LOGINNAGPALINGA-LINGA muna ang matandang babae bago bahagyang lumapit upang bulungan si Marcus, "May nakita kasi ako noon… Parang… minomolestiya niya 'yung pamangkin niya na may sakit daw sa pag-iisip."Natigilan si Marcus, biglang kumuyom ang mga kamay at tila may kung anong kumulo sa loob-loob niya. Para siyang sasabog ng mga sandaling iyon."Sinabi ko agad sa kapitan 'yung nakita ko," patuloy ng matanda. "Sinugod namin sa bahay nila, pero todo tanggi ang pamilya. Kami pa ang napasama, pinalabas na gumagawa ng kuwento."May isang babae pa ang lumapit nang marinig ang sinabi ng mantanda. "Totoo 'yun," anito. "Minsan pa nga, nagsumbong kami sa pulis. Kaso wala ring nangyari." Bakas sa mukha ang pagkadismaya habang nagkukwento. "Ewan ko ba kung anong ginawa ng pamilyang 'yun at napaniwala nila ang pulis. Hindi na tuloy kami makapagsumbong ulit kasi na-warning-an na kami ng pulis.""Kaya 'pag may nakikita o naririnig ay tumahimik na lang kami," dagdag ng matanda. "Pati ang mga taga-rito, wal
MULA nang malaman ni Marcus ang buong katotohanan ay nagbago ang pananaw niya sa buhay. Palihim siyang nag-aral ng management sa ilalim ni Antonio para sa takdang panahon ay maayos niyang mapatakbo ang organization.At nang matapos sa kolehiyo ay nagpasiya siyang magtrabaho sa malayong lugar upang hindi mahalata ang kanilang plano. Nais nilang dalawang mag-ama na linlangin si Teresa at ang mga kapatid para hindi maghinala dahil nais din ng mga itong makuha ang organisasyon.Habang nasa malayo ay malaya niyang nagagawa ang mga nais gawin. Pabalik-balik siya sa Pilipinas para makasama ang ina. Umuuwi lang siya sa bahay kapag may special ocassion tapos aalis din naman agad para hindi na makasalamuha ang mga kapatid, na walang ibang ginawa kundi ang pagtulungan siya, hindi na nagbago ang ugali—parang mga bata.Sa hindi mabilang at muling pagbisita sa ina, habang ini-enjoy ang beach ay nakatanggap si Marcus ng tawag mula sa ama. Napag-alaman nitong nakidnap si Caitlyn, ang nakakalungkot pa
TAHIMIK lang at hindi nagsalita ang dalawa sa unahan ngunit pagkaraan nang ilang minuto ay napansin ni Marcus na patungo sa bahay ang tinatahak nilang daan."I said, dumiretso tayo sa kompanya," matigas niyang sabi."Bilin sa'min ni Senior Antonio na after niyong magkausap ni Ma'am Gina ay didiretso kayo pauwi. Alam ni Madam Teresa ang schedule niyo sa school kaya pinag-iingat kayo ni Senior."Kumuyom ang parehong kamay ni Marcus, kahit gusto niyang umapela ay pinili na lamang niyang manahimik hanggang sa makauwi sila sa bahay.Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at nang akmang bababa ay may sinabi pa ang assistant, "Sir, hindi po dapat malaman ni Madam na nagkita kayo ni Ma'am Gina. Manatiling lihim ang nangyari sa cabin lalo na ang mga nalaman niyo."Hingang malalim lamang ang naging komento ni Marcus at pagkatapos ay pumasok na sa bahay. Dire-diretso siya patungo sa hagdan kung saan ay makakasalubong niya pa ang madrasta. Natigilan siya, biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ng in
NAKATITIG si Marcus sa ina habang napapailing. Hindi sila nagkakaintindihan ngunit hindi niya iyon masyadong pinagtuonan ng pansin. Ang mahalaga sa kanya ay maialis ito sa lugar.Muli niya itong hinawakan sa kamay at hinila palabas—itinutulak ang mga tauhan na humaharang."Move!" sinigawan niya muli ang mga ito.Hanggang sa tuluyan umiksena na ang assistant. "Sir, mas lalo niyo lang inilalagay sa alanganin ang kaligtasan ni Ma'am Gina kung ipipilit niyo ang gusto niyong itakas siya rito."Natigilan si Marcus, dahan-dahan ang paglingon sabay tingin nang masama sa assistant. Sa isang iglap ay mabilis itong kinuwelyuhan, ang kamay ay nakaamba na para suntukin ito sa mukha."Marcus!" sigaw ni Gina bago pa tuluyang magkagulo. "Bitawan mo siya." Mabilis niyang nilapitan ang anak, pilit inaalis ang kamay nito sa uniform ng kaawa-awang assistant. "Ano bang nangyayari sa'yo?! Ba't mo siya biglang sinugod?"Nanggagalaiti na si Marcus sa galit kaya namumula na ang mukha at kanyang leeg. Gayon pa
