan ang kanyang ina na kumita ng pera, at dahil lahat ng anim niyang mga kapatid na iba-iba ang ama ay pawang mga nag-aaral na. "Nariyan ka na pala, Nay. Maganda po ang naging benta ko kaya namalengke ako para masarap-sarap naman ang hapunan natin. Tatawagin ko lang po ang mga kapatid ko," ani Rita. "Mamaya mo na sila tawagin. Makinig ka muna, may importante akong sasabihin sa iyo," saway ni Lydia. "Mag-ayos ka at magpaganda mamayang gabi; sasama ka sa akin doon sa bar." Nag-iba ang disposisyon ni Rita, naunawaan agad niya kung ano na naman ang pinaplano ng kanyang ina. "Iyan po ba ang i




![Captured By Ninong Hades [SPG]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


