Se connecter"Ay!" naibulalas ni Andeng nang bigla niyang masalubong si Rita at nang halos magkabanggaan silang dalawa. May dala pa naman siyang plato ng pagkain. "Oy Rita, saan ka galing? Bakit wala ka sa kuwarto natin, saan ka natulog kagabi?"
"Um... n-nakatulog po kasi ako sa paglilinis kagabi. Napagod po ako, kaya... k-kaya nagpahinga po muna ako, kaya lang nakatulog po pala ako." matapos makapangatwiran ay dali-daling umalis si Rita. Pagpasok sa maid's quarter ay agad siyang kumuha ng damit at naligo. Kailangan umasta s'ya na parang walang nangyari, kahit medyo masakit ang kaselanan n'ya. Ngunit hindi maalis-alis sa isipan n'ya ang nangyari kagabi, sariwa pa 'yun sa kanya. "Ay, ano ba yan? Tonta!" singhal ni Roda nang matapunan s'ya ng malamig na juice ni Rita. Habang nagtratrabaho kasi ay lumilipad ang isip nito. Nagpaumanhin agad si Rita. Sa mga del Prado ay dito s'ya kay Roda pinakatakot dahil nalalaman niyang ayaw nito sa kanya, kaya hangga't maaari ay nag-iingat s'ya na makagawa ng pagkakamali dito. Lumapit si Andeng at humingi din ng paumanhin pagkatapos ay hinila n'ya si Rita at inilayo. "Ano bang nangyayari sayo? Bakit parang wala ka sa sarili mo? Ayos ka lang ba, ha, Rita?" Dahil hindi masabi ni Rita ang dahilan ay nangatwiran na lang s'ya na masama ang kaniyang pakiramdam. Nang magising si Martin ay kaagad nitong ininda ang masakit niyang ulo. Wala siyang naalala sa nangyari kagabi, subalit nang tatayo na s'ya ay nagulat s'ya nang mamalayang, hubo't-hubad pala s'ya sa ilalim ng kumot. Kumunot ang noo n'ya, kung totoo man ang kanyang hinala, kailangan niyang hanapin kung sino man ang babaeng nakaniigan n'ya kagabi. Matapos maligo ay bumaba na si Martin para kumain ng almusal. Habang kumakain ay lumilipad ang kanyang isip, ni hindi n'ya halos nagagalaw ang pagkain n'ya. Maya-maya ay nagpalinga-linga s'ya sa paligid na wari'y may hinahanap. Nang hindi n'ya mahanap kahit ang anino nito ay buntong-hininga s'ya, nasapo n'ya ang kanyang noo. 'Hays, Martin, ano ba ang ginagawa mo?' Nagpatuloy si Rita sa pag-iwas kay Martin, dahil na rin sa nangyari sa kanila. Ngunit nagpapasalamat s'ya nang makitang, tila wala pala itong naalala. Samantala, abala naman si Martin sa paghahanap sa babaeng nakaniigan n'ya. Hindi n'ya alam kung ano ang nangyari at bakit hindi n'ya maalala kung sino iyon. Nagtanong-tanong siya sa mga katulong, maging sa kanyang pamilya kung merong nakita ang mga ito na lumapit sa kanya na babae kagabi, ngunit walang maisagot ang mga ito. Dahil walang makuhang sagot ay tiningnan ni Martin kung may video footage s'yang makukuha sa loob ng kanilang bahay, sa kasamaang-palad ay wala siyang nakuha dahil tanging sa labas lang ng pinto at gate merong cctv camera. Nung araw ding iyon ay nagpa-install siya ng cctv cameras sa loob ng bahay nila. "Ser, ayos ka lang?" nag-aalangang tanong ni Andeng nang makita ang nagmumukmok na si Martin sa may patyo, habang nalalamutak pa nito ang sariling mukha, dahil wala pa rin itong balita sa kanyang hinahanap. "Nanay Andeng, puwede niyo po bang isiping mabuti kung meron nga ba akong nakasamang babae nung gabi ng party ko?" ani Martin habang nakasapo sa kanyang noo. Muling nag-isip ang matanda, ngunit kahit pigain na n'ya ang kanyang utak ay wala talaga siyang maalala. "E... pasensya na, ser, wala talaga akong maalala o natatandaan e. Siguro nga ay nagiging makakalimutin na ako." Bumuntung-hininga si Martin, tila suko na ito, hanggang sa muling magsalita si Andeng, "Nung gabing yun, ako at si Rita lang naman ang lumapit sayo. Bukod sa aming dalawa, wala na akong maalala kung may lumapit pa sa'yong iba." Biglang nag-angat ng ulo si Martin. "Si Rita?" kumunot ang kanyang noo. "Paki paliwanag n'yo nga po sa akin kung ano ang nangyari?" Sinabi ni Andeng kung paanong, ipinasa n'ya