KILABOT ang hatid ng impormasyong dala ni Marcus. Kung manganganib din pala ang buhay niya ay bakit kailangang siya pa ang maging alay?"Tinuturing niya ba talaga akong anak?" hindi niya mapigilang isumbat. Ang mga pasiyente at ilang tao sa paligid ay napatingin matapos niyang magtaas ang boses.Naging conscious sila sa mga nakapalibot na tingin kaya nagpasiya si Ezekiel na dalhin na ang mga ito sa pribadong lugar, malayo sa mata ng ibang tao. "Ang mas mabuti pa ay lumipat tayong lahat sa opisina ko." Matapos ay hinawakan niya ang kamay ni Caitlyn. "Mas makakapag-usap kayo nang maayos do'n."Nagpatianod naman ang dalaga hanggang sa makapasok silang lahat. Naglabas ng upuan si Ezekiel para sa apat saka niya piniling tumayo sa tabi ng pinto. Kahit naka-lock ay gusto niyang magbantay habang nakikinig sa mga ito.Sandali muna silang natahimik hanggang sa magsalita si Marcus, "Magulo at nakakatakot ang buhay na kinalakihan ko. Ibang-iba sa isang normal na pamilya na gaya ninyo… Napapatanon
NAPAISMID si Ezekiel sa narinig, noon pa man hanggang ngayon ay hindi na maganda ang kutob niya kay Marcus. "Paki ko sa standards mo? Hindi ko kailangan na makisama sa'yo. Si Sandro lang ang kinikilala kong kapatid niya, not you."Napalis ang ngiti sa labi ni Marcus. Inis na siya ng mga sandaling iyon pero hindi niya ito papatulan, may mahalagang bagay pa siyang dapat pagtuonan ng pansin kaysa rito.Pairap siyang tumalikod at naglakad pabalik sa opisina nito para lapitan si Caitlyn. Tumindi ang iyak nito nang makita siyang papalapit."Leave me alone… ayokong kausapin ka.""Kailangan mong bumalik do'n, hinihintay ka ni Papa. May mahalaga siyang sasabihin.""I don't want to. Kung may gusto man siyang sabihin, ipasa na lang niya sa'yo," ani Caitlyn."Don't act like a child."Nagpanting ang tenga ni Caitlyn sa narinig. Tiningnan niya nang masama si Marcus, na kung dati ay lagi lang nakangiti sa kanya at nakikipaglokohan. Ngayon, ay parang ibang tao na ang nasa harap niya at seryosong naka
HABANG pumapara ng masasakyan ay tumunog ang cellphone niya, tumatawag si Mika, “Caitlyn! May problema!”Bakas ang pagkataranta sa boses ng kaibigan kaya siya naalarma. “Bakit, anong nangyari?” tanong ni Caitlyn.“May nangyari sa condo! Nagka-leak sa banyo kaya binaha ang buong unit. Buti na lang w
PAYAPANG nakaupo si Caitlyn sa bench habang pinagmamasdan ang paligid. Nasa garden siya ngayon, iba’t ibang bulaklak ang nakikita niya. Mula sa kanang bahagi ay mapagmamasdan ang unti-unting paglubog ng araw, kung hindi lang nakakasilaw ang sinag ng araw ay kanina pa siya nakatitig sa nagkukulay ka
KADALASAN sa hapon bumibisita si Meriam sa ospital pero nang araw na iyon ay maaga siya sa nakasanayan. Tanghali para makasabay sa pagkain si Caitlyn. “Pinaluto ko ang paborito mong pagkain at baka namimiss mo na,” malambing niyang sabi habang inilalabas ang mga container sa dalang bag.Inayos nama
SA HALIP na si Sandro ang bumisita, ang assistant nito ang pinapunta sa ospital para ipaliwanag ang nangyari sa sasakyan ni Caitlyn.Maingat na tumayo sa gilid ng kama. “Tapos nang masuri ang kotse at ayon sa mga pulis ay electronic issue ang nangyari sa brake ng sasakyan."Napakunot-noo si Caitlyn