kay Rita ang paghahatid sa kanya sa kanyang kuwarto dahil hindi n'ya ito kaya. "Bumaba din ba s'ya kaagad pagkahatid n'ya sa akin sa kwarto ko?" Nag-isip muli ang matanda. "Hindi ko maalala ser, e. Kasi, nang ihatid ka ni Rita ay dumiretso na ako sa kusina. Nagtagal ako doon dahil sa dami ng ligpitin at hugasin, pero ang alam ko ay may mga nagliligpit din sa labas, kaya baka dumiretso siya doon." Hindi na nagtanong pa si Martin dahil isinuko na n'ya kaagad ang kanyang hinala, ngunit may inihabol si Andeng, "Kaya lang, ser, nagtataka ako, kasi, hindi s'ya sa kuwarto namin natulog nung gabing yun." "Ano?" biglang nagkaroon ng pagdududa si Martin. "Hindi s'ya natulog sa kwarto namin. Ang sabi n'ya ay naglinis daw s'ya at sa pagod n'ya, nagpahinga daw s'ya at nakatulog." Nagkaroon ng reyalisasyon si Martin, tila nagkaroon na rin sa wakas ng kasagutan ang kanyang paghahanap. 'Heh...' sarkastiko siyang ngumisi sa kanyang sarili. 'Nakatulog dahil sa pagod sa paglilinis?' Nung araw ding iyon ay ipinatawag niya ang dalaga. Maya-maya ay dumating ang may pag-aalangang si Rita. "S-ser Martin, ipinatawag n'yo raw po ako?" kinakabahang tanong n'ya nang tingnan s'ya nang may kahulugan ng among lalaki. "Totoo ba na ikaw ang naghatid sa akin sa kwarto ko?" walang patumpik-tumpik na tanong ni Martin. Nanlamig at namutla si Rita, ito na nga ba ang ikinatatakot n'yang mangyari. "P-po?" "Huwag mo nang tangkain ang magkaila, nalaman ko kay nanay Andeng na ikaw nga ang naghatid sa akin sa kwarto ko, at... siguro ay alam na alam mo rin kung ano ang sumunod na nangyari. Dahil sa ating dalawa, ikaw ang may malinaw na pag-iisip nang mga oras na iyon." Dahil nalalaman ni Rita na wala na siyang kawala pa ay umamin na lamang s'ya. "S-ser Martin, pakiusap po, huwag n'yo po akong paaalisin. Pangako po, wala po akong pagsasabihan, kahit kay nanay Andeng pa. W-wala po akong mapupuntahan kapag pinaalis n'yo ako dito, pakiusap po." Nalalaman ni Martin na bilang lalaki ay s'ya ang may pinakamalaking kasalanan sa kanilang dalawa, kaya nalalaman din n'ya na dapat niyang itama iyon. "Alam mo ba na kahit hindi natin sinasadya ang nangyari ay kailangan pa rin nating panagutan iyon? Rita, alam mo ba kung ano ang ibig sabihin nun?" Biglang binalot ng takot si Rita. "B-balak n'yo po ba akong... ipakulong?" Napabuntung-hininga si Martin. "Hindi. Bakit naman kita ipakukulong? Pero, kailangan nating maging responsable. Rita... hayaan mong panagutan ko ang nangyari sa atin." Nag-angat ng ulo si Rita sa pagtataka. "A-ano po, ser martin?" "Ang ibig kong sabihin, ayos lang ba sa'yong... maging girlfriend ko?"Tulala nang makabalik sa gawain n'ya si Rita. Pakiramdam n'ya ay parang panaginip lang ang nangyari kanina.Agad siyang nilapitan at tinanong ng dalawang katulong. "Oy Rita, bakit ka ipinatawag ni ser Martin, napagalitan ka ba?" "Bakit kaya, ano? Hindi naman basta-basta nagagalit 'yong si ser Martin e, ano ba kasi ang ginawa mo?" tanong ng isa.Hindi sumagot si Rita, nakatulala lamang ito habang nagpapaulit-ulit sa isipan n'ya ang mga sinabi ng amo niyang lalaki sa kanya kanina:Nang makitang walang naging reaksyon si Rita ay inisip ni Martin na baka hindi s'ya naintidihan nito, kaya ipinaliwanag n'ya. "Kahit hindi pa natin alam kung magbubunga ba o hindi ang nangyari sa atin, dapat ay maging handa pa rin tayo sa pag-ako ng responsibilidad, kaya ngayon pa lang ay dapat na nating kilalanin ang isa't-isa. Huwag kang mag-alala, hindi naman natin kailangan na palaging magkita, pero dapat ay makapag-spend pa rin tayo ng oras sa isa't-isa kahit paminsan-minsan lang para makapag-adjust tay
"Ay!" naibulalas ni Andeng nang bigla niyang masalubong si Rita at nang halos magkabanggaan silang dalawa. May dala pa naman siyang plato ng pagkain. "Oy Rita, saan ka galing? Bakit wala ka sa kuwarto natin, saan ka natulog kagabi?" "Um... n-nakatulog po kasi ako sa paglilinis kagabi. Napagod po ako, kaya... k-kaya nagpahinga po muna ako, kaya lang nakatulog po pala ako." matapos makapangatwiran ay dali-daling umalis si Rita. Pagpasok sa maid's quarter ay agad siyang kumuha ng damit at naligo. Kailangan umasta s'ya na parang walang nangyari, kahit medyo masakit ang kaselanan n'ya. Ngunit hindi maalis-alis sa isipan n'ya ang nangyari kagabi, sariwa pa 'yun sa kanya."Ay, ano ba yan? Tonta!" singhal ni Roda nang matapunan s'ya ng malamig na juice ni Rita. Habang nagtratrabaho kasi ay lumilipad ang isip nito. Nagpaumanhin agad si Rita. Sa mga del Prado ay dito s'ya kay Roda pinakatakot dahil nalalaman niyang ayaw nito sa kanya, kaya hangga't maaari ay nag-iingat s'ya na makagawa ng pa
"Nanay Andeng, sandali..." tawag ni Martin sa matandang katulong nang makitang may nahulog na papel mula sa mga dala nitong damit.Nanggaling ang matanda sa maid's quarter dala ang mga marurumi nilang damit para labhan ang mga iyon, nang masalubong niya si Martin.Dala ng katandaan at ng mahina nang pandinig ay hindi tumigil si Andeng, bagkus ay nagdiri-diretso ito papunta sa laundry area.Hindi na ito tinawag pa ni Martin, dinampot na lamang niya ang papel sa sahig. Nang bigla niyang ma-spot-an ang pangalan niya sa labas ay na-curious siya kaya binasa niya iyon.Matapos mabasa ay halos lamukusin na niya ang papel.Nang may dumating na katulong ay inutusan niya ito na tawagin si Rita at pasunurin ito sa kanya sa may patyo.."Magsabi ka ng totoo, sayo ba ang sulat na ito?" tanong ni Martin pagdating na pagdating ni Rita.Hindi makasagot ang dalaga, hindi niya alam kung aamin ba siya lalo na nang makita ang tila madilim na awra ng kanyang amo. "S-ser Martin, ano po... m-magpapaliwanag p
Habang nasa biyahe ay tumutulo ang mga luha ni Rita. Kanina, habang pumupuslit s'ya sa likod-bahay nila Lorna para tumakas, ay naririnig n'ya ang pagtatalo nito at ng kanyang ina. Nalalaman n'yang galit na galit ito sa pagtakas n'ya, dinig na dinig din n'ya ang masasakit na sinabi nito."Kung alam ko lang na lalaki siyang ingrata, sana ay nilunod ko na lang s'ya pagkapanganak ko sa kanya! Wala siyang utang na loob!"Napahagulgol si Rita, ngunit inimpit n'ya ang kanyang pag-iyak dahil karamihan sa mga pasahero ng bus na sinasakyan n'ya ay mga natutulog. 'Nay, patawarin nyo sana ako, pero.... hindi ko talaga kaya gawin ang mga ipinapagawa n'yo sa akin.' Matapos niyang mailabas ang bigat ng kanyang kalooban ay guminhawa na rin ang pakiramdam niya at nakatulog. Pagbaba ng bus ay sumakay pa ng jeep at tricycle si Rita. Ibinaba s'ya ng tricycle driver sa tapat ng isang subdivision. "Magandang araw, ho." bati n'ya sa guwardya. "Papunta po ako sa mga del Prado, pinapunta po ako ni Andeng."
"Kakanin! Kakanin kayo diyan!" sigaw ni Rita. Naroon siya sa labas ng isang eskuwelahan, dala ang paninda niyang mga kakanin na nakalagay sa isang basket."Ate, may suman?" tanong ng isang babaeng estudyante. "Meron, ilan?" "Isa lang." Siya si Margarita Luna, o mas kilala bilang Rita. 22 anyos, panganay sa kanilang pitong magkakapatid at naninirahan sa Ormoc. Tumigil siya sa pag-aaral para tulungan ang kanyang ina na kumita ng pera, at dahil lahat ng anim niyang mga kapatid na iba-iba ang ama ay pawang mga nag-aaral na. "Nariyan ka na pala, Nay. Maganda po ang naging benta ko kaya namalengke ako para masarap-sarap naman ang hapunan natin. Tatawagin ko lang po ang mga kapatid ko," ani Rita. "Mamaya mo na sila tawagin. Makinig ka muna, may importante akong sasabihin sa iyo," saway ni Lydia. "Mag-ayos ka at magpaganda mamayang gabi; sasama ka sa akin doon sa bar." Nag-iba ang disposisyon ni Rita, naunawaan agad niya kung ano na naman ang pinaplano ng kanyang ina. "Iyan po ba ang i







